Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
In The Arms Of The Devil

In The Arms Of The Devil

Shanelaurice

5.0
Comment(s)
9.1K
View
29
Chapters

She knew no love until a ruthless rebel claimed her heart! Hannah is living her life perfectly. With a fulfilled career, a loving parents and a supportive fiance. Wala na siyang mahihiling pa. For her, everything in her life is already perfect. Until that terror day... She was abducted by an unknown group and brought her to what she called God forsaken place. It was the end for her. Pikitmata na niyang tinanggap ang katotohanang iyon. Especially when she met him.. Lucas.. Isa sa miyembro ng grupo. Cold, ruthless and heartless. Making her life more miserable. Claiming her to be his own. And held her captive... Heart.. body and soul!

Chapter 1 Abducted

Lakad takbo halos ang ginawa niya habang nakikipagsiksikan sa mga tao na nag-uunahan at nagkukumahog na makalabas sa pasilyong iyon. They are running histerically. Some of them were crying desperately. Ang iba ay karga-karga ang nag-iiyakang mga bata habang halos madapa na sa pagmamadali. They are desperately trying to run out of the building and save themselves.

The west wing are already burning. Kita niya ang makapal na usok na nagmumula roon. Pero imbes na lumayo sa lugar na iyon ay patakbo pa siyang lumapit mismo doon kung saan nagmumula ang makapal na usok. Muli niyang narinig ang iyak. It was a child cries calling its mother. Rinig niyang hirap na itong huminga base na rin sa sunod-sunod nitong pag ubo.

Pikit mata niyang pinasok ang kwartong iyon at dahil sa makapal na usok ay halos hindi niya makita ang nasa loob. But she was used to that place. Araw-araw ay pumupunta siya doon kaya memoryado na niya ang bawat sulok ng kwartong iyon.

She heard that cry again. It was on the corner near the bathroom. Dali-dali niyang tinakbuhan ang pagitan niyon sabay hila sa sheet ng kama. She went directly on the bathroom at binuksan ang gripo saka binasa ang kobre-kama. She wet herself too. Sunod-sunod na rin sayang napa-ubo sa nalalanghap na usok. Ramdam na rin niya ang init ng naglagablab na apoy sa kanyang katawan. It feels that it was already burning her alive. Pero sa kabila non hindi siya nawalan ng loob. She was determine to save that child. Hindi niya hahayaang may inosenteng buhay ang mawawala sa lugar na iyon. Hindi sa pagkakataong iyon na alam niya meron pa siyang magagawa para iligtas ito.

Sa tulong na rin ng liwanag ng apoy ay nakita niya kung saan naroroon ang bata. Nakasiksik nga ito sa bandang gilid ng banyo. Hindi na siya nag aksaya ng panahon pa. Agad siyang lumapit rito at ibinalot rito ang basang kobre-kama.

She was about to carry him when someone pull her arms away. At bago pa man siya makapag-react ay kinarga na nito ang nanghihinang bata saka nagmamadaling naglakad sa direksyon ng pinto. She follow them immediately. Napasigaw pa siya ng mahulog ang nagbabagang kisame na kung nahuli lang siya ng kaunti ay mismong sa likod niya ang bagsak.

Kita niya ang bahagyang paglingon ng bultong sa harapan niya. Saglit lang. Muli rin itong nagpatuloy sa paglabas. Nagkukumahog siyang muling sumunod. She is coughing now badly. Nauubusan na siya ng hininga. Mabilis niyang pinunit ang kanyang basang damit at tinakpan ang kanyang ilong para kahit papaano makakahinga siya ng hindi diretso usok ang malalanghap niya.

He didn't mutter any words. Yes, He. She knew he was a male base sa bultong naaaninag niya. Hindi niya lang matiyak kung kilala niya ito o hindi.

Sunod-sunod siyang napahinga ng malalim ng makalabas sa kwartong iyon at medyo nakalanghap na ng hangin. They are at the corridor. Wala nang mga taong nagsisiksikan sa pasilyong iyon. All there was, was a thick smoke coming from the west wing.

They still in their frantic run. Nakasunod pa rin siya sa bultong iyon. The child he is carrying is still crying.

