Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Daughter of Fire: The Rightful Heir

Daughter of Fire: The Rightful Heir

freakyscribbler

5.0
Comment(s)
2.5K
View
55
Chapters

All her life she thought she was a human because of the lies they fed her, but now she has been returned to her own kind. A kind she thought only existed in myths and a kind she thought she would never embrace. This is an action-packed fantasy story of Tanisha's journey of how she unravels the mystery behind her true identity and her fight to claim what is rightfully hers.

Chapter 1 Into The New World

"Masyado ka pang bata para sa ganito. Ano ba ang pumasok sa isip ng Onyx at nagpadala sila ng bata sa ganito kahalagang misyon? You're too weak for me," an'ya habang iwinawagayway ang hawak niyang baril sa ere at nakangisi na para bang sigurado niyang siya na ang panalo.

Nagtagis ang mga ngipin ko sa pang-iinsulto niya- oh how I want to smack that smirk off his face. Tumayo ako mula sa pagkakasadlak ko sa lupa dahil sa pagkakatulak niya sa akin kanina. I wiped the blood from my cheek, and picked up my sword.

Kumpara sa ibang armas ay mas bihasa akong gumamit ng espada kaya kahit baril ang gamit ng kalaban ko ay espada parin ang ginagamit ko. Minsan na nga akong napagalitan sa training dahil espada at kutsilyo lang ang hinahawakan ko. The hell they care!

"You're one insult away from getting killed," I said, almost sounded like a threat. As though killing him is not the only choice I have.

Nagpakawala siya ng nakakairitang tawa saka umiling. "You will put up no fight against me, kid," an'ya na para bang hinahamon talaga ako.

I wasted no time. Mabilis kong kinuha ang dagger na nakasukbit sa belt ko at hinagis ito sakaniya, tumama ito sakto sa tuhod niya dahilan para bumagsak ang pwetan niya sa lupa. Namimilipit sa sakit niyang nabitawan ang hawak hawak niyang baril pagkatapos ay tinanggal niya ang dagger ko na nakatarak sa kaniyang tuhod. Nagkaroon ako ng pagkakataon na lumapit sa kaniya kaya naman ay dali-dali kong sinipa palayo ang kaniyang baril, far enough para hindi niya ito maabot.

His eyes followed the blade of my sword as I pressed it against his neck. Tila ba nabato siya sa kaniyang kinauupan at napalunok habang nagpipigil ng kaniyang hininga dahil konting maling galaw niya lamang ay matitikman na niya ang talim ng aking espada.

"Mister.. you deduced me wrong," I said while slowly shaking my head.

Nanatili siyang tahimik at walang kibo. Masyado niya akong minaliit ni hindi niya nga kilala kung sino ako at ano ang papel ko sa Onyx. Ano bang akala niya sa mga taga Onyx? Basta basta lang? We are highly trained assassins. We could kill if we want.

It's time for him to know who exactly I am.

"I guess I have to grant you some knowledge. I am-" I halt my words nang mapansin kong may inaabot siya sa hindi kalayuan sa amin at panaka-nakang sumusulyap doon.

I mentally shooked my head. Ano bang akala niya sa'kin? Tanga? Para hindi ko mapansin ang mga simpleng galaw niya? I wonder how did he make it to the top wanted list with this kind of skills. Kinuha ko ang huling dagger na nakasukbit sa belt ko at itinarak ito sa kamay niya hindi pa ako nakuntento at inikot ito dahilan para impit siyang mapasigaw sa sakit.

"As I was saying I am the Ace of Onyx, you know what that means right?" tanong ko at diniinan ang espada ko na nasa leeg niya.

To be the Ace of Onyx you have to win against all assassins in all departments. Hindi ko eksaktong alam kung paano ko nagawang matalo lahat sila but I did. My trainor said I am gifted. My skills are something I am born with, it's not something I practiced.

"Ba...bakit mo sinasabi sa..sakin 'yan?" he asked while breathing heavily.

