Si Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. At kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo ng sikat na Magazine. Inshort, total package kung susumahin.. Ngunit ang simpleng buhay na nakasanayan niya ay nagbago nang magtagpo ang landas nila ng bagong teacher na si Mirrem Cedric Dalton. Ano kaya ang mga pagbabagong ito sa buhay niya? Ano-anong pasabog naman kaya ang kaniyang matutunghayan?
Max Pov.
Nagising ako dahil sa isang malakas na hampas sa aking paanan. Agad naman akong napabangon para haplusin ang parteng 'yon na tila ba uminit dahil sa hapdi. Kahit hindi ko na tignan at lingunin kung sino ang gumawa, ay alam ko na agad kung sino ang salarin..
Sino pa ba? s'yempre ang bungangera at madiskarte kong nanay na never pumalya sa pag-aalaga sa'kin.
Matapos niya akong paluin ay tila armalite na rumatatat ang bibig niya. Ayan na naman po siya, ke-aga aga. Jusko!
"Ano? ha? wala kang plano gumising diyan? First day of class mo ngayon tas late ka? Ano, wala ka na bang pangarap? Hindi ka ba naaawa sa'kin, magkanda-kuba-kuba na ako sa pagta-trabaho sa palengke tapos ganyan ka pa----" Agad ko siyang pinutol dahil sa lakas, bilis at tinis ng pagsasalita niya. Kelan pa ba siya magbabago? Halos makabisado ko na yung linyang niyang 'yan, tsk!
"Ma, etoooo na!" pasigaw kong sagot dahil sa inis at natahimik siya. Tinitigan niya lamang ako hanggang sa pagbangon ko. Nakasimangot akong umalis sa higaan at hinablot ang twalya ko. Nasa ganoon pa rin siyang pwesto na'ng biglang sumagot siya..
"Mabuti. Oh siya, nakahanda na ang pagkain. Kumilos ka na at male-late ka na." Aniya sa mas kalmado ng boses. Matapos no'n ay umalis na siya na tila ba walang nangyari. Napapikit at buntong-hininga pa ako. Si Mama talaga.
'Nakakarindi, ang aga aga.'
Kumilos naman na ako agad at hindi na pinansin at inisip pa ang nangyari. Inisip ko na lang habang naliligo ang mga p'wedeng mangyari ngayong first day of class. Ano kayang mangyayari ngayong araw? Napangiti pa ako sa isiping yon..
'This is my last year na sa high school kaya naman dapat maging memorable ito.'
Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha ang uniform ko sa aking aparador. Tinignan ko naman ito at bigla may kung anong pumasok sa isip ko.
"Kelan kaya ako makakapag-suot ng unipormeng pang-babae?" Tanong ko pa sa sarili. Matagal ko na rin pinag-iisipang mag-pills o hrt na tinatawag, kaso maliban sa wala akong pera ay takot din ako. Siguro sa tamang panahon at tamang oras. Magiging ako at matutukoy ko kung ano ba talaga ang gusto kong maging ako..
Iniwakli ko ang mga naiisip at sinimulan ng magbihis. Matapos no'n ay inayusan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.
"Lip gloss, check! Sunscreen, check! Curler and mascara, check! and tight line? check!" Pakikipag-usap ko pa sa sarili ko sa salamin. Bago ako bumaba ay pinuri at kinindatan ko pa ang sarili ko. Pagtapos no'n ay bumaba na ako.
Agad kong nakita si Mama na may inaayos na kung ano sa lalagyanan ng mga plato. Nang mapansin niya ako ay tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
Tinaasan ko naman siya ng kilay sa ginawa niya bago tuluyang naupo sa lamesa.
"At kelan ka pa natutong magpa-GANDA?" aniya na diniinan pa ang salitang ganda. Nag roll eyes naman ako at saka siya sinagot. Always naman akong maganda ah, ngayon lang ba luminaw ang mga mata niya?
"Ma, hello? Nasa lahi natin ang pagiging maganda? so, why ask?" Tanong ko pa rito at agad naman siyang sumang-ayon.
"Oo nga pala ano, sorry naman anak. Pasensya na, ulyanin lang." Aniya at pumeke pa ng tawa. Hindi ko naman na pinansin iyon at kumuha ako ng plato at sinimulan ng kumain.
