Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
I Love You, Sagada

I Love You, Sagada

MargauxBlack

5.0
Comment(s)
1.7K
View
52
Chapters

"Hindi para sa isang prinsesang tulad mo ang Sagada Arki, hindi ang katulad mo ang sisira ng mga pangarap ko para sa mga ka-tribo ko." - Aki "But I love you..." - Arki "And I don't."- Aki Arkisha Rose Salazar is Salazar family's Princess, the only girl to her parents' five children, youngest, and the most stubborn. She was out on a quest with her friends in Sagada when she accidentally slips from a terrain. Luckily, a local saw what had happened and brought her to their tribe's doctor. Dakila Akio Corpuz, a man who is devoted to his tribe. He graduated with flying colors as a Doctor. He topped the board and was offered a lot of high positions, but he declined all of it to go back to his tribe and help his people. He's dedicated to his work and 'love' is not in his dictionary, but a stubborn little spoiled brat made his heart beat like never before. She is annoying, he is hostile. Can love bloom from two people who will later know that their lives are entangled? Will there be a future from a love that started in Sagada?

Chapter 1 ILYS1

ARKISHA

"Are you joining us tomorrow Arki?"

Napaangat ako ng tingin mula sa pag-scroll sa socmed nang tanungin ako ng kaibigan kong si Genevieve.

We are currently at my room, nagtitiyaga na mag-scroll lang sa cellphone dahil hindi ako puwedeng umapak sa labas ng mansyon kaya nagmumukmok na lang ako dito sa kuwarto ko.

I've been here for two weeks now! I can't even go to school, I can't face them...

"Where are you going again?" walang interes kong tanong ko.

"You forgot? We're going to Sagada! Girl we need some fresh air, sawa na 'ko sa usok ng city!" reklamo ng isa pa naming kaibigan na si Cleo.

Napaangat agad ang likod ko mula sa pagkakasandal sa couch, "Are we hiking?" excited kong tanong.

"If you like we can... but what I want to see there is the sea of clouds. Sumama ka na Arki, magpahinga ka muna sa party at lumabas ng apat na sulok nitong kuwarto mo," sulsol ni Gen.

I groaned lightly, "Baka hanapin ako ni Kuya Asher, remember grounded ako? He have my credit cards and my accounts are all freezed. My Mom and Dad won't give me a cent dahil sinabi ni Kuya Andrew na hindi ako pwedeng bigyan at mas lalo lang tatagal ang imprisonment ko," inikot ko ang mata ko sobrang inis sa mga kapatid ko.

"Try Alex, 'di ba sabi niya tumawag ka lang sa kanya at siya na ang bahala sa'yo?" tukoy ni Cleo sa kuya kong pang-apat.

"No way... he was the angriest last time, I cannot," I shrugged my shoulders remembering my family's furious faces.

"Kuya Austin?" nag-aalangang tanong ni Gen.

Huminga ako ng malalim. Austin Ryder Salazar is my eldest brother who is 29, followed by the twins Asher Rain and Andrew Rave, 26 years old, and then my closest brother Alexander Ryu, 24. I'am the youngest, and the most stubborn of all, Arkisha Rose Salazar.

I'm only 20 years old and I'm in fourth year in Mass Communication, my specialization is Print Media, meaning I'm aiming to be our company's Head Editor that is currently held by my Mom, Alessandra Salazar.

Salazar Holdings Inc. is my family's pride. Our business is one of the biggest merger company in the country. We have a publishing house that prints fashion and entertainment magazines, food and beverage manufacturing, and the main focus of SHI, our real estate development company.

My brothers are all handling different businesses and all of them are bachelors. Yeah, my hot brothers are all single but aren't ready to mingle.

They are focused with our business and leisure is not on their vocabulary, lest relationship.

"I'll try to sneak ou-"

"Don't you ever try Arkisha Rose! Kapag nalaman ng mga kapatid mo na itinakas ka namin baka gilitan kami ng leeg ng mga magulang namin. Tito Rudolph won't make it easy for them," nanghihilakbot na turan ni Cleo nang banggitin ang pangalan ni Daddy.

Their parents are one of our company's shareholders, and my father can buy them out if he learn that their kids conspire with me, I can't do that to my friends.

"I wanna join... I want to have a tattoo!" I said excitedly.

"Oh gosh... no," sagot agad ni Gen na marahas na umiiling.

I just smirked at them, I already have a plan.

At ito na nga, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa likod ng inupahang van ni Cleo paakyat ng Sagada.

Nagmakaawa ako sa Yaya ko na si Nana Esther para makalabas ng mansyon. Iniyakan ko siya at sinabing gusto ko lang hanapin ang sarili ko.

