Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Heritage of Memorabilia

Heritage of Memorabilia

luminous_pen

5.0
Comment(s)
2
View
1
Chapters

Celine Ledesma siya ay isang Propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya rin ay isang Private Collector nang mga makasaysayang gamit. Habang siya ay nasa isang Auction Party na ginaganap may isang bagay na kumuha sa kanyang atensyon at iyon ay isang Orasan (Handpocket Watch). Dahil sa orasang iyon magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Sino ba talaga siya? Ano ang konektado niya sa makasaysayang orasang iyon? Sabay-sabay po nating alamin at tuklasin ang katotohanan. Samahan niyo akong magbalik-tanaw sa Kasaysayan ng sarili nating Bansang Pilipinas. Nawa'y inyong mahalin at tangkilikin ang kwentong ito.

Chapter 1 HOM; CHAPTER 1

Malamig na simoy ng hangin ang nagpapahiwatig na malapit nang sumapit ang kapaskuhan. Ngunit sa isang masukal na gubat na ang nagsisilbi lamang tanglaw sa dilim ng kagubatan ay ang liwanag na nagmumula sa kabilugan ng buwan ay may dalawang taong nagtatago sa bingit ng kamatayan.

"C-catalina tumakbo k-ka na!" halos hindi na marinig ang boses ni Joaquin nang sambitin niya iyon dahil sa natamo niyang tama ng baril sa kanang balikat. Habol na din ang kanyang hininga habang nakatingin kay Catalina na ngayon ay hindi na rin maawat sa pag-agos ang kanyang luha at ang mahihinang hikbing namutawi sa kanyang labi.

"Ayoko! H-hindi ako aalis sa tabi mo. S-sasamahan kita dito." kitang-kita sa kanyang mga mata ang labis na pagmamahal sa lalaking kanyang kaharap, kaya buo ang kanyang desisyon na kahit anong mangyari ay hindi niya ito iiwan.

"Aking irog, ayos lang ako. Maliit na sugat lamang ito, kailangan mo nang lumisan bago pa sila duma–" hindi na nagawa pang tapusin ni Joaquin ang dapat na sasabihin dahil isang nakakabinging putok ang umalingawngaw sa gitna ng gubat sampung metros lang ang pagitan mula sa puno ng mangga na kanilang pinagtataguan.

Nanginginig ang kamay ni Catalina dahil sa takot na baka makita sila ng mga taong gustong pumatay sa kanila. Yakap na puno nang pagmamahal ang binigay ni Joaquin sa kanya, para maibsan ang takot nilang nadarama sa mga sandaling iyon.

Ngunit, mas lalo lamang nadagdagan ang kanyang pangamba ni Catalina ng maalalang may sugat nga pala ito at hindi na nito kaya pang manlaban sa oras na sila ay matagpuan nang mga taong papatay sa kanila.

"CATALINA! HALIKA RITO! KUNG AYAW MONG PATI IKAW AY IDADAMAY KO!" malakas na sigaw ng boses lalaki na agad namang nakilala ni Catalina. Iyon ay boses ng kanyang nakakatandang kapatid na si Heneral Alejandro. Maging siya ay takot sa kuya niya sapagkat minsan na rin siya nitong napagbuhatan ng kamay at ikinulong sa isang silid.

"D-dito ka lang sa tabi ko aking irog. Oras na mapunta ka sa k-kamay ng iyong kapatid, batid kong h-hindi ko na muling makikita ang maamo mong mukha" nauutal na banggit ni Joaquin. Dahil sa tono ng kanyang pananalita ay nakaramdam rin siya ng takot sa kapatid ni Catalina.

"Pangako mahal. H-hinding-hindi na ako muling aalis sa tabi mo." nakangiting sambit ni Catalina.

Ginawaran siya ni Joaquin ng isang masuyong halik sa labi na agad niyang ginantihan. Sabay sa kanilang pagmamahal, takot at pighati na nararamdaman ay dahan-dahang bumuhos ang malakas na ulan at pag-ihip ng malamig na hangin.

Nang maghiwalay ang kanilang labi ay pareho silang nakangiti sa isa't-isa na para bang saglit na huminto ang oras at hindi alintana ang lamig na dala ng ulan sa kanilang katawan.

Agad rin namang napawi ang nakasilay na ngiti sa kanilang mga labi nang pwersahang hawakan sa magkabilang braso si Catalina papalayo sa lalaking mahal niya. Bago pa siya tuluyang makalayo ay nasaksihan pa niya kung paanong walang awang pinagbubugbog si Joaquin ng mga tauhan nang kanyang kuya Alejandro.

"WAG! Maawa kayo sa kanya!"–

"Celine! Celine oi gising na." agad akong napadilat ng mata ng maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.