Inaya ko naman kumain si Mama para sabay kami. Ngunit ang sabi niya ay kelangan na niyang pumunta ng palengke para magtinda, kaya hindi ko na siya pinilit pa.
Si Mama ay isang masipag at madiskarteng nanay. Kaya niyang gawin ang lahat para sa ikabubuhay namin. Si mama ay maagang na-byuda kaya kinailangan niyang kumayod para mabuhay kami. Isa siyang tindera sa palengke. Halos lahat na yata ng pwedeng itinda, itinitinda niya para lang may maipang-tustos sa akin este sa amin. Kung tatanungin ako. Hindi naman kami mahirap, ngunit hindi rin naman kami mayaman. Kami yung tipong sakto lang o nasa gitna lang kumbaga..
'Kaya sanay rin ako sa pagbubunganga ni Mama dahil nga sa palengke siya nagtatrabaho.'
Ang sabi ni Mama ang ikinamatay daw ng Papa ko ay diabetes. Ngunit, hindi gano'n ka pala-kwento si mama tungkol kay Papa. Madalas pa niya akong mapalo kapag tanong ako ng tanong noong maliit pa lamang ako. Ngunit nung lumaki ako ay tila naintindihan ko na siya at hindi na rin ako masyadong nagtatanong tungkol sa ganoong bagay.
'Siguro ay hindi pa rin siya nakakalimot at nasasaktan pa rin.'
Kahit sobrang interesado akong malaman ang kwento nila ni Papa ay hindi ko na lang itinatanong. Anyways, kuntento na ako at sapat na rin naman para sa'kin si Mama kahit parang paminsan-minsan ay pinapatay ako ng curiosity ko tungkol sa kwento nila..
Matapos kong kumain ay agad kong inilipit ang pinag-kainan ko at gumayak na para pumasok sa Imperial college.
___
Nakasimangot at bugnot pa akong dumating sa paaralan. Paano ba naman? May naka-sakay ako sa jeep na pinalamon ako ng buhok niya.. Kairita, grabe.
'Sarap jombagin, nag-almusal naman ako. Di niya ko kelangan pakainin ng buhok niya. Ang cheap pa ng shampoo, ew..head and shoulders, charot!'
Ngunit bigla kong naalala na dapat maging memorable ang last year kong ito. Kaya naman nag-inhale exhale ako. Pinilit kong alisin ang bad vibes na nasa isipan ko.
Matapos no'n ay pumasok na ako upang hanapin ang aking room dahil ganito naman talaga ang eksena kada first day of class, kaya sanay na ako. Sana kung may hanap room may hanap jowa rin, eme. Besides, may tamang oras para do'n, diba?
Napakalaki at bongga talaga ng skwelahang ito. Kahit na sobrang tagal ko na rito sa Imperial College ay hindi pa rin nababago ang pagka-mangha ko rito. Masyadong nakakalula sa ganda. Isa kase itong sikat na school sa London at ang taray diba? may branch na sa pilipinas. Kung nagtataka kayo paano ako nakapasok rito, mamatay kayo kakaisip, charot. S'yempre.. kahit papa'no, naisasalba naman ako ng mga organizations kong sinalihan kaya medyo abot-kaya na ang tuition fee. Hindi man ako gano'n katalino ay talented naman ako, kahit hindi obvious, charot.
Habang naglalakad at nagtitingin-tingin sa list sa kada pintuan ng classroom ay may malakas at pamilyar na boses akong narinig.
"Bestieeeeeeeeee!" Sigaw niya at agad akong lumingon..
Naglakad naman siya papalapit sa akin at talaga namang litaw na litaw ang ganda ng bestie ko. Halos hindi rin magkamayaw sa sigawan ang estudyante na nasa paligid dahil isa nga naman siyang sikat din na model. Palibhasa ay half korean. Habang naglalakad siya ay para bang nasa palabas lang, yung tipong ang ganda ng lakad at pina-slow motion pa. Napakalambot din ng talbog ng kulot niyang buhok na para bang advertiser ng shampoo? Naka pantene 'yan? charot.
"Uyyyyy!" Tugon ko nang makalapit siya at umatras pa siya para tignan ang kabuuan ko. Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ako ng kilay.