Hindi biro ang eskandalo at trauma na pinagdaanan ko at kailangan ko ang excursion na ito.

Two days lang kaming mananatili dito at paniguradong walang makakahalata na nawawala ako sa manyson. Sinabi ko kay Nana Esther na sabihing nasa 'sweet space' lang ako para walang umabala sa akin.

Ang sweet space ay adjacent room ng kuwarto ko kung saan naroon lahat ng gamit ko sa pagpipinta at photography. Kumpleto ang gamit ko dahil na rin bata pa lang ako ay exposed na ako sa camera dahil sa Mommy ko na dating modelo at artista.

Bumaba kami ng van at agad naman akong sinalubong ng sariwang hangin, nandito kami ngayon sa Kiltep Viewdeck at kitang-kita namin ang Kilong Rice Terraces.

"This place never failed to amaze me," Gen starts to inhale and exhale the fresh air that we can never breathe in the city.

After a little rest, we headed to our booked transient house for two days. The place looks serene and clean. When we went inside it felt homey, it felt more homey than our grandoise mansion in Alabang.

In the mezzanine floor, three queen-sized bed is covered with white and blue sheets, the smell of the place is wood and pine that calms me.

Nasa itaas na bahagi ng bundok ang tutuluyan namin, lumabas ako sa balkonahe at namangha sa nagtatayugang mga puno at mga bahay na kalapit namin. Tanaw ko rin ang paikot na bundok at ilang mga trails na pwede naming puntahan bukas pagkatapos namin manood ng sunrise sa Mt. Kiltepan.

"Kung may kailangan po kayo Mam pwede niyo po akong katukin sa pangalawang bahay," nakangiting turan ni Aling Pina na caretaker umano ng transient house na ito.

"Thank you po Aling Pina," wika naming tatlo na nakangiti.

Bumalik ako sa pagtulala sa kapaligiran. Hindi ko alam kung dahil ba sa ambience kaya ang sama ng loob at lungkot na naipon sa dibdib ko ay parang tubig sa talon na rumagasa at pumuno sa pagkatao ko.

Naaalala ko pa nang mahimatay si Mommy pagkakita sa video, my Dad he's... he broke his precious antique because of anger, and my brothers... ewan ko lang kung buhay pa siya hanggang ngayon.

Hindi ako umiyak mula nang araw na 'yon, pero ngayon parang may nag-udyok sa akin na ilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Napahawak ako sa balustre ng balkonahe, pakiramdam ko ay mauupos ako dahil hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin siya.

"Hey Arki..." lumapit ang dalawang kaibigan ko at niyakap ako.

"Everything will be alright Arki, everything will be fine..." wika ni Gen habang hinahagod ang likod ko.

"We're here for you Arkisha, we won't leave you. Kung lahat sila hinusgahan ka, puwes kami alam namin na hindi mo 'yon magagawa," naiiyak na sambit ni Cleo.

"Ang sakit... ang sakit pala kapag hindi naniwala sa'yo yung mga taong dapat na unang uunawa sa'yo. Thank you girls, thank you for always being there for me," man inilubog ko pa ang mukha ko sa kanilang dalawa.

Walang nagsasalita sa amin, hinayaan lang nila akong umiyak hanggang sa mapagod ako.

"You need to rest first Arki, mahaba ang ibinyahe natin. You need to rest para bukas kapag nag-hike tayo may lakas ka," inakay na ako ni Gen at pinahiga sa kamang laan para sa'kin.

Pinapwesto nila 'ko sa kama na mas malapit sa balkonahe. Walang aircon ang lugar pero sobrang lamig ng hangin, umupo lang ako sandali at muling napatulala sa labas.

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko, na sana bukas, mawala na ang sakit.

***

Sa kabilang dako ay may isang lalaki na nakatanaw sa isang bahay na bukas ang balkon, hindi maalis sa isip niya ang magandang mukha ng babaeng may malungkot na mga mata.

"Sino ka? Bakit pakiramdam ko ikaw ang gugulo sa buhay ko?" wika ng lalaki habang nakahawak sa dibdib niya, wala na ang babae sa kinatatayuan nito kanina pero ang puso niya ay hindi pa rin tumitigil sa pagkabog ng mabilis.

Hindi niya maialis sa isip ang lumuluhang imahe ng babae, malayo ang puwesto nito sa kanya ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot.

Iwinaksi niya sa isip ang babae at itinuon ang pansin sa hinahanap niya, sa isip ay hindi na sila muli pang magkikita nito kaya hindi na niya dapat alalahanin pa, ngunit mukhang hindi siya pagbibigyan ng tadhana...

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book