"Because then you wouldn't be alive enough to tell anyone," sagot ko habang nakangisi.

I deepened my sword onto his neck. Sumirit ang maraming dugo mula doon. Unti-unti nang bumagal ang paghinga niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng hininga. It wasn't my idea to kill him but it was my job to get it done. I fished my phone inside my pocket and dialled Onyx's highest boss' number.

"Mission #3X success. Target defeated," I said and quickly ended the call.

"Miss. Put your sword down, put your hands up in the air and back away from the dead gentleman."

Mariin akong napapikit at dahan dahang lumingon para kumpirmahin kung 'yong iniisip ko nga ang nagsalita. At tama nga ako. It's a police. Why didn't I see this coming? Kadalasan kase ay tanga sila kaya pinapatunog nila ang sirena ng patrol car dahilan para makatakas ang kriminal at hindi na nila abutan. This time, hindi ko 'yon narinig. I can't have a crisis. My schedule is already full but on the second thought, I can easily get away with this even if they captured me.

Ibinulsa ko ang phone ko at itinapon ang espada ko't itinaas ang aking mga kamay gaya ng utos niya. Ang isang pulis ay lumapit sa akin at pinosasan ako habang 'yung isa naman ay kinuha ang espada ko. Isinakay na nila ako sa patrol car at dinala ako sa prisinto. Hindi na bago sa akin ang ganito. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong nadala dito. Parang ginagawa ko ng bahay bakasyunan ang kulungan.

"State your name," the police in charge commanded.

"Tanisha Guinevere St. Laurent," I stated casually.

"Your age."

"16." I lied. Of course I am older than that! But I have to lie to get my ass off here in no time. I'm 19 already. Old enough to be in jail.

"Give me your I.D." Utos niya and I willingly gave them my fake I.D

"I will call your guardian to fetch you here." This is what I like about our city's law. You can't put people ages 18 below in jail!

Inilipat na nila ako sa waiting area. I sat there alone. Napatingin ako sa kamay ko at napansing madami palang stain ng dugo doon. Pinunasan ko ito gamit ang likod ng laylayan ng suot kong damit. My hands have been on too many illegal things in the past three years. Too many to keep in track. Napalingon ako nang tumunog ang pintuan at mula doon ay pumasok ang matangkad na lalake na may kulay blonde na buhok. Pulang-pula sa galit ang kulay nyebe niyang balat.

"Ano nanaman ba 'to Tanisha?! Ilang beses ba kitang susunduin sa kulungan sa loob ng isang linggo?! This is the third time I fetched you here this week. JUST THIS WEEK! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!" sigaw niya na halos malagot na ang litid n'ya. Naka-kuya mode nanaman siya.

I just rolled my eyes at him.

"Get me out of here, Mattheus."

Kumibot ang kilay niya at sinamaan ako ng tingin. Huminga siya ng malalim na parang iniipon ang natitira niyang pasensiya bago nagsalita.

"Heed my words when I say that our grandma is coming back," anunsyo niya na siyang nagpatigil sa akin.

Babalik na si Elizabeth?

I grew up with my grandmother Elizabeth and older brother Mattheus. Growing up, I never knew who our parents was. Kahit si kuya ay wala ring idea. Miski si Elizabeth ay hindi rin masyadong nagkukwento tungkol sa kanila. Baka akalain niyong sagad na ako sa sama at hindi na ako marunong gumalang. Ayaw niya lang na tinatawag siyang grandma, lola o ano pa man. Elizabeth lang daw. Noong una ang weird pero nakasanayan na din.

"That is.. a problem!" I retorted.

"Yes. Pero problema mo lang," sabi niya ng naka-ismid at hinila na ako papunta sa parking lot at isinakay sa kotse niyang kakarag-karag.

