Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Wildest Dreams

Wildest Dreams

KhioneNyx

5.0
Comment(s)
427
View
16
Chapters

Independent woman at career-oriented si Evony Lorenzo, wala na siyang mahihiling pa bilang isang stable chef sa Black Sala na isang five star restaurant at nariyan ang nobyo niyang si Markian. Isa rin naman ang dalaga sa nangangarap ng perpektong kasal ngunit hindi niya pinangarap na magkaroon ng anak o maging ina dahil sa trauma ng kanyang nakaraan. Ngunit mapaglaro ang tadhana nang makilala niya ang estrangherong binata sa isang party sa bar nang dahil sa kalasingan, hindi na alam ni Evony ang nangyari nang magising siya katabi niya ang binata sa kama at parehas nakatago ang hubad nilang katawan sa iisang kama. Things worse nang malaman niyang ang naka-one night stand niya ay walang iba kundi ang boss at kaibigan ng nobyo niya, si Vito Ruiz. Gusto niyang itago ang pagkakamali nang magbunga ang nangyari sa kanila sa isang gabi lang, nangyari ang kinatatakutan niya, but Vito is to the rescue para tumayong ama sa anak niya, papayag kaya siya lalo na't may nobyo siya? O muling maglalaro ang mahika ng tadhana para magbago ang plano niya sa buhay sa pagpasok ni Vito?

Chapter 1 One

Chapter 1

ISANG malakas na palakpakan at hiyawan ang nangingibabaw sa buong function hall galing sa mga bisita. May ilang sumisipol at ilang sumisigaw ng 'congratulation' para sa bagong kasal nang makapasok sa function hall na puno ng mga white and violet flowers, na ilan ay nakalambitin mula sa ceilings kasama ng malaking chandeliers. Sa isang gilid naka-display ang three layered white cakes at nakapalibot ang mga table para sa bisita. Nag-umpisa ang mabagal na tugtugin kaya nag-umpisang maging emosyunal ang bride.

Hindi maiwasang mahawa ang ilan sa saya at pagiging emosyunal ng bride sa gabing iyon. Napapangiti na lamang si Evony, ang dalagang isa sa mga invited sa kasal at kakilala ng bride na isang college mate noong nag-aaral sila at isa rin sa gumawa ng pastries sa kasal na iyon.

Napasulyap si Evony sa binatang humapit ng bewang niya, ang two years na niyang boyfriend na si Markian. Binigyan siya nito ng halik sa noo saka siya yinakap mula sa likod habang sumasabay sa saliw ng mabagal na tugtug na para bang sila yung kinakasal.

She's imagining herself na siya yung kinakasal sa nobyo niyang si Markian, wala nang hihilingin pa si Evony, may stable job siya bilang chef sa five star restaurant, meron siyang supportive boyfriend and loving family kahit pa hindi perpekto ang pamilya niya. Nangako siya sa kanyang sarili simula nang mamulat siya noon na hinding-hindi niya gagayahin ang ina niya, hindi niya sisirain ang pamilyang gusto niyang buuin kasama si Markian.

Noong una hindi payag ang pamilya ni Markian sa kanya dahil galing ito sa mayamang pamilya at tingin ng pamilya nito na pera lang ang habol niya sa binata. Sabi nga ni Evony sa sarili na hindi niya kailangan ng lalaki para lang buhayin siya.

Even though two years pa lang sila ni Markian madalas na nilang napapag-usapan ang tungkol sa kasal, pero never pang pumasok sa kanyang isipan ang pagkakaroon ng anak, hindi niya nakikita ang sarili bilang ina. Isang dahilan na magkaroon siya ng trauma noong maghiwalay ang mga magulang niya, palagi pa rin niyang dinadala ang mapait na nakaraan na iyon.

***

Sampung taon pa lamang si Evony nang mamulat na siya sa madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang hanggang sa dumating ang araw na hindi niya inaasahan, ang akala niya normal lang ang lahat. Sa limang taon na puro away ang mga magulang niya, mas nakikita pa niya ang ama na nagmamakaawa sa ina niya na huwag silang iwan. Nawawala rin ang loob niya sa ina lalo na nong mapagdesisyunan nitong makipaghiwalay sa ama niya.

