Ever since elementary crush na crush na ni Rhoanne Ashley si Bernard. Hanggang sa mag kolehiyo ay dala dala nya ang paghangang nararamdaman para sa binata. Until one day may isang Harvey Leonard del Mundo ang dumating at gumulo sa nananahimik nyang mundo. Napulot ng binata ang diary nya na naglalaman ng ilang taon na nyang damdamin para kay bernard. Nangako naman ang lalaki na ibabalik ang dairy nya kapalit ng tulong nya na mapalapit sa pinsan ng dalaga. Ngunit paano kung sa gitna ng pagtulong nya sa binata ay matagpuan nya ang sariling unti unti ng nahuhulog para sa binata? At paano na kung nakikita nyang nagkakamabutihan na din ang lalaki at ang pinsan?
Rho anne's POV
"Hala! Ngitingngiti ka na naman dyan! Ikaw talaga my loves, kaya ako patay na patay sayo ei." Nakangiting saad ko Sabay ikot sa harap ng salamin.
Yes, simula na naman ng isang magandang umaga.
"Aray!" Sabay hawak sa batok.
"Ate naman eh." Nagmamaktol kong sabi
Binatukan kase ako ni ate jhoanne.
Meet my ate jhoanne, Since elementary kasama ko na si ate Jhoanne sa bahay. Anak sya ng kaisaisa kong tita sa side ni papa na namayapa na. Simula nung naulila sya, sila mommy at daddy na ang kumupkop sa kanya kaya para na kaming magkapatid ni ate.
" Mukha ka na naman kaseng tanga dyan! Palagi mo na lang kinakausap ang picture ng babaerong yan. Pag yan sumagot sayo kita mo?" Natatawang sagot nya.
" Ikaw tlga ate, yan nga lang kaligayahan ko ipagkakait mo pa. Hindi naman ako kagaya nung malalading babaeng habol ng habol sa kanya sa campus aaah. Tipong pag makikita syang paparating parang may mga epilepsy at kinurot sa singit ng mama nya sa lakas ng tili." Pangangatwiran ko naman.
" Aba dapat lang! Subukan mong gawin yun, sinasabi ko sayo. Siguradong ipapatapon ka ng mommy mo sa probinsya." Natatawang pagbabanta ni ate. Alam nya kasing hindi ako tatagal doon.
"Hayssst.. ate naman wag naman ganun." Nakapout na saad ko.
"Alam kong maganda sa probinsya. Tahimik. Sariwa ang hangin, pero ate alam mong hindi ako tatagal doon. Mamamatay ako sa inip. Walang sinehan, walang restobar at higit sa lahat walang shopping malls. Kaya ate quiet ka lang kila mommy at daddy hah.. Dont worry I'll be a good girl." Mahabang litanya ko naman with matching papungay pa ng mata..
" Sige pagiisipan ko. Basta ngayon bilisan mo na dyan magbihis at baka malate pa tayo. Kanina pa naghihintay si manong sa baba." Sagot nya sabay labas ng kwarto ko.
Kaya nagmadali na nga akong mag ayos ng mga gamit ko para sa araw na ito.
Ahead saken ng 1 year si ate jhoanne, bali magkabatch sila ni Bernard my loves. She hates being late kaya ang resulta kame ang punaka maagang pumasok sa school. Alam nyo yung tipong parang wala pa tlgang tao sa campus kundi yung mga gaurds? Kilala na nga kame ng mga guards dito ei. Sabagay sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa isang jhoanne Samonte. Isipin mo,member sya ng vasity team ng volleyball and she's one of the best student student on her class.Isa pa maganda at mistisa sya. Unlike me na walang katalent talent sa sports, di kagandahan hindi pa maputi. Hindi ko po sinasabing panget maging morena noh? Sadya lang talagang hindi ako maganda.
Kaya lang medyo may pagka masungit si ate. Sa mga suitors nya lang nman. Ewan ko ba dito kay ate, simula noong nagbreak sila ng first bf nya, na hindi man lang saken ipinakilala eh nagkaganyan na sya. So sungit, parang man hater ang naging peg nya. Umaati chona ang ate ko. Kaya kahit pila ang mga manliligaw nya wala pa rin syang mapili. Well sorry na lang sila hindi sila type nya. But I'm not complaining though, kase ang siste ako ang nakikinabang sa mga chocolates and candies na iniiwan nila sa locker nya. Kesa naman itapon ni ate sayang.. wahahaha...
"Oi! Ang lalim na naman ng iniisip mo. Let's go." Sabay tapik sa kamay ko. Nandito na pala kame. Pagbaling ko sa kanya palabas na sya ng kotse.
" Antok pa kase ako. Ikaw kase ate ang aga aga mo palaging magayang pumasok." Reklamo ko naman.
" Magaling na yung maaga kesa naman malate tayo. Sabi nga, Daig ng maagap ang masipag." Pangaral naman ni ate.
" yeah, yeah! Ayan ka na naman sa mga kasabihan mo ate. Para ka na talagang si mommy." Natatawang saad ko pa habang napapakamot sa ulo.
"Sige mauuna na ako sayo. Alam mo naman sa kabilang building pa ako." Paalam ni ate sabay beso. Syempre dahil magkaiba kame ng kursong kinukuha magkaiba kame ng building na pinapasukan. Accountancy major si ate habang ako naman ay fine arts student major in photography.
At first tutol sila mommy at daddy sa gusto kong kurso. Kasi nga naman isang kilalang abogado si papa at isang mahusay na doktor ( pediatrician) si mama at akp ang nagiisa nilang supling. Thats why they want the best for me. kaya nais nilang sumunkd ako sa yapak ng isa sa kanila, kaso maliit pa lang ako ito na talaga ang hilig ko. Doto ako masaya, sa pqgkuha ng mga larawan. Kaya ayun sa bandang huli napapayag ko din sila sa kursong nais ko.
At dahil maaga p, naglakad lakad pa muna ako patungo sa may likod ng campus. Dito kame tumatambay ng bestie kong si kimmy minsan kasama din si ate kapag may oras sya. Though mas madalas kame sa canteen. Mapuno kase dito kaya maaliwalad at may mga bench talagang pahingahan. Parang maliit na park lang ang peg nya, tahimik at nakakarelax.