"Bestiee? kelan ka pa natuto magpa-ganda? You're so gorgeous!" Aniya sa oa na pamamaraan at natawa naman ako sa kaniya. Kelan pa ba ako hindi naging maganda? charot.
"Ang oa mo bestie, natural 'yan walang halong kemikal." Aniya ko pa sa kaniya. Ngumiti naman siya na animong kinikilig sa ganda ko. Sorry ka, sis. Di tayo talo, eme.
"Aba'y teka, ba't andito ka? Di mo pa ba nahanap ang room mo?" Tanong ko pa sa kaniya. Hindi ko na rin namang inaasahan magiging kaklase ko pa siya ulit. Well, she has beauty and brain. Walang palag ang kagaya kong ganda lang ang meron, charot.
"What do you mean? Just for you to know. I'm really looking for you kaya, kase we're classmates again. Eto talaga yung panalangin ko, e." Mahabang kuda pa niya at iningles pa ako. Nagulat ako ngunit ng makabawi ay ngumiti ako dahil natutuwa at nakakagulat talaga na classmates pa rin kami ng bestie ko. Ayaw talaga kami paghiwalayin ng tadhana, eme.
"Edi anong section pala tayo?" Tanong ko pa habang sinimulan na naming maglakad papunta sa classroom namin. Hindi pa rin magka-mayaw na magpapansin ang mga lalaki na nasa paligid sa kaniya ngunit hindi na lang namin pinansin pa.
"Duh, isn't it obvious ba? Ofcourse, we're on the star section. The section above all sections." Oa pa niyang sabi at inirapan ko naman siya ng pabiro. Above all section??
"Anong the section above all sections? Nakashabu ka, te?" Pabirong tanong ko pa rito at tinaasan n'ya naman ako ng kilay.
"What's nakashabu? Like, when I hear it. It's so gros----" Aniya na agad kong pinutol. Aba, maka-ingles wagas.
"Magtigil ka nga sa mga ingles mo bestie, ke aga-aga." Inis kunwaring sambit ko at tumawa naman siya.
'Abnormal'
Nagpatuloy pa rin ang asaran naming dalawa hanggang sa marating na nga namin ang classroom namin. Nagtinginan pa ang iba naming kaklase sa'min na tila ba nakakita sila ng multo pagpasok namin. Bakas ang gulat at excitement sa mga mukha nila, siguro ay first time nila magiging classmate si Shin dahil hindi ko rin halos kilala ang mga tao sa classroom na ito. Hindi kase uso pansinan dito, s'yempre maliban sa snob ako e ayoko sila kausap, charot. S'yempre nasa school ako ng elites kaya dapat makibagay ako. Dapat kong gawin ang ginagawa nila except sa pagiging sosyal, masyadong mahal. charot.
Nilibot ko pa ang mga paningin ko at halos lumuwa ang mata ko at tila huminto rin ang pag-ikot ng mundo ko. Totoo ba 'to o nanaginip lang ako? Jusme kung panaginip ito, pakigising ako, please lang!! Ang gwapo niya, chupapi talaga!!
Napansin din yata ni Shin kung saan ako nakatingin at alam n'ya na rin 'yata ang dahilan kung ba't ako natulala..
"O...to the...M..to the..G" Aniya pa habang ako ay nakatingin pa rin sa isang lalaking ubod ng gwapo at yummyness.
'Please, can someone take me? to his heart? eme.'
Nakita ko lang naman ang ultimate man of my dreams ng buhay ko. Ang lalaking bumihag ng puso ko ilang taon na ang nakakalipas. Ang lalaking pinagpala sa lahat, mula sa malalaki at magandang hubog ng biceps. sa yummyness na abs at sa pang-modelo at mala-anghel na mukha. Ang lalaking malayang nakatira sa puso ko nang walang rental fee, chos.
'Pengeng kanin dali!'
Naputol ang pagpapantasya ko nang malakas akong tapikin ni Shin.
"Bakla, kalmahan mo. Baka matunaw si Harry," aniya pa at nang makabawi ako ay napayuko ako dahil nakatingin na rin sa gawi namin si Harry.
'Nakakahiya, ano bang pinag-gagawa ko?'
Talagang nanatili akong nakayuko at narealize na dapat pinigilan ko yung gano'ng eksena dahil pag nabuking ako. For sure, iiwasan niya ako. S'yempre hindi 'yon p'wede, mawawalan ako ng buhay.
