TAHIMIK akong nakatingin sa kawalan. Tanaw ko mula sa veranda ang nagniningning na ilaw sa kabayanan. Napabuntong hininga ako. How I wish I could be one of them---isang ordinaryo na malayang mamuhay bilang normal. Ako si KEINTH LUCAS HARRISON, galing sa pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Monica. Wala akong kaibigan, and I used to be alone since then. Pero mas ginusto ko ang maging ganito, kaysa malaman ng ibang tao ang sekreto ko, or should I say.. SEKRETO ng pamilya ko.
Maxine's POV
BINABAYBAY ko ang maputik na daan papuntang kabilang baryo. Doon ako pumapasok, sa Wilford University, eskwelahan ng mayayaman. At hindi ako kabilang do'n.
Ako si Maxine Filmore, desi Nuwebe anyos. Isang kasambahay ang aking Ina, at sampung taon na itong naninilbihan sa mga Alfonzo. Mabait ang mag-Asawa. Sa katunayan, ang mga ito ang nagpapaaral sa akin, at bilang kabayaran ay tumutulong ako kay Nanay tuwing walang pasok.
Sinipat ko ang suot na relo. Alas Otso na kaya mas binilisan ko pa ang paglakad, alas Nwebe ang pasok ko at hindi ako pwedeng malate.
Nakakainis, wala man lang ni isang tricycle na dumaan kung kailan nagmamadali ako, idagdag pa ang pagkulimlim ng kalangitan hudyat nang nagbabadyang pag-ulan.
Sumimangot ako nang humarurot mula sa aking likuran ang isang kulay itim na sasakyan. Muntik nang matalsikan ng putik ang suot kong uniform. Kotse iyon ni Miss Beatriz, ang unica ija ng mag-Asawang Alfonzo. Kung gaano kabait ang mag-Asawa, kabaliktaran naman si Miss Beatriz. Saksakan ito ng kamalditahan at ubod ng yabang.
AGAD akong nagpunta ng rest room nang makarating ng Unibersidad. Mainam kong pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Papasok pa lang ako pero 'yong hitsura ko pauwi na. Napailing ako. Walang-wala ako kompara sa mga estudyanteng pumapasok dito. Pero kung hitsura rin lang ang pagbabasihan, kahit papaano, may ibubuga rin naman ako. Sabi nga nila para raw akong may foriegn blood. Mukha raw akong Koreana.
Matapos mag-ayos ay pumanhik na ako palabas ng rest room nang banggain ako ng dalawang babaeng papasok pa lamang, nabitawan ko ang mga dalang libro. Agad akong yumuko upang pulutin ang mga 'yon.
"Sorry," maarting wika ng isang babae'ng halata namang hindi sincere nang sabihin 'yon. "hindi kasi kita nakita, eh."
"Served right," anang isa pang babae na natawa.
Mas pinili kong huwag patulan ang mga ito at nagpatuloy na lamang sa ginagawa. Sanay na ako. Ganito na ang naging buhay ko simula no'ng pumasok ako sa naturang Unibersidad. Gusto kong lumipat ng ibang eskwelahan. Ayoko dito. Mayayabang at arogante ang mga estudyanteng pumapasok dito. Subalit gusto ng mag-Asawang Alfonzo na dito ako mag-aral kesyo wala naman daw problema sa gastusin basta't pagbutihin ko lamang ang aking pag-aaral. Fortunately, graduating na ako ngayon taon sa kursong BSHRM. Sa awa ng Diyos maiaahon ko na rin si Nanay sa kahirapan.
PINILI ko ang umupo sa may bandang likod. Ilang sandali lang pagkatapos no'n ay dumating rin si Miss Gillany, Class adviser namin. At nagsimula itong magdiscuss.
NATAPOS ang unang klase na wala naman akong naintindihan. Wala ako sa mood at tinatamad ako.
Dahil sa alas Dos pa ng hapon ang next subject kaya nagpasya akong umuwi na muna. Wala akong pang-canteen. Isa pa, mas gusto kong iponin ang ibinibigay na baon ni Nanay kaysa aksayahin ito.
