Would you still hold on to the man who broke your trust and took your love for granted? Or would you rather bring back the love you had long forgotten? *** Being left behind by the people she cherished, Lura Elise Abejero wants nothing but to end her suffering. Unfortunately, fate brought her broken self to the cold yet ravishingly hot business magnate, Lucio Gavin Cradford-not to fix nor save her but the other way around.
Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga batchmates ko na abala sa pagkuha ng litrato kasama ang kani-kanilang pamilya. Kumirot ang puso ko at hindi napigilan ang sariling mainggit sa kanila.
I wish you were both here with me, Mom, Dad. I miss you both. . .s-so much.
Malakas akong nagbuga ng hangin para maibsan ang bigat ng aking dibdib at pinahid ang takas na luha sa aking pisngi. Pagkatapos ay hinubad ko ang suot na toga at isinampay ito sa aking kanang braso. Naiwan na lang ang suot kong panloob-a fitted red dress which I paired with a three inches high-heeled black shoes.
Inilibot ko ang tingin sa paligid, hinahanap sa dagat ng tao ang nagsilbing lakas ko sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob, ngunit hindi ko siya mahagilap.
Muli akong napabuntong-hininga at bagsak ang mga balikat na naglakad palabas ng gymnasium. But I stopped midway when a bouquet of yellow tulips blocked my sight. I immediately moved it away from my face, annoyed with its sudden appearance, and was about to complain at the one holding it when I saw it was him.
Tumaas ang sulok ng labi ko at kaagad nawala ang inis sa aking dibdib.
"Congratulations, Pangga," he said, planting a soft kiss on my forehead. My heart skips a beat and I can feel my cheeks heated up, blushing by what he did. "Here's your favorite." He flashed a sweet smile while handling me the flowers.
I genuinely smiled back at him, accepting the bouquet and smelled it.
"Salamat, Pangga," tugon ko at saka dinampian siya ng halik sa mga labi. "Congrats din sa'yo, Mister Architect."
"Matagal pa 'yon, Pangga," natatawang aniya. "But thank you."
I chuckled and replied, "You're welcome."
"Let's go? I have a reservation in a nearby restaurant," imporma niya.
Tumango lamang ako bilang tugon at nagpatianod na sa kaniya palabas ng gymnasium.
"Pangga, can you drop me off at Heavenly Memorial Garden?" I informed My Love. We just had our lunch date as a mini celebration for our graduation ceremony and now we're heading home.
"You'll visit Tito Lauro at Tita Elaine?" he asked with his eyes still fixed on the road.
Kumislot ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ng mga magulang ko. It always stings whenever I heard their name. Kahit ilang taon na ang lumipas, masakit pa rin isiping parte na lamang sila ng aking alaala.
"Oo. Gusto kong makita nila ang diploma ko," nakangiting tugon ko ngunit ramdam ko ang panunubig ng aking mga mata at pagbigat ng aking dibdib. Hindi ko magawang tuluyang maging masaya gayong hanggang pagkausap na lang sa kanilang puntod ang tanging magagawa ko.
"Okay, samahan na-"
"Huwag na, Pangga," dagling putol ko sa balak niyang sabihin. "Hatid mo na lang ako roon tapos sa bahay mo na ako sunduin mamaya para sa party."
"Are you sure?" paniniguro niya, may bahid ng pag-aalala ang kaniyang tinig.
"Yes, Pangga. I just want to be alone with them."
"All right." He sighed. "If that's what you want. I'll just fetch you later at six," he offered.
Tumango ako. "Thanks, Pangga. I love you," malambing na ani ko at saka siya dinampian ng halik sa pisngi.
Bahagya siyang napalingon sa gawi ko pagkatapos ay naiiling na ibinalik ang tuon sa daan habang abot sa kaniyang tenga ang kaniyang pagkakangiti.
"Anything for you, My Love," he cheerily mumbled. "And I love you more," he added, planting a gentle kiss at the back of my hand that's intertwined with his.
May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking tiyan na naging dahilan upang mawala ang bigat sa aking dibdib. Umatras tuloy ang namumuong luha sa aking mga mata at hindi na mapuknat ang ngiti sa aking mga labi.
Ah, this man. . .
He really never fails to make me feel better whenever I am down, without him knowing that he does.
Padilim na nang makauwi ako galing sa pagbisita sa mga magulang ko. Nakatulogan ko kasi ang pag-iyak habang kinakausap sila at nakayakap sa kanilang puntod. Mabilisan akong naligo dahil isang oras na lang ay darating na ang sundo ko.
