After two years of being away, when Damien comes back home to continue his education in Philippines, Sky-his old best friend-didn't expect that many things has changed. As Sky tries to bring everything back about their old friendship, accidentally, he develops feelings that is more than that.
Camp fire's burning, camp fire's burning
Draw nearer, draw nearer,
In the glowing, in the glowing
Come sing and be merry
ALL the scouts were singing in sync. A huge bonfire was placed right in the middle of fifteen high school scouters. Smiles could be seen on their faces and their tunes could prove that they are happy on their last camping on high school. The billions of stars in the sky witnessed how these scouters enjoyed the three-night camping in the middle of Mt. Makiling.
"Alright, boys, let's get back to our tents," anunsyo ng facilitator ng camping na si Mr. Ramirez. Mabilis na nagsipagtayo ang mga scouts at nagyakapan sa isa't isa bilang paalam dahil bukas ng umaga ay uuwi na sila sa kani-kanilang tahanan.
Mula pa sila sa iba-ibang paaralan na malalayo sa isa't isa kaya sa saglit nilang pagsasama-sama sa camping ay nabuo ang kanilang pagkakaibigan, ngunit sa internet na lamang maipagpapatuloy. "Bye, bro! Attend tayo sa jamboree sa Baguio, ha!" sambit ni Damien sa kapwa niya scout leader at tumapik sa balikat nito bago lumakad patungo sa may tent nila.
Naabutan niya sa daan na mag-isang pabalik ng tent si Sky. Nagitla si Sky nang akbayan siya ni Damien at tinapik-tapik nang marahan ang likuran. "Bye, sir, sana makasali tayo sa jamboree para magkita uli tayo," he said dramatically, seems that they will not see each other after this night.
Mabilis na siniko ni Sky ang tagiliran niya kaya napalayo siya. Binatukan pa siya nito nang mahina. "Sira! Magkapit-bahay tayo!" natatawang sambit ni Sky kaya napaupo na lang si Damien sa damuhan at natawa na rin.
Sky and Damien are best friends and camp buddies since kindergarten. Magkaibigan din ang mga magulang nila kaya mula pagkabata ay kasa-kasama na sila ng mga ito sa tuwing may bonding. Doon na rin nagsimula ang kanilang pagkakaibigan kahit tatlong taon ang agwat ng edad ni Damien kay Sky.
Natatawa pa rin si Damien nang tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig. Dali-dali niyang kinuha ang suot na salamin ni Sky at hinila ito patungo sa tent. Dahil nga malabo ang mga mata ni Sky sa tuwing walang salamin ay wala na siyang nagawa pa kundi sumunod na lamang sa paghila ni Damien sa kaniya patungo sa tent.
Pagdating nila roon ay naupo na sila sa loob. Maliit lamang ang tent at sila lamang ang magkasalo roon. Isinauli na rin ni Damien salamin ni Sky. Siya na rin ang nagsuot nito rito. Nang umayos na ang paningin ni Sky ay napansin niyang nakangiti sa harapan niya si Damien.
"Uhm..." tinig ni Damien dahilan para mapakunot ang noo ni Sky sa pagtataka.
"What's the matter?" he asked curiously. Mabilis na umiling si Damien at huminga nang malalim.
"Vacation na pala next week, ano?" saad ni Damien at isang tango ang itinugon sa kaniya ni Sky.
"Yeah," tugon ni Sky. "May balak ka ba sa vacation?" tanong niya. His family doesn't have any plans on vacation yet. He's thinking what to do after the classes closed. Maybe online games? Baking studies? Painting? He was torn in a lot of things to do this vacation. Hindi pa siya makapag-desisyon ng pagkakaabalahan.
"Actually... kinausap na ako ni Dad before we went here in camp," tugon ni Damien. Hindi naman nakapagsalita si Sky dahil hinihintay niya ang susunod na sasabihin ni Damien. Hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman na hiwalay ang mga magulang ni Damien kaya malamang ay seryoso itong usapin.
"Then?"
"He said... I-I am going to take my senior in... UK. With him," nalilitong saad ni Damien. Hindi naman alam ni Sky kung ikakatuwa ba niya iyon dahil alam niyang maganda ang sistema sa UK, o ikalulungkot dahil bibihira lamang magpakita sa Pilipinas ang ama ni Damien kaya malamang ay bihira na silang magkikita ng kaibigan.
"T-that's great!" pag-encourage ni Sky. Si Damien lamang ang kaisa-isa niyang kaibigan at sa oras na umalis na ito ng bansa ay hindi na niya alam kung paano na siya makikisalamuha.
"You don't want me to stay?" tanong ni Damien sabay tawa ng maikli.
"I want you to stay right here... because you are my friend," tugon ni Sky. "But, for now, we should think for our own futures. Mas maayos doon sa UK, makakapag-aral ka nang maayos. Malay mo... mas maganda rin ang turo roon?" dagdag pa niya. Gusto man niyang sabihin na nalulungkot siya ngayon pa lamang ngunit mas pinili niyang itago na lang iyon. I don't want to be selfish to think about my comfort and happiness.
"I'm thinking... paano ka makakapag-enroll nito sa pasukan," saad ni Damien pero agad siyang pinitik sa ulo ni Sky. Simula noong Grade Nine ay sila na lang ang lumalakad ng kanilang enrollment. Alam ni Damien na mahiyain si Sky kaya sinasamahan niya ito sa buwanang pagbabayad ng tuition fee kahit na isang beses lang siyang nagbabayad taun-taon.