Three years ago ay iniwan kami ni Elizabeth para daw maging independent kami at hindi na umasa sakaniya. Kung saan siya nagpunta ay hindi ko alam. Sa loob ng tatlong taong wala siya ay doon naman ako nakapasok ng Onyx. I abused my freedom and now na andito na siya katapusan na ng maliligayang araw ko. Kung gaano kase siya kaluwag sa pagtawag namin sakan'ya sa pangalan niya lang ay ganun naman siya kahigpit sa mga ginagawa at kilos namin. Hindi mo dapat suwayin kahit isa sa mga sinabi niya if you don't want to get on her bad side. Kahit matanda na 'yon ay kayang kaya niya kaming ibalibag ni Mattheus. Mukhang sakaniya ko nga namana ang combat skills ko eh.

Dali dali akong bumaba ng sasakyan nang may maaninag akong pamilyar na kotse sa drive way ng bahay namin. THAT WAS ELIZABETH'S!

Oh fuck she really is back.

Inunahan ko na si Mattheus, tumakbo ako papunta sa bahay at walang katok-katok ko 'tong binuksan. Pagbukas ko ay bumungad agad sa akin ang may edad ng babae na prenteng nakaupo sa sofa habang sumisimsim ng tsaa. Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman ang presensya ko at saka ngumiti.

"You've changed so much since the last time I saw you," pahayag niya sa malambing na tono at nakipagbeso sa akin. Yes. I've changed so much, Elizabeth. I've become a hired killer.

"You did not aged, Elizabeth," pambobola ko. Sigurado akong isusumbong ako ni Mattheus sa kaniya kaya magpapagoodshot muna ako Haha!

"Oh darling haha! Come, I have something for you," sabi niya at iginiya ako sa kwarto. Pagpasok namin ay may inabot siyang kahon.

"Wear it."

Agad kong binuksan ang kahon at iniladlad ang laman nitong sa tingin ko ay isang dress.. No. It's a gown. What is this made of? Metal? Ang bigat! Bakit naman niya ako pagsusuotin ng gown in this late hour? Hindi na ako nagreklamo kay Elizabeth kase knowing her baka mabatukan niya lang ako kapag umangal ako sa mga pinapagawa niya kaya sa isip ko na lang ako magrereklamo.

Pumasok na ako sa comfort room at isinuot na 'to. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko. Saktong sakto lang sa akin ang gown na para bang ginawa talaga ito para sa akin. Madaming layers sa ilalim ng medieval era style gown na 'to na siyang nagpabigat dito at hanggang paa ko ang haba. Mahaba din ang sleeves nito at hindi pantay ang haba, mas mahaba ang isang side at may lining texture na kulay bright red. Ang chest part ay may gold lace na nakabraid sa kulay crimson red na damit that enhance my figure at tumerno ito sa highlights ng buhok ko. Kulay gold ang loob nito at may hood din na nakakabit sa likurang bahagi ng gown.

Nagmukha akong isang kapita-pitagang kagalang-galang na binibini na nagmula pa noong panahon ng world war I.

"Sabi na nga ba at babagay sa iyo ang gown na yan. Bagay na bagay. Sana noon ko pa pinasuot 'yan sayo at dinala ka roon," nakangiting turan sa akin ni Elizabeth habang nakatingin din sa salamin. Ginantihan ko siya ng ngiti at umikot para makita ang kabuoan ng gown.

Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi. Baka ang ibig niyang sabihin ay dapat noon niya pa ako sinama sa mga costume party na pinunpuntahan niya. Doon kami pupunta, hindi ba? Right.

"Halika't aayusin ko ang buhok mo ija." Pumwesto siya sa likuran ko at brinaid ang buhok kong hanggang siko ang haba. May highlights ang buhok ko na kulay red. Natural ng ganiyan ang buhok ko. Hindi ko nga alam kung bakit magka-iba kami ng buhok ni Mattheus. Sakaniya ay blonde, sakin ay black na may red, pero ngayon ay mas lamang na ang kulay pula. Habang lumalaki ako ay mas dumadami ang kulay red ng buhok ko. Inisip ko na lang na baka isa sa mga magulang namin ay katulad ko ang buhok at ang isa naman ay gaya ng kay Mattheus.

