Marco Mendoza has spent his whole life just to find and get revenge on the man who has done so much wrong to him. He agreed to its deal that he would make his son pay off his debt to gain his trust even more. As the deal continued, Lee agreed to live and stay with Marco with no choice. He gradually came to know his true identity and intentions, unaware that he fell in love with Marco. As Marco delves into his revenge plan, he would gradually discover a shocking revelation that happened in the past. The secret that surrounds the true persona of him and Lee. Will Marco continue his feelings towards Lee after knowing the past secret? Will he just continue the revenge or follow Lee's advice to choose forgiveness?
"Hmmm, sumasakit na ang ulo ko sa exam na ito. Bakit parang hindi naman lumabas sa papel na ito ang mga pinag-aralan ko kagabi," ani ni Lee sa sarili na pilit pa rin iniintindi ang mga tanong. He rubbed the side of his head para ma-relax pero hindi nakatulong na mag-umpisa ng mag-countdown ang professor nila.
"Two minutes remaining," ani ng professor nila ng mag-umpisa ng mag-ikot sa klase.
Napasinghap siya at tinaob na ang paper exam. Tulala lang siyang nakamasid sa labas ng room at napaisip kung saan lupalop nakuha ng professor nila ang mga tanong sa exam. Tumayo na siya sa kinauupuan at pinasa na ang paper exam. Napaigik naman siya ng bigla na lang sundutin sa tagiliran ni Maxi, ang bestfriend niya. Lumapit ito sa kanya habang nililigpit niya ang mga gamit.
"My God! Grabe natawag ko na ata lahat ng Santo para lang makakuha ng sagot eh," natawa na lang siya sa sinambit ni Maxi.
"Ano tara na?" aya sa kanya ni Maxi.
"Saan?" nagtaka itong lumingon kay Maxi.
"Hello? Nakalimutan mo ba sinabi ko sayo kanina na samahan mo ko sa mall."
"Bakit hindi ka na lang magpasama sa boyfriend mo?" tanong niya at inikutan lang siya ng mata ng kaibigan. Napabuntong-hininga na lang si Lee dahil alam na niya ang isasagot ng kaibigan.
"Hiwalay na kami," sabay nilang sambit na dalawa. Lee knew it, maghihiwalay silang dalawa tapos ilang araw magbabalikan.Iniwan na niya ang kaibigan at lumabas na ng room. Mabilis naman siya nitong sinundan at nagpupumilit na samahan siya nito. Hindi na nakatiis si Lee at umayon na sa kagustuhan ng kaibigan
"Fine, okay. Sasamahan na kita," ani niya at hinila na siya ni Maxi papunta sa parking lot.
Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi maiwasan ni Lee na makita ang isang mag-ama na patawid sa kalsada. Naalala niya bigla ang tatay niya na matagal ng hindi nagpapakita sa kanila ng kuya niya. Napatakla na lang siya ng maalala na hindi nga pala tanggap ng ama niya ang tungkol sa kanyang kasarian. Ito siguro ang dahilan kung bakit malayo ang loob ng ama sa kanya pero nagpapasalamat pa rin siya ng nagkaroon siya ng Kuya, si Xander na tanggap siya sa pagiging pusong-babae. Naputol lang sa pagmumuni-muni si Lee ng makatanggap ng message. Tinignan niya ito at napangiti na lang ng mabasa ang message mula sa boyfriend ng kaibigan niya na nagtatanong kung saan silang dalawa.
"Lee? Let's go." Napalingon siya kay Maxi at napansin na nakarating na pala sila sa Mall. Isinuksok na niya sa bulsa ang cellphone pagkatapos niyang replayan ang taong nag-message sa kanya.
Ilang oras pa sa paglibot sa mall ay naisipan na muna na nilang kumain bago umuwi. Nagpaalam siya sa kaibigan na hindi na siya sasabay sa kaibigan at naisipan niyang bisitahin ang kapatid.
"Hindi na ko sasabay Maxi pauwi. Pupuntahan ko na lang si Kuya malapit lang naman opisina niya dito," sambit niya.
"Are you sure? Pwede naman kita ihatid na doon sa opisina niya," ani nito na busy sa pagkain niya.
"Wag na saka nakakahiya naman kung maiistorbo pa kita," napakunot-noo naman ang kaibigan sa nasambit ni Lee. "Look." Turo niya sa likuran ng kaibigan.
"Hello," bati sa kanila ng isang lalaki. Napangiti na lang si Lee sa kaibigan ng masama siyang tinignan.
