Ang maikasal sa lalaking kinamumuhian ng sobra at itinuturing mortal na kaaway ay tila sisira sa katinuan ni Camilla. Ngunit kailangan niyang tuparin ang pangako sa matalik na kaibigan. Kahilingang sisira hindi lang sa kaniyang ulo pati na rin sa kaniyang kinabukasan. Ngunit mapanindigan niya kaya ang matinding inis sa lalaki kung sa pagsasama nila ay unti-unting mahulog ang loob niya rito? Lumambot nga kaya ang kaniyang puso sa kakaibang charm ni Damon Villaruiz?
Sa nanlalabo niyang paningin ay pilit iginala ni Camilla ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kuwarto ng ospital. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang tagiliran bunga ng pagkakaopera sa kaniya. Napalingon siya sa kabilang kama kung saan nakahiga ang kaniyang matalik na kaibigan na si Athena,kung saan wala pa itong malay. Ito kasi ang naging donor niya sa isinagawang kidney transplant sa sakit niyang kidney failure. Ibinigay nito ang sariling kidney para mailigtas ang kaniyang buhay.
Pinilit niyang tumayo para sana puntahan ang kaibigan dahil sa pag-aala kung bakit hindi pa rin ito nagkakamalay ngunit napahiga siya ng muling makaramdam ng kirot. Pinagmasdan niya na lang ito
at napangiti ng maalala ang mga sinabi nito bago sila sumalang sa isang operasyon.
" Sigurado ka na ba talaga,besty sa desisyon mo na ibigay sa akin ang isang kidney mo? Maraming puwedeng mabago sa buhay mo pagkatapos nito," aniya sa nag-aalalang boses.
" Sure na ako,besty! You don't have to worry about me," nakangiti nitong tugon. " At isa pa, 'di ba,we made a promise na kung isa sa atin na mangailangan ng tulong,we don't hesitate to help,remember?" dagdag pa nito.
" Thank you,bes. Kaso palagi ikaw nalang ang nakakatupad ng promise natin,samantalang ako wala pang naitutulong sa'yo," nahihiya niyang sabi.
" Don't worry darating din tayo riyan and i know hindi mo rin ako bibiguin."
" Oo naman! Kahit ano pa 'yan,bes,promise."
" Promise 'yan,ah?" paniniguro pa nito.
Inabot niya ang kamay sa kaibigan para makipag pinky swear na siyang tinugunan naman agad nito.
" A promise is a promise!" aniya pa.
Muli siyang napangiti sa alaalang iyon. Napakaswerte niya sa pagkakaroon ng kaibigan katulad ni Athena. Elementary pa lang ay mag bestfriend na sila,hanggang ngayong pareho na silang nasa kolehiyo ay hindi pa rin nagbago ang magandang samahan nila.
Mayaman ang pamilya ni Athena kung saan naninilbihan bilang mayordoma ang ina ni Camilla. Kahit magkaiba sila ng antas ng pamumuhay ay hindi naging hadlang iyon para sa kanilang magandang samahan. At dahil nasa iisang bahay lang sila nakatira,naging malalim na ang kanilang pagkakaibigan. Malapit din ang pamilya nila sa pamilya ng kaibigan dahil sa tagal ng paninilbihan nila dito. Parang pamilya na rin ang trato ng mga ito sa kanila.
Isang tao lang sa buhay ni Athena ang labis niyang kinaiinisan. Ang boyfriend nito na si Damon Villaruiz. Para sa kaniya ay isa itong demon playboy. Lahat yata ng magagandang babae na lumalapit dito ay pinapatulan. Sa totoo lang ay ilang beses niya na rin itong nasapak sa tuwing nahuhuli niya itong may kalandiang ibang babae.
Naputol ang pag-iisip niya ng bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kaniyang Ina. Lumapit agad ito sa kaniya ng makitang gising na siya.
" Anak,salamat sa Dios at gising ka na,kumusta na pakiramdam mo?"
" Okay lang po ako,Mama. Si Athena,bakit hindi pa po siya nagigising?" tanong niya sa nag-aalalang boses.