Naupo na ako at hindi na masyadong umimik. Kinuha ko ang mini diary ko at doon nagsulat ng kung ano-ano.
Kinakausap naman ako ni Shin pero hindi ko siya masyadong sinasagot dahil abala ako sa pagsusulat sa mini diary ko. Hindi naman siya actual na diary, dito ko lang talaga sinusulat yung mga thoughts o mga naiisip kong isulat.
Binasa ko pang muli ang mga naisulat ko at napakagat-labi ako upang pigilan ang pag-ngiti ko..
'Hi, Harry, ang gwapo mo pero sana, akin ka.'
'Sleeping is the most awesome thing to do, Harry. Especially, when my dreams are all 'bout you.'
'Hi, Harry. Sana ayos lang sayo na malusaw ka. Matitigan lang kita nang matagal.'
'By the way, I just wanted to say sorry. For falling for you this hard. I mean it's inevitable cause you're really attractive. I also wish that you were mine.'
Mabilis na lumipas ang oras at ilang profs na rin ang pumasok sa aming classroom. May isang teacher na kj at nagturo agad ket first day pa pero kiber. Masyadong sinipag pero baka ngayon lang 'yan, charot.
Ngayon ay break time na, kaya naman nasa canteen kami ni Shin at kumakain ng ensaymada. Maya-maya pa ay biglang dumaan si Harry at umupo sa isang banda kasama ang friends niya.
Napatitig na naman ako sa kaniya. At halos parang nasa pelikula na naman ako, dahil nagslow motion na naman siya sa paningin ko. Yung mga ngiti niyang napakatamis at nakamamatay kung tignan, jusko mamamatay ako sa kilig neto, e. Yung buhok niyang kada galaw niya ay sumusunod at gumagalaw. Sanaol bouncy, naka-pantene 'yan? Yung mga bilugan at asul niyang mata na para bang lalamunin ka pag nakatitigan mo. At ang ilong at labi niya ring halos perpekto ang kurba at pagkakahulma. Yung totoo? favorite ba 'to ni Papa G?
"Ayshooooo, busog na busog na naman ang baklussssh!" Pang-aasar pa ni Shin at inismiran ako nang mapansin niya kung sinong tinitignan ko. Natawa naman ako at hinampas siya ng mahina.
"Ano ba! e, sa ang gwapo talaga niya. Full package na kung susumahin, tas with freebies pa," aniya ko at nawala naman ang ngiti ko nang may umupo sa isang bakanteng upuan at naharangan niya sa paningin ko si Harry.
Agad na tinignan at pinasaadan ko ng tingin ang lalaking ito. At base sa suot niya at postura ay hindi siya estudyante. Sinubukan ko pang lingunin at tingnan si Harry ngunit matangkad ang lalaking ito kaya naman nabigo ako. Nagulat pa ako nang lumingon siya sa gawi ko habang ginagawa ko 'yon. Halos mairita naman ako sa reaksyon na nasa mukha niya. Akala niya siguro gwapo siya sa pa-pouty lips n'ya na 'yon. Well, gwapo naman kahit papaano, pero mas gwapo ang baby Harry ko.
Tinigilan ko na lang ang paglingon kay Harry at kinausap na lang si Shin na abala sa pagbabasa ng libro habang nilalantakan ang ensaymada.
"Shin, bagong teacher ba 'yang naka-upo sa bandang likuran mo?" Curious na tanong ko at lumingon naman siya sa bandang likuran niya at saka takang tinignan ako..
"Saan?" Tanong pa niya kaya nilingon ko ang gawi nito at saka inginuso.
"Sa gawi nila Harry. Ayan oh, si Mr. Pouty lips." Aniya ko pa kaya nilingon niya ito para tignan.
"Ay, ayan? I don't know, e. Baka, siguro, maybe, ewan?" Aniya pa at nagkibit balikat.
Tinignan ko pa itong muli at talagang nagsalubong ang kilay ko dahil sa kaniya. Kairita naman 'to..andami namang bakanteng lamesa, diyan pa umupo. Di ko tuloy halos makita si Harry.
Napanguso ako ng bahagya sa isiping 'yon ngunit nanlaki ang mata ko sa tanong ni Shin.
