Binalalaan na si Heaven na huwag na huwag niyang bubuksan ang pinto sa pangalawang palapag. Lalo na at papalapit na ang kabilogan at eclipse. Pero hindi siya nakinig. Sinunod niya ang nais niya na makasilip sa kuwarto na iyon. She can't move her body. A sharp fang thrust on her skin. Pinagsisihan niya ang pagsaway sa sinabi ng matanda.
"You are worthless child!" Naibato ng aking daddy ang diyaryo na nasa kaniyang mesa, matapos niyang basahin ang laman doon.
Napaikot na lamang ako ng mata, nang marinig ang masasakit na salita na 'yon ng aking daddy. Sanay na ako sa ganitong eksina. Sanay na ako na pinapasok at pinapalabas ang masasakit na salita sa akong teynga na galing sa aking gahamang ama. Hindi na ito bago sa akin, araw-araw naman ata ay galit siya sa akin, na para bang ginawa na niyang maintenance ang pag-inom ng sama ng loob.
Kaya naman pala ay tinawagan niya ako kahit alam niya nagpapakalusta pa ako sa kaniyang pera sa huling pagkakataon. 'Yon tuloy hindi na natapos ang pag-manicure sa aking kuko.
Itinapat ko ang aking tingin sa aking ama nang bumagsak sa tapat ang newspaper na kaniyang binato. Ibinaba ko ang aking tingin sa newspaper na nasa sahig at dinampot.
Nabasa ko na ang laman ng newspaper kaninang umaga. At sa totoo lang ay masaya ako sa naging resulta. Inaasahan ko na makikita agad ang aking magandang mukha ngayong araw. Sinampal ko lang naman ang matandang CEO na ini-reto sa akin ng aking magulang.
Sapat naman siguro para sa kanila na sumipot ang anak nila sa isang date na hindi ko alam kung paano nangyari. Ayaw kong mapahiya sila sa kanilang business partner kaya naman kahit labag sa aking loob ay lumusot ako sa restaurant. Pero ang hindi lang matanggap ay ako na nga iyong nabastos, ako pa itong walang kwenta sa paningin nila.
Ilang beses na nilang nagawa ito sa akin. Ilang beses na rin nila ako sini-set up ng aking magulang para makatagpo ng kung sino-sinong matatandang mayayaman na madaling mamatay para maperahan nila. Pero palagi na lamang humantong iyon sa ganito.
Wala na talaga silang pag-asa para magbago.
Wala na rin akong paki-alam kung dadating man ang panahon na hindi ako bibigyan ng mana nila. Hindi rin sumagi sa aking isip na habulin ang yaman nila, tapos ang kapalit naman ay ang mailagay ka sa panganib.
Mas gugustohin ko pang maglayas at magpunta sa pinakamalayong lugar kumpara sa mapunta sa akin ang mana nila na labag naman sa aking loob ang kapalit.
Sila rin naman ang dahilan kung bakit naging ganito ako. Tapos na ang mga araw na ginamit nila aking kabutihan kaya naman hindi na sila karapat-dapat na pakitaan ng kabutihan galing sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit halos i-alay na nila ang kanilang sariling anak para lang sa pera. Na kung tutuosin ay nakakain naman sila tatlong beses sa isang araw. Nagiging masama talaga ang tao kapag nabulag sa pera.
Mabuti na lang talaga at hindi ako nagmana sa kanila.
"Nakikinig ka ba sa akin bata ka!?"
"Makinig ka naman sa amin ng daddy mo, Heaven! Para sa iyo rin itong ginagawa namin," wika ng aking mommy.
Nakatayo sa aking harapan ang aking mga magulang, kumukulobot ang kanilang noo sa inis at nababakas sa kanilang mukha ang pagkadismaya. Mabuti na lang talaga at wala na akong pakialam sa kanilang tingin sa akin.
Mariin akong napapikit nang tumama ang daliri ni daddy sa aking sentido. Malakas iyon kaya naman ramdam ko ang paghilig ng aking ulo, sinabayan na ito ng mga mura galing sa kanilang dalawa.
