Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Myoujin Aki's Prisoner

Myoujin Aki's Prisoner

Aoi Helia

5.0
Comment(s)
221
View
11
Chapters

Warning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. Lihim siyang nagkaanak sa babaeng itinuring niyang slave noong high school pa lamang sila. Nabuntis ni Myoujin si Yuffie noong high school sila. Subalit tumakas ang dalaga sa kamay ng mapanakit at mapagmanipulang kamay ng binata. Malalaman ba ni Myoujin kaya't tumakas si Yuffie dahil nabuntis siya noong kabataan nila? Patuloy rin bang matatakot at magtatago si Yuffie sa binata, kahit lumipas na ang anim na taon na ang nakakalipas?

Chapter 1 Myoujin Waldstein Ferrer- Aki

Prologue

"Is that you, Master Myoujin?" ani ni Sofia na kaniyang pinsan.

"Yes, I am back!" pabalik na tugon nito kay Sofia.

"How's your trip insan at kumusta ka sa Japan? 6 years na pala noong huli tayong magkita."

"Heto I am still killer and may illegal business pa rin. How's my business here?"

"It is still good and fine. Mabuti bumalik ka na?"

"Alam mo naman ang dahilan kaya bumalik ako rito sa Pilipinas."

"I know, it is about your company?!"

"You are wrong Sofia, alam mo na naman ang nangyari 6 years ago na ang nakakaraan."

"It is because kay Yuffie? Pero high school pa lang kayo noon hindi ba? and you have a long time relationship with Megumi."

"I don't care about Megumi. Yuffie is mine at ang akala niya makakatakas siya sa'kin, she is wrong. Kaya bumalik ako para makapaghiganti sa ginawa niya sa'kin!"

Hindi makaimik si Sofia sa isinaad ng kaniyang pinsan dahil sa nakaraan ni Myoujin at 6 years ago na ang nakakaraan.Sa ngayon ay 22 years old na si Myoujin at siya ang nagmamay-ari ng mga sikat na kumpanya ng alak sa bansang Japan at Pilipinas. Mayroon din siyang sariling restaurant at sa ngayon isa siyang head ng Yakuza na kapalit ng kaniyang lolo na si Hiro Aki.

Chapter 1: Myoujin Waldstein Ferrer- Aki

"Myoujin, umuwi ka rito sa Pilipinas dahil kailangan ka ng daddy mo rito," wika ni Daniela na nanay ni Myoujin habang kausap niya ito sa telepono.

Sa ngayon ay nasa Shinjuku City si Myoujin at kasama nito ang kaniyang lolong si Hiro Aki. Sila ay ang nagmamay- ari ng Sochu Whiskey Company na pinakasikat na kumpanyang alak sa iba't- ibang bansa. Napakayamang pamilya ng mga Aki kaya't laki sa laway si Myoujin sa kanilang pamilya. Nag-iisang anak siya nina Daniela Ferrer na isang Filipina at Nishimura Aki at nag- iisang apo siya ni Hiro Aki. Nagpaiwan sa bansang Japan si Myoujin sa kadahilanang mas gusto niyang makasama ang kaniyang lolo Hiro. Nag-aaral sa ngayon si Myoujin sa pinakasikat na eskuwelahan sa Japan, ang Hotsuma International School Tokyo. Pinakasikat din siya sa kanilang eskuwelahan at presidente siya sa Student Council Community. Sikat din siya sa mga kababaihan subalit hindi niya masyadong pinapansin ang mga ito.

"O- genki desu ka? Myoujin- san? (Kumusta ka na, Myoujin?)," pasulyap na wika ng babaeng kaniyang kamag-aral habang naglalakad si Myoujin patungo sa kaniyang classroom.

Hindi niya kinibo ang babae at patuloy lamang ito sa paglalakad patungo sa kaniyang classroom. Mayroong itong matalik na kaibigan na isang kalahating dugong Hapones din, siya ay si Maki Kamado. Galing din ito sa napakayamang pamilya at vice-president naman ito sa Student Council Community. Tulad ni Myoujin, sikat din ito sa paaralan at matalik na magkaibigan ang dalawa.