"Bakit mo natanong pala? Bet mo ba 'yan?" Aniya pa at halos masigawan ko siya sa inis at dahil na rin sa hindi ko inaasahan ang tanong niya.
"What the heck! di ko magiging crush 'yan at never akong magka-crush diyan." Malakas na sagot ko pa habang paulit-ulit na nagro-roll eyes. Gago ba siya, e si Harry lang laman ng puso ko, e.
"Ang defensive ah, wala namang pumipilit sa'yo bestie." Aniya at napagtanto ko rin ang sagot ko. Oo nga no? aba'y basta kasi..
'Masyado kasing defensive e, kaya ket walang ibig sabihin, parang meron tuloy.'
Maya maya pa ay mabilis na lumipas ang oras at kinailangan na naming bumalik sa classroom dahil baka nandoon na rin ang prof namin para sa oras na 'yon..
Pagbalik namin ay agad naming narinig ang bulungan na math subject daw ang susunod, kaya naman prente kaming naupo ni Shin sa aming upuan at naghintay sa teacher. Kahit ayoko ng math, as if may choice ako? diba? charot.
Tabi kami ni Shin sa upuan kaya halos indi rin kami mahinto sa pag-uusap. Di kagaya ng tipikal na estudyante e nasa likod talaga kami madalas nauupo ni Shin. Less interactions with teachers kase pag gano'n at saka may kalayaan kaming magkausap at magdaldalan kapag boring ang nagtuturo sa harapan. Yan ang ipinagbabawal na technique, public schools can relate, charot!
Halos manlaki naman ang mata ko nang ang makita kong pumasok ay ang lalaking nakita ko kanina sa canteen. Pagpasok niya ay mabilis pa sa hangin niyang inilagay ang gamit niya sa teacher's table. Sabi ko na, e. teacher talaga 'to, e. Pero bakit siya pa ang teacher namin? tsk.
Inilibot pa niya ang mata niya habang nakatayo sa harap. Bigla ko pang naalala ang nangyari sa canteen kaya yumuko ako ng bahagya dahil sa kahihiyan.
'Paano kung napansin niya ako kanina at inakala niyang siya ang tinitignan ko? Kainin na sana ako ng lupa ngayon'
Halos manlaki ang mata ko nang huminto ang pag lingon-lingon niyang iyon sa akin at nagka eye to eye contact pa kami. Agad naman akong bumitiw sa tinginang 'yon at lumingon agad sa kung saan. Tumingin lamang akong muli nang magsalita na siya para bumati..
"Good morning everyone." Aniya at agad naman namin siyang binati pabalik.
"Good morning, Sir." Sambit naming lahat at agad naman niya kaming pinaupo bago magsalita..
"Btw, I'm Mr. Mirrem Cedric Dalton. Also, for clarifications students. I will be the adviser of this class pala and I will be handling math subject. So, para makilala ko kayo at makapagsimula na tayo. I want you to introduce yourself one by one." Aniya pa at halos kabahan naman ako.
Hindi ko alam pero sa subject lang na 'to ako kinabahan. Huminga naman muna ako ng malamin habang nakayuko dahil umiiwas ako sa eye contact, at nagsalita siya.
"Starting with you, cutie with a curly hair at the back." Aniya at nag-angat tingin naman ako at nakatingin naman na sa akin ang lahat.
"Cutie daw, sabi ni Sir." Pang-aasar pa ni Shin at pinangdilatan ko naman siya ng mata bago tuluyang tumayo at nagpakilala..
Pagtayo ko ay tumikhim naman muna ako bago nagsalita..
"I'm Max Ethan Garcia, 19 years old. You can call me, Max." Pagpapakilala ko at matapos no'n ay naghintay akong paupuin n'ya ako. Ngunit hindi niya 'yon ginawa, bagkus ay ngumiti siya habang nakatingin sa akin at saka nagsalita.
"Alam n'yo students, he reminds me of someone." Biglang sabi pa niya at taka naman akong tumingin rito. E? baliw.
'Huh, ano daw?'
Dinumog naman siya ng iilang tanong at nangingibabaw pa ang boses ni Shin, habang ako ay kunot pa rin ang noo. Ang feeling close naman agad ng mga classmates na 'to. First day na first day, tsk.