Hindi na ako nakapagtimpi ay malakas kong binagsak ang aking palad sa mesa. Napaatras naman silang dalawa dahil sa gulat. Kahit kailan ay hindi ako nanlaban sa kaniyang kahit na abot hanggang langit ang kaniyang sungay. Ngayon lang dahil sumusobra na sila.
"Makinig? Hindi ba kayo kinikilabutan sa mga pinagsasabi ninyo? Ikaw?" Tinuro ko si mommy. "Naturingan ka pa namang active sa simbahan at deboto ng kung sino mang tangenang bulto, tapos ganiyan ka kung magmura?"
"Ang lakas ng loob mong banggitin ang pangalan ni lola sa media kahapon. Ikaw? Well-raised daughter and son? Tangena nagbibiro ba kayo? Barado ba mga utak niyo?" Ramdam na ramdam ko ang mapait na bumara sa aking lalamunan, habang inaalala ang pekeng ngiti ni mommy sa harap ng media kahapon.
Kung narito lang sana si lola niya ay sigurado akong kakampihan niya ako at ipagtatanggol mula sa aking mga naturingan na edukadong ama at ina. Aminado akong mabilis na uminit ang aking ulo, pero kahit na ganoon ay tinuroon ako ng aking lola kung paano magtimpi, at magbigay respeto sa aking magulang sa kabila ng kanilang ginawa sa akin noon.
"What a shame!"
Napatigil ako habang napahawak sa aking pisngi. Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ng aking daddy. Mistulang naging paralisa ang aking pisngi sa lakas na pagkakasampal niya.
Kahit kailan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.
Kahit kailan ay hindi niya ako sinasaktan ng pisikal.
Maging si mommy ay hindi inaasahan na aabot sa ganoon si daddy. Maging siya daddy ay tila nabigla rin sa kaniyang ginawa.
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking labi. May lasa iyong pait at sakit. Wala na ata ang mas sasakit pa sa araw na ito.
"Huwag na huwag mong pagsasalitan ng ganiyan ang ina mo, Heaven Faith Vertilema!" Sigaw sa akin ni daddy.
Galit na galit na siya dahil buong pangalan ko na ang binaggit niya. Kung dati ay takot na takot ako na marinig ang buo kong pangalan, pero ngayon, pakiramdam ko'y sasabog na ako dahil sa galit.
Hindi ko talaga makuha kung bakit pinaparusahan siya ng ganito ng langit. Ginawa ko naman ang lahat upang makita nila ako bilang anak. Pero bakit hindi pa rin nila makita?
"Kung wala kami, ay wala ka rin. Tandaan mo iyan. Lahat ng datung na meroon ka ay pinaghirapan namin. Sa amin galing!" Dagdag ni daddy.
Tumawa ako ng puno nang panunuya dahil sa binitawan iyon ni daddy. Kahit ang totoo niyan ay halos madurog na aking kalooban. Pakiramdam ko rin ay pinapaso ng masidhi kong damdamin ang buong gilid ng aking mata.
So ngayon isusumbat pa nila ang pagiging magulang nila?
"Ang kakapal naman ng mukha niyo para sabihin iyan!" nakangisi kong wika sa kanila.
"Kung sumbatan lang naman ang ibabato niyo sa akin, bakit hindi natin simulan ito noong nilusta niyo lahat ang pera na para sa kompanya ni lola!?" Bakas sa kanilang mukha ang pagkabilga. Akala siguro nila ay hindi ko alam iyon.
"At ito ba ang sinasabi ninyong pinaghirapan ninyo?" Tinanggal ko ang mamahalin na kwentas, singsing at kung ano pang kumikinig na malalaki ang halaga sa paningin nila. Mariin ko iyon na sinaksak sa kanilang dibdib.
"Ayan. Hinding-hindi ko iyan kailangan!"
"Baka nakakalimutan din ninyo na mukha ko ang pinuhunan upang mabayaran lahat ng utang ninyo sa casino at maisalba ang kompanya ni lola noon!"
Pareho silang hindi kumibo. Akala ba nila ay nakalimutan ko na ang araw na iniwan ako sa mayamang pamilya para maisalba ang kompanya? Dahil desperado at desperada na silang mabawi ang kompanya ay nagawa nilang i set-up ako sa isang matandang lalaking may asawa.
