Megani Chantal Zaldua is a rebellious daughter of a powerful politician in their town. Because of the unexpected accident, she was involved in, she suddenly went back in 19 century, to finish a special mission. And that was to change her ancestor's biggest sin in the Montemayor family. Megani is reincarnated in the body of the kind and obedient daughter of a gobernadorcillo, named Archangel Maristella Zaldua. She promised herself that she would not associate herself with the Montemayors. But destiny is deliberately really playful. She met unexpectedly a gentleman named Aristotle Montemayor and she did not realize that she had completely fallen in love with the young man. But, will she be able to fight her love for the young man if she is already tied to someone else and someone already owns her? Will she be able to complete the mission even though she needs to sacrifice her happiness?
Nangangalit ang kalangitan na tila nakikiayon ito sa dilim ng kanyang kalooban. Walang tigil ang pagbuhos ng ulan, ngunit hindi nito nahugasan ang sugat sa kanyang puso. Pagod ang kanyang katawan at sa ilang sandali ay bibigay na ito.
Hindi niya lubos maisip kung bakit ito ang kanyang kinahantungan. Ang gabi ay hindi kailanman naging payapa sa kanya.
Ang tanging paraan upang makamit ang kapayapaan ay ang makasama ang minamahal.
Tumutulo ang kanyang luha habang inaalala ang lahat. Hindi na niya nanaising mabuhay pa sa malupit na mundo na kinamulatan niya. Isang kasalanan sa Diyos ang kanyang gagawin ngunit higit sa isang kasalanan ang mabuhay sa mapait na reyalidad na siya ang may kasalanan kung bakit maraming tao ang nagdudusa. Oo kasalanan niya ang lahat. Kasalanan niya.
"Perdóname, Aris. Todo es mi culpa. Lo siento. Si pudiera regresar el tiempo, lo haría, incluso si el intercambio fuera mi propia vida. " ( Patawarin mo ako, Aris. Kasalanan ko. Patawad. Kung maibabalik ko lang ang panahon. Gagawin ko. Kahit na ang kapalit nito ay ang sarili kong buhay.) "
"Lo siento." ang huling katagang kanyang sinambit bago ipikit ang mata at hinayaan ang sariling lumubog sa tubig
Habol ang hininga akong napabalikwas sa aking kama. Hinawakan ko ang dibdib at napapikit ng maramdaman ang malakas na tibok nito.
Isang luha ang kumawala sa aking mata. Mabilis ko itong pinunasan. Ang mga malalabong larawan na iyon ay paulit ulit na sumasagi sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit.Hindi naman ako nawalan ng ala-ala. Wala sa akin kailan man sinabi si mama.
Hinilamos ko ang kamay sa mukha. Mas mabuting di ko muna isipin iyon tiyak na maloloka lang ako.
"MEGANI! GISING NA! MAHUHULI KA NA SA KLASE!"
Napakamot ako sa ulo ng marinig ang mala megaphone na boses ni mama. Hay! ayan na naman siya. Hindi ko na kailangan ng alarm clock. Sa lakas ba naman ng boses niya,abot hanggang kabilang baranggay.
"Eto na!" Irita kong sigaw at tamad na nagtungo sa cr.
Tinignan ko ang sarili sa repleksyon sa harap ng salamin. Agad din akong napasimangot ng makita ang dalawang itim na circle sa ilalim ng aking mata. Ayan Megani puyat pa.Ipagpatuloy mo lang yan.
Mabilis akong naligo dahil sisigawan na naman ako ng nanay ko. Kailangang maghilod baka makasalubong ko si crush hihi.
Sa totoo lang di naman ako takot mahuli sa klase.Who cares? Marunong akong mag over the bakod. Tsaka close ko si manong guard. Palagi ko siyang nililibre ng potchi. Wala rin magagawa ang teacher ko kong late ako.Sanay na sila sa akin at para saan pa ang pagiging anak ng mayor.Megani abusado!
Matapos maayos ang sarili agad din akong lumabas sa kwarto. Hindi ko gugustuhin na makita si mama na may hawak na sandok habang hinahabol ako.