'Abnormal talagang bestfriend 'to.'
"He reminds me of Doc Mcstuffins, Do you know that?" Tanong pa niya at nabalot naman ng hagikgikan ang bawat sulok ng silid sa biro niyang 'yon. Aba'y gago!
'Nakakatawa ba 'yon, sir?'
"Wow, nakakatawa 'yon?!" Inis pa kunwaring tanong ko gamit ang baklang-baklang boses ko. Tumawa pa sila at agad naman sumagot si Sir. Antipatiko pouty lips.
'At napagka-isahan ka pa nga sa first day, sobrang memorable, sobra'
"Why mad? Doc Mcstuffin is cute naman? She's a baby doctor that fix toys right? So, it means you look like a baby....You're the baby of this class...and you're my baby....Kidding aside, you're cute and pretty... sit down, next." Aniya pa at tulala naman akong naupo dahil nag-echo ang sinabi n'yang 'yon sa tenga ko.
'you're my baby..'
'you're my baby..'
'you're my baby..'
'Loko ba siya? Pinagsasabi no'n?'
Tapos na rin magpakilala si Shin kaya naman halos asarin niya ako ng paupuin na siya.
"Hoy, baby daw oh!" Aniya at tumawa at hinampas pa ako. Grabe naman talagang matuwa, may paghampas pa.
"Ano ba?" angil ko kunwari. Pero ang totoo, iniisip ko talaga yung sinabi ni Sir. May pinapahiwatig ba siya? Lakas ng trip, parang tangeks.
"Yieee, kinikilig ka 'no?" Pang-aasar pa niya at bakas na bakas ang saya sa mukha niya. Isa pa to, makokotongan ko 'to, lakas din mang-asar.
"Luh? Ba't naman ako kikiligin? si ano yung crush ko, e." Ani ko at biglang ngumiti dahil biglang lumitaw sa isipan ko si Harry. Ang gwapo talaga niya, hihi.
"Ang defensive mo! pero sige," aniya at tumawang muli at tumingin na sa nagpapa-kilala.
Napatingin ako sa puno sa labas mula sa bintana. Ang kalmado at ang lamig ng panahon ngayon ket pa-tanghali na. Mamaya lang din ay uwian na, makakapag binge-listening na ulit ako sa sistar saka sa girl's generation. Touch my body! body!
Habang nasa ganoong posisyon ako at nagmumuni-muni ay hindi ko namalayang tapos na pala sila at tinatawag pala ako ni Sir. Papansin amp.
"Huy!" pagtapik sa akin ni Shin at agad ko naman siyang nilingon.
"Bakit?" patanong na tugon ko sa kaniya, nilingon ko naman siya at inginuso niya si Sir.
Agad na napatingin ako rito at agad din naman akong yumuko at humingi ng paumanhin.
"Sorry, sir." Ani ko pa at nag-angat tingin sa kaniya matapos no'n. Kung ano-ano kasing iniisip ko, e.
"Anong meron sa labas ng bintana?" Tanong pa niya at tila nilingon din ang tinitignan ko. Eh? abnoy.
"Wala, sir." Tugon ko pa rito at iniwasan ang eye contact dahil parang may kuryenteng dumadaloy pag nagtatama ang paningin namin.
"Please pay attention, okay? hindi porke't 'baby' ka namin, magpapasaway ka na," aniya sa kalmado at malumanay na boses. May mga impit pa akong naririnig na tila ba kinikilig ngunit hindi ko na 'yon pinansin dahil alam kong namumula ako dulot ng pagka-pahiya. Hindi naman ako pinahiya pero nahihiya ako, syempre!
Narinig ko rin si Shin na tila ba nagpipigil ng kilig kaya hinampas ko siya ng walang lingunan.
'Ang saya- saya, grabe!'
Hindi na ako umimik hanggang sa matapos ang subject niya at ang sumunod na subject.
Matapos no'n ay uwian na kaya naman nagpaalam na ako kay Shin na uuwi na ako. Nag-offer pa siyang mag milktea raw kami at libre niya ngunit tumanggi ako dahil gusto ko talagang magpahinga at mag-recharge. Naubos yata ang lakas ko sa kahihiyan at pagiging hotseat ko ngayong araw...