For my own sake, I need to stop the CEO's wedding. For my reputation, I need to marry the CEO. That was years ago... Now, for my heart, I need to hide myself and my son to the CEO who's also his father.
TWO RED LINES. I almost lost my sanity.
Mayroon akong asawa pero kung maayos lang kami ay magiging buo ang saya ko. But he already sent me an annulment paper. He wants to be free because I'm not the woman he loves. He wants to be free from me to be with the woman he truly loves.
Kasalanan ko rin naman ang lahat, masyado lang akong nasasaktan kaya gusto kong ibaling sakanya ang sisi but deep inside of me, I know I'm also at fault.
Kung hindi lang sana ako nakinig kay Jveo nang araw na iyon, baka mag-iba ang takbo ng lahat. Pero tinulungan n'ya akong makatakas sa pinagtataguan kong mga tao kaya naman wala pa rin. It's my choice after all.
Umiling-iling ako sa sarili ko. Wala akong masisisi sa nangyari saakin. Ginusto ko ito dahil minahal ko si Rajiv.
Lumuluha ako habang hawak ang pregnancy test kit, humarap ako sa salamin at nakita ang napakaputla kong mukha, halos dalawang araw na akong hindi kumakain kaya akala ko ay iyon ang dahilan ng pagduduwal ko.
Lalo akong naiyak sa isipin na naaapektuhan ang anak ko sa nangyayari saakin. Ayaw ko man, pinilit kong kainin ang pagkain sa mesa na nasa gilid ng kama saka tiningnan ulit ang sarili ko sa salamin.
"Minahal kita, Rajiv... how could you..." Hinaplos-haplos ko ang tiyan ko. "Baby, I am so sorry. Mali ako ng taong minahal. Mali ako ng mga desisyon ko sa buhay. Sorry, baby, mali si mommy."
Walang tigil ang pagluha ko hanggang sa bumukas ang pinto. Naramdaman ko ang yakap ni dad mula sa likuran ko. Hinaplos nya ang buhok ko at ilang beses akong hinagkan sa ulo. Rinig ko ang pag-iyak n'ya kasabay ko.
"Sorry, Acy, this is all my fault."
"No, dad, I chose this." Iyon ang hindi ko matanggap. Sa kung paanong ang kilala ng marami bilang matalinong tao na gaya ko ay nagpakatanga at nagpauto sa isang pagsasama na wala namang kasiguraduhan.
Nabulag ako sa mga pinapakita ni Rajiv noon kaya naman inakala kong nagmamahalan kami. Pero ako lang pala ang nagmamahal.
"Let's get out of this country, dad?" Umiiyak pa ring sabi ko, nagkatinginan kami sa nga repleksyon namin sa salamin. Bakas ang gulat sa mukha n'ya.
"What about your husband?"
Imbes na magsalita, kinuha ko ang envelop na nakapatong sa kama at maging ang isang ballpen. Sumunod si dad at kita ang panginginig ko habang pinipirmahan iyon bilang sagot sa tanong n'ya.
"Acy..." Niyakap n'ya ako nang mahigpit, pilit pinapagaan ang puso kong namatay at patuloy na namamatay mula nang nakaraang araw.
"Let's get out of this country, dad, about him, I am not his wife anymore and he's no longer my husband."
After 7 years...
"MOM." Nagising ako sa tawag ng aking anak at bumungad saakin ang nakangiti n'yang mukha kaya hindi ko naiwasang mapangiti rin.
He really reminds me of his father, ilang beses ko mang hindi isipin ay naaalala ko kapag nakikita ko s'ya. Pero kung noon ay puro sakit ang dulot saakin ng ala-alang iyon na bunga ng aking katangahan sa inaakala kong tunay nang pag-ibig, napalitan na lahat ng galit.
Wala akong maramdamang iba kung hindi galit kahit pilitin ko mang labanan iyon. Isa sa dahilan kung bakit pinili kong manirahan nalang sa ibang bansa.
But today, we're going back to the Philippines because I discovered something about my mom's death many years ago. Susunod din naman si dad kaya nagpumilit akong umuna na lamang kasama si Johanne, ang aking anak.
My son is 6 years old. He has thick eyebrows that came from his father and also the color of his eyes... brown. Masasabi kong kabuuan, halos wala siyang namana sa muka ko liban nalang sa dimples n'ya. But I love him kahit kamukhang-kamuka n'ya ang taong kinamumuhian ko sa lahat.
