"Sa dinami-daming nilalang dito sa mundo, pusa pa nakahuli sa puso ko." - Aldrian. Catherine is a simple girl from a simple family. She is a pet lover, and also a hater. Cat hater. She loves animals and has different collection of it. She loves so much puppies and hates the most is Cat. She is a cat bully. While Aldrian is a cat lover. He own and have a different collection of it, different breeds. He hate dogs/ puppies not until he fall in love with a puppy lover. Ano kaya ang mangyayari'pag nagtagpo ang landas nilang dalawa?
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Any resemblance to actual person, living or dead, locales and establishments are purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
💕Simple 💕
Aldrian's POV
Ngayong araw ay lilipat na ako , I mean babalik na ako sa bahay ng Dad ko.
Nagre-rent lang kasi kami ni mama ng isang condo na matutuluyan namin.
Si dad kasi ,mas pinili niya ang babaeng iyon kesa sa amin .
Kaya ng pinalayas ng babaeng iyon si mama ay sumama na ako sa kaniya para naman hindi siya nag-iisa. Noong malaman ni mama na may iba iyong dad ko ay papalampasin sana ni mama ngunit buntis iyong babaeng iyon kaya wala na siyang magagawa kahit siya ang legal na asawa. Nag file nalang ng annulment si mama. Para wala nang masyadong gulo daw.
Akala niya wala siyang magagawa , pero meron kaso hinayaan ko nalang din iyon kasi baka mas masaktan lang si mama. Sampung taong gulang pa ako noon , teacher ang trabaho ni mama. Nakakatulong naman ang sahod ni mama sa aming gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Naku nagda-drama na naman ako, nakakababae, putcha.
Pero wala na akong magawa dahil mag-iisang buwan ng mabigyan siya ng payapang libing. Pumunta sila Dad, pati na rin ang babaeng iyon. Pero 'di ko na inabala pang awayin iyon kasi tiyak na hindi iyon magugustuhan ni mama.
Oo namatay si Mama ng wala man lang akong nagawa, sana man lang natulungan ko siya.
Matagal na pala siyang may dinadala na matinding karamdaman sa puso hindi ko man lang nalaman kahit na sa tabi ko lang siya palagi. Huli ko nang malaman noong inatake siya.
Nalaman ko din na pumupunta pala siya sa hospital tuwing unang araw ng buwan para sa check-up . Ngunit sabi ng doctor talagang malubha na ang sakit sa puso ni mama at lumalaki na daw ang bukol sa kaniyang kanang dibdib. Bakit si mama pa? Wala ng natitirang oras dahil hindi na kinaya ng katawan ni mama, wala na ang mama ko.
Paulit-ulit bumabalik ang sakit sa tuwing naaalala ko siya . Hindi ko man lang siya natulungan.
Maya-maya pa ay may kotseng paparating , huminto ito sa may tapat ko. Sila dad at ang babaeng iyon, kasama nila ang lalaking nasa edad sampung taong gulang ito. Ito na siguro ang half-brother ko. Wala akong masyadong alam sa kanila. Si dad bumibisita siya pero si mama umaalis , alam ko naman iyon. Pag bumibisita si Dad ay kinakamusta lang niya kami tapos nagdadala siya ng mga pagkain, groceries at gamit namin. Okay lang naman kay mama.
"Good morning."bati ko sa kanila.
"Good morning son."si dad, tumango lang ako sa kaniya. Wala naman akong galit sa kaniya pero may inis akong nararamdaman sa kaniya.
"Good morning." sabi ng babaeng iyon. Plastic. Nasa paligid lang kaharap ko , ngumingiti pa .
"Good morning kuya Aldrian."buti pa siya kilala ako.
Nginitian ko lang siya , ang cute kasi niya and I think dahil cute siya magkakasundo kami nito.
Bakit cute din naman ako, may aangal pa? Tsk.
"I'm Benjie." Dagdag niya pa .
Buti nagpakilala siya.
Tinulungan ako ni dad sa pagbuhat ng mga bagahe ko. Pagkapasok nilang lahat sa kotse ay pumasok na din ako.
Nagsimula ng mag-drive si dad at ang babaeng iyon ay tumitingin sa side mirror para tingnan iyong anak niya. Ano ako kidnapper? Eh kung makatingin sa akin , parang may ginagawa akong masama. Tsk.
Pagkarating sa bahay ay tinulungan ako sa pagbuhat ng isang kasambahay papunta sa kwarto ko, sa dating kwarto ko na magiging kwarto ko pa rin ngayon.
Wala naman masyadong nagbago sa bahay ang pintura lang at nilagyan lang ng mga mamahaling palamuti .
Ang ibang design na gawa noon ni mama para sa sala , ay pinalitan din.
Okay na rin 'to , titiisin ko nalang. Ayoko sanang bumalik dito kaso 'yun ang huling hiling ni mama sa akin , ang bumalik sa bahay namin. Wala na rin akong pera pang-renta , magwo-working sana ako pero palagi akong dinadalaw ni mama sa panaginip, naku, naku, naku.