Napatitig ako sa mata ko at napansing mas kulay gray ito kumpara noong mga nakaraang araw, para na itong kulay silver. Growing up, my eye color is constantly changing. Dati ay black ang mata ko tapos naging brown hanggang sa ganito na, kulay silvery gray. Sinabi ko 'to kay Elizabeth at ang sinabi niya lang ay wala ako dapat ikabahala, it's a rare condition daw na namana ko kay mama. How I wish I get to see her eyes.

Lumabas na ako ng cr at naiwan doon si Elizabeth, siya naman daw ang magbibihis. Kung saan man niya ako balak dalhin I need to have something for defense. Better to be prepared than sorry. Binuksan ko ang lower part ng drawer malapit sa kama ko at kinuha doon ang aking darksword crusader dagger. Ibinigay sa akin 'to ni Elizabeth dati for self defense daw. Itinaas ko ang laylayan ng gown ko at ikinabit ang lalagyan ng dagger ko sa aking hita.

"Mukha kang disenteng babae sa suot mo." Napataas ang kilay ko sa kakarating lang na si Mattheus na nakatingin sa akin at nakahalukipkip habang nakasandal sa pintuan.

"What are you trying to imply? Hindi ako disenteng babae kapag hindi ganito ang suot ko?" nakakunot-noong tanong ko.

He nodded his head repeatedly while chuckling. I narrowed my eyes at him. Inabot ko ang unan sa tabi ko at inihagis sa kan'ya dahilan pero mas lalo siyang tumawa. Ang saya saya talaga niya tuwing napipikon ako sa kaniya. Bakit ba binigyan ako ng kuyang siraulo?! Lumakad siya palapit sa'kin at handa na akong sipain siya nang magseryoso ang mukha niya.

"Kung ano man mangyare sa pupuntahan niyo, tatagan mo ang sarili mo. Don't lose your sanity and trust no one," pahayag niya na siyang nagpakunot ng noo ko. Ano bang pinagsasabi nito? Bakit naman ako masisiraan ng ulo sa isang costume party?

"Yeah. Someone lose their sanity after attending a costume party," I said with plain sarcasm.

"Ha? Costume party? Haha! Whatever, Tanisha. Just don't let yourself get killed," he said while tapping my shoulder at lumabas na ng kwarto.

Sanay na ako sa kaniya. Ayan ang lagi niyang sinasabi tuwing lumalabas ako ng bahay. Kahit hindi niya sabihin alam kong alam niya kung ano ang ginagawa ko kapag umaalis ako ng bahay. Ilang beses ba naman niya akong sinusundo sa presinto eh HAHA!

"Halika na, Tanisha."

Lumapit sa akin ang ngayo'y nakabihis ng si Elizabeth. Parehas kami ng suot except kulay navy blue ang sa kanya.

Susunod na sana ako sakaniya palabas ng kwarto nang maalala kong wala pa pala akong suot na kahit ano sa paa ko. Lumuhod ako sa harap ng aking kama at inabot sa ilalim nito ang isang black military combat shoes na may two inches na heels. Pagkasuot ko ay sumunod na ako kay Elizabeth sa sala.

"Gorgeous. Quick, baka hindi na natin maabutan ang huling byahe," ani ni Elizabeth habang binubuhat ang isang bag na kulay brown.

Bakit may bag? Ah! Baka mga pamalit na damit namin sakaling mainitan kami sa mga suot namin. Bago kami umalis ay kinuha ko ang phone ko at sinilid sa isa pang bag na siya namang binitbit ko. Nilagay ko na sa trunk ang bag na bitbit ko, ganoon din si Elizabeth, at pumasok na ako sa passenger seat. Nahirapan pa nga ako kase ang bigat at haba ng suot-suot ko. Putulin ko 'to eh.

