Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Kidnapped By The Mafia Boss

Kidnapped By The Mafia Boss

snowqueencel

5.0
Comment(s)
25.8K
View
40
Chapters

Nathalia Sarmiento is enjoying her peaceful and simple life to the fullest. She's just one of those ordinary teenagers, who wishes to graduate from college to help the people she treated as her real parents. Everything seems to be perfect. She had a bunch of good friends, loving parents and beautiful life. Not until her eighteenth birthday comes. She's about to go home when suddenly, a black van stopped right in front of her. Before she could even react, a group of men came out and took her away. The next thing she knew is that she arrives from a familiar mansion. Then, as she finally met the one who abducted her, the realization hit her hard. She was kidnapped by the mafia boss.

Chapter 1 Prologue

"That's all for today. Class dismissed."

Dali-daling nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagsilabasan, pagkaalis ng huling Professor namin para sa araw na 'to. Ang ilan ay nagtutulakan pa sa bandang pinto na akala mo ay mga hindi makakauwi. Hindi ko tuloy naiwasan ang matawa habang inaayos ang mga gamit ko.

Natigilan lang ako nang maramdaman na may kumalabit sa kanang balikat ko. Nang lumingon ako para alamin kung sino 'to ay ang nakangiting mukha ni Madeline ang bumungad sa 'kin.

"Malapit na nga pala ang debut mo! Paniguradong paghahandaan na naman 'yon nina Tito Edwin at Tita Marcel ng bongga! I'm so excited na tuloy!" Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nagtititili.

Napailing ako sa kanya habang nakangiti. "That's not gonna happen."

Bigla naman siyang natigilan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Huh?"

Nagkibit-balikat ako. "I already talked to them about it. Just so you know, I want it to be simple and private. Kaya iilang bisita lang ang iimbitahan ko at hindi magkakaroon ng malaking party katulad ng inaasahan mo."

Sinukbit ko ang handbag na dala sa kanang balikat ko at tumayo. Doon ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa classroom.

"Let's go." Nakasimangot na sumunod siya sa 'kin.

Paniguradong nauna na sa cafeteria para kumain ang tatlo naming mga kaibigan na sina Harold, Albert at Damon. Palagi kasing gutom ang tatlong 'yon. Hindi ko nga alam kung saan ba nila inilalagay ang mga kinakain nila.

"Seryoso ba talaga? Buti napapayag mo sila Tito. Knowing them, I'm sure that they have an extravagant plan for your special day." Mababakasan ng panghihinayang ang boses niya.

Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Indeed, my parents love to do something extravagant. Sa mga nagdaang taon kasi ay sobra kung paghandaan talaga nila ang aking kaarawan.

Maraming imbitado na bisita at ang ilan sa mga 'to ay mga kasosyo nila sa negosyo. Sa isang resort, hotel, restaurant o di kaya sa naglalakihang function hall naman madalas na idinadaos ang party.

But I want this year to be different. Oo at nagmamay-ari ng malaking hotel chain ang mga magulang ko. Pero hangga't maaari ay ayokong napapagastos sila ng malaki dahil sa 'kin.

Dahil hindi naman nila ko totoong anak.

Isa 'yong parte ng pagkatao ko na walang kahit na sino ang nakakaalam. Kahit ang mga kaibigan ko. Mas mabuti na rin ang gano'n para iwas issue.

Sa paglipas ng mga taon ay hindi na talaga nagkaanak sila Mama at Papa. Kung kaya naman ay naiintindihan ko rin kung bakit gano'n na lang kung i-spoil nila ko sa halos lahat ng bagay. Kahit ang ibang tao ay nauunawaan 'yon dahil ika nga, only child nila ko.

Isa sila sa mga dahilan kung bakit excited na kong maka-graduate. Dahil dalawang taon na lang at makakatulong na rin ako sa negosyo nila sa wakas! 'Yon ang isa sa paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob ko sa kanila.

"Noong una ay nahirapan talaga kong kumbinsihin sila. It took me a lot of effort just for them to say yes."

Totoo naman 'yon. Katakot-takot na kundisyon ang ibinigay nila bago ko sila napapayag.

Marahas siyang napabuntong-hininga, dahilan para samaan ko siya ng tingin. Mabilis na iniangat naman niya sa ere ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Okay. If that's what you want. Wala namang problema sa 'min kung bongga o simple ang magiging selebrasyon ng birthday mo. Pero siguro naman ay kabilang kaming apat sa iilang bisita mo?" nag-aalangan niyang tanong.

Saglit akong natigil sa paglalakad para pandilatan siya. "Of course! What kind of question is that?"

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang dumaang lungkot sa kanyang mga mata, dahil agad rin itong napalitan ng tuwa. "Wala naman. Just want to confirm. You know, ayokong maging assumera."

"Gaga!" Nagkatawanan na lang kaming dalawa bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto kami sa tapat ng locker room. Akmang bubuksan ko na ang locker ko nang magpaalam si Madeline na pupunta ng restroom. Hindi na ko nagsalita pa at tanging tango lang ang naging tugon ko sa kanya.

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang locker ko ay kumunot ang noo ko nang tumambad sa 'king paningin ang isang kulay puting sobre na nakapatong sa ibabaw ng libro ko.

Napansin kong blangko lang ang ibabaw ng sobre at walang kahit na anong nakalagay rito. Nagtataka man ay kinuha ko ito at walang pag-aalinlangang binuksan. Sa loob nito ay mayroong puting papel na nakatiklop, na agad ko namang binasa ang nakasulat.

"Advance happy 18th birthday, Nath. Can't wait to see you. Soon."

Mas lalong kumunot ang noo ko nang dahil sa nabasa. Tiningnan ko ang likurang bahagi ng papel pati na rin ng sobre. Nagbabakasakaling may nakasulat dito kung kanino galing 'to.

Pero wala ng iba pang nakalagay maliban sa mensahe na 'yon.

Pilit kong inalala kung may kaibigan ba ko o malapit na kakilala na matagal kong hindi nakita.

Pero wala.

Nagkibit-balikat na lang ako at piniling itago ito sa loob ng bag. Marahil ay napagtripan lamang ako ng isa sa mga kaklase ko na walang magawa sa buhay. Hindi ko rin naman masabi kung secret admirer ito o ano dahil ngayon lang naman ako nakatanggap ng ganitong klase ng sulat. Wala rin naman kasing nanliligaw sa 'kin kahit isa. May mga nagtangka, pero hindi naman tumutuloy.

Akmang isasara ko na ang pinto ng locker ko, nang mapansin na may kung ano pa palang nakapatong sa libro ko.

Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko ng kuhain ko ang bagay na 'yon.

Black rose.

Napasinghap ako at halos mapatalon sa gulat nang may biglang tumapik sa balikat ko mula sa likod.

"Let's go? They're waiting for us already." Muli ay ang nakangiting mukha ni Mads ang bumungad sa 'kin. Walang oras o minuto ata na hindi nakangiti ang babaeng 'to.

Mabilis naman akong nakabawi mula sa pagkakabigla. "O-Okay."

Dali-dali kong itinago sa loob ng bag ang itim na rosas at sinara ang locker ko. Hindi ko alam kung bakit... Pero...

Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw.

Continue Reading

Other books by snowqueencel

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book