Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Amai Goku: Sweet Memories

Amai Goku: Sweet Memories

psynoid_al

5.0
Comment(s)
439
View
20
Chapters

'Amai Go Ku' (Sweet Stories of Old) is a small, unpopular, pastry shop hidden inside a narrow alley between two skyscrapers. The sweets here are super duper cute and are very delicious, but people always get scared away by the intimidating pastry chef who owns the shop. Things are looking much better though, with a little help from his cute new assistant.

Chapter 1 My Favorite Things

May tatlong bagay ako'ng paborito at madalas ko'ng kinalolokohan.

Ang una ay mga sweet desserts na super sarap. Madalas akong magpunta sa iba't-ibang cafe, bakeries and patisseries para lang maghanap at makakain ng mga ito.

Ang pangalawa naman ay ang bansang Japan.

Matagal na akong nangangarap makapunta doon, mula pa nang una akong makapanood ng Japanese documentary shows noong bata pa ako. Napaka ganda kasi ng mga tanawin doon, ang linis ng paligid, at mukhang ang babait pa ng mga tao, lahat naka ngiti, lahat masiyahin. Kaya nga sinabi ko sa sarili ko, balang araw, makakapunta rin ako sa Japan.

At ngayon, naganap na nga ang pangarap ko!

Sa wakas, nakapag-ipon din ako ng sapat na halaga para makapag bakasyon sa aking dream destination!

Tatlong araw lang naman, `yun lang kasi ang kinaya ng ipon ko, pero at least, `di ba, may three days ako para mag relax? Sapat na `yun para mamasyal, mamili, at umatend sa isang convention na matagal ko nang pinaplanong puntahan!

Isang backpack lang ang dala ko na may sapat na gamit para sa tatlong araw na bakasyon. Ilang blouse lang bitbit ko, `di naman ako maselan sa gamit. Hindi kahabaan ang wavy kong buhok na hanggang balikat, at hindi ako pala-make-up, kaya maliban sa ilang damit, underwear at personal hygene stuff, wala na akong ibang kailangan dalhin. Bibili na lang ako ng ibang gamit sa Hakuen shops kung kinakailangan. Planado ko talaga ito, para marami akong maiuuwing pasalubong pagbalik ko sa Pinas!

Ito ang unang araw ko rito sa 'Land of the Rising Sun' – or rather, gabi since alas-dies na ako nakarating.

Hinanap ko sa aking cellphone ang pinaka malapit na capsule hotel na pina-reserve ko. Mas mura ito kumpara sa traditional hotels, and since it's a week day at off peak season pa, marami silang rooms na available.

I checked out the nightlife after checking in. On my way back to the hotel, nadaan ako sa may eskinita sa gitna ng dalawang building. May nakita akong ilaw na nakabukas sa looban nito. Pasado alas-dose na, kaya nagulat ako nang may makitang sign na nakaturo papasok rito.

Isa itong pastry shop.

Pumasok ako sa eskinita at lumapit sa shop. May display case sila sa labas, at super, duper cute ang mga cakes and pastries na nakalagay rito! Naglalaway na nga ako, eh, kaya lang, pagtingin ko sa may pinto, naka-close na pala ang store.

'Sayang!'nasabi ko sa sarili. 'Okay lang, babalik na lang ako bukas para masubukan ang sweets nila!'

Paalis na sana ako, nang makarinig ako ng bell at mapalingon pabalik.

"Youkoso!" tawag ng malalim na boses sa likuran ko.

Tuluyan akong umikot at napatingin sa malaking lalaki sa may pintuan na nakabukas na ngayon.

Matangkad s'ya, siguro mga six-feet mahigit, at may kalakihan ang katawan, kumpara sa akin na 5 footer at balingkinitan lang.

Nakasuot s'ya ng puting polo at pants, may puting apron sa ibabaw nito, at may cap na puti rin. May face mask siyang suot na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha, ang nakikita ko lang ay ang mga mata n'yang singkit na nakatitig sa akin.

"Ah... Konbanwa... um... aite... imasu ka?" Tinanong ko kung bukas pa sila.

"Ah, hai," sagot n'ya, sabay tayo sa gilid ng pinto at kumpas sa akin papasok. Mukhang napansin niya'ng hindi ako bihasa mag-Hapon.

"Domo! Domo!" ilang ulit ako nagpasalamat, bago dumiretso sa display case sa loob ng tindahan.

Ang cute talaga ng mga cakes nila!

"Um... anata... pastry chef-desu ka?" tinanong ko kung s'ya ang nagluto ng mga cakes. Namula bigla ang mga tenga n'yang halos kasing puti ng suot n'yang facemask.

"H-Hai..." umoo s'ya.

Napadila ako sa aking labi.

"Kawaii!" tumingin akong muli sa estante.

