Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Different Worlds

Different Worlds

Mauren_Flores2

5.0
Comment(s)
455
View
40
Chapters

Due to a traumatic experience, meet Jannelle Velasco starts to hate darkness. She can no longer breathe without light, it's suffocating her . Something unexpected going to happen to her life, Jannelle transmigrated to a world that was different from where she originally belongs to. There she meet a cold handsome guy, Dave Zhaylord an immortal vampire. Their paths will cross and their hearts will beat as one. But does love is possible for these two? Will you learn to love a person whose world is different from you?

Chapter 1 The beginning

Jannelle's POV.

Hi I'm Jannelle Velasco from Makati City, 21 years old and a writer. I write horror genres, takot ako sa Horror? Yes, but we should also face our weaknesses to prove that we're brave. Takot ako manood ng Horror, takot din ako sumulat pero may moto ako na "The more challenging, the more amazing."

"Ja! Bangon na," tawag sa 'kin ng kuya ko.

Meet my kuya, Riguel Velasco, 25 years old. Kaming dalawa lang ang anak sa pamilya at 4 years ang gap namin. Isa na siyang Engineer ngayon sa isang company. K'wento pa niya maldita raw ang boss niya at marami pang iba, back snobber ang peg ni kuya, minsan natatawa na lang ako sa pinaggagawa niya parang baliw lang.

"Hoy Ja! Narinig mo ba ako ha?" tanong pa nito at kumatok sa kwarto ko.

Nasa kwarto ako ngayon nakahiga pa rin dahil sa natagalan ang pagtulog ko kagabi dahil sa pagsusulat, maganda magsulat ng gabi dahil feel na feel mo ang iniisip mong nakakatakot.

"Ja! Ano ba, 'di ka ba talaga babangon diyan?" sigaw pa nito at rinig na rinig ang yabag niya papunta sa dinning area.

"Nakabangon na 'ko kuya, ingay-ingay mo!" sigaw ko rin habang nag-aayos ng kama ko.

"Halika na, kakain na tayo may pasok pa ako. Bilisan mo naman diyan," sigaw niya kaya lumabas na ako ng k'warto at pumunta sa dinning area.

"P'wede mo naman na akong iwan kuya, alam ko naman na ang mga dapat kong gawin," saad ko pagkarating sa dinning area.

Nakita ko naman siya na naghahanda nang pagkain sa lamesa, sa totoo lang ang s'werte ko sa kuya ko kasi kahit na busy ang mga magulang namin sa trabaho 'di niya ako pinababayaan.

"Hindi p'wede, dapat inumin mo sa harap ko ang gamot mo," sabi niya.

May iniimom akong gamot, gamot para sa insomnia ko. Dahil sa insomniang 'to, feeling ko tuloy pabigat ako sa pamilya, nagsimula lang naman 'to nang maiwan akong mag-isa sa kwarto nang biglang namatay ang ilaw at makita ko ang nagliliyab na apoy. Ang apoy na 'yon ay galing sa kapitbahay namin dahilan para madamay ang bahay namin, himala nga raw at nabuhay pa ako. Buhay nga, pabigat naman. I really hate darkness, if I only kill that darkness I'll do as a revenge. Darkness can make me breathless o kaya yata ako nitong patayin, wala akong ibang kahinaan kung hindi 'yon lang, darkness.

"Ok fine," tanging sabi ko. Wala naman akong ibang magagawa aysst.

"Tumawag ba sa 'yo si Lola?" tanong nito sa akin nang tuluyan akong maka-upo.

"Hindi naman kuya, bakit?"

"May ipapadala raw siya sa 'yo, regalo niya raw."

"Eh kuya 'di ba sa susunod na linggo pa ang birthday ko?"

"Ewan ko, si Lola na lang tanungin mo."

"Mmmmm sige."

Kumain na kami ni kuya, pagkatapos ay ininom ko na sa harap niya ang gamot ko. I take this medicine just once in a day at 'di rin ako papayag kung iinumin ko 'to ng three times a day, hindi dahil sa ayaw ko sa mapait nitong lasa kun'di ay dadagdag pa ito sa mga gastusin namin sa pang-araw-araw.

"Ja, tawagan mo na si Lola. Alamin mo kung ano ipapadala sa 'yo," saad ni kuya

"Akala ko ba regalo ipapadala niya? Ba't ko pa tatanungin kung alam ko na?"

"Tsk, sungit mo ngayon bunso ha. May red ka ba?" tukoy nito kung may menstruation ako ngayon.

"Kuya naman!"

"Hahahaha sige bunso maliligo muna ako at baka mapagalitan ako ng maldita kong boss."

"Ba't naman kuya? Late ka siguro palagi 'no?"

" Oo yata, alangan naman unahin ko 'yon? Ikaw muna uunahin ko bago trabaho," saad ko habang tumatawa.

"Yay! nakakain ka yata nang matamis ngayon kuya, hahaha." Natatawang saad niya.

"Eh ngayon kuya mukhang maaga ka na, 'di ka na siguro mapapagalitan niyan," dugtong ko pa.

"We'll see bunso," sagot naman nito.

"Pa'no kung galit pa rin?"

"Ewan ko na lang bunso haha."

"May gusto siguro sayo kuya," biro ko habang tumatawa.

"Nakadepende na 'yon bunso haha alam mo naman na matinik ang mukha ng kuya mo sa mga chicks." Natatawang biro naman nito.

"Edi wow tsk hangin, maligo ka na nga lang at 'wag ka mag-assume kuya baka masaktan ka 'di pa naman ako marunong mag-advice."