"Oh, oh, Myoujin-san, anata wa sou josei ni hijou ni shitsurei desu! (Napakasungit mo naman Myoujin!)," tumatawang saad ni Maki sa kaniya.

"Puwede ba Maki, mag-usap tayo ng normal. Dalawa lang tayong magkatabi rito, mag-tagalog muna tayo," seryosong wika naman ni Myoujin sa kaniya.

"Sige na nga, ano ba ang problema mo kung bakit mo sinungitan ang babae kanina? Lumalapit na nga ang pain tinanggihan mo pa ang grasya."

"Hindi ako interesado sa mga babae rito sa ating eskuwelahan."

"Napaka-cute no'ng babaeng kausap mo kanina, nasa Senior High School na iyon."

"Wala akong pakialam, Maki, bakit hindi na lang ikaw ang kumausap sa kaniya."

"Napakasungit mo naman, iba talaga kapag sikat no!"

"Hindi ako sikat, ayoko lang talaga sa kanila."

"Maiba ako, balita ko ay pinapauwi ka na ng mommy mo sa Pilipinas?"

"Parang ayoko pa, Maki. Hindi ko maiiwanan ang Akihabara, alam mo naman naaadik ako sa lugar na iyon."

"Naku, iyan na naman tayo mga anime na naman. May bagong limited edition na Demon Slayer at Naruto Figure na bagong labas ng Toei Anime Company."

"Nagsawa na ako sa mga anime Maki. Tsaka hindi sila galing sa Toei Anime Company, Ufotable Studio sila samantalang ang Naruto sa Pierott Company sila."

"Edi ikaw na ang magaling sa mga ganyan, Myoujin. Hapon na pala naghihintay na ang sundo mo sa labas tiyak na naghihintay na sa pinto ang inyong napakarami ni'yong kasambahay. Mahal na prinsepe."

Tumawa nang malakas si Maki at sinapok siya ni Myoujin.

Hinimas ni Maki ang kaniyang ulo dahil nasaktan ito sa pagkakasapok ni Myoujin sa kaniya.

"Aray, kahit kailan talaga tunay kang mapanakit na kaibigan."

"Wala akong sundo ngayon dala ko ang kotse ko."

"Ano ang dinadala mong kotse?"

"Yung Lexus 2021 IS."

"May bago na naman, ako dalawa lang sasakyan ko."

Alam ni Maki na seryosong tao ang kaniyang matalik na kaibigan.

"Sige, mauna na ako. Ja-ne," wika ni Myoujin at lumabas na ito ng classroom.

"Ki-wo tsukete, tomodachi- san, (mag-ingat ka, kaibigan)," saad naman ni Maki sa kaniya.

"Mas mag- ingat ka Maki, ingat sila sa iyo," pabirong sambit naman ni Myoujin sa kaniya.

Sumakay na si Myoujin sa kaniyang sariling sasakyan at pagkarating niya sa napakalaking mansyong ng kaniyang lolo. Sinalubong naman siya ng kaniyang mga battler at mga kasambahay sa labas ng mansyon. Kinuha ng isang kasambahay ang kaniyang bag at pumasok na si Myoujin sa kaniyang kuwarto. Ilang sandali lamang ay tumatawag na naman ang kaniyang mommy at sinagot nito ang kaniyang tawag sa telepono.

"Myoujin, anak, pumayag na ang lolo mong umuwi ka na ng Pilipinas. Dapat next week narito ka na," mahinahon na saad ng kaniyang mommy sa kabilang linya.

"Mommy, alam mo naman na ayokong pang umuwi. Pinag- usapan na po natin ito!" pagalit na tugon nito sa kaniyang ina.

"There's nothing you can do, is that clear? I'll wait for you until next week!"

