Since her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart.
Why can't we be just contented with anything we have? Why do we ask for more? And why do we feel empty when we don't have and cannot have the thing we want the most?
The truth is I don't know what to believe anymore. Despite the fact that I am a princess and I should live a happy life with my wings, my life turned the total opposite.
In our Kingdom, the Kingdom of Beryllion, the land of winged-humanoid-angel-looking-people called Doveo, wings are the most important part of our body. With that, we can protect ourselves, we can defend those who cannot fight, we can live our lives to the fullest, we can travel our own little world, and we can do whatever we want along with our magnificent two long seemly colourful wings that extend from the sides and make us possible to fly.
Lucky are those skilled winged-humanoids, they can soar high like a dragon. They can fly over the clouds, and reach my altitude. Lucky are those with bonny active wings, they can move pass through the air before the wind and arise as they fully watch the large Kingdom of Bêryllion.
How fortunate are they, because I am not.
In such a very young age, I experienced to stumble and fall several times from a cliff, the highest cliff of the highest mountains in Beryllion to be exact because I cannot land properly.
Simply, I can't fly. At ngayon nga ay takot na akong lumipat. Takot na akong mag ensayong lumipad. Dahil takot na rin akong masaktan.
"Emerald,"
Napalingon ako sa mahinhin na tinig na iyon.
"Mom," I replied.
"Training time," aniya habang nakangiti.
Tahimik na namuo ang luha sa aking mga mata. Sa halip na matuwa dahil matututo ako ay napapaiyak na lamang ako sa takot na muling bumagsak, masugatan at mabalian dahil hindi ako makalipad. I want to ask my Mom, Cassiopeia, the Queen of Beryllion why I am not like the others. Why am I not like my siblings, they have smaller wings compared to mine. Ngunit patuloy na sinasabi ng aking Ina na normal lamang iyon. Hindi talaga pantay pantay ang mga pakpak. Gusto ko siyang paniwalaan ngunit may kung anong kumakatok sa puso kong alamin ang buong katotohanan kung bakit ako naiiba dahil patuloy akong nagdududa.
Grabe naman ata ang pagka normal ko. Ako lang ang naiiba sa buong palasyo.
"I don't want to train, Mom," naluluha kong sagot.
Ngumiti siya at niyakap ako, "You need to train baby, look at your fellow kids, they can now fly..."
Umiling-iling ako, "But I can't..."
Tila nadurog ang puso ko nang sabihin ko iyon. Mabilis lamang iyong lumabas sa aking bibig ngunit tila tinarak ng bumubulusok na palaso ang aking puso dahil sa kirot at lungkot. Gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa hiya, nakakahiya ako, sa aming lahat ako ang pinakamahina.
"You can, Emerald."
Ang Reyna na lamang ang nagiging pag-asa ko dahil naniniwala siya sa akin, ngunit hindi iyon sapat upang maibsan ang lungkot na nadarama ko dahil patuloy akong sinasampal ng katotohanang hindi ako makalipad at malaki ang tsansang hindi na ako makakalipad.
"Come now," aniya at inabot ang aking kamay.
Tahimik na lamang akong tumango at sumunod sa kaniya. Dumeretso kami sa pinnacle, nilimitahan ng aking Amang Hari ang pagpapalabas sa akin dahil unti-unting nagiging delikado ang kaharian at hindi ko alam kung bakit.
Nang makarating kami sa pinnacle ay naroon na ang aking mga kapatid. Naroon na si Andrew, ang panganay habang masayang lumilipad sa bailey. Napanguso ako dahil sa inggit, nang lingunin ko si Philip, ang ikalawang prinsipe ngunit pangatlo sa aming magkakapatid ay tumalon na ito sa pinnacle. Ilang sandali pa'y narinig namin ang masaya nitong halakhak pagkatapos ay mabagal na lumipad pataas at nagpakita sa amin.
"Very good, Philip! Now join your brother and duel!" Sigaw ni Leemar, ang mahigpit naming matandang Trainer, "To the bailey, dear sovereigns."
Mabilis namang sumunod ang dalawa atsaka inilabas ang sarili nilang pekeng espada upang maglaban.
