Si Xian Synthecia ang panganay at isa sa mahusay na binatang detective. Maasahan at talagang responsableng anak ito.Ngunit, sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng kakaibang misteryo sa lugar nila. Misteryo sa buhay ni Xian kung sino ang taong kumukuha sa mga bata at patuloy na pakikipaglaro sa kanya. Kilala niya kaya ito? Matanggap kaya niya ang katotohanan kapag nalaman niya kung sino talaga. Matuklasan niya kaya ang misteryong bumabalot sa buhay niya at sa pamilya niya? Malutas niya kaya ito kahit na habang natagal ay mas lalong nagiging kumplikado ang lahat. Ano ang gagawin niya kung konektado sa buhay niya ang problemang pilit niyang inaayos? "Maghanda ka na, magsisimula na ang laro!"
[XIAN]
Sa lugar ng Matayog St. ay payapa at masagana ang mga tao rito, nang bigla na lamang mayroong lumaganap na masamang balita. Sa hindi inaasahan pangyayari- ang pagkawala nang-iilang bata sa kanilang lugar. Ang sabi ng iilan ay nag-iiwan ito ng isang papel sa pulang sobre at ang laging nakalagay ang 'BRAVO ECHO ROMEO ECHO ALPHA DELTA YANKEE'.
Nag-uulat si Helleisya Santiago dito sa Matayog St. Pampanga.
"KUYA, ALAM MO NA BA ANG BALITA?" takang tanong ni Elle.
"Oo, Elle, kaya sana ay dobleng ingat ang gawin ninyo. Lalo ka na, Thea, dahil kakanuod ko lang kanina ng balita. Kaya sana talagang mag-ingat kayo," maawtoridad kong saad.
Payak at maayos naman ang pamumuhay namin. Ako si Xian Synthecia ang kuya ni Elle at Thea. Ang mga magulang naman namin ay nasa Baguio abala sa business. Umu-uwi naman sila kapag wala ngmasyadong dapat gawin or day-off.
Patuloy lamang sa paglalaro ang nakababata nilang kapatid kung kaya't lumapit na si Elle.
"Baby Thea, 'wag nanglalabas kung hindi importante, ha?" puno ng pag-aalala sabi ni Elle.
"Opo, Ate," saad nito.
Kasi kung hindi nila alam ang peligro bakit sila mag-iingat. Batid nila ang peligro, kaya't dobleng pag-iingat ang ginagawa nila lalo na ang Kuya nila na si Xian dahil sa kanya iniwan ang dalawa niyang kapatid, dahil inaasikaso ng mga magulang nila ang kanilang business sa Baguio.
FIRST CASE
Batid kong hindi madali ang ganitong sitwasyon, at alam ko na baka may mapahamak sa kanila. Ngunit hangga't nandito ako, hindi ko hahayaan na gawin ito ng suspek sa mga kapatid ko.
Lalo na mga babae pa man din sila.
Simula nang malaman ko ang iniiwan nilang mensahe na 'BRAVE ECHO ROMEO ECHO ALPHA DELTA YANKEE' na ang ibig sabihin ay BE READY! Natuklasan ko ito base na rin sa bawat letra nito at sa palatandaan na iniwan nila.
"Maging handa at mapanuri kayo."
Takot at kaba ang nanalaytay sa akin, ngunit ayoko magpakain sa ganitong sistema dahil buhay ang nakasalalay dito.Isinantabi ko muna ang lahat, huminga ng malalim, at lumabas muna ako para makapagpahangin.Sa hindi kalayuan ng aming bahay, ay may mga pulis akong nakita.
Lumabas ako upang tingnan iyon, at doon ko nakita ang isang matandang babae na batid ko na nasa apat-napu't walong gulang ang edad.
Ramdam ko ang kalungkutan at pangungulila nito. Lumapit pa ako upang mas masaksihan ang eksena, at akala kong madugong pangyayari ang aking masisilayan.Ngunit, kataka-taka dahil walang ro'ng iniwan kundi ang video lamang ng anak nito sa cellphone.
"Bata, pasensya na hindi ka p'wede rito," saad ng isang pulis.
"Nasa tamang edad na po ako at batid kong may maitutulong ako," saad ko.
Nakita kong abala ang ilang mga pulis. Mga apat sila. Naghahanap sila ng mga ebidensya, dahil parang magaling ang kumuha sa anak ng babaeng matanda na umiiyak ngayon.
Ipagtatabuyan na sana niya ako, nang makita ko ang isang bagay na alam kong makakatulong sa amin. Bukod sa cellphone na iniwan ng suspect, ay may pulang sobre na naman siyang iniwan. Kinuha ko ito sa lapag at doon nakalatag ang mga codes na medyo pamilyar sa akin.
"2 15 4 5 7 1"
Madilim na lugar-puno ng kagamitan.
Hanapin na't baka ikaw ay abutin ng katapusan.
Sa tabi ay dama ang katahimikan, at ang bibig niyang tuluyan ng naposasan.