Mayroong nag-anunsyo na nakarating na kami, hindi ko na halos maramdaman ang aking katawan. Nanlalamig ako sa hindi malamang dahilan.
"We are here." With trembling lips, I tried to get up from my seat. Inayos ko rin ang anak ko at inakay s'ya palabas ng eroplano.
The air made me shiver, not in happiness but in unbearable anger. Hindi ko kailanman pinangarap na muling bumalik pa ulit dito matapos ang nangyari pitong taon na ang nakakalipas.
"Where are we going to live, mom?"
"Sa bahay namin dati." Tipid kong sagot saka kinuha ang mga bagahe namin. May lumapit saamin at kung tama ako ng pagkakaalala ay siya ang driver namin noon 7 years ago. Kahit kasi umalis na kami ni dad at nagdesisyon na manirahan na sa America ay wala syang pinaalis isa man sa mga tauhan sa mansyon. Naalagaan pa rin iyon ayon sa kanya dahil baka raw magkaroon ng pagkakataon na makauwi kami sa Pilipinas, tingin ko ay tama lang nga iyon.
"Ma'am Tracy, kamusta na po?" Nakilala n'ya ako kaagad, s'ya naman ay hindi ko matandaan kahit ang pangalan. Pinakita n'ya saakin ang I.D n'ya at nagpakilala bilang Renato.
"I am fine." S'ya ang nagbuhat ng mga bagahe namin, sinundan namin s'ya at pinasakay kami sa isang van.
Ah, I can still remember this. Eto ang van na ginagamit ko madalas noon lalo kapag lalabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Bahagya akong napangiti dahil meron pa naman palang natitirang magandang ala-ala saakin ang Pilipinas.
I had so many friends way back college days pero nang makagraduate kami sa college ay nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay hanggang sa minsan na lamang magkamustahan. Pero nang umalis ako, pinutol ko na rin ang lahat ng komunikasyon ko sa kanila.
I don't want anything to bring with me. Dahil nga ayaw ko na sanang bumalik.
"Ang tagal n'yo na rin pong nawala, ano? Anim na taon?"
"Seven actually." Pagtatama ko. Tumango-tango siya saka sinulyapan mula sa salamin si Johanne na ngayon ay nakahiga na saaking hita.
"Ayan na po ba ang anak n'yo?"
I just nodded to make him feel I am not interested in talking anymore. Nakuha n'ya iyon kaya nagpahinga na ako.
Pagod ang katawan ko sa byahe pero hindi ko magawang makatulog. I feel uneasy. Sigurado ay dahil sa katotohanan kung nasan ako ngayon. Malaki ang Pilipinas kaya imposible naman na siguro para saming magkita pa ng lalaking iyon. Noon nga ay ni hindi n'ya ako hinanap na lalong nagpapait ng nararamdaman ko, ngayon pa kaya na pitong taon na? Siguradong may pamilya na s'ya. Nagkatuluyan nga kaya sila ni Julyanna?
Ipinilig ko ang ulo ko. Wala na akong pakelam pa. Maybe because I am in the Philippines right now that's why I can't stop thinking about it? I can't stop myself from remembering everything.
Pumikit ako at pinilit ang sarili kong matulog hanggang sa nakaidlip nga ako pero nagising ako dahil sa tunog ng mga busina ng sasakyan. Traffic at walang tigil ang pag-iingay ng mga sasakyan sa paligid. Para bang sa pamamagitan non ay mawawala ang traffic.
"Shit." Hindi ko maiwasang mapamura nang makitang nagulat si Johanne mula sa pagkakatulog dahil sa malakas na busina ng kotse sa gilid namin. Agad itong bumangon na parang galing sa bangungot saka nanlalaki ang brown na mga matang tumigin saakin saka sumilip sa labas.
Binuksan n'ya pa ang bintana sa gawi niya. "The air is not good for your health, John." Ngumiti lang s'ya saakin saka isinuot ang kanyang facemask. Napailing nalang ako at hindi napigil ang ngiti. Nagsuot din ako ng facemask dahil naaalala ko rin kung gaano ka-polluted.
"Mom, look at those kids, what are they doing?" Tinuro ni Johanne ang mga batang namalimos sa mga nagdaraan sa gilid.
Curious n'ya ring pinanood ang mga batang kumakatok sa mga kotse.
"They are asking for money because they have nothing to eat."
Hindi gaanong lumalabas si Johanne sa America, malapit lang din sa bahay ang pinapasukan niyang school kaya naman marami siyang hindi alam. Lalo na syempre ang mga bagay dito sa Pilipinas.