She sigh in relief when finally they got out of the building. Napakapit pa siya sa naroroong poste sa panghihina. A tear fell from her cheeks as she realize that they were alive. Sunod-sunod iyon. Hindi niya lubos akalaing makakalabas pa sila roon ng buhay.

As she look around her, natanto niyang nasa likod pala sila. Dinig doon ang sirena ng mga bumbero mula sa west wing.

"Parang sinadya yata ang sunog.." Narinig pa niyang sabi nong dalawang tao na nagtatakbong dumaan sa gilid niya.

Hindi niya iyon binigyang pansin. Nakatuon ang tingin niya sa taong kasama niya na noo'y marahan ng ibinababa ang kandong nitong bata. Doon lang din niya natuunan ng pansin ang lalaki. Napakunot noo pa siya ng makitang nakatakip ang mukha nito ng itim na mask. Pero siya rin ang nagsansala sa sarili. Marahil ginawa nito iyon kanina para hindi masyadong pumasok sa sistema nito ang usok.

Hindi pa man nito tuluyang naibababa ang bata ay may tumunog mula sa bulsa ng pantalon nito. It was his phone.

Binitiwan nito ang bata at dumistansiya para sagutin ang cellphone nito. She went to the child. Tinanggal niya mula rito ang basang kobre-kama saka ito inalo. He was still sobbing, kaya niyakap niya ang nanginginig rin nitong katawan.

"Shh.. Its alright, ligtas ka na kaya wag ka ng umiyak.." Sabi niya habang tinatapik-tapik ang bahagi ng braso nito. It was a traumatic experience, sana lang hindi ma-trauma ng husto ang bata. Mamaya na niyang hahanapin ang mga magulang nito kapag medyo kalmado na ang pakiramdam nito.

While comforting the child, her eyes was with the man. He was busy talking to someone on the phone. At dahil medyo malayo ang kinaroroonan nito ay hindi niya marinig ang mga sinasabi nito.

She saw him nodded and with serious look he darted his eyes on her pagkunway sa suot niya.

Bahagya pang nag-init ang mukha niya ng marealized na punit ang ibabang bahagi ng suot niyang asul na medical gown. Pinunit niya pala iyon kanina para itakip sa kanyang mukha.

"Doctora, ayos lang kayo?"

Napabaling ang tingin niya. It was Thomas. Isang nurse sa ospital na iyon. He is worriedly looking at her arms. Sinundan niya ang tingin nito. Doon lang niya napansin na may sugat pala siya sa braso. Hindi niya naramdamang natamaan pala siya ng mahulog ang naglagablab na kahoy na iyon kanina.

"Tatawag po ako ng tulong.."

Umiling siya.

"I..I'm okey Tom. Ang batang ito ang unahin mo. Hirap siyang huminga dahil sa exposure sa usok kanina at may sugat rin siya sa paa. He needs immediate medication kaya unahin mo muna siya."

Tumango ito. Lumapit ito sa kanila saka marahan na kinarga ang bata.

"Papupuntahin ko agad rito ang sino mang makakasalubong ko Doctora." sabi nito bago nagsimulang humakbang. Naka-ilang hakbang na ito ng tumigil at muling lumingon.

"Siya nga pala Doctora, Mag-ingat rin po kayo. Itinakas raw yung pasyenteng nasa recovery room na binabantayan ng mga pulis at usap-usapan na sinadya ang nangyaring sunog."

Wala na sa paningin niya si Thomas ay nanatili pa rin ang tingin niya sa dinaanan nito. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan sa narinig mula rito.

She knew that patient. A certain Ka Mulong. Isang linggo na itong nasa ospital na iyon. Nearly shot in the heart at isa siya sa mga Doctor na nagsagawa ng operasyon dito. Noon pa mang dinala ito doon alam na niyang pinuno ito ng isang rebeldeng grupo kaya nga bantay sarado ito ng mga pulis.

She never care then his status, dahil para sa kanya.. Obligasyon at trabaho niya bilang doctor ang iligtas ang buhay nito. Kung may pananagutan man ito sa batas, hahayaan niya ang batas ang humukom rito.

Pero sa sandaling iyon, nasakop ng takot ang buo niyang sistema. Napatingin siya sa lalakeng iyon na ngayon ay unti-unting humahakbang palapit sa kanya. She wonder if Thomas saw him. Sa tantiya niya hindi. Marahil kumubli ito sa naroroong poste, at sa isiping nagtago ito nang may taong dumating ay nagpatindig sa kanyang balahibo. Hiding means something.