Hindi ko alam ang pinupunto nito, pero batid ko nahindi pa nailalayo ng suspect ang batang nawawala ngayon. "Miss, anong oras po ba nawala ang anak niyo?" may pagtatakang tanong ko.
Ewan ko, pero tila naguluhan ang babae sa biglaang pagtatanong ko, pero walang anu-ano ay sumagot din naman ito.
"Naglalaro kasi si Via kanina 'yung anak ko. Bandang 10:00 ng umaga iyon, pagkatapos ay lumabas ako ng pasado 12:00 imedya-wala na ang anak ko," pahayag nito sabay hagulgol.
Tumingin ako sa relo ko at pasado 3:00 na ng hapon, kung tatansyahin ang oras na lumipas ay 3 oras na ang nakalilipas. Hindi pa sana pwedeng maghanap dahil wala sa bente-kwatro ang lumilipas.
Napatingin na rin ako sa papel na iniwan nito,at pilit na iniisip kung anong kahulugan nito.
Kasi kung basehan ito, sa letra na sunud-sunod ay masasabi kong baka makatulong ito.
Umupo muna 'ko sa gilid,habang sila ay patuloy na humahanap ng ebidensya at kinakausap ang ina ni Via.
Inalala ko ang A1726 codes. Kinuha ko ang cellphone ko, at doon sinubukang i-crack ang numerong binigay niya. Ang numerong dalawa (2) ay pangalawa,kaya't kung sa alpabetiko, aynasa letrang B ito. Sumunod ang labing-lima (15) ito'y letrang O, ang pang-apat (4) ay D, ang pang-lima (5) ay E, ang numerong pito (7) ay G, at ang uno (1) naman ay A.
B O D E G A
At kung babalikan ko ang palatandaan ay hindi ito kaya...
Napatayo ako at dali-daling nagtanong sa Ina nito.
"Ginang, may bodega po ba kayo?" tanong ko.
"Bakit, Iho? Mayroon! Katabi niya ang puno ng saging namin." Sabay turo nito.
"Maaari niyo po ba akong samahan?" saad ko.
Nagtaka ang mga pulis, ngunit sumunod din sila. Nagtungo nga kami sa bodegakung saan, puno ng mga gamit at sobrang tahimik. May isang kabinet doon at hindi ko na sinayang ang oras binuksan ko ito at doon ko nakita si Via na walang malay at nakatalukbong ang bibig ng panyo.
"Anak!" sigaw ng ina niya na labis ang pagkasabik sa anak.
Lumapit ang ina at inalis ang panyo sa bibig ng anak niya. Tinulungan na rin siya ng isa pang pulis para magising ang bata.
Laking gulat nila nang malaman ko ito kaya't sinaad ko ang bawat detalye sa kanila at nalaman nga nila na may maitutulong nga ako.
"Thank you, Mr.Xian! Ngayon ay case closed na ito. Salamat sa iyong tulong," saad ng heneral.
Natapos na nga at nakita si Via, ngunit isang palaisipan sa akin kung bakit kailangan gawin ito at ang kakaiba hindi niya pinapatay ang mga biktima niya. Tila nakikipaglaro lamang ito.
Pagkatapos ko gawin lahat ng dapat kong gawin sa eskwelahan,agad na akong umuwi. Pasado alas-singko 5:00 ng hapon nang makauwi ako. Pero agad naman akong nagtaka kasi wala pa si Elle at Thea.
Tatawagan ko na sana si Elle,nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Elle na umiiyak.
"Kuyaaaaaaa!" Sigaw niya saka ako niyakap nang mahigpit.
Agad ko naman siyang tinanong, "Nasan si Thea?" tanong ko. Pero mas lalo lang siyang umiyak.
Nagulat naman ako bigla dahil sa sinabi niya, ngayon naman ang kapatid ko ang pinuntirya niya. Naibato ko naman ang bag ko sa frustration na nararamdaman ko. Maaaring nalaman nung suspek na nangingialam ako sa kaso kaya ang kapatid ko naman ang gusto niyang paglaruan.
Alam kong hindi niya kayang patayin ang kapatid ko. Alam ko rin na nakikipaglaro lamang siya, malakas ang kutob ko. "Nasaan si Thea?" tarantang tanong ko habang hawak-hawak ang magkabilang balikat niya.
"Kaninang lunch time kasi kuya magkasama pa kaming kumain, tapos kaninang uwian hinihintay ko siya sa gate pero hindi na siya dumating," aniya habang mangiyak-ngiyak pa.
"Tinanong ko siya sa mga teachers pero sabi nila hindi na daw siya pumasok pagkatapos mag lunch,"dagdag niyang sabi.
Tama nga ako, bandang 12:00 ng tanghali siya kumikilos para makakuha ng bagong biktima. Ang nakakapag taka, paano niya naisasagawa yung pag kuha ng bata na walang nakakakita o nakakahalata. Lalo na't umaga niya sinasagawa yung plano niya.