"What? You know what kailangan ko ng umalis at baka hindi ko pa maabutan si Kuya. Bye!" paalam niya sa dalawang magjowa.
Naisipan na lang ni Lee na maglakad papunta sa opisina ng kuya niya tutal malapit lang naman ito sa mall. Tinignan niya muli ang kanyang cellphone ng hindi pa rin nito sinagot ang mga messages na pinadala niya. Tinawagan na lang niya ito ng marating na niya ang opisina.
"Hello kuya, na-received mo ba message ko?"
"Yeah, asan ka?"
"Nandito sa harap ng building niyo. Sa may parking lot."
"Just wait me there. Pababa na ako."
"Lee?" Napalingon siya sa taong tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na niya nasagot ang kuya sa kabilang linya. Parang tumigil ang mundo na kaharap niya ang taong sa walong taong hindi nagpakita sa kanilang magkapatid, ang Ama nila. Napasinghap siya ng lapitan at yakapin ng kanyang ama sa unang pagkakataon. Hindi niya maintindihan ang nararamdamanan ng ngumiti ito sa kanya at kausapin.
"Nabanggit ba ng kuya mo na nandito ako? Hay! Ang kapatid mo talaga hindi man lang inantay na surpresahin kita. Oh! By the way, Lee may ipapakilala ako sayo."
Giniya niya si Lee sa taong kasama niya kanina. "Mr.Marco, anak ko si Lee." Pagpapakilala ng ama niya sa taong nasa harapan nila.
"Nice meeting you. Finally." Pakikipagkamay niya kay Lee. Naiilang na tumingin si Lee sa kanya. Mababakas ang malakas na awra nito, matangkad at magandang hubog ng pangangataawan. Nabigla na lang si Lee ng napahiwalay siya sa kamay ng taong kaharap niya.
"Hindi ba masyadong matagal na ang hawak mo sa kapatid ko," malamig na turan ng kapatid ni Lee at hawakan ang braso niya.
"Xander,"malalim na tawag ng ama nila.
"What? Just mind your own business. Uuwi na kami."Hinila na niya si Lee at iniwan ang kanilang ama.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Xander. Binabagabag siya ng nangyaring pagtatagpo nilang mag-aama. Napabuntong-hininga na lang siya ng malalim at naisipan na tumambay na lang sa labas. Sinisimsim ang alak ng mapawi ang pag-aalala niya para sa kapatid na si Lee.
"Di makatulog?" Napalingon si Xander sa nagsalita at napaikot na lang ang mata niya. Aalis na sana si Xander ng magsalita ang ama niya.
"I guess you understand my situation, Xander," ani ng ama niya.
"Understand? How will I understand that you make a deal without us knowing. Ni hindi ko nga alam kung anong klase ang pagkatao ng business partner mo. Matagal kang nawala tapos ngayon babalik ka at ituturing mo na anak kami. Wow! such a dramatic caring Dad." Nanggagalaiti ng tugon ni Xander ng maalala niya ang biglaang pagsulpot ng ama sa opisina at malaman ang intensyon ng pagbalik niya.
Napahinga ng malalim si Xander bago ito muling nagsalita. "Fix your own problem. I will do whatever it takes hindi lang mangyari ang deal na gusto mo. Pasensyahan na lang ho kung di ko mapigilan na mapatulan kayo balang-araw."Pabagsak niyang lapag ng baso sa mesa.
"I know you will never dare to hurt your Dad."
Napatakla na lang siya sa narinig mula sa ama."Matagal na akong walang ama," galit na sambit niya at tuluyan ng iniwan ang ama.
Chapter 1 INTRODUCTION
04/04/2022
Chapter 2 THE CONFRONTATION
04/04/2022
Chapter 3 ENCOUNTER
04/04/2022
Chapter 4 THE DEAL
04/04/2022
Chapter 5 ESCAPE
04/04/2022
Chapter 6 FEAR
04/04/2022
Chapter 7 CONFUSED
04/04/2022
Chapter 8 TRUTH
04/04/2022
Chapter 9 AWAKEN
04/04/2022
Chapter 10 ANOTHER DEAL
04/04/2022
Chapter 11 BELONGINGS
04/04/2022
Chapter 12 VISITOR
04/04/2022
Chapter 13 MEET THE FRIENDS
04/04/2022
Chapter 14 CLOSURE
04/04/2022
Chapter 15 TEASE
04/04/2022
Chapter 16 FEUD
04/04/2022