Unti-unti siyang tumayo. She can feel her knees trembling. Diretso ang tingin nito sa kanya. Looking at his mask face makes her body shrink in horror. Hindi niya gustong isipin ang negatibong kaisipan na iyon pero kusang pumapasok sa isip niya ang isang hinala. The way he look at her sent chills down her spine.

She look on the backdoor. Sa pintuang dinaanan ni Thomas kanina kung doon siya tatakbo aabutan siya nito dahil mas malapit na ito sa direksyong iyon. Hindi rin siya nasisigurong may tao pa sa pasilyong iyon. She was sure they are all out of the building because of the fire. Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng ospital. It will led her to the parking lot. Kung doon sa direksyon na iyon siya tatakbo, may pag-asa siyang makasakay sa kotse niya.

Pinilit niyang igalaw ang kanyang mga paa at walang prenong tumalikod pero bago pa man niya naihakbang ang kanyang mga paa ay naramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang palapulsuhan.

"Saan ka sa tingin mo pupunta?"

Mas lalo siyang nanlamig ng marinig ang boses na iyon. It was so cold as if coming from the grave.

"B..bitiwan mo ako.. Please.. I.. I need to go.."

Umiling ito. "Kailangan kita.."

"A..anong kailangan mo sa akin?"

Hindi ito sumagot bagkus ay hinila siya papunta sa direksyon ng parking lot. Mas lalong nakumpirma ang hinala niya sa ginawa nito. Nahintatakutan siya sa naisip.

"No.. Let me go.." Nagpumilit siyang magpumiglas. Pero tila bakal ang mga daliri nitong nakapulupot sa kanya.

"Tulungan ninyo ako.. Tulungan ninyo ako!" She scream her lungs out nang marinig niyang tila may mga boses na paparating. Marahil iyon ang tulong na ipinadala ni Thomas.

Muli siyang nagpumiglas. Muling sumigaw. She tried to fight for her dear life pero nanlamig siya ng may maramdamang bagay na nakatutok sa kanyang tagiliran.

"Isang sigaw pa.. hindi ako mangingiming iputok ang baril na ito sayo." Banta nito na nagpatahimik sa kanya. "Bilisan mo ang lakad!"

"W..why you're doing this? Y..you can still escape.. Wala namang tao.. So please just let me go.." Sa nanginginig na boses pagmamakaawa niya.

"Saan naroroon ang sasakyan mo?"

Hindi nito pinansin ang pagmamakaawa niya. Mapait siyang napapikit. Why would she thought of him having mercy on her? If he is surely one of those rebel, sigurado siyang wala itong puso at kaluluwa.

"Nasaan dito ang sasakyan mo?" Mahina pero matigas na ulit nito. Nasa parking lot na sila. She saw three persons running along the parking way. She have those urge to scream.

"Sige, subukan mo!" Sabi nitong tila nabasa ang laman ng isip niya. "Kung ayaw mong madamay sila. Manahimik ka!"

Naiwan nalang sa lalamunan niya ang kanyang boses. She wanted to scream badly but she just can't. Alam niyang ang tulad nitong halang ang kaluluwa ay hindi marunong magbiro.

Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Marahas siya nitong itinulak sa front seat bago ito umupo sa driver's seat. Dinukot nito sa bulsa ang cellphone at may tinawagan.

"Hintayin ninyo kami at paparating na kami dyan." Sabi nito sa kausap matapos ng ilang sandaling pag uusap.

Mariin siyang napapikit ng paandarin na nito ang sasakyan. Wala yatang bahagi ng kanyang katawan ang hindi nanginginig. Samut-saring senaryo ang pumapasok sa kanyang isipan. Lahat mga negatibong maaaring kasasapitan niya sa kamay ng mga ito.

She knew it was hopeless. Wala ng pag asang matatakasan niya pa ang panganib na nakaabang sa kanya or much worst.. It could be her dead waiting ahead of her.

Napaiyak siya sa isiping iyon. She don't want to die a horrible death pero sa nangyayari, mukhang iyon nga ang kahihinatnan niya.

Continue Reading

Other books by Shanelaurice

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book