"Ano... ichigo... um..." nauubusan ako ng hapon, kaya tinuro ko na lang isa-isa ang mga cakes sa kanya. "Ichi, ni, san, shi, go..." pumili ako ng lima.

Tumango s'ya sa akin, kinuha ang limang tinuro ko, at inilagay ang mga ito sa isang cute na kahon with matching checkered blue ribbon!

"Arigatou!" sabi n'ya sabay abot sa akin ng kahon.

"Arigatou!" sagot ko rin, sabay kuha nito. Nginitian ko uli s'ya, at nag bow, tapos ay naglakad na ako patungong pinto.

"A-ano..." tinawag n'ya `ko muli bago pa ako makalabas at inabutan ng mainit na lata ng kape. "Hai," sabi n'ya. "Free gifto."

Uy, nag English s'ya! Lalo akong napangiti.

"Arigatou gozaimashita!" sagot ko. "I'll be back tomorrow... Ashita!" pilit ko na may kasama pang kumpas at mega-bow pa sa huli.

Nag bow din s'ya sa akin at `di na dumiretso, hanggang sa makaalis ako.

Hectic ang sched ko kinabukasan. May itenerary na kasi akong ginawa bago pa ako umalis papuntang Japan, at ngayon ang unang araw ng convention na sinadya ko talagang puntahan.

At the end of the day, bago ako bumalik sa aking hotel, dumaan `uli ako sa pastry shop para bumili ng cakes.

Nakatayo `yung lalaki sa labas pagdating ko, nagulat pa s'ya nang makita ako at agad binuksan ang pinto

"Y-youkoso!" sabi n'ya uli, with his mask on.

Nangiti ako.

Umorder uli ako ng limang pastries, and since maaga-aga pa, doon ko na rin kinain iyon.

"Oishi!" sabi ko habang pinapanood n'ya akong kumain. "Um... 'kakoii' cook!" I said, wondering if I was making any sense. Tumango naman s'ya at mukhang natuwa dahil tinawag ko siya'ng 'cool'.

Napatingin ako sa paligid.

Like yesterday, walang ibang laman ang kanyang shop, at halos walang bawas ang pastries na naka display rito.

Dahil kaya weekday ngayon? O dahil medyo tago ang kanyang shop? Teka muna, ni hindi ko pa nga pala alam ang pangalan ng shop dahil `di ko mabasa ang 'Kanji' o Japanese characters na nakasulat dito.

"Ano... shop namae wa... nani?" paputol-putol na tanong ko sa lalaki bago ako umalis. Itinuro ko ang signboard sa likod n'ya.

"H-hai?" sagot niya na mukhang namumula nanaman. "W-watashi wa Homura... Homura Kinosuke desu..."

Teka, pangalan n'ya ata `yun...

"Ah, Homura-kun... ano..." tinaas ko ang tissue na may logo ng shop at itinura iyon sa kanya. "Kanji nani?"

"Ooo, gomenasai... 'Amai Goku' desu..." sagot n'ya. "Meaning 'Sweet Stories from Past'."

"Ah... like 'Sweet Memories'?" I asked. He nodded. Mukhang napahiya s'ya, kaya naglahad ako sa kanya ng kamay at nagpakilala na rin.

"Watashi no namae wa Lalaine Lorenzo desu!" sabi ko nang may ngiti sa labi. Kinabisado ko `yun bago ako umalis ng `Pinas! "Yoroshiku onegai shimasu!" dagdag ko pa.

Lalong namula ang mukha ni Homura-kun sa pagkapit sa kamay ko.

Ang laki ng kamay n'ya! But he was gentle. It was easy to see how such a big man could make such delicate sweets.

I smile and lick my lips.

Nag bow siya sa akin at `di na muli dumiretso, hanggang sa makaalis ako.

On my third and last day, naisipan kong dumaan sa 'Amai Goku' ng umaga.

Pagdating ko roon, nakita ko si Homura-kun na naka-squat sa harap ng stand sa tapat ng shop niya. Lumapit ako at nakitang may binubura s'yang graffiti rito... may nag dagdag ng 'do' sa dulo ng kanji for 'Goku'.

Nakakapagbasa ako ng konting Japanese katakana kaya ko naansin ito, at alam ko ang ibig sabihin ng 'Gokudo' – isa itong term for 'yakuza' or Japanese gangsters.

"Homura-kun? Need help?"

Napaharap si Homura sa akin, at sa biglang paglingon, ay napatid ang isang tali ng suot niyang maskara. Nanlaki ang mga mata n'yang dark brown na mukhang puno ng takot.

Hindi s'ya super pogi, pero `di naman pangit. He had a slightly bent nose, a prominent jawline and a cleft chin. May scar sa nguso n'ya, sa parteng kaliwa. Mukhang dati siya'ng may hare-lip at nag undergo ng palate surgery. Medyo hindi tuloy pantay ang kanyang upper lip.