"Kaya ko ang sarili ko, sira," natatawang sambit ni Sky. "Pero ikaw... gusto mo bang tumira roon sa Dad mo?" pagbabalik niya sa topic. Umiling naman si Damien.
"Ayoko," deretsong tugon niya sabay pakawala ng malalim na buntong hininga.
"Then, stay..."
"Pero ayoko rin namang maging pabigat kay Mama," tugon ni Damien. Alam niyang hindi malaki ang kinikita ng kaniyang ina sa trabaho. Sa lahat ng mga taon ng kaniyang pag-aaral ay palaging ama niya ang nagbabayad ng kaniyang tuition. In-enroll siya nito sa isang sikat na Montessori school para sa magandang pag-aaral. Masyadong malaki ang tuition doon at hindi kakayanin ng kaniyang ina na akuin ang bayad. At ngayong graduating na siya ay gusto na siyang kunin ng ama at pag-aralin sa ibang bansa. Hindi naman magawang umapela ng kaniyang ina dahil sang-ayon din ito sa nais ng ama niya.
But Damien didn't want to go with him. He was only four years old nang abanduhin sila ng ama at hanggang ngayon ay tandang-tanda pa rin niya iyon. May sarili na siyang kaisipan nang umamin ito at iniwan silang mag-ina para sumama sa karelasyon.
"Then... enroll tayo sa public. Doon tayo mag-senior high!" suhestiyon ni Sky. Ngumiti lamang nang tipid si Damien saka umiling.
"Hindi ka papayagan ng mommy mo. Minor ka pa," ngisi ni Damien sabay gulo sa buhok ni Sky. Damien is already eighteen years old, while Sky is fifteen. Hindi naman alam ni Sky kung matatawa ba siya o maiinis dahil palaging pinapamukha ni Damien na underage siya simula nang makapasok ito sa legal age.
"Iyon naman pala! E'di sumama ka sa Dad mo!" giit ni Sky sabay tapik palayo ng kamay ni Damien sa kaniya. Napansin niya ang mabilis na pag-iba ng reaksyon ni Damien at unti-unti itong naging malungkot. "May iba pa bang problema?" tanong niya.
Muling ngumiti si Damien at umiling. "Iniisip ko lang na baka ilang taon akong hindi makababalik dito sa Pilipinas. Mami-miss ko si Mama..." tugon ni Damien, "...mami-miss kita."
Sandaling hindi nakapagsalita si Sky dahil doon. Alam niya na sadyang malayo ang UK sa Pilipinas kaya hindi madaling makakatawid-tawid si Damien dito. "That's just fine. Six years from now, magkakaroon na tayo ng trabaho. We can meet whenever we want!" positibong sambit ni Sky at ngumiti nang malapad.
"I wish," saad ni Damien at muling bumuntong-hininga. "I think, we should go to sleep. Maaga pa tayo bukas," saad niya sabay ngiti.
Inayos na nilang dalawa ang kanilang hihigaan at paminsan-minsan ay nagkakatinginan silang dalawa at awkward na napapangiti sa isa't isa. It was hard to pretend that everything was okay.
Nang makahiga na silang dalawa't magkatabi ay napatingala na lamang sila sa itaas. "Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Damien nang hindi lumilingon kay Sky. Umiling naman si Sky at nanatili lamang sa pwesto.
"Ikaw ba?"
"Ayoko munang matulog. Ayaw ko munang umalis," tugon ni Damien sabay tapon ng tingin kay Sky. Sakto naman at napalingon sa kaniya si Sky kaya nagkatinginan silang dalawa. "Ayaw kong matulog kung aalis din naman ako paggising."
"You're so gay," natatawang asar ni Sky sabay suntok sa tiyak ni Damien. Bigla namang humalakhak nang nakakakilabot si Damien sabay dagan kay Sky tulad ng palagi nilang harutan. "Cronus!" sigaw ni Sky nang magsimula na siyang kilitiin ni Damien.
Ilang minuto silang ganoon hanggang sa mapatahimik na lamang sila nang may magsalita sa labas ng tent. "Damien, Sky, matulog na!" sita sa kanila ni Mr. Ramirez kaya umayos na ng higa ang dalawa kahit natatawa.
"Sir, yes, sir!" sabay na tugon nilang dalawa at muling tahimik na humagikgik hanggang sa tuluyan nang walang magsalita. Namalayan na lamang ni Damien na tulog na pala si Sky. Nakatalikod ito sa kaniya.
Kung kanina ay nalimutan niya ang pag-alis niya bukas ay muli niya iyong naalala. Ayaw pa niya. Ayaw niyang maiwan ang best friend niya.
Nilingon niya ang likuran ni Sky at ngumiti. "I wish that our last campfire didn't end like this."
Chapter 1 prologue
20/04/2022
Chapter 2 third summer without buddy (part one)
20/04/2022
Chapter 3 third summer without buddy (part two)
20/04/2022
Chapter 4 an awkward dinner (part one)
20/04/2022
Chapter 5 an awkward dinner (part two)
20/04/2022
Chapter 6 on the passenger's seat
20/04/2022
Chapter 7 one aisle apart (part one)
20/04/2022
Chapter 8 one aisle apart (part two)
20/04/2022
Chapter 9 followed you (part one)
20/04/2022
Chapter 10 followed you (part two)
20/04/2022
Chapter 11 not a stalker (part one)
22/04/2022
Chapter 12 not a stalker (part two)
23/04/2022
Chapter 13 do it together (part one)
17/05/2022
Chapter 14 do it together (part two)
18/05/2022
Chapter 15 reviews and comments (part one)
19/05/2022
Chapter 16 reviews and comments (part two)
20/05/2022