What would you do if the only person who keeps you going every second of every day was taken away from you? "I'll seduce him," she answered. "Not only to reclaim what is rightfully mine, but also to make him feel the same pain I felt the day he took my son away from me."
"Hindi ka sasama kay Maris patungong Japan!" Ang dumadagundong na boses ni Manong Leroy ang pumukaw sa mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lera.
Niyakap siya ng inang si Nora, na pinapahupa ang mainit na tensyon sa pagitan ng mag-ama.
Kakatuntong pa lamang niya sa legal na edad nang nakaraang buwan, nang ayain siya ni Maris, matalik niyang kaibigan, na sumama sa tiyahin nito patungong Japan.
"Itay, mataas raw po magpasahod ang mga hapon sabi ng tiyahin ni Maris. Nakita n'yo po ba ang ipinapagawa niyang konkretong bahay? Katas po iyon ng pagtatrabaho niya sa Japan. Gusto ko lang naman po na makaahon tayo sa hirap."
Sunod-sunod na lumuha si Lera ngunit hindi siya nag-abalang punasan iyon. Nais niyang ipaunawa sa mga magulang na para sa kanila ang kagustuhan niyang magtrabaho sa ibang bansa.
"Mag-aaral ka at hindi magsasayaw sa harap ng mga hapon!" Kunot na kunot ang noo ng kan'yang ama at matalim ang titig na ipinukol sa kan'ya. Hindi ito galit sa anak, bagkus ay sa kan'yang sarili dahil kahit ano'ng pagsusumikap niyang mabigyan ng masaganang buhay ang pamilya ay nananatili pa din silang mahirap.
Magsasaka ang ama ni Lera sa malawak na lupain ng pamilya Valle, ang pinakamayamang pamilya sa Sta. Ignacia. Ang kan'yang ina naman ay naninilbihan bilang kasambahay sa mansyon ng alkalde ng kanilang bayan.
Binitiwan siya ng ina at masuyong inalo ang kan'yang ama.
"Hindi po ako magsasayaw doon katulad ng iniisip n'yo, waitress po ang magiging trabaho namin doon." Gustuhin niya man mag-aral ay alam niyang imposible iyon.
Baon na sila sa utang dahil sa pagkakasakit ng nag-iisa niyang bunsong kapatid, na si Mikoy.
"Hindi ka aalis!" Pinal na sabi ng kan'yang ama subalit umiling siya bilang pagtutol.
Kinuha niya ang bag na naglalaman ng kan'yang mga damit. Niligpit niya iyon kanina upang dalhin sa pag-alis nila bukas ni Maris kasama ang tiyahin nito.
Nakayuko niyang hinarap ang mga magulang.
"Nasa tamang edad na po ako para magdesisyon sa sarili ko. Para po ito sainyo. Maiintindihan n'yo rin po ako kapag nakarating na ako doon."
Nahihiya siya na suwayin ang mga magulang sa unang pagkakataon. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya hindi susunod sa mga ito.
Hindi niya na nakita pa ang reaksyon ng magulang dahil tumakbo na siya paalis. Maging ang pagtawag ng kan'yang kapatid at ina sa pangalan niya ay hindi naging dahilan upang lumingon siya at bumalik dito.
Lumaki siya sa payak na pamumuhay. Kumakain sila sa tamang oras at naibibigay ng kan'yang mga magulang ang mga pangangailangan nila. Subalit, nagbago iyon nang magkaroon ng komplikasyon sa baga ang kapatid niya. Nabaon sila sa utang, na hindi niya alam kung hanggang kailan nila matatapos bayaran.
Hindi niya maatim na makitang halos magkandakuba-kuba na ang kan'yang ama't ina sa pagtatrabaho. Hindi niya nanaisin na maging ang pag-aaral niya sa kolehiyo ay dumagdag pa sa pasanin ng mga ito.
Gamit ang kanang kamay ay pinahid niya ang luha sa kan'yang mga mata. Tumingala siya sa kalangitan at nakita ang napakaraming bituin na nakapalibot sa bilugang buwan.
"Pagdating ko sa Japan ay ang langit na ito pa din ang makikita ko. Wala naman magbabago, parehong hangin pa din ang malalanghap ko."
