Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Governor's Possession

Governor's Possession

Ameiry Savar

5.0
Comment(s)
2.3K
View
27
Chapters

Tahimik na gumagawa ng proyekto nila sa kanilang eskwelahan si Jane at ang kaniyang mga kasama noong bigla siyang may narinig na sigawan. Dahil sa kuryusidad ay napasilip siya sa bintana at doon nakita niya ang isang lalaki na pinatay ng mga hindi kilalang kalalakihan. Noong sumunod na araw ay nakilala niya si Rodrigo Navarro. Ang pinaka makapangyarihang tao sa kanilang lugar. Ang taong magpapabago ng tahimihik niyang buhay. Hanggang kailan kaya niya maitatago ang pag-aari ng binata kung maging siya ay inaangkin na nito? Warning! This story consists of mature scenes unsuitable for very young and sensitive readers! Rape, torture, murder, and abuse. Please do not continue reading this story if you are not into this kind of story. Thank you!

Chapter 1 First Day

Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw sa labas ng bintana ng classroom namin. It's our first day pero hindi ko maipaliwanag kung bakit kanina pa mabigat ang pakiramdam ko. Mula no'ng lumabas ako ng dorm namin hanggang sa makarating kami rito ay hindi mawala ang kakaibang pakiramdam na 'yon.

"Ang tagal naman ni Ma'am!"

Napatingin ako sa katabi kong babae. Siya si Lana. My best friend slash enemy at the same time. Mula pa high school ay magkaibigan na kami. Tapos parehas pa kami ng course kaya hindi na kami napaghiwalay.

Hindi ko na lang siya pinansin at muling tumingin sa labas ng bintana. Kita ko ang quadrangle kung saan maraming mga estyudante na naglalakad.

"Jane, tignan mo, oh!"

Muli akong napatingin kay Lana no'ng kinalabit niya ako.

"Ano?" nakakunot ang noong sabi ko.

Hindi ako nilingon ni Lana. Nakanguso lang siya kaya sinundan ko 'yon ng tingin.

Lawrence?

Natigilan ako nang makita ko kung sino 'yong nginunguso siya. Bakit andito rin siya? Papasok siya sa loob ng classroom. Umupo siya kaagad sa may unahang upuan sa tabi ng pinto na pinasukan siya. Kasunod niya ang isang lalake pa na mas mababa kaysa sa kanya. Lalo akong natigilan. Si Carlo. Best friend ni Lawrence.

Napalunok ako at umayos ng upo. Naging boyfriend ko si Lawrence noong high school pa lang kami. Nagkahiwalay lang kami kasi nag-transfer na ako pa-Cavite.

"Classmate natin sila?" gulat na tanong ni Lana. Tumingin na siya sa akin habang namimilog ang mga mata. Nakaawang din ang bibig niya na para bang gulat na gulat.

Inirapan ko lang si Lana at muling tumingin sa bintana. "Tigilan mo ako sa mga tingin mo, Lana. Alam ko na 'yan."

"Sus!" Mahina siyang hinampas ang braso kong nakapatong sa hand rest ng upuan ko. "Parang sinasabi lang eh. Ang sungit mo talaga!" may himig na pagtatampo na sabi niya.

Bahagya akong napatawa at nakapangalumbabang tiningnan siya. Nakanguso na siya habang nakatitig sa de keypad niyang cellphone. Napailing na lang ako at pasimpleng tinginan si Lawrence.

Hindi ko naman masisisi si Lana kung nagtataka siya. Fourth year na kami pero ngayon lang namin nakita yung dalawa. Pero ano pa ba ang pakialam ko? Muli akong tumingin sa labas ng bintana.

Matagal na kaming tapos.

Ilang sandali pa ay halos mapuno na kami sa classroom. Hindi na rin magtagal at may pumasok na sa aming prof. Si Miss Avilla.

"Good morning, class!" aniya at tumigil sa lamesang nasa unahan. Inilapag ni Miss Avilla ang mga dala niyang gamit sa ibabaw ng lamesa.

Napansin ko agad na napasimangot ang mga kaklase ko. Isa kasing terror teacher si Miss Avilla kaya ayaw ng mga kaklase ko sa kanya. Ako naman, ayos lang. Mas maige na 'yon para magseryoso na ang lahat.

Nasa mid forties na si Miss Avilla. Nakasuot siya ng slacks at long sleeve na polo shirt na pang babae. Mayroon din siyang suot na salamin at maayos na naka-pony tail ang buhok sa likod ng ulo. Ang lakas maka-CEO ang datingan niya palagi at awra. Pero ang mga kaklase ko ay sinasabing lesbian daw si Ma'am. Ayos lang sa akin, ang pogi kaya ni Ma'am.