I choose to wear an off-shoulder floral dress for his graduation party tonight which I matched with a peach wedges. Habang inilugay ko naman ang medyo maalon kong buhok na hanggang baywang ang haba. Naglagay na rin ako ng kaunting powder sa aking mukha at pink lip-balm naman para sa labi ko nang sa gayon ay hindi ako maputlang tingnan. Pagkatapos ay dinukot ko sa drawer ng aking vanity mirror ang isang parihabang kahon na kulay itim at may tatak na Bvlgari. It's a pearl jewelry set that Pangga gave to me as a gift on our fifth anniversary just last month.
I took the necklace and the earrings out of the box and wore it just to complete the look I wanted for tonight. My lips instantly curved up the moment I saw my reflection at the mirror-simple, yet, elegant.
I still have fifteen minutes left before the clock strikes at six but I decided to went downstairs.
Minutes passed . . . until it became an hour. Ngunit hindi pa rin dumarating ang sundo ko. Nagsimula nang kumabog ang aking dibdib. Hindi ko maiwasang kabahan dahil kahit isang beses ay wala pa siyang nababali sa mga naging usapan namin. He usually informed me ahead of time if ever something came up and that he can't make it. But now, he did not even beep me.
I picked up my phone and tried to call him but he's number is out of reach! My breathing hitched. I'm so worriedly sick. Negative thoughts keep flashing in my head.
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa sofa nang may masagi ako at mabasag. Para akong nawalan ng dugo sa katawan at kinapos sa hangin nang matanaw ang litrato naming dalawa na magkayakap na ngayon ay nasa sahig na at pinapalibotan ng bubog.
Kaagad rumehistro sa isip ko ang mga sabi-sabi sa pangitaing ito. Nanginig ang tuhod ko kasabay sa malakas na pagtambol ng puso ko. Sumibol ang takot sa aking dibdib dahil sa posibilidad na baka may nangyaring masama sa kaniya.
I mentally shook my head. N-no! It can't be-
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang hawak kong cellphone. Mabilis kong sinagot ang tawag at hindi na pinagtuonan pa ng pansin kung sino ito.
"Hello?" bungad ko sa kabilang linya. Halos ibulong ko na lamang iyon, nababahalang mabasag ang aking tinig dahil nag-iinit na ang sulok ng aking mga mata.
"L-Lura. . ."
My heart pounded erratically the moment I heard his mom's voice on the line.
"T-Tita Yna?" paniniguro ko.
"Yes, A-Anak. . .it's me."
Dumoble pa ang pagkabog ng dibdib ko nang marinig ang mahihinang paghikbi ni Tita Yna.
"B-bakit po kayo napatawag?"
She took a deep breathe, as if she's struggling to speak up. "It's a-about my s-son," she hardly uttered which made my heart pounded triple this time.
"W-what about him, Tita? May problema po ba? Kanina ko pa po siya hinihintay. I tried calling him but I can't reach his number. Is he there? Is he okay?" sunod-sunod na tanong ko, natataranta.
Bahagyang natahimik ang kabilang linya at habang dumadaan ang segundo, unti-unting pinipiga ang puso ko sa takot at pangamba.
"T-Tita, answer me plea-"
Her sudden then outburst cut me off.
"What's wrong, Tita? Why are you crying?" nag-aalalang usal ko. "Where's Y-Yvo?" Nabasag ang aking boses nang sambitin ko ang pangalan niya at tuluyan nang gumuho ang mundo ko sa isinagot ng kaniyang ina.
"H-he's no longer with u-us, hija. H-he got into an accident. H-he . . . he's g-gone."
Those were the most painful words I've ever heard that night. Kung nalaman ko lang na iyon na pala ang huling beses kaming magkakasamang dalawa sana tinagalan ko pa. Kung nabigyan lang sana ako ng palandaan na kukunin na siya sa akin, sana. . .sana. . .mas pinaramdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Baka sakaling lumaban pa siya at hindi ako iniwan.
Siya na lang ang mayroon ako. Siya na lang ang natitirang lakas ko. Tapos ngayon, wala na. Iniwan na rin niya ako.
Bakit. . .bakit pati siya kinuha rin sa akin? Bakit. . .bakit mag-isa na naman ako?