Nakasalubong ko pa ang kuya kong unggoy habang hawak ang cellphone nito. Malamang ay nagpo-post na naman siya sa IG niya kahit 5 lang naman ang followers.
Awtomatiko akong napairap ng makasalubong ang malawak nitong ngisi. Mukhang aso.
"Good Morning My Dear Sistah!"
Masigla nitong bati na para bang hindi niya ginawang basahan ang mamahalin kong dress kahapon, na dapat ay isusuot ko sa date namin ni crushie. Langya talaga pag ako lang talaga nakaganti. Iiyak ito ng malala.
Sinamaan ko siya ng tingin at malakas na binatukan.
"Good Morning Pedro!"
Malakas siyang napatili na para bang inahing baboy. Mabilis akong tumakbo pababa para di niya ako maabutan.
Binelatan ko siya at mas lalong nagbunyi ng makita ang namumula niyang mukha sa sobrang galit.
"Megani Chantal! Yari ka talaga sakin pag naabutan kita!"
Nakangisi akong lumingon sa kanya.
"Kung maabutan mo ako." Pang-aasar ko pa at tumawa ng walang katapusan.
Hingal na hingal akong nakapunta sa dining area. Galit namang tumakbo papalapit sa akin si Pedro at akma din akong babatukan.
"MAMA SI KUYA BABATUKAN AKO!!"
Malakas kong sigaw upang hindi niya matuloy ang malagim niyang plano. Kapag nabatukan niya akong malamang mabobobo na naman ako. Mahirap na!
"PETER CLINT! ANO NAMANG GINAGAWA MO SA KAPATID MO?"
Malakas na sigaw ng nanay ko habang hawak niya ang most powerful niyang weapon. The Sandok.
Napanguso naman ang unggoy at nagpapaawa pa. Mukh siyang tanga.
"Ma si Megani kasi eh.Siya ang nauna wala naman akong ginagawa." Nakangusong saad ni kuya. Matalim naman akong tinignan ni mama habang ako ay patay malisya at naghahanap ng butiki sa kisame. Friends kami non.
"Mga batang ito parang di kayo magkapatid.Kami noon ng tita niyo blah blah blah blah."
At ayan na naman magsisimula na naman ang mala MMK na kuwento ni mama. Paulit ulit. Para siyang sirang plaka.
Dumiretso kami ni kuya sa lamesa at tahimik na kumain doon. Kapag nagkakatinginan kami ay tahimik kaming tatawa at susulyap kay mama. Ayun si manang Tarsing naman ang kinuwentuhan niya na halatang napipilitan lang.
Natahimik lang ang buong bahay na tila may dumaang anghel ng dumating ang padre de pamilya.Si Don Rodolfo Zaldua.
Kagigising lang niya. Himala alas otso siya nagising. Papamisa naba ako? Lumuwag siguro ang turnilyo ng lasenggero kong ama. Ang tibay din ng kidney nito. Sa lakas niyang uminom,hindi man lang siya dinapuan ng sakit. Araw Araw niyang ginagawang tubig ang alak.
"Megani ano naman itong nababalitaan ko?" Palihim akong napairap. Palaging ayan lang ang bungad niya sa akin.Unique talaga siya mag greet ng good morning.Sobrang sweet.
"Nasangkot ka na naman sa gulo.Wala ka ng ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit sa ulo.Kailan kaba tatanda?" Sermon sa akin ni Erpats. Syempre pag nag birthday ako duh.
Ako pa sinisisi niya sa sakit ng ulo niya. Eh siya kaya palagi may hang over dyan.
Sumulyap ako kila mama at kuya.Tawanan ba naman ako. Parang hindi kapamilya.
Sa sobrang inis ko ay agad akong tumayo at kinuha ang bag. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nila ngunit nag bingi bingihan lang ako. Bahala kayo diyan.
"TABI DADAAN ANG MAGANDA!"
Malakas kong sigaw habang nakikipagpatentero sa mga slapsoil na paharang harang sa daanan ko. Peste!
Mukhang may tutuli yata sila at hindi man lang ako tinapunan ng atensyon. Napaikot ang mata ko sa sobrang iritasyon.