" Hindi ko rin alam,anak. Hintayin na lang natin ang paggising niya. Sabi naman ng Doctor,successful naman daw ang operation niyo,walang naging problema," wika nito habang tanaw ang walang malay na dalaga.
Tila naman nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng marinig ang sinabi ng Ina. Ang totoo rin kasi ay hindi alam ng mga magulang nito ang ginawa nila. Tanging paalam ni Athena sa mga magulang ay pupunta sila sa resthouse nila sa Batangas at planong mamalagi doon ng ilang linggo.
" Hindi rin kasi mawala ang pag-aalala ko,lalo't hindi alam nina Tita ang ginawa natin. Paano pag nalaman nila? Baka magalit sila at palayasin tayo."
Pinilit niyang tumayo upang puntahan ang kaibigan ngunit nabigo siya. Nakaramdam siya ng pagkahilo kaya muling napahiga.
" Ano ka ba naman,Camilla,mahiga ka nga lang hindi mo pa kaya!" saway ng kaniyang Ina.
" Gusto ko lang po sana siyang puntahan,nag-aalala kasi ako."
" Hayy! 'Di ba sinabi naman ng Doctor na okay siya? Magpahinga ka na nga lang," tila naiinis ng sambit ng Ina.
" B-bes,i-im okay,stop worrying na."
Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ng kaibigan. Agad itong nilapitan ng Ina.
" Iha,anak,kumusta na pakiramdam mo? Mabuti naman at gising ka na?" nag-aalalang sambit ng Ina ni Camilla.
" Nag-alala ako sa'yo bes,ah! Ako 'tong may sakit pero naunahan pa kitang magising."
Pilit na ngumiti si Athena. Bakas sa mukha nito ang panghihina.
" Ano? Okay ka lang ba?" patuloy na usisa niya ng mapansin ang hindi nito pag-imik. Nagthumbs-up lang si Athena bilang tugon. Lumabas ang kaniyang Ina para tumawag ng Doctor para i-check sila.
" Successful ang surgery,no need to worry. It is normal for youto feel pain and tenderness,it's a part of side effect. But then,everything will be fine," paliwanag ng Doctor.
Nakahinga ng maluwag si Camilla,sobrang nag-aalala talaga siya para sa kaibigan.
" Sabi naman sa'yo 'di ba,i'm okay? Ikaw dapat ang magpalakas diyan," turan ng kaibigan.
" Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa'yo. Saka ang mga parents mo,hindi ko talaga maiwasan ang mag-alala pag nalaman nila 'to," balisa ang isip na turan niya.
" Shh. Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Secret lang natin 'to,will you stop worrying?Baka makasama pa sa'yo 'yan,eh!" tugon ng kaibigan.
" Okay,tama na 'yan. Magpahinga na kayo ng pareho kayong makabawi ng lakas. Aalis na muna ako,ha,baka kasi maagang dumating ang parents mo galing Hongkong. Gusto ko maabutan nila ako na nandoon. Babalik din ako mamayang gabi," mahabang bilin ng Ina.
" Sige,po. Ingat po kayo." Halos magkasabay naman na wika ng dalawa.
Tumalikod na ang Ina upang tunguhin ang pinto paalis ng hospital. At dahil pareho pang nanghihina ay nagpasya na lang silang matulog upang makabawi ng lakas.
Ngunit kinagabihan ay hindi inaasahang bisita ang dumating na sobrang kinainisan niya. Si Damon Villaruiz,na kasama pala ng kaniyang Ina ng dumating.
" Sorry,bes nagising ka ba namin?" Si Athena na hawak ang mga kamay ni Damon na kumaway pa sa kaniya ngunit inirapan niya lang ito.
" Bakit ba nandito ang dem*n na iyan?Panira ng gabi!" inis niyang usal sa sarili.
" How's your feeling now,feel better?" tanong ni Athena.
" Kanina okay,ngayon biglang sumama ang hangin,eh!"nakasimangot niya'ng tugon.