Napalunok ako nang si Lirech na ang sunod, and unang prinsesa at sunod kay Andrew, kinakabahan kong pinagmasdan ang bawat niyang kilos, maiging tinatandaan upang iyon din ang aking gagawin kapag ako na. She extended her arms to her sides, and then she let herself fall from the pinnacle. Ilang sandali rin ay narinig namin ang malakas niyang sigaw pagkatapos ay nagpakita sa amin habang maayos na lumilipad.
"Good job, very well done, Princess Lirech," puri ni Leemar at lumingon kay Sophia na handa na ring tumalon sa pinnacle, "Be careful, Princess Phia," paalala nito kay Sophia na tila hindi nakarinig dahil tumalon ito agad mismo sa pinnacle.
Napasinghap ako at mabilis na sumunod sa mga naroroon dahil sa pag-aalala. Hindi kami pinapayagang tumalon ng basta-basta, risky iyon masyado. Leemar have clearly said that we need to free ourselves from anything and we don't need to force ourselves. Kaya naman tumalon rin ang puso ko sa pag-aalala nang tumalon si Sophia.
"Oh thank God," Problemadong saad ng aking Ina at napaatras nang makita naming nakalipad si Sophia ngunit madali nga lamang siyang madisgrasya. A part of her wings were fragmented, I think she hit a large rock before she was able to fly.
"Next," kunot-noong saad ni Leemar, tila hindi natuwa sa ginawa ni Sophia. Iniikot nito ang kaniyang paningin nang walang lumapit dahil hindi ako humakbang patungo sa kaniya.
"Emerald, darling..." bulong ng aking Ina at matamis akong nginitian nang makita niya ang takot sa aking mukha, "Don't be scared, may sasalo sa iyo sa ibaba."
"Next!"
Napapitlag ako nang sumigaw na si Leemar, mas lalo tuloy na nadagdagan ang kaba sa aking puso.
"You can do it, sister!" bulong ni Kate sa aking likuran, ang bunso sa aming magkakapatid.
Marahan akong itinulak ng aking Ina, "Go and fly, my Emerald..."
Tumango ako at marahang humakbang patungo kay Leemar na ngayon ay mas lalong nangunot ang noo.
"Princess Emerald," saad nito habang nakataas ang kilay, mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa ekspresyon na ibinigay niya sa akin, "Overcome your fear, don't let it control you. Breakthrough, Emerald, breakthrough."
Humakbang ako sa malawak na bintana ng pinnacle kung saan kami naroroon, at nang lingunin ko ang ibaba ay para akong nalula at mabilis na napaatras sa takot.
"Princess Emerald," may pagbabanta sa tinig ni Leemar nang higitin niya ang braso ko upang pigilan ako sa pagtakas, "Kailangan mong matutong lumipad, walang ibang magliligtas sa iyong sarili kundi ikaw mismo!"
Namuo ang luha sa aking mga mata, my poor young heart couldn't take the tension. I am really scared and fear of heights is eating me up.
"How old are you?" Leemar asked.
Malumanay akong sumagot habang humihikbi, "I am 8 years old,"
"Sa tamang edad naman tumubo ang iyong mga pakpak, ngunit bakit mas malaki at mas mahaba kumpara sa mga nauna sa'yo?" Maging si Leemar ay nagtaka rin sa kakaiba kong pakpak, "And you don't look like a dove to me..."
"Leemar!"
Dumagundong ang tinig ng aking Ina mula sa aming likuran, mabilis na umatras si Leemar at humingi ng paumanhin. Ngunit hindi madaling natinag ang aking ina at matalim na nagwika, "We will talk later."
"Yes, your highness, forgive me," garalgal na saad ni Leemar atsaka matalim na napalingon sa akin ngunit mabilis na nabago ang kaniyang ekspresyon nang bumagsak sa akin ang kaniyang paningin at muli akong inalalayan sa bintana ng pinnacle, "Hindi ka pwedeng lipasan, mahal na prinsesa."
Wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil paulit-ulit lamang na tumango ang aking Inang Reyna nang lingunin ko ito. Itinuon ko ang aking atensyon sa ibaba at pilit na nilabanan ang takot.