Bingi lang? Psh! Ayaw niyo ha! Then dont blame me sa gagawin ko. Ang tamaan ilag.
"TUMABI ANG HINAROT PERO DI JINOWA!"
mukhang effective naman dahil mas mabilis pa sa alas kwatro silang nagtabihan at sinamaan ako ng tingin. Ayy ang daming magiging malamig ang pasko.
Ngiting tagumpay akong naglalakad habang tinatahak ang daan papuntang classroom. Mas lalo pang nagbunyi ang puso ko ng makita ang pinaka magandang tanawin sa buong mundo. Natatanaw ko lang naman mula sa di kalayuan si crush.
Nataranta ako at mabilis na nagtago sa pader. Nilabas ko ang salamin at nagretouch.Kailangan maging maganda ako sa harap ni crush kahit undeniably beautiful naman ako. Para mas lalong mainlab sa akin ang future ko.
Confident akong lumabas mula sa pinagtataguan at pakendeng kendeng na naglakad. Miss universe ako wag kayong epal!Inirapan ko ang mga kampon ni Marites na pinagchichismisan ako. Mga inggitera!
Nang malapit na sa akin ang kinabukasan ko ay umakto akong madadapa. Dahil dakilang gentleman ang bebe ko ayun sinalo ako ng alagang gym na mga braso niya. Hihihi! Enebe kenekeleg akesh!
"Hey! Meg Are you okay?"
nag-aalalang tanong ni crush. Napakagat ako sa labi at pilit tinatago ang pamumula ng pisngi. OH! Instant blush on.
"Ah eh. Okay lang. Salamat ha." mahinhin kong sagot. Ngumiti naman ito na parang nag e-endorse ng bagong brand ng toothpaste. Dahilan para tuluyang malaglag ang puso ko kay maylabs so sweet.
"Next time be careful okay." Kinurot pa niya ang pisngi ko bago umalis.HUHU! pusang gala ang lambot ng kamay.Hindi ako magsasawang kurutin niya kahit mamaga pa ang pisngi ko.
"O!M!G! Did you see that girls? That Megani is so ilusyunada. Akala mo nama kinaganda niya."
Parinig ng isang inggitera na sinundan ng mga tawanan ng kampon niya.
Mataray kong hinarap ang bruha na mukhang paa. Akala niya uurungan ko siya.NO WAY! NEVER!
Tinaasan ko ito ng kilay at nag cross arms.
"Of course Britney nakita nila syempre may mata sila diba.Tss. Ako ilusyunada? Eh ano tawag sa iyo inggitera. Paano kasi hanggang titig ka lang. Kahit hibla ng dry mong buhok ay hindi man lang nahawakan ng mylabs ko. Alam mo pag inggit pikit."
Galit na galit naman na sumugod sa akin ang bruha.Ayy guilty! Namumula ang mukha niya sa sobrang galit at para siyang sasabog na bulkan.
"How dare you! Malan-" hindi niya pa natatapos ang sasabihin ng iharang ko ang bagong manicure na daliri sa bunganga niya.
"Wag kang mag salita please.Umaalingasaw eh." Pang aasar ko.Flinip ko ang hair bago siya lagpasan. Hays. Masasayang lang ang oras ko sa bruhang iyon. Wala naman siyang ambag sa lipunan. Puro kamalditahan at chismis.
Nasa tapat na ako ng classroom at akmang papasok na ng biglang bumulaga sa akin ang isang hindi inaasahang delubyo.
Awtomatiko naman akong napangiti ng matamis at nagpacute.
"HI SIR!" Tinaasan ako nito ng kilay.
"Itigil mo iyan Ms.Zaldua nakakasuka. Hindi bagay sa iyo." malakas niyang sigaw. Napatakip tuloy ako sa tenga at napanguso.
"Ang harsh mo naman sa akin sir. Tsaka correction po soon to be Mrs.Gatchalian na po ako."
"Wow! Anong nahithit mo naman Megani? Uminom ka ba ng vitamins? High ka na naman." mataray niyang litanya habang nakapameywang pa.