" I think,she's better now, hon nagsusungit na,eh!" wika ni Damon na pangiti-ngiti pa.
Umasim ang mukha niya sa tinuran nito. Nagawa nya pa'ng pagmasdan ang dalawa na sweet na sweet sa isa't-isa.
" Plastic talaga ang lokong 'to,oh! Feeling loyal,sarap batuhin ng dextrose 'yung mukha!"
" Anak sabi ng Doctor baka mapaaga ang uwi niyo pag bumilis ang recovery niyo," wika ng kaniyang Ina.
" Buti naman po, Ma. Kasi kung araw-araw na ganito may umaaligid na dem*n mukhang malabo akong maka-recover!"sarkastiko niyang tugon.
" Ano ka ba namang bata ka,sino'ng dem*n ba?" may pagtatakang tanong ng Mama niya.
Tumikhim si Damon na tila alam na siya ang tinutukoy niya.
" Ayan ka na naman,Camilla,eh. Bakit ba ang mean mo sa akin?"sita ni Damon sa kaniya.
" Whoa! Alam na alam mo talaga na ikaw ang tinutukoy ko,'no? Mr. Dem*n Villaruiz!"
" It's Damon,not Demon!" agad na tugon ng binata.
" Whatever!"tugon niya.
" Oh,ayan na naman kayong dalawa,ah! Para talaga kayong mga aso't-pusa pag nagkita,puwede ba 'wag ngayon?!" inis na turan ni Athena.
Parang maamong bata naman na tumahimik ang dalawa. Ang dahilan ng labis na pagkainis ni Camilla kay Damon ay ang sobrang pagiging playboy nito at ubod ng yabang. Para sa kaniya kasi masyado na nitong inaabuso ang kabaitan ng kaibigan. Kahit paulit-ulit itong niloloko si Athena ay tila martir ito na pinagbibigyan pa rin ang lalaki.
Ayaw niyang dumating ang araw na matulad ito sa pamilya ni Damon na broken family kapag sila ang nagkatuluyan. Dahil mukhang namana yata ni Damon ang ugali ng Ama,iniwan sila nito at sumama sa ibang babae. Ang ipinagtataka niya imbis na magalit ito ay tila sinusunod pa yata nito ang yapak ng sariling Ama.
Mabilis ang recovery ng dalawa paglipas ng ilang araw. Sa maikling panahon ay unti-unting bumalik ang dating sigla ni Camilla na dati ay malaki ang ipinayat dahil sa kaniyang sakit. Nakabalik na rin sila ng Mansion.
" So, how's your vacation,Iha?" masayang salubong ni Mrs. Romualdez sa dalawa.
Nagkatinginan ng makahulugan ang dalawa at matamis na ngumiti sa matanda.
" We're okay,Mom. We just need to rest,sobrang napagod kami ni Camilla sa biyahe,eh," sagot ni Athena na hindi makatingin ng diretso sa Ina.
" Ahm,okay. You look tired na nga and you look pale?" nag aalalang tanong ng matanda.
May takot sa mga mata ni Camilla na tumingin kay Athena. Ngunit agad na iniba ni Athena ang usapan.
" Mom,where's Dad nga pala?I really miss him! How's you business trip in Hongkong?" masigla nitong tanong.
" He's not here,Iha. Nagpaiwan pa ang Daddy mo roon,marami siyang inasikaso. Actually,the next day babalik ako roon after ng meeting here,"
" Ow so sad naman,kararating niyo lang aalis na naman kayo?" Kunwa ay pinalungkot pa ni Athena ang mukha.
" Yes,Darling,we have to. Sobrang busy namin ng Daddy mo,we don't have time to rest,i'm sorry,Iha."
Nakita niyang sinenyasan siya ni Athena na pumasok na sa sarili nitong kuwarto. Agad siyang tumalima at iniwan na ang mag-ina. Saka lang siya nakahinga ng maluwag.
Chapter 1 Isang Pangako
16/04/2022
Chapter 2 Damon Villaruiz
16/04/2022
Other books by Samleigh J
More