Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
The Power Of Love (Tagalog

The Power Of Love (Tagalog

Mysteriouslay

5.0
Comment(s)
928
View
40
Chapters

Siya si Xatana, isang matalino, mabait, mayaman, maganda at matapang na babae. Marami itong kaibigan, lahat sila ay mayayaman ngunit hindi nila inaasahan na plano silang ipakasal sa mga lalaking hindi nila mahal o kahit na kilala. Tumakas sila at may nakilalang mga lalaki. Dahil sa nakaraam ni Xatana ay takot na itong magmahal. Wala na itong pake sa true love, forever at happy ending. At ang destiny na ngayon ay tingin na nitong destruction. Mabubuksan bang muli ang puso nitong natakot at nasaktan? Ano nga bang kapangyarihan ng isang pag-ibig o pagmamahal? "I'm not upset that you lied to me, I'm upset because from now on I can't believe you."

Chapter 1 1

XATANAS POV

"Estella ano na? Tutunganga ka na naman d'yan!"

Agad na sigaw ni Van ang narinig ko pagkalabas ko ng kwarto ko. Hinayaan ko lang silang magsigawan d'yan. Mapapagod rin naman sila hindi ba?

Bumaba na ako sa may hapagkainan at doon nakita ko si Ria na nag-aayos ng pagkain namin.

Anong oras na ba?

"Van and Stel, bumaba na kayo at kakain na dito. Umagang-umaga ang ingay n'yo!" Sigaw ni Ria doon sa dalawang maingay na nasa taas.

Tsk, silang dalawa lang naman ang mahilig magsigawan na akala mo malayo sa isa't isa.

"Ok ito na, pababa na kami!"

Sigaw rin ni Stel at pababa na silang dalawa, doon naman si Van sa likod ni Stel na nakasunod lang sa pagbaba nito. Umupo na kaming apat pagkababa nila. Nagugutom na din ako, hayst.

"Ria, ikaw talaga ang kusinera dito sa ating apat." Bigla namang tumawa itong si Van sa sinabi nito kay Ria.

"Hindi naman kasi kayo nagluluto!" Oww, ouch naman sa hindi kami nagluluto, pft.

Ngayon dito naman sila nag-uusap-usap sa may hapagkainan namin kasama na si Ria.

"Xat, ang ingay mo talaga, grabe!" Tsk, sarcastically saying?

Paninimula ni Van sa akin. Matagal na akong tahimik at alam kong sanay naman na sila.

"Hayaan mo na s'ya Van, hindi ka pa ba nasanay sa babaeng 'yan. Daig pa lalaki kung maging tamad magsalita." See? Si Ria na nagsabi, teka!

Bigla namang sumeryoso ang mukha ko sa sinabi ni Ria at nakita naman ito ni Stel. Ihalintulad ba naman ako sa lalaki?!

"Kung ako sa inyo, hindi na ako magsasalita tungkol sa mga lalaki." Tumingin naman ako kay Stel sabay titig ko doon sa dalawa. Umiwas naman sila ng tingin sa akin.

Matapos ng kadaldalan nilang yun ay nag-ayos na kami ng pinagkainan naming apat.

Mga ilang minuto ay kinuha na namin ang mga gamit namin. Magkakatabi lang ang mga gamit naming apat, nasa may lalagyanan lang naman namin.

"Let's go girls! Kailangan na nating magtrabaho. Mamaya kita-kita na lang tayo, ok?"

Masiglang sabi ni Stel t'yaka naman kami tumango.

Nagsimula na kaming pumunta sa mga rutang daraanan namin papunta sa trabaho namin.

Ito nga pala ang unang araw namin sa trabaho na pinasukan namin. Sana kayanin naming apat lalo na ngayong magkakahiwalay kami ng papasukang trabaho.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Buti pa sa akin walking distance lang, kayang-kayang lakarin. Hindi ko lang alam sa tatlong yun. Hindi naman nila sinasabi kung na saan ang lugar ng trabaho nila. Hmmm, balang araw makikita ko rin naman kung saan yan.

Sa ilang minutong paglalakad ko ay nandito na ako sa tapat ng pintuan kung saan ako magtratrabaho.

Yes, ito na Xatana. Ready na ako!

Binuksan ko na ang pintuan at laking gulat ko ng makita ang loob ng gusali na ito. Ang ganda dito, masyadong maayos ang lugar at talagang pinag-isipan ang lahat dito. Maluwag pa.

"Uhm Miss, ano pong kailangan n'yo? Kung kay Mr. CEO po ay mamaya pa po ang meeting n'yo sa kanya."

Nagulat ako ng biglang sumulpot ang babaeng ito sa hindi ko alam na lugar kung saan s'ya nanggaling.

"Hindi ako nandito para sa meeting, nandito ako para magtrabaho. Hello, I am Xatana Lockwood, nice to meet you."

Pagpapakilala ko naman sa kanya.

"Ayy sorry! Akala ko isa kang business partners ni Mr. CEO. Hello and sorry, I'm Drixie, secretary of Mr. CEO. Nice to meeting you too."