Mahirap na , baka magalit na naman iyon.
Tsaka ito rin naman ang gusto ni dad, bahala na iyong babaeng iyon. Hindi ko naman ito ginagawa para sa kaniya.
Pagkatapos namin mag-lunch ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang nagmamay-ari ng condo na mamaya ko nalang kukunin ang mga alaga ko. Mga pusa ko , mahilig kasi kami ni mama sa pusa . Mahilig din siya sa aso pero hindi ko gusto ang mga ito. Naiintindihan naman ni mama, kaya pusa nalang ang inaalagaan namin.
.....
Nandito ako ngayon sa isang market , bibili ako ng pagkain para sa mga mahal kong pusa. Nagbili pa ako ng mga kailangan nilang gamitin.
Habang pumipili ako ay may dumaan na babaeng mala-diwata kung ito'y titigan. Siya ay may mapupungay na mata , matangos na ilong , mahahaba at kulot na pilik-mata, maliit at manipis na kulay rosas na labi.
Simple lang ang galawan niya, simple kung manamit pero bagay pa rin sa kaniya, simpleng ngiti na nakakahawa, simpleng mukha na 'kay sarap titigan. Simple , okay simple.
Napakurap-kurap ako ng mapansin niyang naka-titig ako sa kaniya, tumingin na lang ako sa ibang tanawin. Sungit. Buti nga siya nakaka-experience na titigan ng isang cute na binata naku naman oh.
Tumingin ako ulit sa kaniya, mukang may alaga din ito ah. Sana pusa din.
May itinuro na siya , aso at pagkain ng aso , bakit iyan pa . Pag minamalas nga naman , 'di man lang tinadhana .
Tumingin siya sa akin , umiwas ako ng tingin pero kitang-kita ko sa peripheral view ko kung paano niya paikutin ng paulit-ulit ang mga mata niya.
Pinuri ko pa naman 'yang mga iyan kanina.Tsk.
Maka-uwi na nga , bahala siya.
Masyadong masungit.
Dinilaan pa siya ng aso niya, mukang gusto siya nito.
Pag-uwi ko naabutan ko si Dad at kapatid ko na aliw na aliw sa mga pusa ko. Oo mahilig din si Dad sa pusa lalong-lalo na pag maliit na pusa.
"Muning-muning."si Dad habang hinihimas ang balahibo ni Monica.
"Dad , look she likes me!" Sabi ni Benjie kay Dad , lumapit na ako sa kanila.
"Dad." Tawag ko.
"Oh andito kana pala, may naghatid nito kanina mukhang iyong landlady siguro.
Sabi niya hinatid na lang niya dahil may nagre-rent daw."sabi niya.
"Ah ayos naman po kung ganoon, namili pala ako ng pagkain nila."sabi ko sabay taas ng pagkain ng mga pusa.
"Tara,dalhin muna natin sila doon sa treehouse. May dalawang pusa doon, doon muna sila dahil hindi sila pwede sa pet house dahil may mga asong alaga si Emilda doon baka mag-aaway lang sila. Tsaka hindi kasi gusto ni Emilda na may pusa. Pero pumayag naman siya ng malaman niyang gusto ni Benjie ng pusa pero sa treehouse lang sila dahil hindi naman pumupunta si Emilda doon." sabi ni Dad.
"Ah okay lang po Dad."sabi ko na lang. Buti na lang gusto din ni Benjie ng pusa.
Pagdating namin sa treehouse, sumalubong agad iyong dalawang pusa kay Benjie. Iba-ibang klase ang mga pusa niya pero may kapareha ng breed iyong isa sa akin mga pusa pero iba ang kulay ng mga mata at balahibo.
'Yung isa naman nakakita na ako nito sa Facebook pero mas maganda pala tingnan 'pag nasa harapan ko na . Hindi ko kasi makita kung saan pwede mabili dahil kakaibang klase ito. Pambihirang klase. Odd-eyed cats iyan ang tawag sa pusang may kondisyon na tinatawag na heterochromia o heterochromia iridis .
These odd-eyed cats typically have one iris (the coloured part of the eye) that's blue while the other is either green, brown or yellow.
"Kuya you know this kind of?" Tanong ni Benjie.
"Yes I know that , where did you get it? It's rare." Sagot ko.
"Yeah it's quite rare. Um mom gave this to me, her birthday present for my 10th birthday." Sabi niya.
"Kids, kailangan na nating bumaba. She keeps calling us down there. She prepared some snacks." Sabi ni Dad habang inginuso si Tita. Okay naman siya sa Tita na tawag sabi niya. Bahala siya, hindi siguro niya gugustuhing tawagin ko siyang babaeng iyon. Okay na rin siguro 'to diba?
Other books by jessafelovers258
More