Nakita ko sa rear view mirror si Mattheus na kumakaway sa amin. "Mag-iingat kayo!" sigaw niya. Dumungaw ako sa bintana at kumaway pabalik sa kaniya. Para namang matagal kaming mawawala. Sumandal ako sa upuan at nakaidlip na.

My eyes flew wide open when our car hit something.

"What's that?" tanong ko kay Elizabeth. Nagkibit-balikat lang siya at bumaba na ng sasakyan.

"Nabutas ang tires natin. I guess we have to walk from here." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

We're in the middle of nowhere! Puro puno lang ang nakikita ko sa paligid at ang dilim dilim pa. She don't expect me to walk through this dark woods!

"Saan ba kasi tayo pupunta? Paglalakarin mo ako sa madilim na gubat na 'yan?"

Sasapakin ko talaga ang nagset ng venue ng costume party na 'to kapag nakita ko siya. Ano bang pumasok sa utak niya at dito sa gubat niya naisipang mag pa-costume party?!

"Bumaba ka na. Maglalakad tayo," madiing utos niya.

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba at kunin ang bitbit kong bag kanina. Bawal kong suwayin ang matandang 'to baka siya mismo mag-murder sa'kin dito. Padabog akong sumunod sa kaniya sa mapunong bahagi ng gubat habang bitbit ko ang flashlight. Hirap na hirap ako sa paglalakad dahil sa suot ko. Kung saan saan ito sumasabit kaya kailangan ko pang tumigil para tanggalin ang mga 'yon. Ang hassle naman nito!

"Malapit na ba tayo?" iritadong tanong ko.

"Malapit na." sagot niya.

"You said that two hours ago!!" I retorted out of frustration. Gusto ko ng maglumpasay sa sobrang inis at pagod. Kanina pa kami palakad-lakad and I have no idea where in earth are we.

"Wag kang mareklamong bata ka! Ako nga 'tong mas matanda sayo hindi nagrereklamo! Mga kabataan talaga." Sumunod na ulit ako sakaniya at pilit na inihahakbang ang paa ko kahit sobrang sakit na nito.

Mas maluwag na ang dinadaanan namin ngayon kumpara kanina. May hinawing mga baging at halaman si Elizabeth at tumambad sa amin ang isang malawak na dagat.

Asan ba kami...

Hindi kalayuan sa amin ay may natanaw akong isang malaking barko. Para siyang nalutang sa ere.. Kumurap ako at tinitigan ulit itong mabuti. Nah.. It's probably because of the fog. It creates this view like as if the ship is floating in the air.

"Halika na," ani niya at saka hinatak ang kamay ko. Tamad na tamad akong lumakad sa likod niya. Pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko nalang mahiga ngayon!

Nang makalapit na kami ay nagkaroon ako ng malinaw na view sa kabuuan ng barko. Malaki ito parang 'yong titanic. Trealvale Cruise Ship. Ayun ang nakalagay sa gilid ng barko. Mukhang mayaman ang nagpapa-costume party ah.. Cruise ship pa.

Umakyat na kami sa mahabang hagdan at sinalubong kami ng isang lalaki na may edad na ang itsura at may bigote na nakasuot ng pormal na damit kagaya ng mga sailors.

"Maligayang pagdating sa Trealvale Cruise Ship. Kung maaari lang ay paki-abot sa akin ang inyong pasaporte, madame," buong may paggalang na wika n'ya kay Elizabeth.

Napakunot ang noo ko. Bakit kailangan ng passport?

May inabot si Elizabeth na dalawang booklet at tinatakan iyon ng lalake. Pagkatapos n'on ay pumasok na kami sa loob. May sumalubong sa aking isang babae na nakasuot ng damit katulad ng mga sinusuot ng mga tagapagsilbi noong medieval period na kulay navy blue at may ilan na kulay beige, may nakaburdang "Trealvale" sa kanang bahagi ng damit n'ya malapit sa dibdib.