Niyakap niya ang maliit na bag na naglalaman ng kaunti niyang mga damit.
Lumingon siya sa daang tinahak niya kanina.
"Pangako inay, itay, at Mikoy, iaahon ko kayo sa hirap." Tumalikod na siya at muling tinahak ang masukal at madilim na daan patungo sa kabukiran kung saan nakatira si Maris.
Malapit na ang bahay ni Maris dahil natatanaw niya na ang ilaw ng mga kabahayan. Bibilisan niya sana ang paglalakad nang mapahinto siya ng isang mahinang halinghing.
"Tulong!" boses ng isang babae ang narinig niya kasunod ng napakalakas na tunog ng tila pagsampal.
Puno ng talahib ang gilid ng daan ngunit ang liwanag ng buwan ang nagsilbing ilaw niya upang makita kung saan nagmumula ang ingay.
Nakita niya ang tila pagbubukas ng zipper ng pantalon ng dalawang malalaking lalaki habang nakasalampak naman sa talahiban ang isang babae.
Napasinghap siya nang maunawaan kung ano ang nangyayari. Nagkubli siya sa malaking puno ng narra habang nag-iisip kung ano ang nararapat gawin.
Pinalaki siyang mabuting tao at matulungin sa kapwa. Hindi niya maaatim na iwanan ang babaeng humihingi ng tulong sa ganoong sitwasyon.
Malalim siyang nag-isip, may kalayuan ang himpilan ng pulis at kung uunahin niya ang paghingi ng tulong sa mga kabahayan na ilang metro pa ang layo ay baka tuluyan nang magawan ng masama ng dalawang lalaki ang babae.
Sinilip niyang muli ang mga ito sa likod ng puno. Kaagad siyang nataranta nang makitang pumaibabaw ang isang lalaki sa babae Mabilis niyang iginala ang paningin sa paligid upang maghanap ng bagay na maaaring gamitin bilang panlaban sa mga ito.
Napukaw ang kan'yang atensyon ng isang may kalakihang bato. Hindi na siya nagdalawang isip na kunin iyon. Humakbang siya palapit sa dalawang lalaking nakatalikod at buong lakas na ipinukol ang bato.
Natamaan ang baywang ng lalaking nakatayo. Uminda ito ng sakit subalit hindi iyon sapat upang mapatumba ito. Sa halip ay naalarma ito at hinanap kung sino ang bumato. Bago pa man makapagtago si Lera ay nakita na siya ng dalawa.
Nanlaki ang kan'yang mga mata at kaagad na pinanlamigan ng katawan.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong kumaripas siya ng takbo.
Damang-dama niya ang takot nang habulin siya ng dalawang lalaki. Hindi niya alam kung saan siya magtutungo basta't tumatakbo na lamang siya sa gitna ng damuhan, nang hindi inaasahang matalisod siya at madapa.
"Kung sweswertihin ka nga naman! Hindi man natin nakuha ang pamangkin ni mayor pero mukhang 'di hamak na mas maganda ang babaeng pumalit," sigaw ng isang lalaki na mayroong hawak na patalim. Mahina na itong naglalakad palapit sa kan'ya.
Lumingon sa kanila si Lera. Masakit ang kan'yang paa dahil sa pagkakatalisod ngunit hindi niya iyon ininda. Inabot niya ang kan'yang bag at buong pwersa itong itinapon sa dalawa.
Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang tumayo at muling tumakbo.
Humahangos siyang nagkubli sa isang malaking bato. Ilang hakbang na lamang ay may mga kabahayan na.
Sumilip siya sa parte ng kakahuyan kung saan siya nanggaling. Nakita niya ang dalawang lalaki na panay ang lingon sa paligid.
Hinanap niya ang pinakamalapit na bahay upang humingi ng tulong, hanggang sa makita niya ang maliit na tila abandonadong kubo. Ilang malalaking hakbang ang kan'yang ginawa upang makarating doon.
Kaagad niyang isinara ang pintuan nang makapasok.
Ang kaunting liwanag mula sa maliit na siwang ng nakasarang bintana ay hindi nakatulong upang maaninag niya ang nasa loob. Kumapa siya sa dilim ngunit walang kahit anumang bagay siyang mahawakan doon.
