Warning: RATED SPG Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan maraming foreigner ang nandoon. Sa kaniyang paghahanap, hindi inaasahang magtatagpo ang landas nila ng bilyonaryong si David Montero. Nagtungo roon si David upang makalimutan ang kaniyang ex-girlfriend na ipinagpalit siya sa kaniyang kaibigan. Dahil sa sobrang kalasingan, hindi na alam ni David ang kaniyang ginagawa hanggang sa mapunta siya sa tinutuluyan ni Akira. Ngunit hindi nila inaasahang ang gabing 'yon ay magbubunga. At dahil ayaw ni David na masira ang kaniyang pangalan, itinago niya ang tungkol dito. Ngunit paano na lamang kung unti-unti na pa lang nahuhulog ang loob ni David kay Akira? Mapipigilan niya kayang mahalin si Akira? Mas pipiliin niya kaya ang kaniyang mag-ina kaysa sa kaniyang pangalan at yaman?
"Hoy Akira! Bakit nakabusangot na naman 'yang itsura mo?" tanong ni Bakeng kay Akira. Sila ay matalik na magkaibigan.
"Wala naman. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil hindi ko mabili ang gusto ko. Ang hirap maging mahirap! Kailan ba ako yayaman!"
"Yayaman ka kung ikaw mismo ang didiskarte! Narinig mo na ba ang balita? Si Perlita? 'Yong maitim na bansot, nakapag-asawa ng ibang lahi! Jackpot si ateng! Ang dami pera! Binilhan agad no'ng kano ng bahay ang pamilya ni Perlita. Ang haba ng hair ni negra, 'di ba? Instant yaman si bansot!"
Napaisip bigla si Akira. Kung dahil sa pag-aasawa ng foreigner yumaman ang kakilala nilang si Perlita, maaari rin siyang yumaman kapag nakahanap siya ng foreigner. Kaya naman lumapit siya kay Bakekang.
"Saan naman daw niya nakilala 'yong foreigner na na napangasawa niya? Sobrang mayaman ba talaga na 'yong foreigner?"
"Talagang mayaman! Ipinakita nga sa amin ni Perlita 'yong mga picture sa ibang bansa. May hacienda tapos ang daming sasakyan. And take note, ah magiging masaya na nga si Perlita sa yaman ng foreigner, matutuwa pa siya pagdating sa kama dahil solid ang laki ng kargada ng foreigner! Talagang wasak ang kan'yang petchay!"
Natawa si Akira. "Talagang 'yon ang nasa isip mo! Kabastusan mo talaga, Bakekang!"
"Kasi totoo naman. Talagang solid sa laki at haba ang mga kargada ng foreigner. Kaya dapat ready ka doon. Syempre mga mahilig 'yan sa sundutan. Kaya bilang kapalit ng pagbibigay nila ng malaking pera at magiging marangya ang buhay mo sa kanila, inyo ang gagawin mo. Paliligayahin mo sila sa kama."
Napalunok si Akira. Hinndi pa naman siya masyadong magaling sa pakikipagbakbakan sa kama dahil iisa pa lang ang kan'yang naging nobyo.
"Siige bahala na. Gusto ko na talagang yumaman. Sawang-sawa na ako sa buhay kong ito. Hirap na hirap na ako."
"Alam mo, siguro kung buhay pa ang mga magulang mo, hindi ka maghihirap ng ganiyan. Hindi ka makakaranaa ng pang-aapi ng Tiyahin mo. Akala mo napakaganda niya eh pangit naman!"
Nalungkot bigla si Akira nang maisip niyang wala nga pala siyang magulang. Namatay ito sa isang aksidente. At dahil siya ay nag-iisang anak, walla siyang ibang malapitang kapatid. Nakitira siya sa kan'yang Tita at tiniis na lamang niya ang ugali nito.
"Kaya nga sasampalin ko siya ng maraming pera kapag yumaman ako."
Humagalpak ng tawa si Bakekang. "Very good! Ipakita mo sa kan'ya kung ang ganti ng api! Maninigas 'yan sa inggit!"
Natawa na lang si Akira. "Oo nga pala, saan pala nakilala ni Perlita 'yong foreigner?"