"Ako na ang magdadala ng mga gamit mo, binibini," turan niya at bahagyang yumuko. Bakit masyadong pormal ang mga tao dito? Kailangan ba in character na in character?

Iniabot ko sa kaniya ang gamit ko at sumunod na ako kay Elizabeth na pumasok sa isang kwarto.

"Matulog ka na. Mahaba pa ang byahe natin," wika niya tapos nahiga na sa isang kama.

"Bakit tayo matutulog? Hindi ba ngayong gabi ang party? Saan ba talaga ang venue?! Nakakapagod na ha. Hindi na nakakatuwa," pagrereklamo ko. Tinignan niya lang ako ng naguguluhan para bang wala siyang idea sa mga sinasabi ko.

"Matulog ka na," muli niyang turan.

I rolled my eyes at inihagis ang sarili ko sa kama. Agad akong nakatulog dahil sa pagod.

Tanghali na nang magising ako. Tumayo ako at tiningnan si Elizabeth sa kabilang kama pero wala na siya doon. Naglakad na ako palabas ng kwarto para hanapin si Elizabeth. Hindi ko pala natanggal ang sapatos ko noong natulog ko. Sobrang pagod ko ba naman eh. Halos three hours din kaming naglakad sa gubat kagabi.

Napadpad ako sa pinakataas na deck. Pinagbuksan ako ng lalake na nakatayo sa harap ng malaking kulay gintong pintuan. Pagbukas ay bumungad sa akin ang restaurant na may makaluma pero marangyang disenyo. Vintage but perfect. Madaming table and nagkalat sa paligid ng dance floor, sa dance floor ay may mga nagsasayaw sa saliw ng hindi ko makilalang musika. Nakasuot din sila gaya ng gown ko, iba lang ang style. Sa gilid ay may buffet table.

Nagugutom na ako. Libre ba 'to? Haha! Siguro naman kasama sa package 'to no!

Lumapit na ako sa buffet table at naglagay na ng pagkain sa plato ko. Hinanap ng mata ko si Elizabeth, at natagpuan ko siya sa table malapit sa bintana. Agad akong tumungo sakaniya at naupo sa upuan sa tapat niya. Tahimik lang kaming kumakain. Sumusulyap-sulyap ako sa bintana at puro tubig lang ang nakikita ko. Parang walang hangganan 'yung dagat. Naningkit ang mata ko nang may makita akong nagyeyelo sa tubig. Asan ba talaga kami? Antartica?!

"Alam mo ija, hindi normal sa isang tao ang may closet na punong puno ng iba't ibang klaseng espada at kutsilyo," pagbasag ni Elizabeth ng katahimikan.

Nanlaki ang mata ko at napalunok sa sinabi niya at muntik na akong mabulunan.

Nakita niya 'yun? Damn! I tried to keep my composure kahit sobrang kabado ako.

"Every single one of those swords and knives saved my life at least once," kaswal na sagot ko, trying to hide my nervousness. Ang akala ko ay tutuktukan niya ako ng baso nang kunin niya 'yon pero uminom lang siya doon at bumaling na ulit sa akin.

"You really are bound to hold a sword," makahulugan niyang pahayag.

Tatanungin ko sana siya kung anong ibig niyang sabihin nang magsalita ang isa sa mga staff ng barko.

"Malapit ng dumaong ang Trealvale Cruise Ship sa Irvaicean. Binibigyan namin ng limang minuto ang mga bababa ng Irvaicean para kunin ang kanilang mga gamit. 'Yon lamang, salamat."

Irvaicean? Ngayon ko lang narinig ang lugar na 'yon. Nasa earth pa ba 'yon?

Tumayo si Elizabeth at tumingin sa akin, "Let's go," ani niya at nauna ng naglakad sa akin.

Hindi pa ako tapos kumain! Sayang 'yong pagkain! Hindi ba nila alam na ang daming taong hindi nakakakain tapos magsasayang pa sila ng pagkain?! 'Yong pagkain ko..