Pinatay at pabagsak nitong ibinaba ang telepono at humiga ito sa kaniyang higaan kasabay nito ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

"Damn, bakit kailangan ko pang umuwi ayokong makasama si daddy!" pagalit na saad nito sa kaniyang sarili.

Ilang sandali lamang ay pumasok ang kaniyang personal na yaya, si Aling Cossang. Si Aling Cossang ang tagapag- alaga ni Myoujin simula bata pa ito at itinuring na niya itong tunay na nanay.

"Myoujin, maaari ba kitang makausap?" mahinahong tanong ni Aling Cossang sa kaniya at pumasok na ito sa kaniyang silid.

Biglang tumayo si Myoujin mula sa kaniyang pagkakahiga.

"I-ikaw pala yaya," gulat na saad nito kay Aling Cossang.

Umupo si Aling Cossang sa kaniyang tabi at ngumiti ang matandang babae sa kaniya.

"Ano ang problema mo Master Myoujin, tila nag-away na naman yata kayo ng mommy mo?''

"Opo, yaya, dahil alam mo naman ayokong iwan si Oji-san dito sa mansyon."

"Naiintindihan na ni Oji-sama mo iyon, master. Sa pagkakataong ito, ang mga magulang mo na naman ang dapat mong sundin."

"Kung uuwi ba ako, yaya, sasama ka ba? Hindi ba't matagal mo nang inaasam na umuwi sa inyo?"

"Oo, matagal na pero mas kailangan ng pamilya ko ang pera upang makapag-aral ang nag-iisa kong anak na si Yuffie."

Biglang nalungkot ang mukha ni Aling Cossang subalit pinilit pa rin nitong ngumiti at humarap siya kay Myoujin.

"May anak ka pala yaya?"

"Oo, master, may anak ako at matanda ka ng isang taon sa kaniya."

"Pero ang sabi mo noon sa akin ay wala kang asawa?"

"Bago ko pa kayo nakilala, nasa bansang Tsina ako at nakilala ko ang ama ng aking anak."

"Pero bakit kayo naghiwalay?"

"May asawa ito at naging babae niya ako. Nang umuwi ako ng Pilipinas nabigla ang nanay ko dahil nabuntis ako sa pagkadalaga. Nanganak ako at wala akong magawa kung hindi pumunta rito sa Japan at ikaw ang aking naging unang amo. Tanda ko pa noong nasa anim na taong gulang ka pa lamang. Ilan taon na ako rito, labing- isang taon na pala magmula nang makasama kita. Kaya't sa wakas ay uuwi na rin ako."

Ipinakita ni Aling Cossang ang ipinadalang larawan ng kaniyang anak sa kaniya. Bagama't hindi nakakasama ni Aling Cossang ang kaniyang anak, patuloy lamang ang kanilang komunikasyon nilang mag-ina.

"Heto ang aking anak master."

Tiningnan ni Myoujin ang larawan na ipinakita ni Aling Cossang sa kaniya at namangha ito sa kagandahan ng babae sa larawan.

"Parang isa siyang buhay na manika, yaya. Mukha siyang 3d anime, kamukha niya si Tifa Heartlock sa Final Fantasy."

Tumawa nang malakas si Aling Cossang.

"Oo, kinukuha siyang modelo pero tumatanggi siya at lagi siyang muse sa paaralan. Tawag sa kaniya ay miss anime o buhay na manika."

Tumawa lamang si Myoujin dahil para sa kaniya ay mas maganda ito kumpara sa mga babaeng nakikita niya sa kaniyang paaralan.

"Promise mo iyan, yaya, kasabay kitang uuwi ng Pilipinas."

Hinimas sa ulo ni Aling Cossang si Myoujin.

"Binata na nga ang alaga ko, oo sasama ako s aiyo master."

Lumipas na ang isang Linggo at umuwi na sila sa bansang Pilipinas. Nakasakay si Myoujin sa kanilang Private Plane at kasama niya ni Aling Cossang. Sinalubong siya ng kanilang mga tagapagsilbi at ang kanilang sariling battler. Sinalubong siya ng kaniyang personal na battler na si Manong Rolando.