He's matured for his age but he's still a kid. Tinuruan ko rin syang magsalita ng Tagalog pero hindi pa s'ya ganoon kahusay. Muka rin siyang inosente sa maraming bagay, mas madalas n'yang piliin ang maglaro ng puzzles at magbasa ng libro.
Merong batang madungis ang tumapat sa bintana kung saan nakasilip si Johanne. Babae ito pero maikli ang buhok. Gayunpaman, maganda ang mga mata, may maliit at cute na ilong, kahit marumi ang mukha at damit ay kapansin-pansing magandang bata ito.
"Hi!" Masiglang bati ng anak ko, naglahad ng kamay ang bata. Inilabas ni Johanne ang kamay n'ya para siguro makipagkamay pero natawa ako kaya agad n'yang binawi iyon. "W-What do you need?"
Napapantastikuhang nakatingin lang ito sakanya. "Who are you? What do you want?"
Napakamot na sa buhok ang anak ko saka ako nilingon. "Mom, she's not speaking."
"She can't understand you." Nanghiram ako sa driver ng 100 pesos at sinabing mamaya ko nalang ibabalik. Binigay ko iyon sa anak ko na siyang inabot niya sa bata. Ngumiti ito at kita ang bunging ngipin.
"Salamat!" Nagtatakbo ito paalis. Isinarado na rin ni Johanne ang bintana saka nag-isip at tila kinakausap ang sarili.
"She's dirty, but still beautiful tho."
Humiga ulit s'ya sa hita ko kaya naman hinaplos-haplos ko ang buhok n'ya hanggang sa makatulog nga s'ya.
Umandar na ulit ang mga sasakyan pero mabagal palang ang takbo ng mga iyon. Tumingin ako sa bintana, pero ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang sakay ng kotseng katapat namin.
Napanganga ako at nag-init kaagad ang sulok ng aking mga mata. Hindi tinted ang sasakyan noon hindi katulad ng van na sinasakyan namin ngayon. Nakaupo s'ya sa likuran ng kotse at mag-isa ang driver ng kotse sa harap.
He's reading something on a white folder he's holding, siguro ay may kinalaman sa business. He's wearing black tux, ang pinakaaayawan n'yang suotin noong magkasama pa kami.
Malinaw s'ya sa paningin ko at gustuhin ko mang isiping panaginip ay nararamdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko, noon ay dahil sa pag-ibig sakanya. Pero ang natitira ngayon ay walang hanggang galit.
Lumingon s'ya sa bintana at nagtama ang tingin namin- or so I thought dahil heavy tinted ang van na ito. Ganunpaman ay napigil pa rin ang paghinga ko hanggang sa ibinalik n'ya ang pansin sa harap ng folder.
Ang brown n'yang mga mata ay katulad pa rin ng dati. Ang damdamin na ibinibigay niyon saakin ang siyang nagbago. Kung noon ay halos mahimatay ako sa kagwapuhan n'ya sa paningin ko, ngayon ay tingin ko'y wala siyang ipinagkaiba sa isang demonyo. Nagawa n'yang pabayaan ako non.
Kahit pa sabihing kasalanan ko ang dahilan bakit s'ya napatali saakin, napagtanto kong wala pa rin siyang karapatan na saktan ako. Sana tinapos n'ya ang lahat sa magandang paraan, baka mas matanggap ko pa. Pero matagal na ang lumipas, hindi na mababago pa isa man doon.
Tumingin na ako sa harap, naghabol ako ng hininga habang nakakuyom ang kamao hanggang sa umandar ulit ang mga sasakyan at naging tuloy-tuloy na ang byahe.
Akala ko noon ay ayos na ako. Binigyan ako ni Johanne ng kasiyahan at pag-asa na mabuhay kaya sigurado ako sa sarili kong sapat na iyon. Hindi ako ang tipo noon na mapagtanim ng galit.
Pero paano ako hindi makakapagtanim ng galit ko sakanya? Sa kanila? Matapos n'ya akong abandunahin!
Seeing him now just made me a murder-thinker. I see red.
But by just thinking of what happened before, parang kahapon lang ang lahat. Parang kahapon lang ang saya na pinalitan n'ya ng sakit.
Chapter 1 At the beginning...
23/04/2022
Chapter 2 Favor
23/04/2022
Chapter 3 Here he is
23/04/2022
Other books by Vancomwp
More