"Free yourself from any kind of hindrance. Fly, Emerald... fly!" sigaw ni Leemar.
Pumikit ako at hinayaan ang sariling mahulog mula sa pinnacle. Pinakiramdaman ko ang aking sarili sa hangin, matalim na hinahampas ng mahaba kong buhok ang aking mukha at malambot na inililipad ang laso ng aking puting bestida. I tried to focus and moved my back, I thought of flying, I even arched a little to awaken my body but I struggled when I am already halfway and there's still no improvement on my closed wings.
Dapat ay bumubukas na ito katulad ng nangyayari sa mga kapatid ko at iba pang bata sa Beryllion, dapat ay lumilipad na ako pataas ngunit ilang metro na lamang ang aking taas mula sa lupa at unti-unti pa itong nababawasan dahil sa patuloy kong pagbagsak.
Isang malakas na sigaw ang nakapagpamulat sa akin.
"EMERALD!" Sigaw iyon ng aking Ina, at nang luminaw ang aking paningin ay nakita ko ang lahat ng naroroon kabilang na ang aking Ina patungo sa aking posisyon. Narinig ko ring naghanda ang mga sasalo sa akin, at tuluyang nagsipatakan ang aking mga luha dahil lumikha ng malakas at hindi kaaya-ayang tunog ang aking pagbagsak habang nagpagulong-gulong sa lupa nang masalo ako ng isang sentry.
I heard a bone cracked, I thought it wasn't mine, I thought it was from the sentry who just catched me from falling. But I almost lost myself when I saw bloodstains in my dress, I am bleeding hard and my back is aching as well. Nakita ko ang paglipad ng karamihan patungo sa akin, at ang mukha ng aking nag-aalalang ina ang huli kong nakita bago ako tuluyang nilamon ng dilim sa hindi matawarang sakit na aking naramdaman.
For a repeated and redundant time, I have failed.
Hanggang kailan ko ipapahiya ang sarili ko?
Chapter 1 Failed
28/04/2022
Chapter 2 Losing Freedom
28/04/2022
Chapter 3 Cursed
28/04/2022
Chapter 4 Fallen Chevalier
28/04/2022
Chapter 5 Nightmare
28/04/2022
Chapter 6 Stranger
28/04/2022
Chapter 7 Rose
28/04/2022
Chapter 8 Setback Trust Issues
28/04/2022
Chapter 9 Challenge Accepted
28/04/2022
Chapter 10 No Exemption
28/04/2022
Chapter 11 Dither
28/04/2022
Chapter 12 Not Weak
28/04/2022
Chapter 13 The Playmaker
28/04/2022
Chapter 14 Another Trouble
28/04/2022
Chapter 15 Great Job
28/04/2022
Chapter 16 Tension
28/04/2022
Chapter 17 Self Medication
28/04/2022
Chapter 18 Further Misery
28/04/2022
Chapter 19 Mr. Stranger
28/04/2022
Chapter 20 Him
28/04/2022
Chapter 21 Ruined Morning
29/04/2022
Chapter 22 Get Away
29/04/2022
Chapter 23 Doing Both
29/04/2022
Chapter 24 Only A Poem
29/04/2022
Chapter 25 Respected Territory
29/04/2022
Chapter 26 His Rumored Wife
29/04/2022
Chapter 27 Taming Him
29/04/2022
Chapter 28 Chosen Ride
29/04/2022
Chapter 29 Having Hopes
29/04/2022
Chapter 30 Apology
29/04/2022
Chapter 31 Winter Night
29/04/2022
Chapter 32 Emerald Green Eyes
29/04/2022
Chapter 33 His Peculiarity
29/04/2022
Chapter 34 A Farewell
29/04/2022
Chapter 35 Port Forth Leaves
29/04/2022
Chapter 36 Vague Sentiments
29/04/2022
Chapter 37 Monarchs
29/04/2022
Chapter 38 The Prince of Macedon
29/04/2022
Chapter 39 Forgetting Him
29/04/2022
Chapter 40 Her Peculiarity
29/04/2022
Other books by Lab Berry
More