Naikuyom ko naman ang aking mga palad. Kailangan ko nang kumilos, kailangan kong hanapin ang kapatid ko.
Lalabas na sana ako nang biglang may napansin akong puting sobre sa labas ng pintuan. Kinuha ko ito at may nakalagay na naman.
At sa likod nito ay nakasulat ng ganito.
Are you excited Mr. Xian? You have 2 days to think wisely and plan for your steps.
1.2.3 your time begins...
-Your Love in the darkness
Binuksan ko pa nga ito at sa loob ay may panibago papel at kapirasong puzzle na kulang ng kapareha.
She is the youngest.
She always played barbie and loved singing.
She always went there and played piano.
Find another piece.
You have only 2 clues but you need to encrypt this first.
Sierra Charlie Hotel Oscar Oscar Lima
..- . . .. . .- - / .. . - ..- -...
Find the red box there and try to fix the puzzle.
Your time begins.
Halos sipain ko ang pintuan dahil sa nabasa ko.
2 days pa talaga ang gusto niya malaman ko lang talaga ang ngalan niya mapapatay ko siya.
Umupo muna ako sa sofa at nag isip ng plano kasabay sa pagdecode ng iniwan niyang problem case.
Madali lang naman kasi alam ko na sa SCHOOL ang unang sagot pero ang sumunod medyo nangangapa pa ako dahil maraming morse code at ito ay nakakalito.
Inunawa ko ang mga iniwan niyang mga palatandaan.
-She always play barbie and loved singing.
-She always goes there and plays piano.
Inisip kong mabuti ito at talagang gusto ko bago mag 2nd day makuha na si Thea.
Hinanap ko si Elle pero wala din siya.
"Elleeeee? Nasaan ka?!"sigaw ko.
Halos mabaliw ako dahil baka pati si Elle mabiktima niya lagot talaga ako kay mom and dad.
"K-kuya? Sorry po nasa kusina lang ako." mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Nagtaka ako sa paglabas niya pero hindi ko na iniisip yun sa halip niyakap ko siya.
"Please Elle, ' wag na 'wag ka munang lalabas, stay here! Ako na bahala sa teacher mo okay? Maghahanap din ako ng bodyguards natin,"saad ko.
Pagtango lamang ang sinagot nito. Tila may kakaibang kilos ang kapatid ko si Elle pero hindi ko na iniisip yun sa halip mas iniisip ko na lamang si Thea.
Nagpaalam muna ako sa teachers and professors namin, sinabi ko na may emergency. Salamat na lang din kasi naunawaan at pinayagan nila ako.
Ayokong mangialam pa ang mga pulis dito, kaya mas minabuti ko na ako mismo ang gagawa ng aksyon at gagawa ng solusyon.
Hindi naman sa nangunguna ako, pero wala pa namang 24 hours at kailangan malaman ko muna talaga kung sino siya.
Chapter 1 BRAVO ECHO ROMEO ECHO ALPHA DELTA YANKEE
06/04/2022
Chapter 2 The Problem
06/04/2022
Chapter 3 The Message
06/04/2022
Chapter 4 The Next Clue
06/04/2022
Chapter 5 Ang Pagkikita
06/04/2022
Chapter 6 Conversation Begins
06/04/2022
Chapter 7 Puzzle Problem (P-P1)
06/04/2022
Chapter 8 Puzzle Problem (P-P2)
06/04/2022
Chapter 9 Identity
06/04/2022
Chapter 10 Knowing The Truth
06/04/2022
Chapter 11 Who is the Mastermind
06/04/2022
Chapter 12 The Hidden Message
07/04/2022
Chapter 13 Exciting Moments
07/04/2022
Chapter 14 Surprises
07/04/2022
Chapter 15 Battle Begins
07/04/2022
Chapter 16 Black Room
08/04/2022
Chapter 17 Showing-Up of Someone
08/04/2022
Chapter 18 The Game 1
08/04/2022
Chapter 19 The Room Six (6)
08/04/2022
Chapter 20 The Two Guest
08/04/2022
Chapter 21 The Dead Rats
09/04/2022
Chapter 22 The Letter
09/04/2022
Chapter 23 THE BOMB
09/04/2022
Chapter 24 UNKNOWN MASK BOY
09/04/2022
Chapter 25 SWEET SCENARIO
09/04/2022
Chapter 26 THE NEXT ACTIONS
09/04/2022
Chapter 27 ONE MOVE, ONE KILL
09/04/2022
Chapter 28 THE REAL CHALLENGE
09/04/2022
Chapter 29 THE GREETINGS
09/04/2022
Chapter 30 LOVE OR HATE
09/04/2022
Chapter 31 RED DOOR SURPRISES
09/04/2022
Chapter 32 REVEAL OR NOT
09/04/2022
Chapter 33 DINNER INVITATION
09/04/2022
Chapter 34 HIDE AND SEEK
09/04/2022
Chapter 35 FINALE BATTLE
09/04/2022
Other books by Manunulat Rosel
More