Nilahad nito ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito.

"Iniintay ka na ni Mr. CEO, akala ko nga baka ma late ka pa, ayaw pa naman n'ya ng late. Goodluck Ms. Lockwood."

"Thank you Ms. Drixie, aakyat na ako."

Tumango na lamang ito t'yaka naglakad na palayo. Ngayon paakyat na ako kung saan ang office ng CEO dahil naroroon daw s'ya.

Pagkarating ko sa office nito ay kumatok na ako.

"Come in."

Narinig ko naman ang isang boses lalaki sa kabilang kuwarto.

"Hello Mr. CEO, I'm Xatana Lockwood."

Pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Hmmm, my Chief Secretary, right?"

"Yes Sir, I am your Chief Secretary Lockwood, Sir."

"That's great. You're not late today Ms. Lockwood."

Ang haba ng intro ah? Pft, kidding aside. Pero teka saan kaya ang office ko as Chief Secretary?

"Where's my office, Sir?"

"There, if I call you malapit ka lang dito sa tabi ko so hindi ako mahihirapan at hindi ka matatagalan pumunta dito. By the way, ngayon ang umpisa mo right?"

"Yes, Sir."

"Give me my coffee."

"Yes, Sir."

Nagpaalam na ako sa kanya at nagtungo na sa lugar kung saan daw ang office ko. Umupo na ako at inayos ang mga papel na nakalagay dito sa desk ko.

Ilang sandali lang ay may kumatok sa pintuan at pumasok dito ang isang magandang babae na kinulangan sa tela. Tsk, pakitang kaluluwa in short.

"Hi Babe!--ohh who is she?"

Malanding boses nito. Tsk, a bitch as usual. Nakakainis, makakuha nga muna ng kape.

Umalis muna ako sa office para kumuha ng kape.

"Can you please Crimercia, I'm busy."

Naiiritang sabi ni Mr. CEO, kasi naman nakakairita sa sobrang landi ng higad na'to tsk!

I know kung anong gusto ni Mr. CEO dahil binasa ko mga background niya. Hindi naman masama right?

"Tell me, who is she?!"

Sumigaw na yung babae at itong si Mr. CEO nagpipigil na. Halata sa pagkuyom ng kamao nito na nagpipigil s'ya.

"Get out Crimercia!"

Sumigaw na rin si Mr. CEO at hinampas pa nito ang lamesa n'ya kaya nagulat ang babae.

Hayst, pumunta na ako sa office dahil sa sobrang lakas ng boses nung babae. Nakakairita na, sarap takpan ng uling.

Lumapit ako kay Mr. CEO at ibinigay ang kape dito. Matapos no'n ay lumapit ako sa babaeng ito. Pinakatitigan naman ako nito ulo hanggang paa. Napansin din nito na matangkad ako sa kanya. Ilang inches lang ang ikinatangkad ko.

"Sorry pero sinabi na ni Mr. CEO na lumabas na daw kayo Ma'am."

Mahinahong ani ko sa kanya, kaso hinarap naman n'ya ako at sinigawan.

"Anong akala mo sa'kin susunod ako sayo?! Baka hindi mo kilala kung sino pinagsasabihan mo?!"

Nagwawala na sya sa galit dito sa loob ng office ni Mr. CEO.

"Sorry but not sorry Ma'am. hindi ko naman ata kailangang kilalanin ka pa. Depende kung amo kita at mataas ka sa'kin para kilalanin kita."

Susugurin na sana ako ng babaeng ito pero humarang na si Mr. CEO at pinigilan s'ya.

"Ipapakilala ko ang sarili ko sayo babae! Ako si Crimercia Lee, ang mapapangasawa ni Granger Hunt! At ikaw kutong lupa lumapit ka sa akin ng matikman mo hinahanap mo!"

Nagpupumiglas s'ya kay Mr. CEO dahil pinipigilan s'ya nito na sugurin ako. Nagulat na lamang ako ng biglang itulak ni Mr. CEO ang babae kaya nakalayo s'ya sa amin.

Lumapit si Mr. CEO sa aking tabi at humarap doon sa babae t'yaka nagsalita.

"Wala akong alam na may mapapangasawa ako na isang katulad mo Ms. Lee, umalis ka na dito!"

Nagdadalawang isip pa ito kung aalis ba s'ya o hindi.

"Ito ang tandaan mo babae! Oras na malaman ko kung sino ka. Kung ano yang pinagmamalaki mo. Magugulat ka na lang kinalaban mo ang isang Lee! I will make your life miserable hanggang sa magmakaawa ka, remember that!"

Tyaka sya umalis ng padabog dito sa office.

Peste s'ya! Unang araw bwinibwisit ako?!

"Sorry Mr. CEO, dapat tumawag na lang ako ng security para mapadali. Naistorbo pa tuloy kayo sa ginagawa n'yo. Sorry Sir."