Sa kan'yang paglalakad ay mayroon siyang nasaging mga gamit na tuluyang nahulog sa sahig. Lumikha iyon ng ingay kaya napatakip siya ng bibig.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang maapakan niya ang isang matalim na bagay sa sahig. Nadapa siya at bumagsak sa papag.
"Miss, lumabas ka na." Nangilabot siya nang marinig ang boses ng lalaki sa labas ng kubo.
Nagsumiksik siya sa pinakagilid ng papag, hanggang sa mayroon siyang makapa na sa wari niya ay unan o gamit. Dinaganan niya ito.
Dahil sa matinding kaba, matagal bago niya naramdaman na ang bagay na nadadaganan niya ay tila gumagalaw.
Suminghot-singhot pa siya nang maamoy ang alak. Sinundan niya iyon at 'di inaasahang dumapo ang kan'yang labi sa isang malambot na bagay kung saan nanggagaling ang amoy.
Lumayo siya dito nang mapagtantong isang tao ang nadadaganan niya.
Subalit bago pa siya tuluyang makatayo ay kinabig siya nito pahilig sa dibdib.
Akmang aalis muli siya sa ibabaw nito, nang marinig niya ang sapilitang pagbubukas ng pintuan at boses ng humahabol sa kan'ya.
Wala siyang ibang pagpipilian kun'di gisingin ang lalaki sa kan'yang ilalim para humingi ng tulong.
"Gumising ka," mahina niya itong sinampal subalit ungol lamang ang isinukli nito at marahang pagdantay ng kamay sa kan'yang likod.
Maya-maya pa'y tumigil ang pagbukas ng pintuan hanggang sa narinig niya ang papalayong mga yabag.
Akala niya'y ligtas na siya ngunit ang magian na pagkakayakap ng hindi kilalang lalaki sa kan'yang baywang ay humigpit.
Pilit siyang kumakawala dito ngunit napatigil siya nang isang mariing halik ang iginawad sa kan'ya ng estrangherong iniibabawan niya.
Chapter 1 Kabanata 1
09/04/2022
Chapter 2 Kabanata 2
09/04/2022
Chapter 3 Kabanata 3
09/04/2022
Chapter 4 Kabanata 4
09/04/2022
Chapter 5 Kabanata 5
09/04/2022
Chapter 6 Kabanata 6
09/04/2022
Chapter 7 Kabanata 7
09/04/2022
Chapter 8 Kabanata 8
09/04/2022
Chapter 9 Kabanata 9
09/04/2022
Chapter 10 Kabanata 10
09/04/2022
Chapter 11 Kabanata 11
09/04/2022
Chapter 12 Kabanata 12
12/04/2022
Chapter 13 Kabanata 13
12/04/2022
Chapter 14 Kabanata 14
12/04/2022
Chapter 15 Kabanata 15
12/04/2022
Chapter 16 Kabanata 16
12/04/2022
Chapter 17 Kabanata 17
12/04/2022
Chapter 18 Kabanata 18
12/04/2022
Chapter 19 Kabanata 19
12/04/2022
Chapter 20 Kabanata 20
12/04/2022
Chapter 21 Kabanata 21
12/04/2022
Chapter 22 Kabanata 22
12/04/2022
Chapter 23 Kabanata 23
12/04/2022
Chapter 24 Kabanata 24
12/04/2022
Chapter 25 Kabanata 25
12/04/2022
Chapter 26 Kabanata 26
12/04/2022
Chapter 27 Kabanata 27
12/04/2022
Chapter 28 Kabanata 28
12/04/2022
Chapter 29 Kabanata 29
12/04/2022
Chapter 30 Kabanata 30
12/04/2022
Chapter 31 Kabanata 31
12/04/2022
Chapter 32 Kabanata 32
12/04/2022
Chapter 33 Kabanata 33
12/04/2022
Chapter 34 Kabanata 34
12/04/2022
Chapter 35 Kabanata 35
12/04/2022
Chapter 36 Kabanata 36
12/04/2022
Chapter 37 Kabanata 37
12/04/2022
Chapter 38 Kabanata 38
12/04/2022
Chapter 39 Kabanata 39
12/04/2022
Chapter 40 Kabanata 40
12/04/2022