Bangungot na naman, hindi ko alam kung bakit ko napapanaginipan ang mga ganung eksena? Simula pa to nung nasa edad na labin'tatlo pa lamang ako. Hanggang ngayon ay palaging ganun ang napapaniginipan ko. Palaging nagtatapos sa pambubugbog sa isang lalaking nagngangalang Joaquin, pero hindi ko masyadong maaninag ang itsura niya. Maging ang lalaking Heneral na nagngangalang Alejandro na sa aking panaginip ay nakakatandang kapatid ni Catalina ay hindi rin malinaw ang itsura. Ang tanging malinaw lamang na itsura sa panaginip ko ay ang babaeng nagngangalang Catalina, na kamukhang-kamukha ko. Kung pagtatabihin kami ay parang pinagbiyak na bunga, mapagkakamalan mo pa kaming identical twins.

"B-bakit? May kailangan ka Ma'am Jing?"

"Wala. Kanina ka pa kasi pinagpapawisan habang natutulog ka. Kaya ginising na kita. Nananaginip ka na naman siguro? Magpa-konsulta kana kaya?" malumanay na sabi niya. Kinapa ko naman ang noo ko at sobra nga akong pinagpapawisan kaya binuksan ko ang drawer para kumuha ng face towel.

"Okay lang po ako Ma'am. Medyo napagod lang po siguro ako sa paggawa ng Lesson Plan para bukas." binigyan ko na lang siya ng maaliwalas na ngiti para hindi na muli pang mag-alala sakin. Sa loob kasi ng limang taon kung pagtuturo dito sa Unibersidad ng Santo Tomas, siya na ang naging malapit kong kaibigan. Kaibigan ko naman lahat ng mga propesor dito, mas naging malapit nga lang ang loob ko sa kanya siguro ay dahil pareho kami ng tinuturong asignatura at yun ay tungkol sa ating Kasaysayan.

"Okay, sige ikaw na may sabi. Pero sa susunod na dalawin ka ulit ng panaginip na ganun, naku!! Ako mismo kakaladkad sayo papasok sa isang psychiatrist. Nakakaloka ka day!-" umakting pa siya na parang sumasakit ang ulo kaya natawa na lang ako sa inakto niya. Kung minsan talaga nagtataka ako kung pano to nakapasa sa board exam?

"Ay! Oo nga pala. May gwapong papable sa labas hinahanap ka. May inorder kana naman noh?" dinilatan pa ako ng mata na akala moy nanay na galit sa tuwing umo-order sa online yung anak. Mapapagalitan na naman ako nito at sandamakmak na ratatat nalang talaga mula sa bibig niya ang matatanggap ko.

"HAHAHA- sshh ka lang. Alam mo namang secret lang natin yun. Oo may inorder ako pero baka form pa lang tong ibibigay sakin ngayon." saad ko sabay tayo at nag-sign pa ako ng wag kang maingay- eh kasi isa rin akong private collector ng mga makalumang gamit na may mga kasaysayan. Naging hobby ko na siya simula nung kunin kong kurso sa kolehiyo ay History.

"Oo na. Sige shoo– puntahan mo na yun!" tinulak-tulak pa ako ng loka paalis. Baliw talaga ang isang yun!

Napansin ko ang isang lalaking naka-helmet at may hawak na parang sobre, pabalik-balik ang lakad nito kaya hindi niya siguro agad ako napansin. Nagpeke pa ako ng ubo bago niya mapansin ang presensiya ko. "Excuse me? Ikaw ba yung naghahanap sakin?" saka pa siya nag-angat ng tingin at nagtanggal ng helmet.

"Are you Miss Celine Ledesma?" tango lang ang binigay kong sagot, kaya siya ay nagpatuloy nasa kanyang sasabihin. "Here's the invitation letter ma'am, for the upcoming Auction Party at the Ancient Heritage Gallery nasa loob na rin po ang complete details. Pakipirmahan na lang po nito, para malaman nilang natanggap niyo na po ang imbitasyon." kinuha ko agad sa kamay niya ang invitation letter at ang form na kelangan kong pirmahan, pagkatapos ay ibinalik ko na agad sa kanya.

"Nawa'y makupunta po kayo, Miss Ledesma" iyon lang ay tumalikod na siya sakin at naglakad na palayo. Saglit siyang huminto ng nasa tapat na siya ng kanyang motorsiklo ay lumingon pa siya sa kinarorounan ko na para bang sa mga tingin niya ay may balak siyang sabihin. Kaya ako na lang ang nagsalita "Salamat dito, asahan niyong makakarating ako" sigaw ko at bahagyang winagayway ang sobra saka dali-daling tumakbo pabalik sa loob ng Faculty Office.