"I know you already know me, but I will still introduce myself." Inilibot niya ang kanyang paningin sa amin. "I will be your teacher in Com. Arts three and will be your class adviser. So, we will see a lot of times." Ngumiti siya sa amin.

Agad akong akong nakarinig ng mga pag-angal dahil sa sinabi ni Ma'am. Marami talagang may ayaw sa kanya. Papaano, may isang batch na binigyan niya ng tres lahat noon dahil hindi nagpasa ng mga assessment. Kung tutuusin ay mali ng mga estyudante.

"Ay ano ba 'yan! Hindi tayo makakapag-party kapag si Ma'am adviser natin!" inis na sabi ni Lana.

Napangisi lang ako sa sinabi niya. "Okay lang 'yon. Baka mamaya may kung sino-sinong lalake na naman kasi jowain mo."

Iniikot ni Lana ang kanyang mga mata. "So what? I love boys!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong si Lana. Hindi nadadala. Sa amin kasing dalawa ay siya ang mahilig makipagrelasyon. Wala rin namang hihindi sa kanya dahil maganda siya. Chubby pero kitang-kita ang hulma ng katawan niya. Hindi kagaya sa akin na sakto lang ang katawan.

"Okay. I was late because there will be new changes in your while living in your hostel. Each building will be occupied by one course, at sa bawat isang floor ay para sa isang year level."

Natahimik kaming lahat. Pero si Lana ay malapad na ang mga ngiti. Dito kasi sa university ay pwedeng mag-dorm ang mga estyudante. Lalo na ang mga nasa college. Pabor sa akin 'yon dahil kahit na may mga kamag-anak ako rito sa probinsya ay mas gusto ko pa ring mag-isa lang ako. Kasama na rin sa tuition namin ang accomodation fee kaya hindi na mahirap.

"Ibig sabihin ay kayong magkakaklase ay magkakalapit lang ang mga kwarto. Sa isang block ay ang mga babae at ang sa kabila ay ang mga lalake. Two students per room." Sumeryoso ang mga tingin ni Ma'am. "At malalaki na kayo at graduating, okay? Sana naman hanggang sa maka-graduate kayo ay walang mabubuntis."

Agad na nagtawanan ang mga kaklase ko. May ibang biglang nahiya at tumikom lang. Habang si Lana ay hindi na mapakali sa saya.

Tumikhim si Ma'am Avilla. "Okay, enough. Bago tayo mag-umpisa ay ibibigay ko muna ang designated rooms niyo. After this, you can go out and fix your room, first."

"Ay, ma'am!" Biglang nagtaas ng kamay si Lana. Napatitig sa kanya si Ma'am at ang mga kaklase namin. Ano na naman kaya ang naiisip nitong gawin? Wala sa sarili na napatingin ako sa gawi nila Lawrence. Hindi siya nakatingin sa amin pero si Carlo ay nakangisi na agad.

Feeling ko alam niya na kaklase niya ako. Nag-iwas na lang ako ng tingin at humarap sa harapan.

Dahan-dahang tumayo si Lana. "Pwede po bang mag-request? Gusto ko po sanang kasama ang friend ko sa kwarto."

Napatingin ako sa kaibigan ko. Hindi manlang siya na hiya sa request niya. Noon kasi hindi kami magkasama sa room dahil nga school ang nagbibigay ng kwarto. Noong tumingin ako kay Ma'am ay seryoso lang siyang nakatingin. Tumingin siya sa akin at muling binalik ang tingin kay Lana.

"Okay."

"Thank you, ma'am!" magiliw na sabi ni Lana.

Napangiti na lang at hindi makapaniwalang umiling. "Ikaw talaga!" saway ko sa kanya.

Tumawa lang siya nang mahina. "Magkasama tayo!" excited na sabi niya at pinalo-palo pa ang braso ko. Hindi na lang ako umangal sa kanya. Hindi na siya ngayon mahihirapan na pumunta-punta sa akin kagaya noon.

Naubos ang oras ni Ma'am Avilla sa pagbibigay sa amin ng mga kwarto. Mayroon pa kaming iilang mga kaklase na nag-request din na magkasama sila sa kwarto na pinagbigyan ni Ma'am.

Room 3205 kami ni Lana. Kaso... kung minamalas ka nga naman. Katapat pa pala ng kwarto namin ang kwarto nila Lawrence.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book