Dahil pa sa kanila kaya nasira ang tahimik ni Mr. Havoc pamilya. Dahil din sa kanila kaya nakulong ang matanda na iyon dahil sa pinalabas nilang balita na binuntis ako ng lalaki na iyon, at makuha ang halos isang bilyong dolyar. Tinakpan lang naman nila ng pera ang issue ng pera, upang hindi na maungkat pa ng korte.
Hindi alam ng lola ko ang pinanggagawa nila na iyon. Huli na niyang nalaman ang lahat noong pinagtapat ko sa kaniya bago siya binawian ng buhay.
Ayaw na ko lang magsalita pa dahil sa tuwing naalala ko iyon ay hindi ko mapigilan sa aking sarili.
Nagamit na nila ako noon, hindi na ako papayag na uulitin pa nila iyon.
Mabibigat ang aking hakbang habang papaalis sa harapan. Nakapaa lamang ako habang binabaybay papunta sa aking kwarto. Pati kasi ang paborito kong takong ay isinaksak ko sa kanilang dibdib. Mabuti na lang din iyon para naman hindi na nila ako sumbatan.
Kagabi ko pa sana balak na lisanin ang lugar na ito bitbit ang maliit na halaga na pera na aking inipon. Pero dahil sa mga gwardya ni mommy, ay hindi ako nakatakas, bagkus ay dinampot nila ako upang ipinadala sa sa isang restaurant kung saan naghihintay ang matandang CEO.
Maganda at matangkad ako, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ginagamit ng magulang ko ang aking mukha upang makahanap ang mga matatandang CEO para perahan.
Bumaba ako na bitbit ang isang maleta at bag. Buo na ang desisyon kong umalis sa lugar na ito at magpakalayo-layo. Harangan man nila ako ngayon ay hindi na nila ako mapipigilan. Sa ginawa nila ngayon ay sapat na iyon upang tapangan ko ang aking loob.
"Heaven!" Umalingawngaw ang galit na boses ni daddy sa buo masion.
"Where do you think you are going?"
Pinihit ko ang aking katawan. Mahigpit na napahawak ako sa aking strap ng bag. May bitbit sina daddy and mommy ng mga gwardya. Subukan lang talaga nilang pigilan ako at tatawag ako pulis upang damputin sila.
"To the place where I cannot see your face, father," sabi ko, at nagpatuloy sa paglakad.
"Oras na tumapak ka palabas ng bahay na ito ay huwag mo na isipin na may ama at ina ka pa!"
Tumawa ako nang malakas. Masakit para sa akin na marinig ang mga kataga na iyon pero kailangan kong panindigan ang aking desisyon.
"Kahit kailan ay hindi niyo naman ako inisip na anak, hindi ba? What's the point staying in this house? You have all the money that I been suffering for how many year. Kaya paalam na sa inyo. Isaksak niyo sa baga iyang pera ninyo!"
Mabibilis ang aking hakbang palayo sa aking ama. Hindi ko rin tinapunan ng tingin ang mansion nang makasakay ako sa taxi.
Tila naging blanko ang aking isip nang makalayo ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon ko na 'to. Ganoon pa man ay wala akong pinagsisihan.
Chapter 1 ONE
09/04/2022
Chapter 2 TWO
09/04/2022
Chapter 3 THREE
09/04/2022
Chapter 4 FOUR
20/04/2022
Chapter 5 FIVE
23/04/2022
Chapter 6 SIX
23/04/2022
Chapter 7 SEVEN
25/04/2022
Chapter 8 EIGHT
25/04/2022
Chapter 9 NINE
25/04/2022
Chapter 10 TEN
27/04/2022
Chapter 11 ELEVEN
10/05/2022
Chapter 12 TWELVE
11/05/2022
Chapter 13 THIRTEEN
12/05/2022
Chapter 14 FOURTEEN
17/05/2022
Chapter 15 FIFTTEEN
27/05/2022
Chapter 16 SIXTEEN
17/08/2022