Heart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na iyon, na kahit ikabaliw niya ay kailangan niyang magawan ng paraan. Isa hanggang dalawang linggo siyang magiging parausan ng lalaking hindi niya kilala, sa halagang one hundred fifty thousand pesos, dahil siya ay virgin. That was the offer of an unknown filthy man. Take it or leave it. Magpapagamit siya habang siya ay tulog para hindi siya magkaroon ng pagkakataon na makilala ang lalaking pagbebentahan niya ng sarili. Dahil sa sobrang kagipitan ay pumayag siya kaagad para sa amang nasa bingit ng kamatayan. Wala na siyang pagkakataon na alamin pa ang pagkatao ng lalaking makakatalik niya at aari sa kanya. She has to save her dying father, that's it! Kahit pa pinakapangit na nilalang sa mundo ang umangkin sa kanya ay papayag siya. Pero hindi pangit ang lalaki nang saglit niyang makita. He was so handsome and he's her boss, her billionaire boss, Deluxe Montesalvo, who was already married for three damn years!
LUTANG ang isip niya habang naglalakad, hawak ang tray na may lamang mga pagkain na ang halaga ng isang plato ay nasa sampung libo siguro ang pinakamababa. Wala siyang direksyon dahil sa balitang gumulantang sa kanyang buong sistema kanina. Halos mabitiwan niya ang cellphone dahil dun, nang mag-umpisa siyang humagulhol sa banyo.
"Ang tatay mo, nasa ospital, nag-aagaw buhay!"
The voice of her mother thundered in her ears and now still echoing inside her head. Limandaang libong piso ang kailangan para maoperahan ang ama niyang inatake sa puso, habang hila ang baka sa kabukiran, kanina rin mismo, sa kanilang probinsya sa Oas, Albay. Tubong Legazpi City siya, Bicolana, na napilitan siyang lumuwas at itigil ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa buhay. Maganda siya, kung sa maganda pero kulang siya sa height para ipambato sa beauty contests, kaya hindi siya kailan man nakuha bilang kandidata.
If she was only blessed with height, she'd probably earn and help herself when it comes to her studies. Kaya lang ay pandak siya. 5'1 lamang siya. Hindi pa siya nakapagtapos ng first year College kaya ang kinauwian niya ay pagiging waitress. Hindi rin siya qualified, kung tutuusin. That's what the manager said during her interview. Nadala raw ng galing niyang makipag-usap, self-confidence at sa ganda ang kakulangan niya sa edukasyon. Mukha naman daw siyang matalino kaya ipinag-hire pa rin siya. Hulog yun ng langit sa kanya.
Luminga siya sa paligid, laman ng isip ang problema. Saan siya kukuha ng 500 thousand? Baka naman kumalas na ang tinggil niya sa pagiging serbidora sa five star restaurant na ito ay hindi pa rin siya nakakapag-ipon ng pera. Manila rate siya, libre ang tirahan pero hindi ang pagkain. Nagpapaaral siya ng dalawang kapatid na nasa high school, ang kambal niyang mga kapatid na sina Lexa at Lexus.
She's helping her parents. Isang hamak na magsasaka ang ama niya, nakikisaka at nagtatanim ng mga gulay sa bukid. Ang Nanay niya ay tagabenta naman sa palengke ng mga iyon. Sa pagtawid sa araw-araw na buhay ay nakakatawid naman sila, pero kulang sa iba pang mga gastusin para makaahon sa kahirapan. Ang lupang kinatitirikan ng bahay nila sa probinsya ay hindi kanila. Sa may-ari yun ng lupa, na minsang nag-alok sa kanya ng hindi maganda ang matandang balo. Hindi niya 'yun ipinarating sa tatay niya dahil baka magalit ay awayin ang lalaki. Baka palayasin sila, wala silang malilipatan.
Heart forced herself to give what her siblings needed to study. She provided them WIFI, computer and other gadgets. Salary deduction iyon at binabayaran pa rin niya hanggang ngayon. Kung may ipon man siya, kakarampot iyon at wala pa sa singkwenta mil. Paano yun makakapagpa-opera sa ama niyang mamamatayin?
Ang sabi ng Tatay niya ay huwag na raw paoperahan dahil magagastusan lang siya. Hayaan na raw iyon. Kung hanggang doon na lang daw ang buhay ay tanggapin na. Hindi niya kaya na ganun lang. Napakasakit bilang anak na wala siyang magawa para sa mga magulang na nangailangan. Napakahirap na maging mahirap. Mabuti pa ang mga tao sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya, mga walang pinoproblema, nakakapaggastos ng halos trenta mil sa isang kainan, para sa dalawang tao lang. Sana, ibinibigay na lang niya yun sa mga taong nangangailangan.
Halos mapahikbi si Heart sa mga salitang yun na naalala niya. Pinigil niya ang sarili.