"Hindi ko na kaya, hindi ko kaya sa buhay na ganito! Mas magandang maghiwalay na lang tayo, bahala ka na sa anak natin."

Rinig ni Evony ang boses ng ina mula sa silid niya, hindi niya matapos ang assignment na ipapasa niya kinabukasan dahil sa ingay. Doon unti-unting tumulo ang luha niya at namumuong galit sa puso.

'Anong kasalanan ko, bakit ako may ganitong pamilya?' tanong ni Evony sa kanyang isip.

Isang lagabag ng pinto ang nagpabalik sa kanya sa realidad, binitawan niya ang ballpen at agad na lumabas ng silid. Nakita niya ang ina na may hila-hilang maletang itim. Naroon lang ang ama niya na nakatingin sa pag-alis ng ina niya.

'Anong klaseng ina siya para iwan niya kami?'

Nang mapansin siya ng kanyang ama agad itong lumapit kahit pa namumugto ang mga mata at namumula dahil sa pag-iyak. Pilit na ngumiti ang ama niya sa kanya at hinaplos-haplos ang buhok niya.

"Matulog ka na, gabi na, anak, huwag kang mag-alala babalik din ang mama mo, may pupuntahan lang iyon," sabi ng kanyang ama.

Doon din nag-umpisang mamuo ang inis sa kanyang ama, pakiramdam niya wala itong nagawa para maging kompleto sila, matalinong bata si Evony kaya nagtataka siya kung bakit kailangan pang magsinungaling ng kanyang ama para lang pagtakpan nito ang ina.

Habang tumatagal ang mga araw mas lalong bumibigat, pakiramdam ni Evony may kung anong mabigat sa dibdib niya na hindi niya mawari kung ano. Naging mailap siya sa mga kaibigan at madalas na inggit niya sa mga batang may kompletong pamilya. Mas lalong hindi niya nakaya nang makitang unti-unting nasisira ng kalungkutan ang ama niya at hindi na rin siya naasikaso nito lalo na sa kanyang pag-aaral ngunit pinilit pa rin ni Evony sa murang edad na ilaban ang pag-aaral niya kahit wala siyang kasiguraduhan.

Pumapasok siyang walang laman ang sikmura, nagigising na lang siya sa umaga na lasing at nakahilata pa rin ang ama sa silid nito. Minsan pumapasok siyang walang baon at unti-unti nang nababaon ang ama niya sa utang.

Isang araw habang kumakain nang biscuit ang batang si Evony, may kung sinong kamay na lang ang tumulak ang kamay niya kaya nalaglag sa lupa ang biscuit na siyang pinaghinayangan niya dahil iyon lamang ang tanghalian niya.

Agad siyang napasulyap sa batang kaharap at sinamaan nang tingin. "Ikaw, kunin mo nga yung mama mo at nilalandi niya ang papa ko! Malandi ang mama mo! Siguro malandi ka rin! Pinapaiyak niya ang mama ko," bigla na lang din umiyak ang batang lalaki sa harapan niya na para bang nagsusumbong.

Nabigla si Evony sa kinatatayuan at hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Dahan-dahan kumilos ang mga paa niya at tumakbo para umalis doon. Iyon lang ang magagawa niya ang tumakbo sa kahihiyang hatid ng ina niya. Mas lalong nadagdagan ang galit niya sa ina.

'Bakit kailangan niyang gawin ito?' nadagdagan na naman ang tanong sa kanyang isipan. 'Hindi ba siya nahihiya?'

Habang tumatagal mas naiintindihan ni Evony kung bakit nakipaghiwalay ang ina niya sa kanyang ama. Nakita niya sa bayan ang ina na may kasamang lalaki sa loob ng kotse, dahil sa bukas ang bintana, nakita niya kung paano nito binigyan ng malambing na halik sa labi ang matandang lalaki na kaseng edad ng ama niya. Nanatili siyang nakatayo roon nang umalis ang kotse, doon niya napagtanto na ang ina niya talaga ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay at kung bakit nasira ang pamilya nila.

Sa batang edad nangako siya sa kanyang sarili. 'Hindi ako magiging katulad ng ina ko.'

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book