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Elizabeth, baka iwan niya pa ako dito. Bumalik kami sa kwarto para kunin ang mga gamit namin at pumunta na sa harap ng barko.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang isang mahaba at mataas na harang na gawa sa yelo at doon patungo ang barko na sinasakyan namin.

What the hell.. Baka bumangga kami d'yan!

Ayan na sobrang lapit na namin..

Konti nalang babangga na kami..

Ayan na!!

Napapapikit ako at inintay na bumangga kami sa harang na yelo pero walang nangyare. Dinilat ko ang mata ko, tumigil pala ang barko bago pa man ito tuluyang bumangga dito. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mamamatay na ako!

Nanlaki ang mata ko at halos malaglag ang panga ko nang biglang nahati sa gitna ang harang at naghiwalay ito.

How in the world did that happened...

Napatingin ako kay Elizabeth at sa iba pang pasahero para tignan ang reaksyon nila pero parang hindi naman sila nagulat.

"Elizabeth! How.. how.." hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil sa sobrang pagkabigla.

Muling umandar ang barko at pumasok sa loob nito. Pagpasok namin ay natatanaw ko na ang ilang bahay na parang pinaglipasan na ng panahon dahil sa makaluma nitong estilo. Sa malayo ay kitang kita ang tuktok ng isang kastilyo.

Nasaan ba kami...

Parang normal lang ang lahat maliban nalang sa gabi dito at umaga sa pinanggalingan namin kanina. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa mga nakikita ko. Did we just entered into an alternate universe? Natawa ako sa mga naiisip ko. Imposible naman 'yon. Walang ganon. Wala.

Pero paano nangyare 'to??

"Elizabeth.. Nasaan tayo?" tanong ko sakaniya.

"Sa lugar kung saan ka nababagay." simple niyang sagot.

Ano daw?! Hindi kaya dito ang tapunan ng mga taong sakit sa ulo? YUNG ULO KO ANG SUMASAKIT NGAYON!

"Maaring magsibaba na po ang mga pasahero," anunsyo ng isang staff.

Hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa sobrang pagkabigla. Kung hindi pa ako hinila ni Elizabeth ay hindi pa ako aalis sa kinakatayuan ko.

Pagbaba namin ay humarap ako kay Elizabeth.

"Mind explaining what the hell is happening? And where are we?" tanong ko ng nakataas ang isang kilay.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iniharap ako sa kaniya ng mabuti. "Ija, gusto kong ipangako mo sa akin na hindi mo hahayaang mapahamak ka," sabi niya at hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Ano bang sinasabi mo?!" hindi ko na napigilang sumigaw.

Dinala dala niya ako dito. I deserve to know what's happening at kung anong ginagawa ko dito at higit sa lahat kung nasaang lupalop ng mundo ako!

"Mahal kita, apo. Tandaan mo yan. Alam kong matatag ka Tanisha, katulad niya. Kapag nakahanap ka na ng titirhan mo doon mo lang buksan ang bag. Humayo ka na, hanggang dito nalang ako," sabi niya at saka'y tinalikuran na ako.

Napatulala ako sa sinabi niya. Pinipilit ko i-digest lahat ng sinabi niya pero wala akong maintindihan!

"ELIZABETH!! 'WAG MO AKONG IWAN DITO! ELIZABETH!!!"

Sinubukan ko siyang habulin pero mabilis siyang nakabalik sa barko at umalis na ito. Napaluhod ako sa lupa at tumungo.

"Magpapakabait na ako,'wag mo lang akong iwan dito." Paano niya nagawang iwan ako sa lugar na 'to? Ang akala ko ay may pakealam siya sa akin. Kagaya din pala s'ya ng magulang ko na inabanduna ako!