"Master, maligayang pagdating," nakangiting wika ni Manong Ronaldo sa kaniya.

"Nasaan sina mommy at daddy?" seryosong tanong nito sa kaniya.

"N-naghihintay po siya sa loob ng mansyon at hinihintay ka nila.''

Naglakad na ito patungo sa kanilang mansyon at sinalubong siya ng kanilang mga tagapagsilbi.

"Maligayang pagdating, Master Myoujin Aki!" Sabay- sabay nilang pagbati kay Myoujin.

"Napakaguwapo pala ng ating master," nakangiting wika ng bago nilang kasambahay.

"Mukha siyang prinsepe," namumulang tugon naman nito ng kaniyang kasama.

Sinalubong siya ng kaniyang mommy at daddy sa loob ng kanilang mansyon.

"Welcome home, my son," nakangiting saad naman ng kaniyang amang si Nishimura.

"How's your trip?" tanong naman kaniyang mommy sa kaniya.

Niyakap naman ng mag-asawa ang kanilang anak na kadarating galing sa Japan.

"I'm tired and I want to rest first. Excuse me," seryosong tugon nito sa kaniyang magulang.

"Aren't you going to eat? Nagpaluto pa man kami ng food para sa iyo," dagdag na saad muli ng kaniyang ina sa kaniya habang papunta na ito sa kaniyang silid.

"Thanks, mommy, but I'm still full," sagot nito sa kaniyang mommy Daniela.

"Wait, may pag-uusapan tayo. Saisho no ikku (makinig ka muna)," seryosong wika naman ng kaniyang daddy sa kaniya.

"Nani? (ano?)" Tanong nito atsaka tumigil siya sa paglalakad.

"Tungkol sa paglipat mo sa bago mong paaralan, Myoujin," seryosong saad naman ng kaniyang mommy Daniela.

"But I still don't want to go to school, mommy," pagrereklamong wika nito sa kaniyang mommy.

"You have to go to our school," sambit naman ng kaniyang daddy.

"I'm not used to living here!" pagalit na sigaw nito sa kaniyang mga magulang.

"Anata wa koko ni sumu koto ni nare masu, Myoujin! (masasanay ka rin mamumuhay rito, Myoujin!)," pagalit naman saad ng kaniyang daddy sa kaniya.

Kinuyom ni Myoujin ang kaniyang kamao at nagsalita.

"Masasanay akong mamuhay rito? Pinilit ni'yo lang akong umuwi rito mom and dad!"

Sinampal ni Daniela ang kaniyang anak at tumawa lamang si Myoujin sa kanilang harapan.

"Ano ang gusto mong gawin sa Japan? Manggulo at sakit ng ulo ng iyong lolo mo roon?!" pagalit na wika ni Daniela sa kaniya.

"Sumimasen, netai desu, (excuse me, inaantok na ako)," mahinahon na saad ni Myoujin sa kanila at naglakad na ito papunta sa kaniyang kuwarto.

"I'm still talking to you, don't turn your back on me!"

Inakbayan na lamang ni Nishimura ang kaniyang asawa at umakyat na si Myoujin sa kaniyang kuwarto.

"Hayaan mo muna siya, masasanay rin siya rito," malungkot na saad ni Nishimura sa kaniyang asawa.

Kinabukasan, maagang nagising si Myoujin at nakahanda na ang kanilang almusal. Umupo na ito sa kanilang napakalaking mesa. Nadatnan niya ang kaniyang mommy at daddy at kinausap niya sila.

"Mom, dad, I am ready to go to school," nahihiyang saad nito sa kanila.

"Hontou ni (really?), masaya ako sa desisyon mo. Ako na ang maghahatid sa'yo sa school," nakangiting wika ng kaniyang ama.

"Don't worry anak, babantayan ka ng iyong sariling battler at magiging personal na maid at driver mo siya," saad naman ng kaniyang mommy.

"Arigatou gozaimashita (Thank you), mom and dad. Maliligo na ako."

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book