Hapong-hapo ako ng maka-upo sa silyang nakalaan sa akin dito sa loob ng faculty, at bilang isang echoserang Jing ay agad akong nilapitan at kinulit-kulit kung para sa ano at saan daw ang inorder ko. Na galing pa talaga sa isang sikat na museo nagmula ang imbitasyon, na kung tutuusin daw ay napakaswerte ko.

Kaya bago pa magkaroon ng mag-asawang tutuli yung taenga ko, ki-nwento ko na sa kanya kong paano ko nakuha ang imbitasyong iyon. Pagkatapos ng mahaba-habang eksplinasyon ay naka-ani ako ng isang matinis na tili mula sa kanya.

"Jusko day! Napakaswerte mo talagang nilalang. Isang blessing sayo yan!! Kasi sa dinami-rami ba naman ng nag-apply na sumali sa auction na yan eh isa ka pa talaga sa maswerteng nakuha. Basta pagkailangan mo ng mag-aayos sayo sa party na yan, just call me ha!! Pupunta agad ako sa bahay mo." kinindatan pa ako ng loka-loka kaya sabay kaming nagtawanan at agad namang napabaling sa amin ang atensyon ng kasama naming mga propesor na busy rin sa paggawa ng lesson plan nila para bukas. Nagkatinginan na lamang kami at mahinang naghagikhikan.

Nang matapos ang klase namin ni Jing ay napagpasyahan naming sa Jollibee nalang maghapunan at mamasyal sa mall. Sa tagal naming nagikot-ikot dito parin sa NBS ang bagsak namin. Dali-dali akong pumunta sa shelf na para sa History ng Pilipinas.

Kung seswertehin ka nga naman, naging published book na ang inaabangan kong limited edition na Untold History Book at sa kasamaang palad ay isa na lang ang natitira kaya agad kong kinuha sa shelf ang libro. Pero may kamay ring nakasabayan kong dumampot sa libro kaya napa-angat ako ng tingin sa damuhong mukhang makaka-agaw ko. Jusko! Bakit napakagwapo nang nilalang na to!! Pero bahala siya sa buhay niya kahit gaano pa siya kagwapo hinding-hindi ko siya pagbibigyan na mapasa-kamay niya ang librong inaasam ko.

Napatingin din siya sakin at bigla siyang tumitig sakin. Nang mga oras na iyon hindi ko alam pero biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, isang pakiramdam na parang pamilyar sakin at sa uri ng kanyang mga tingin sakin para bang nagpapahiwatig na matagal ko na siyang kilala. Para bang pamilyar sakin ang tindig at itsura niya pero hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita. Kaya bago pa magkalimutan ay ako na ang bumasag sa kakaibang atmospera. "I'm sorry Mister, pero ako ang naunang dumampot sa librong to!" tinanggal na rin niya ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko. Ramdam ko parin ang kuryenteng dala nang sandaling aksidente niyang nahawakan yung kamay ko.

"But Miss look, kanina ko pa kasi yan nakita. Saglit ko lang iniwan dito kasi may kinailangan lang akong kunin sa kabilang shelf." nagpapa-awa ba siya? Sa pagkakatingin niya kasi sakin parang sinasabi niyang "ako kasi yung nauna, tsaka gwapo naman ako eh–" NO WAY! ERASE! ERASE! hindi dapat ako magpapadala sa karisma niya. HINDI TO MARUPOK NOH!

"Pasensyahan na lang ho tayo Mister, kasi ako na ang may hawak nito. Nasa mga kamay mo na kanina bakit hindi mo kinuha at binayaran?" bago pa siya muling magsalita tumakbo na ako na yakap-yakap yung libro papunta sa cashier. Baka bigla pang maagaw sakin to nako mahirap na. Matagal ko na kayang pangarap bumili ng ganitong libro, nasa college pa ako nung una kong makita ang first limited edition na ganito. Kaya I will really grab this opportunity na magkaroon ako ng ganitong libro.

Naramdaman kong may nakasunod sakin sa pila kaya nilingon ko at sa malas ko naman, yung lalaking yun pa. Sabi nga nila, kabunto't ng saya ay pighati. Pero para sakin ang saya sa kanya ang pighati HAHAHA! Ang sama ko ata. Ng mabayaran ko na ay agad akong lumabas sa NBS.

Napagdesisyonan ko na lang na intayin sa labas si Jing. Nasa iisang compound lang naman kami kaya malakas ang loob ng babaeng yun napag-antayin ako ng matagal. Porket alam niyang hindi ko siya pwedeng iwan kasi hindi ako makakasakay kung ako lang mag-isa.

Kinapa ko ang aking cellphone na nasa loob ng handbag na dala ko. Nang makuha ko na ay agad kong tinextan si Jing, baka mag-alala yun na hindi niya ako makita sa loob ng NBS.