Tumayo na ako at marahas na pinunasan ang luha sa mata ko. Wala na akong choice kung hindi ang manatili dito hanggang sa makahanap ako ng paraan para makabalik sa amin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Para akong nasa sinaunang panahon. Mga nakasuot ng damit na victorian style ang lahat ng mga tao at imbis na mga sasakyan ang nasa kalsada ay puro kalesa. Pati ang mga establishimento at mga bahay ang makaluma ang style. At nababalot ang lahat ng 'yon sa yelo at nyebe. Ibang iba 'to sa syudad na kinalakihan ko.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking gate na may nakasulat na "IRVAICEAN" sa taas nito.

Napalingon ako kung nasaan dumaong ang barko kanina. May mga lalaki ng nakatayo doon na nakahilera at sumasayaw sila... Sumasayaw nga ba? Hindi. Para itong isang uri ng martial arts at sabay sabay nila itong ginagawa na parang isandaang libong beses na nila itong prinactice.

Sa paglapat ng dalawang palad nila sa isa't isa ay napasinghap ako nang kasabay nito ay unti-unting nagsara ulit ang harang na yelo na naghihiwalay sa lugar na 'to at sa lugar na pinaggalingan ko.

Paano nila nagawa 'yon....

Anong klaseng mga nilalang sila?!

And where exactly am I?!!

"Maligayang pagdating sa District III, Division IV ng Irvaicean, ang ikatlong kaharian sa Empiro ng Trealvale. Kung maaari lang po ay umalis na ang lahat sa pantalan."

Where in the hell am I going now...

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book
Daughter of Fire: The Rightful Heir
1

Chapter 1 Into The New World

06/04/2022

2

Chapter 2 Daughter Of Water

06/04/2022

3

Chapter 3 The Death-defying Portal

06/04/2022

4

Chapter 4 Unveiling Her Mana

06/04/2022

5

Chapter 5 Learning About Elementumkinesis

06/04/2022

6

Chapter 6 Battle Royale

06/04/2022

7

Chapter 7 Combat And Defense

06/04/2022

8

Chapter 8 Engulfed By Fire

06/04/2022

9

Chapter 9 Trapped

06/04/2022

10

Chapter 10 Forbidden Room

06/04/2022

11

Chapter 11 Realizing The Lies

06/04/2022

12

Chapter 12 The Beginning

06/04/2022

13

Chapter 13 The Official Entrants

06/04/2022

14

Chapter 14 Beware Of Foes

06/04/2022

15

Chapter 15 Deductions

06/04/2022

16

Chapter 16 Mission

06/04/2022

17

Chapter 17 Masquerade Ball

06/04/2022

18

Chapter 18 The Accuse and Accused

06/04/2022

19

Chapter 19 A Matter Of Life And Death

06/04/2022

20

Chapter 20 Inferno Fusion

06/04/2022

21

Chapter 21 Those, Who Are Thirsty Of Power

06/04/2022

22

Chapter 22 Unleashing Untold Secrets

06/04/2022

23

Chapter 23 Thief Again

06/04/2022

24

Chapter 24 Last Day

06/04/2022

25

Chapter 25 The Start Of Battle Royale

06/04/2022

26

Chapter 26 The Bearer Of Arrow

06/04/2022

27

Chapter 27 Tears

06/04/2022

28

Chapter 28 A Traitor Unveiled

06/04/2022

29

Chapter 29 Preparing For A War

06/04/2022

30

Chapter 30 Unexpected Ally

06/04/2022

31

Chapter 31 The Naked Truth

13/04/2022

32

Chapter 32 Taming A Dragon

13/04/2022

33

Chapter 33 Into The Realm Of Devonshire

13/04/2022

34

Chapter 34 Narthwick

13/04/2022

35

Chapter 35 Under The Moonlight

13/04/2022

36

Chapter 36 Ludracyre

13/04/2022

37

Chapter 37 Obliteration Of The Triumphant

23/04/2022

38

Chapter 38 Execution Of Plan

23/04/2022

39

Chapter 39 Imprisoned

23/04/2022

40

Chapter 40 Mournful War I

23/04/2022