Nanglabo ang paningin ko at napatakip sa aking bibig nang kumawala ang mga hikbi ko dahilan para mabitawan ko ang hawak na wine glass at mabasag ito. Tuluyan nang umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napadausdos ako sa sahig nang manglambot ang aking mga tuhod. Hindi na alintana pa ang mga bubog na tumarak sa aking balat. Ni hindi ko maramdam ang hapdi na dulot ng sugat nito. Dahil wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay pinira-piraso ang puso ko sa tuwing bumabalik sa aking ala-ala ang gabing nalaman ko ang pagkawala niya.
It's been a week. Ngunit sariwa pa rin sa akin ang gabing iyon. Bukas ay ihahatid na siya sa kaniyang himlayan pero hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya akong iwan sa kabila ng pangakong kaniyang binitawan sa akin.
He left me. . .
He broke his promise. . .
Just like what my parents did.
Lahat sila nangakong mananatili sa tabi ko ngunit sa huli, iniwan naman akong mag-isa. H-hindi ko na kaya. . .ayoko na. Pagod na pagod na ako.
Nanginginig akong tumayo habang tumatagas ang dugo sa aking mga braso at hita, pati na sa mga tuhod ko. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng bahay. Sa nanlalabong paningin ay binaybay ko ang daan patungo sa Lastra's Mansion-kung saan siya nakahimlay. Sa huling pagkakataon ay gusto ko siyang makita. . .gusto ko siyang makasama. . .gusto kong sa pagpikit ng aking mga mata ay siya ang huling taong masisilayan ko.
Hintayin mo 'ko, Pangga. . .mahal. . .na. . .maha-
"What the fuck, woman?! Are you insane?! You almost made me a murderer!"
Umugong sa pandinig ko ang malamig at galit na boses na iyon ngunit hindi ko naaninag ang kaniyang mukha dahil tuluyan na akong nanghina at nabuwal sa gitna ng kalsada.
"Damn! Hey, woman?! Are you okay? Don't you dare, close your eyes!"
He sounds concerned but his melancholic set of orbs says otherwise and I couldn't care less. Because at this moment, I just badly want to rest . . .
. . . in peace.
Chapter 1 Prologue
15/04/2022
Chapter 2 First Chapter: Anew
15/04/2022
Chapter 3 Second Chapter: Boss
15/04/2022
Chapter 4 Third Chapter: Words
15/04/2022
Chapter 5 Fourth Chapter: Blow
15/04/2022
Chapter 6 Fifth Chapter: Hot
15/04/2022
Chapter 7 Sixth: Desire
15/04/2022
Chapter 8 Seventh: Gentle
15/04/2022
Chapter 9 Eighth: Worried
15/04/2022
Chapter 10 Nineth: Tempting
15/04/2022
Chapter 11 Tenth: Mad
15/04/2022
Chapter 12 Eleventh: Self-control
15/04/2022
Chapter 13 Twelve: Sway
15/04/2022
Chapter 14 Thirteen: Astound
22/04/2022
Chapter 15 Fourteen: Blinded
22/04/2022
Chapter 16 Fifteen: Strange
22/04/2022
Chapter 17 Sixteen: Imperious
22/04/2022
Chapter 18 Seventeen: Sottish
22/04/2022
Chapter 19 Eighteen: Nirvana (SPG)
22/04/2022
Chapter 20 Nineteen: Wrath
22/04/2022
Chapter 21 Twenty: Veracity
22/04/2022
Chapter 22 Twenty-one: Herald
03/05/2022
Chapter 23 Twenty-two: Upset
03/05/2022
Chapter 24 Twenty-three: Surprise
03/05/2022
Chapter 25 Twenty-four: Wilderness (SPG)
03/05/2022
Chapter 26 Twenty-five: Voice
03/05/2022
Chapter 27 Twenty-six: Message
06/05/2022
Chapter 28 Twenty-seven: Bothered
06/05/2022
Chapter 29 Twenty-eight: Annica
06/05/2022
Chapter 30 Twenty-nine: Fight (SPG)
06/05/2022
Chapter 31 Thirty: Secured
06/05/2022
Chapter 32 Thirty-one: Beatitude
06/05/2022
Chapter 33 Thirty-two: Flabbergast
11/05/2022
Chapter 34 Thirty-three: Anguish
11/05/2022
Chapter 35 Thirty-four: Suddenly
11/05/2022
Chapter 36 Thirty-five: Shattered
11/05/2022
Chapter 37 Thirty-six: Memories
11/05/2022
Chapter 38 Thirty-seven: Reconcile
11/05/2022
Chapter 39 Thirty-eight: Aghast
11/05/2022
Chapter 40 Thirty-nine: Truth
11/05/2022