Pagpapaumanhin ko, baka kasi tanggalin ako dito. Unang araw pinaalis agad? Anong sasabihin ko sa tatlong yun diba?

"Nothing to worry about and don't say sorry. Ginawa mo lang kung anong dapat."

Natuwa naman ako sa sinabi nito.

"Salamat Sir. Babalik na ako sa trabaho ko."

Bumalik na ako sa desk ko at doon ginugol ko ang mga oras ko sa mga papers na nakatambak at mga questions ng mga kasamahan ko. Buti sanay na ako sa mga ganito.

Natapos na ang trabaho ko at nag-aayos na ako para makauwi sa tinutuluyan naming magkakaibigan.

"Ms. Lockwood, good job."

Biglang sulpot ni Mr. CEO tapos deretyo alis na s'ya.

Good job daw? Anong meaning yun, teka, malamang dahil lang naman sa kasipagan ko. Yun lang naman ginawa ko.

"Makauwi na nga lang."

Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng office tapos bumaba na ako at lumabas ng building.

Maglalakad lang naman ako, malapit lang sa tinitirhan naming apat.

Nagsimula na akong maglakad pauwi sa amin. Matapos ang 15 minutes ay nakarating na rin ako.

"Hello girls!"

Pagbati ko sa kanila na ngayon ay nasa may tapat ng gate namin.

"Ohh, kauuwi mo lang rin pala Xat."

Si Ria nagsabi n'on. Mukhang parehas kaming apat kararating lang dito. Parehas kami ng mga oras sa trabaho?

"Oo nga, kararating n'yo lang rin pala. Sige na tulungan kita Ria para makakain na tayo mamaya. Gabi na, anong oras na tayo makakakain nito."

Ani ko, si Ria lang kasi ang tiga-luto dito sa aming apat.

"Hindi ko akalain na magkakatulad ang mga oras natin."

Tumawa na lamang kami sa sinabi ni Stel.

"Deretyo muna tayo sa mga kwarto natin para makapag bihis."

Tumango naman kaming tatlo sa sinabi ni Ria.

Unang araw palang namin ngayon sa mga trabaho namin. Ok naman ang nangyare sa akin, sa kanila kaya kamusta?

Umakyat na kaming apat sa mga kuwarto namin upang magbihis at mag-ayos na rin para makakain kami mamaya.

Naghugas muna ako ng pinagkainan na hindi nahugasan kaninang umaga. Si Ria naman ang magluluto ng kakainin namin. Si Stel naman ang bahalang maglinis dito sa baba para bukas onti na lang ang maililinis kapag nakauwi ulit kami. Si Van naman ang bahala sa taas, sa mga kwarto naming apat para mamaya bago matulog ay nakalinis na ito at wala ng problema.

"Siguro bukas at sa susunod ganito ang gagawin natin. Tutal sabay-sabay naman ang uwi natin."

Suggest naman ni Stel sa'kin habang nagluluto s'ya.

Ako itong naghuhugas ng plato. "Alam mo Stel, ganun at ganun lang rin naman talaga ang mangyayare. Sana nga kayanin natin na ganito ang schedule natin."

Hindi na rin naman s'ya nagsabi ng kung ano pa. Natapos na ako sa paghuhugas t'yaka naman ako nagtungo sa hapagkainan namin upang mag-ayos na ng kakainin. Sa plato pa lang naman t'yaka na yung sa mga pagkain.

"Oh girls ok na, bumaba na kayong dalawa d'yan at kakain na tayo!"

Pagtawag naman ni Ria kina Van at Stel. Tinulungan ko naman si Ria na maghain na ng mga pagkain dito.

"Yes, kakain na. Saktong katatapos ko lang maglinis."

Masayang ani nitong si Stel.

At dahil sa nandito na kaming lahat ay kumain na kaming apat. Habang kumakain ay nag-uusap silang tatlo. Tahimik naman akong kumakain dito.

Napagod ako sa office ni Mr. CEO, grabeng araw 'to. Unang araw may nakaaway agad ako, pero wala naman akong pake sa mga huling sinabi n'ya. Hindi n'ya ako matatakot, kung sino man s'ya ay wala akong interest na malaman pa.

Natapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na ako sa k'warto ko.

"Pagod ka tama ako? Sige na, magpahinga ka na." Haynako sinabi mo pa Van.

"Sige, salamat. Matulog na rin kayo, may pasok pa tayo bukas."

Nagsitanguan naman sila sa sinabi ko.

"Huwag kang mag-alala, matutulog din kami." -Van

"Oo nga, magpahinga ka na lang para bukas masigla ka." -Stel

"Sige, good night na girls, sweet dreams." -Me

"Good night and sweet dreams din!" -silang tatlo nagsabi.

Umakyat na ako sa kwarto ko at pumasok na sa loob.

Nakita kong maayos naman ang kwarto ko. Salamat talaga kay Van.

Oras na para matulog na ako. Ano naman kaya ang mangyayare sa'kin bukas? Well, malalaman ko naman yan bukas.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book