"Si sir naman. Alam niyo po blooming po kayo today. Nangingibabaw po ang inyong kagandahan." Pambobola ko sa kanya.Baka sakaling mauto ko.
"At sa tingin mo ba madadala mo ako sa pambobola mo Ms.Zaldua? Ano naman ang rason mo ngayon at bakit late ka?"
Napangiwi ako.Ayy hindi gumana.Sayang naman.Kainis patay na naman ako.Tiyak na magsusumbong ito kay yorme.
Sipsip rin ito eh.
"Ah kasi po may nangyaring aksidente sa daan. Nagkabanggaan po yung poste at bus. Ay yung tao po pala ang nakabangga sa bus. Mali po, wala po palang bus. Yung poste po ang bumangga sa tao. Parang mali? Basta po ganoon may banggaan."
Sarkastikong tumawa si Sir at nanlilisik ang mata na tumingin sa akin. Parang may lacer ang mata niya. Nakakatakot!
"Napakagaling mo talaga Ms. Zaldua noh. Kung kurutin kaya kita sa singit bata ka!" Agad akong lumayo kay sir.Baka totohanin niya at kurutin niya talaga ako.Sumbong ko siya kay daddy.
"Sige na pumasok ka na! Aatakehin lang ako sayong bata ka."
gulat akong napatingin kay sir at tinuro ang sarili.
"Ako po sir?" Tinignan niya ako na parang nawawalan ng pasensya. Galit na yarn.
"Ay hindi. May iba ka pa bang nakikita sa tabi mo? Palagi na ngang late wala pang laman ang utak!" Sermon niya sakin ulit.
Napayuko naman ako at napasimangot.Hmp! Sungit talaga nagtatanong lang ei.
Masama ang loob kong pumasok sa room at padabog na umupo sa upuan ko.Magaling talaga manira ng mood itong teacher namin.Mukha pa lang niya nakakasira na ng araw.
Napatingin ako kay Cristine na katabi ko, ng marinig ang mahinang pagtawa nito habang napapa iling iling. Masamid ka sana. Inirapan ko siya at dumukdok sa mesa.
"Okay class bring your ballpen. We'll having a test for today. Make sure na nakapag review na kayo. Pag bagsak drop agad.Understand?"
Napaangat ako ng ulo at nanlalaki ang mata na napatingin kay Cristine ng marinig ang sinabi ni sir.
"Tine may test tayo ngayon.?" gulat kong tanong
"Oo diba kasasabi lang ni sir kahapon? Di mo ba narinig?"
taka niyang sagot.Napasapo ako sa noo ko.
Anak ng pitumpu't pitong puting tupa! WOAH! I love my life!
Ang sarap talagang mabuhay sa mundong ibabaw.Bakit? Bakit?
Paano ko sasabihin kay ermat at erpat na hindi na ako makakapasok sa school? Na habambuhay na akong mapapawira?Parang gusto ko na lang maging hotdog o kaya ay lamunin ng lupa.
SANA AY ISA LANG ITONG BANGUNGOT!
Chapter 1 Nightmares
02/04/2022
Chapter 2 Unexpected Accident
02/04/2022
Chapter 3 Biggest Sin
02/04/2022
Chapter 4 The Diary
02/04/2022
Chapter 5 Mother's love
02/04/2022
Chapter 6 Her Secret
02/04/2022
Chapter 7 In the middle of night
02/04/2022
Chapter 8 Enjoy the night
02/04/2022
Chapter 9 Witch
02/04/2022
Chapter 10 The battle of two maldita's
02/04/2022
Chapter 11 Market
02/04/2022
Chapter 12 The Necklace
02/04/2022
Chapter 13 The monster's soft side
12/04/2022
Chapter 14 Stubborn Senyorita
22/04/2022
Chapter 15 Her soft side
22/04/2022
Chapter 16 Visitor's
30/04/2022
Chapter 17 Pain
30/04/2022
Chapter 18 Mysterious hot man
30/04/2022
Chapter 19 Bestfriend
30/04/2022
Chapter 20 Chitchat
30/04/2022