"Doon sa isang Beach Resort. Mamaya tatanong ko sa kan'ya. Namasukan kasi siya bilang waitress doon sa isang resto sa resort na 'yon. Hanggang sa napansin siya ng foreigner. Siguro nagpapansin din siya."
"Sige itanong mo sa kan'ya, ha? Para mag hanap din ako ng trabaho doon at makakabingwit din ako na foreigner. Ito na siguro ang sagot sa pagyaman ko. Hayaan mo kapag yumaman ako, palagi tayong aalis. Bibili tayo ng mga damit, mga pagkain, mmamahaling bag na hindi natin nabibili noon."
Nakipag-apir sa kan'ya si Bakekang. "'Yan ang kaibigan! Hindi nang-iiwan sa ere kapag yumaman! O sige aalis na muna ako, ha? Tatanungin ko lang si Perlita kung anong Resort 'yong pinasukan niya."
"Okay sige. Bumalik ka agad. Sabihin mo sa akin. Hahanpin ko na ang requirements ko."
Nagmamadaling umuwi ng bahay si Akira para ayusin ang kanyang mga requirements. Desidido na siya talagang bumingwit ng foreigner para sa kanyang pagyaman.
"Nandito ka na pala. Wala na akong pera. Wala tayong pagkain,"sabi ng kanyang Tiyahin.
"Wala pa po akong sahod."
"Anong walang sahod? Ano kakainin ng mga pinsan mo? Kaya ka nagtatrabaho para sumahod! i Sabihin mo diyan sa amo mo mag-cash advance ka muna."
"Wala na po ako akong maika-cash advance dahil puro na ako cash advance. Siguro nasa one fourth na lang ang sasahurin ko ngayong buwan."
"At nagrereklamo ka, Akira? Bakit? Saan ka ba nakatira? Huwag mo kong buwisitin! Mag-cash advance ka na para may pambili ng pagkain! Hindi 'yong pupunta ka dito ng wala kang dalang pera! Bilisan mo dahil nagugutom na ako pati 'yong mga pinsan mo!"
Napakagat-labi na lamang si Akira at walang nagawa kun'di ang mag-cash advance sa kanyang amo. Mabuti na lang mabait ang kan'yang amo. Tindera kasi siya sa isang sari-sari store.
"Alam mo, Akira lung ako sa iyo umalis ka na sa bahay na 'ya. kaysa palagi kang ginaganyan ng Tita mo. Naaawa ako sa iyo. 'Yong sahod mo, sa kanila lang napupunta. Oo naiintindihan ko naman na kailangan mo ding magbigay kasi doon ka nakatira pero kasi sumosobra na siya. Kinukuha niya lahat ng sahod mo eh."
"Kaya nga po eh. Hirap na hirap na rin po ako sa kanila. Siguro kaunting tiis na lang, hahanap lang ako ng tiyempo para makaalis sa bahay na 'yan."
Bumalik na si Akira sa bahay dala ang ang pera. Pagkatapos ibinigay nito sa kan'yang Tita.
"'Yan! Mabuti't masunurin ka. Sa susunod huwag ka ng magrereklamo. Kumilos ka na lang agad. Sumunod ka na lang agad para hindi na ako nabubuwisit." Inirapan pa siya nito bago tuluyang lumabas ng bahay at bumili ng pagkain.
Agad namang hinanap ni Akira ang kan'yang mga requirements. Mabuti na lamang at kumpleto na siya dahil matagal na niya itong inayos. Gusto na kasi talaga niyang magkaroon ng maayos na trabaho kaya inaasikaso niya ang mga requirements niya. Napangiti na lamang si Akira nang mag-message sa kan'ya ang kaibigan niyang si Bakekang. Medyo may kalayuan din pala ang Resort na ito mula sa kanilang bahay. Pero ayos na rin. Ang available na trabaho doon ay janitor pero ang nakakatuwa lang hindi mababa ang sahod. Puwede pang tumira sa resort dahil may mga rooms para sa mga janitress.
Kaagad siyang nag-inquire. Sobrang saya niya dahil pinapapunta na siya sa Resort dahil ito'y nangangailangan pala talaga ng mga tao. Kaya gabi pa lang ay nag-impake na si Akira. Hi di na siya magpapaalam sa Tita niya. Sawang-sawa na rin siya sa mga ugali nito, sq pang-aapi sa kanya. Sa loob ng limang taon na pagtira niya dito bahay ng Tita niya, ni minsan hindi niya naramdaman na kamag-anak siya ng mga ito. Bagkus naramdaman niya na isa siyang katulong para sa kanila.