"Bitter!"

"I don't care!"

Naligo na si kuya habang ako naman pumunta sa sala para mag-open ng facebook account nang biglang mag-ring ang cellphone ko at makita ang numero ni Lola Corazon.

"Hello," sagot ko sa tawag.

"Hi, apo," sagot naman nito sa kabilang linya.

"Kumusta po?" tanong ko.

"Ayos lang naman apo, nakuha mo na ba ang ipinadala ko?"

"Hindi pa po eh, na-traffic pa siguro haha. Para saan po ba 'yon?" tanong ko.

"Regalo ko sa 'yo," sagot naman nito.

"Eh matagal pa po ang birthday ko La, sa susunod na linggo pa po 'yon," angal ko rito.

"Hindi kasi ako makakapunta diyan sa inyo kaya in-advance ko na," saad nito.

Doon ko lang na-realize na malayo pala yung bahay niya haha ulyanin pa yata ako kay Lola haha.

"Gan'on po ba?"

"Oo apo, sana magustuhan mo. Oh sige paalam na't may gagawin pa ako."

"Ok po, bye ingat kayo."

"Ikaw din apo."

Nang maibaba na ni Lola ang tawag ay ibinaba ko na rin ang akin at nag-continue sa pag-fe-facebook.

"Bunso alis na ako," paalam ni kuya na nagmamadaling sinusuot ang sapatos niya.

"Sige, ingat," sagot ko.

"Huwag kang mag-i-stay dito sa loob at baka mag-brown out, do'n ka sa labas!"

"Tinatamad ako kuya, dito na lang ako," angal ko.

"Sige na roon ka na lang sa labas para makasiguro akong safe ka!"

"Baliktad 'ata utak mo eh, pa'no kung ma-kidnap ako?"

"OA mo naman bunso, diyan ka lang sa balkunahe mag-i-stay hindi sa kalsada abnoy!" Natatawang saad nito.

"Tsk sige, sibat na. Dami mo pang satsat eh."

"Sige bye, ingat ka rito ah."

"Oo na, bye."

Lumakad na siya papunta sa pinto at bago lumabas ay nag-wave at ngumiti pa muna siya sa 'kin bago umalis.

Pagkaalis ni kuya ay pumunta na muna ako sa kitchen para tingnan kung may laman bang mga hugasin ang lababo, nang makita ang mga hugasin ay hinugasan ko na ang mga ito para naman may ambag din ako sa pamamahay na 'to. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng biglang may nag-door bell kaya nagpunas na muna ako nang kamay at dali daling tiningnan kung sino ang nag-door bell.

Nang nasa gate na ako ay sinilip ko muna kung sino, nakita ko ang isang delivery driver na naghihintay sa labas. Ito na yata ang pinadala ni Lola sa 'kin.

"Kayo po ba si Jannelle Velasco?" tanong nito sa 'kin.

"Yes po," sagot ko.

"Pakipirmahan na lang po nito at ito po ang ipinadala ni Mrs. Corazon Velasco," saad ng delivery driver sabay bigay ng bagay na ipinadala ni Lola.

Malapit naman ako sa dalawang Lola namin pero mas malapit nga lang ako kay Lola Corazon, ang ina ng aking ama, dahil sa nakikisabay din ito sa mga trip ko.

Pinirmahan ko na ang papel na ibinigay niya sa akin, pagkatapos ay ibinigay sa kaniyang muli para makaalis na siya.

Pagka-alis ng delivery driver ay isinara ko na ang gate at pumasok akong muli sa loob ng bahay para tapusin ang ginagawa ko, inilagay ko muna sa sala ang package at bumalik sa kitchen.

Ilang minuto lang ay natapos na ako sa paghuhugas ng mga pinggan kaya bumalik na ako sa sala para tingnan ang package na ipinadala ni Lola, umupo na ako sa sofa at kinuha ang package at sinimulang buksan. Nang tuluyan ko itong mabuksan ay nakita ko ang isang lumang libro, lumang luma na ito at misteryoso rin kung titingnan. Binuksan ko ang libro at nakita ko ang mga nakapaloob dito, maraming nakapaloob dito na 'di kapanipaniwala tulad ng mga bampira at mga asong lobo. Binasa ko ng binasa ang mga nakapaloob dahil sa naku-curious ako sa laman nito, ewan ko ba 'di ko rin mapaliwanag ang nakapaloob sa libro. It's all about vampires and warewolves, ang pag-aaway ng dalawa ang nababasa ko.

Ilang oras ang nakalipas ay natapos ko nang basahin ang libro pero nagtaka ako dahil walang ending, may libro bang walang ending? Ayssst na-c-curious pa naman ako...

Tiningnan ko ang likod na cover ng libro at do'n may nakita akong mga nakasulat pero hindi ko maintindihan.

"Μίλα καλά για να μπεις στον παράξενο κόσμο,"

"Míla kalá gia na beis ston paráxeno kósmo,"

"Míla kalá gia na beis ston paráxeno kósmo," ang salitang nakapaloob sa libro. 'Di ko alam ibig sabihin nito, at dahil sa nabubulol ako, nilakasan ko ang pagbigkas para maitama ko. Ngunit nabigla ako nang pumalibot sa akin ang dilim, uminom ako nang gamot pero ba't gano'n? 'Di ako makahinga...

"Μίλα καλά για να μπεις στον παράξενο κόσμο

Míla kalá gia na beis ston paráxeno kósmo,"

Ibig sabihin

"bigkasin ng mabuti para makapasok sa mundong kakaiba"

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book