"R-Raraine-san!" Pilit n'yang itinakip sa mukha ang dala n'yang basahan.

"`Oy! Madumi `yan!" hinatak ko ang trapo palayo sa kanya.

Tila nanigas si Homura-kun ng kapitan ko s'ya, pero hinayaan n'yang kunin ko ito.

"Gomen," agad kong sabi, "This is dirty! Do you need help?"

"N-no... no, is okay..." tinalikod n'ya ang sign at tinuro ang shop n'ya habang nakatakip ang isang kamay sa mukha. "Y-you buy?" tanong n'ya.

Napangiti ako sa effort n'yang mag-inggles at tumango.

"Yes!" sagot ko. "Anata wa pastries ga dai-suki desu!"

Natuwa ako'ng makita na nasiyahan s'ya nang sabihin kong love ko ang pastries n'ya.

Agad siyang nagsuot ng bagong face-mask pagpasok sa shop at binigyan ako ng discount at libreng kape! Pero may pupuntahan pa ako'ng convention kaya pina-take-out ko na lang ang lahat.

Pinagmasdan ko siya habang inaayos ang mga order ko.

Ang laki talaga ng katawan niya, kitang-kita ito sa puti niyang uniform na namumutok tuwing yumuyuko siya, pero pino ang mga kilos n'ya at galaw.

Nangiti ako.

Tingin ko, napakabuti n'yang tao.

Later that night – and I mean late, dumaan uli ako sa 'Amai Goku'.

Akala ko sarado na s'ya dahil mag-aalas-dos na nang umaga. Laking pasalamat ko nang madaan ako at makita s'yang nakaupo sa isang bangko sa labas ng shop n'ya. Nakatitig s'ya sa kapirasong langit na matatanay sa gitna ng mga nagtataasang gusali na nakalibot sa kanyang tindahan.

"Homura-kun!" tawag ko sa kanya.

Biglang nagningning ang mukha ni Homura-kun na may takip nanamang mask. Nahihiya s'yang nagkamot at hinawi ang kanyang mapula-pulang buhok na bahaghang bumagsak sa kanyang mukha.

Ninitian ko siya.

Pagpasok ko ng shop, agad n'ya akong binigyan ng isang tasang tsaa.

"Free drink!" sabi n'ya.

"Domo arigatou gozaimashita!" masaya kong sabi. "I really love this place, Homura kun! Wasurenaiide! I'll never forget about this! I'll never forget about you."

Talaga namang hindi ko makakalimutan ang lugar na ito.

"Eh?" nawala ang kanyang ngiti.

"Ashita, kaero, Philippines." Tama kaya ang sinabi ko? Na babalik na `ko bukas sa Pilipinas? "I'll be leaving tomorrow."

Mukhang nalungkot si Homura-kun.

"Ooo... you rib tomorrow?" tanong n'ya sa akin.

Mukhang marunong talaga s'yang mag-English, kaya lang hirap s'yang mag pronounce ng 'L' at 'V'. Well, marami naman talagang Hapon na ganoon magsalita.

"Hai!" masaya kong sagot. "I really hate to leave, I will miss your pastries sooo much!"

'Pati na rin ikaw,' gusto ko sanang idagdag.

Mukhang lalong nalungkot si Homura-kun.

I bit my lip.

Napatingin s'ya sa mga dala ko. Kinuha ko na kasi ang mga gamit ko sa capsule hotel at balak mag stay ngayon sa isang manga cafe for the experience.

Unless...

"These are my stuff," sabi ko nang nakangiti. "Gifts for my father and three older brothers."

"Ooo... sabishi ku naru yo..." bulong n'ya.

Ano kaya `yun? Ngumiti na lang ako in reply.

"Matte kore..." tumayo s'ya, bitbit ang tasa ko, at pumunta sa counter. Pagbalik n'ya, puno na uli ito, may dala pa s'yang extra chocolate cake!

"Waah, domo arigatou!" sabi ko. "I really love it here! I really wish I could stay longer!"

I smiled, but sadly.

Uminom ako ng tsaa at tinikman ang cake.

Ang sarap talaga ng mga gawa ni Homura! At ang c-cute pa nilang lahat!

Pinanood n'ya lang ako habang inuubos ko iyon.

At ngayon, hindi ko mai-dilat ang mga mata ko.

Madilim sa paligid...

Ah... may nakatakip pala sa aking mata.

May nakatakip din sa bibig ko... 'Di ako makapagsalita.

'Di ko rin magalaw ang mga kamay ko at binti na nakatali.

What the fuck...

Nasaan na ako?!?

Continue Reading

Other books by psynoid_al

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book