Halos isang oras din ang inantay ko sa labas bago ko makita si Jing na wala man lang nabili? Aba't! Ano pala ang ginawa ng babaeng to sa loob. Kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya pinili ko kasing medyo malayo-layo ako sa pintuan ng NBS, para pag lumabas yung lalaki kanina hindi niya ako mapansin.

"Ang tagal mo sa loob ta's wala kang nabili?" nagtataka kong tanong habang sinisipat ko siya baka, kasi may nabili siya tinatago niya lang. "HAHAHA! wala nga kasi, may nangyari kasi sa loob." sinabayan pa ng impit na tili tas yung itsura niya parang nanalo siya sa isang contest.

"Ano ba kasi ang nangyari? Kwento mo na dali!" pati tuloy ako naeexcite sa sasabihin niya. Tumili pa muna siya bago nagsimulang magkwento.

"Ganito kasi yun nasa shelf ako ng mga Romance Pocketbooks ng magtext ka sakin, habang hinahanap ko sa loob ng bag yung cellphone ko may dumaang lalaki tas bahagya niyang nasagi yung balikat ko, kaya napatingin ako sa kanya. Ta's pag-angat ko ng tingin, Jusko Day! Malalaglag talaga yung panty mo sa sobrang hot niya." naghimatay-himatayan pa lukaret "Yun nga lang saglit niya lang akong tinapunan ng tingin, sayang nga eh!" dagdag niya tsaka siya napailing-iling.

Natawa na lang ako sa pinagsasabi ng kaibigan ko. Epekto na siguro to' ng palagi niyang pagbabasa nang mga pocketboooks, kaya kung ano-ano ng kalokohan ang nalalaman. "Hindi man lang ba siya nag-sorry sayo?"

Parang natalo sa pustahan ang reaksyon niyang nakatingin saka napailing. Pero agad din namang sumilay sa mukha niya na parang may masama siyang binabalak. Napakamot na lang ako ng batok ko.

"Wagi pa rin ako day, kasi may nahulog siyang papel. Di ko nga rin lang alam kong calling card niya ba to o hindi?" saka siya may inabot saking papel. "Lucio Sandoval?" halos bulong na wika ko, pero narinig pa rin ni Jing kaya agad siyang napatango.

"Oo day, wala nga lang number tsaka kung saan siya nagtatrabaho. Okay na rin lang naman atleast alam ko na yung pangalan niya. Konting kembot lang sa search engine, Tumpak! na agad." tsaka niya ako kinindatan at sabay rin kaming natawa.

Parang may nag-uudyok sakin na tingnan ang likod ng card. Naramdaman kong saglit na huminto ang oras, pati na rin ang mga taong naglalakad at si Jing na nakangiti pa ring nakatingin sakin. At, biglang kumabog ng malakas ang puso ko nang basahin ko ang nakasulat sa likod sa paraang hapon.

"私の約束,私の愛を守ってくれてありがとう" (Thank you for keeping your promise, my love) sa sobrang bilis ng tibok nang puso ko, pakiramdam ko ay galing pa ako sa isang paligsahan. Habang nakatitig pa rin sa sulat.

Nang tingnan ko ang paligid ay bumalik nasa normal. Nanatili pa rin ang atensyon ko sa papel na hawak ko. "Day! Oy! Anong tinitingnan mo dyan? ba't parang gulat na gulat ka?" bumalik lang ako sa huwisyo ng tawagin ako ni Jing, lumapit na rin siya sakin at tiningnan ang hawak ko.

"Ano ba kasi ang tinitingnan mo?" nagpabalik-balik pa ang tingin niya sa papel at sa mukha ko. "Ito oh" pero pagtingin ko ulit sa papel wala na ang nakasulat d'on pa'no nangyari yun? malamig na hangin ang parang yumakap sakin.

Asan na yung sulat? Pa'no nangyaring nawala yun? Namamalik-mata lang ba ako? o talagang totoo yung nabasa ko?

Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, at pangyayari sa loob ng kwento ay bahagi lamang ng malawak at malikot na imahinasyon ng may akda. Ang ibang pangyayari o eksena ay nakabatay sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at ang mga Hapones sa kasaysayan ng ating Inang Bayan. Ang iba sa mga makasaysayang lugar ay mababanggit sa kwentong ito. Uulitin ko po, ang bawat pangalan ng tauhan, lugar at pangyayari o eksena ay purong pawang kathang-isip lamang. Kung may nabasa kayong pangalan, lugar at pangyayari na pareho sa totoong buhay ito ay isang aksidente lamang po.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

Ang kwentong ito ay inspirado sa isang sikat na manunulat iyon ay walang iba kundi si Binibining Mia Alfonso..

Asahan niyo na po ang maling gramatiko at minsa'y maling pagtitipa sa aking teklado.

Enjoy Reading and Be safe. God Bless You, my Dear :-)

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book