Tulad ng lagi kong ginagawa ay naglakad ako papuntang sakayan. Walking distance lang ito mula sa eskwelahan kaya matiyaga ko itong nilalakad araw-araw. Napatakbo ako nang magsimulang umambon. Mabuti na lang at nakarating ako agad sa waiting area bago pa man lumakas ang buhos ng ulan. Dumukot ako ng panyo mula sa bag upang punasan ang mangilan-ngilang patak ng ulan sa aking mukha nang hindi sinasadyang tangayin ito ng hangin. Maagap akong humakbang para maabutan ito subalit kasabay nang paghakbang na iyon ay ang pagharurot ng isang motorsiklo. Agad akong nakaiwas subalit dala nang pagkabigla ay nawalan ako ng balansi.
Napatili ako kasabay ng aking pagbagsak. Nakita ko rin ang pagbagsak ng nakamotorsiklo at pagpaikot-ikot nito.
Pinilit kong tumayo upang sumaklolo, batid kong mas nasaktan ang sakay ng motor.
"Kuya, okay ka lang?!" tanong ko sa malakas na tinig habang paingka-ingkang lumapit rito. Nakasuot ito ng helmet kaya't hindi ko makita ang mukha nito.
Tinulungan kong bumangon ang mamá hanggang sa ito'y makaupo.
"Kuya, okay ka lang?" ulit ko pang tanong. Subalit hindi ko inasahan ang aking naging reaksyon nang maghubad ito ng helmet. Sandali akong napatanga at nakatunghay lamang sa mukha nito; katamtaman ang kapal ng kilay, matangos na ilong, mamula-mulang mga labi, at idagdag pa ang medyo singkit na kulay abo nitong mga mata. Paano nagkaroon ng ganito kagwapong nilalang dito sa Sta. Monica? Maraming gwapo sa Wilford pero parang hindi ordinaryo ang taglay ng lalaking kaharap ko. At parang gusto kong ma-insecure sa kinis ng mukha nito.
"Are you stupid?!" bulyaw ng lalaki na nagbalik sa aking huwesyo. Salubong ang mga kilay nitong nakatitig sa akin. "Basta-basta ka na lang tumatawid nang hindi tumitingin kung may sasakyan o wala?!"
Parang bólang naglaho agad ang paghanga ko sa kaharap. Nagpanting ang mga tenga na napabuga ako ng hangin. Tinawag ako nitong tanga.
"A-ano kamo?" hindi makapaniwalang tanong ko pa. "Hoy Mister, nasaktan din naman ako, ah! At saka tingnan mo nga 'tong uniporme ko, ang dumi na! Sino kaya 'tong mabilis magmaneho akala mo kaniya 'yong daan!"
Umarko ang kilay ng lalaki, p-um-laster sa mga labi nito ang tila naiiritang ngiti.
"And now it's my fault. Do you have any idea how much my Harley Davidson is? Kahit magtrabaho ka pa buong buhay mo, hindi mo mababayaran 'yan!"
Tumingin ako sa motor. Lihim akong napalunok nang makitang sira ang kaliwang side mirror niyon. Hindi ko alam kung ano ang tatak ng motor pero basi sa klase ay mukha itong mamahalin.
Tingalang napasunod ako ng tingin nang tumayo ang lalaki at tinungo ang motor. Ang tangkad nito. Siguro isa itong basketball player. Ang cool.
Maya-maya pa ay pinaandar na ng lalaki ang motor at pumaharurot. Magpoprotesta pa sana ako pero mabilis na itong nawala sa paningin ko. Inis akong nagpapadyak sa kalsada at mangiyak-ngiyak na sinundan ng tingin ang daang tinahak nito.
Grabe, napaka-antipatiko naman no'n. Ang sama ng ugali. Hindi man lang nag-sorry Muntik na akong mabangga. Siguro sa Wilford din nag-aaral 'yon. Ang yabang, eh!
---
Author's POV
TILA umuusok na ang ilong ni Maxine sa inis nang makauwi sa mansyon. Nagulat ang kaniyang Ina nang makita ang hitsura niya bagamat hindi na lamang ito nag-usisa pa, at ayaw niya ring magkwento. Agad siyang dumiretso sa maid's quarter at naligo.
Dahil sa hapon pa ang pasok niya ay inutusan muna siya ng kaniyang Ina na bumili ng groceries.
UNANG tinungo ni Maxine ang vegetable's section. Muli niyang sinipat ang listahang ginawa ng Ina bago nagsimulang pumili. Akmang kukuha siya ng isang buong repolyo nang kamay nang kung kanino ang kaniyang nahawakan. Awtomatikong nilingon niya iyon para lamang lunuwa ang mga mata.
"Ikaw?!"
Other books by hnjkdi
More