Lumabas ng kuwarto si Akira dala ang kan'yang malaking bag. Nang masiguro niyang walang tao, nagmamadali siyang lumabas ng bahay at pagkatapos ay patakbong nagtungo sa kanto upang mag-abang ng masasakyan. Ilang oras din ang naging biyahe niya bago nakarating sa nasabing Resort. Agad niiyang hinanap ang taong sinasabing kailangan niyang makausap.
"Hello, Akira. I'm Ma'am Aimee. Nice to meet you,"sabi ng isang maganda matandang babae."
"Hello po. Magandang umaga po sa inyo."
Dinala na siya ni Aimee sa magiging room niya. Nakaramdam ng pananabik si Akira.
"Mabuti na lang at nag-apply ka dito. Kailangan kasi talaga namin ang janitor. Dumadami na kasi 'yong mga turista. Syempre madami na ring dapat linisin. Sa sunod na lang mo na lang ipasa 'yong mga requirements mo. Basta magsimula ka na ngayong araw. Ikaw lang mag-i-stay dito sa room mo. Bawat room ng mga janitor dito ay hiwa-hiwalay na. Syempre naisip namin na kilangan ninyo ng privacy sa isa't."
"Marami pong salamat."
"Okay sige ilagay mo na ang mga gamit mo diyan. At pagkatapos, babalik ako dito. Kukuha ako ng uniform na kakasya sa iyo. Ito nga pala ang susi. Sige na. Mag-ayos ka na ng mga gamit mo diyan para pagbalik ko susuotin mo na uniform mo at magsisimula ka ng magtrabaho."
Pumasok na sa loob ng kaniyang room si Akira. Namangha siya sa ganda ng kan'yang kuwarto. Katamtaman lang ang laki nito para sa isa o dalawang tao. Simple lang ang itsura nito ngunit malinis at maaliwalas. Inayos na niya ang kan'yang mga gamit at saka inayos ang kanyang sarili. Ilang saglit pa ay dumating na si Aimee dala ang kan'yang uniform. Pagkasuot niya ay sakto lamang sa kan'ya ito. Lumabas na siya ng kuwarto. Pinaliwanag sa kaniya ni Aimee kung ano ang kan'yang gagawin at kung ano-ano ang dapat na lugar dapat mapanatiling malinis.
Mayamaya pa ay dumami na ang mga tao dito sa beach resort. Napangisi si Akira nang makita niya ang iba't-ibang guwapong mga foreigner. Huminto siya sa pagwawalis.
"Ang guguwapo ninyo! Makakabingwit din ako ng isa sa inyo, chill lang kayo diyan..." mahinang bulong niya.
Chapter 1 KABATA 1
10/05/2023
Chapter 2 KABANATA 2
10/05/2023
Chapter 3 KABANATA 3
10/05/2023
Chapter 4 KABANATA 4
10/05/2023
Chapter 5 KABANATA 5
10/05/2023
Chapter 6 KABANATA 6
10/05/2023
Chapter 7 KABANATA 7
10/05/2023
Chapter 8 KABANATA 8
10/05/2023
Chapter 9 KABANATA 9
10/05/2023
Chapter 10 KABANATA 10
10/05/2023
Chapter 11 KABANATA 11
10/05/2023
Chapter 12 KABANATA 12
10/05/2023
Chapter 13 KABANATA 13
10/05/2023
Chapter 14 KABANATA 14
10/05/2023
Chapter 15 KABANATA 15
10/05/2023
Chapter 16 KABANATA 16
10/05/2023
Chapter 17 KABANATA 17
10/05/2023
Chapter 18 KABANATA 18
10/05/2023
Chapter 19 KABANATA 19
10/05/2023
Chapter 20 KABANATA 20
10/05/2023
Chapter 21 KABANATA 21
10/05/2023
Chapter 22 KABANATA 22
10/05/2023
Chapter 23 KABANATA 23
10/05/2023
Chapter 24 KABANATA 24
10/05/2023
Other books by CellaRocella
More