She looked for VVIP table 09. Alam naman niya na kapag VVIP ang pagsisilbihan, kailangan ay mas maingat pa siya sa maingat. Mas higit pa sa VIP ang VIP. VVIP are considered billionaires. Doon siya naka-assign dahil sa karisma niya at ganda. Ang suot niyang unipormeng itim na halos tumakip lang sa pwet niya ay bagay na bagay sa kanya. Kitang-kita ang magandang hulma ng kanyang katawan. Frankly speaking, Macho Café and Restaurant is generally visited by men. May mga babae rin dun pero karamihan ay lalaki, dahil lahat ng empleyado roon ay babae, pwera lamang sa mga bagador at sa mga Chefs. Iyon talaga ang konsepto ng restaurant na yun, ang mang-akit ng mga lalaking mayayaman dahil magaganda ang mga waitress at mga sexy. At talagang dinarayo sila.
Nakita ni Heart ang table na hinahanap niya nang tumingin siya sa gawing kaliwa. Nagtama ang mga mata nila ng lalaking naroon. Dalawa ang kumakain, dalawang lalaki. Matiim ang titig sa kanya ng lalaki pero sanay na siya sa ganung titig. Ang pagkakaiba lang, sa lahat siguro ng gwapong pumapasok doon, ito lang ang may kakaibang karisma.
Inialis niya ang mga mata sa lalaki at nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa mesang yun.
She smiled, like usual. Bawal dun ang nakasimangot sa customer. Kulang na nga lang ay turuan silang kumindat sa lalaki. Sinulyapan niya ang isang lalaking nasa kabilang side ng mesa. Nakatitig din iyon sa kanya pero tuloy na siya sa paglapag ng pagkain.
"Heart...?" The man on her right said.
Agad siyang napasulyap dito. Hinahagod siya nito ng titig at parang gusto niyang mapaso. Hindi ito purong pinoy o baka nga walang dugong pinoy dahil sa itsura nito. Napakagandang lalaki nito, matangos ang ilong, pink ang labi, magaganda ang mga mata, ang buhok ay buzz cut ang pagkakagupit. Alam na alam niya ang ganung gupit dahil kay Lexus. Ganun parati ang ipinagugupit ng kapatid niya.
She shivered because of his tone. It was a baritone.
"Sir?" She asked softly.
"We didn't order anything," he said and her face was in real horror.
She looked at the number again and now it isn't 09, it is number 06! Nataranta siya. Kaya pala puno ang mesa ng dalawa dahil mali siya.
"S-Sorry, sir," nagmamadali niyang kinuha ang mga inilapag niyang mga pagkain habang paulit-ulit sa paghingi ng paumanhin.
Sa sobrang kalituhan niya ay natabig na niya ang iced tea nito sa baso kaya halos mapatili siya nang bumuhos iyon sa may zipper nito.
"Diyos ko, pasenya po," hindi siya magkadaugagang hingi ng paumanhin. Napatayo ang lalaki at tiningnan ang pantalon na nabuhusan niya ng inumin.
Nasaan ba kasi ang tablecloth nito? Nabasa tuloy ang zipper nito.
Sa kalituhan ay dinampot niya ang napkin at agad na pinahiran ito sa harapan. Paulit-ulit siya sa paghingi ng dispensa habang ginagawa ang dapat, pero bigla siyang natilihan dahil medyo matigas na bagay ang kanyang nasasaling.
She looked up and met his eyes again. Mas matiim yun ngayon kaysa kanina kaya napalunok siya.
That hard thing was his manhood! Diyos ko!
Chapter 1 Introduction
22/06/2023
Chapter 2 Nagigipit
22/06/2023
Chapter 3 Ang Buhay ni Lux
22/06/2023
Chapter 4 Kasunduan ng Kalaswaan
22/06/2023
Chapter 5 Kerokeroppi
22/06/2023
Chapter 6 Rejected
22/06/2023
Chapter 7 Paalam na
22/06/2023
Chapter 8 Pain and Pleasure
22/06/2023
Chapter 9 Boss na Pogi
22/06/2023
Chapter 10 Inilalapit ng Tadhana
22/06/2023
Chapter 11 Heart Mo
26/06/2023
Chapter 12 Pinababang Pagkatao
26/06/2023
Chapter 13 Mabait pero Bastos
26/06/2023
Chapter 14 Mga Responsibilidad
26/06/2023
Chapter 15 Malasakit
26/06/2023
Chapter 16 Nasasagad
26/06/2023
Chapter 17 Easy Ka Lang
26/06/2023
Chapter 18 Kilala na Kita
27/06/2023
Chapter 19 The Consequences
28/06/2023
Chapter 20 May Patay sa Kwarto
29/06/2023
Chapter 21 Can't Say No
30/06/2023
Chapter 22 Ang Textmate ni Lux
01/07/2023
Chapter 23 Poging Bisita
02/07/2023
Chapter 24 Second Chance ni Heart
03/07/2023
Chapter 25 Kailangan Kita
04/07/2023
Chapter 26 Umuusbong na Damdamin
05/07/2023
Chapter 27 Nauupos na Kandila
06/07/2023
Other books by MM16
More