Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Waiting For Her (TAGALOG)

Waiting For Her (TAGALOG)

yassieebells

5.0
Comment(s)
70
View
16
Chapters

Eljay Juarez, ang lalaking bilib na bilib sa tadhana. Sa tanang ng kanyang buhay, idinedepende nya ang buhay pag-ibig nito sa tadhana dahil iyon ang kanyang paniniwala. Ilang beses man syang mabiro sa pag-ibig hindi pa rin sya nawalan ng pag-asa na darating ang babaeng nakalaan para sa kanya. Naniniwala syang makikilala niya ito sa takdang panahon. At hinihiling niyang ang takdang panahon na iyon ay makikita na nga niya talaga ang tamang tao na nakalaan sa kanya. Hanggang isang araw, makikilala nya ang babaeng babago sa kanyang buhay. Magagawa nyang maging desperado alang-alang sa pagmamahal nya sa babaeng hindi pa nya lubos na kilala.

Chapter 1 Panagbenga Festival

Minsan naitanong ko sa sarili ko, totoo ba na ang bawat tao may nakatadhana na soulmate para sa kanya. Na gagawa ang universe ng paraan para pagtagpuin kayo at walang anumang pwersa sa mundo ang makakapaghiwalay sa inyo sa oras na magkrus na ang inyong mga landas.

Aaminin ko na isa pa lang ang naging girlfriend ko sa tanang ng buhay ko, siya si Misty. College pa lamang ako noon, akala ko noong una siya na nga ang soulmate ko. Kaso, naghiwalay kami pagkatapos ng isang taong relasyon namin. At nang sumunod na taon ay nagpakasal na siya sa iba. Kaya talaga na malabo na kami ang magkatuluyan.

Pagtapos ni Misty ay hindi na ako ulit nag-girlfriend. Sabi ko kasi sa sarili ko, kapag pumasok ulit ako sa isang relasyon, gusto ko ayon na ang pangmatagalan talaga. Gusto ko siya na talaga hanggang huli. 'Yung siya na talaga ang papakasalan ko.

Tunay nga na ang pag-ibig darating sa buhay mo na sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Dahil ang inaakala kong isang ordinaryong araw lamang ay magiging memorable na makilala ko ang isang babaeng biglang nagpatibok sa puso ko. Na para bang kay tagal nang natutulog.

•BAGUIO CITY

"Wow! Pareng Frank, ang ganda nga ng Panagbenga Festival dito sa Baguio, ah. " namamanghang asik ko nang makita ang buong paligid.

Iginaya ko ang aking tingin sa mga naggagandahang float at mga magagandang disenyo na makikita sa paligid. Marami rin ang tao kaya siksikan at halos wala nang madaanan. Halos pumasok ang langaw sa bunganga ko sa sobrang mangha dahil nakanganga ako. Muntik pa ngang tumulo ang laway ko. Mabuti na lamang at nasa magandang pwesto pa kami ni Frank, ang kaibigan ko.

Natawa si Frank dahil sa pagkamangha ko. Tinapik niya ang balikat ko tsaka siya nagsalita. "Sabi sa'yo, e. Maeenjoy mo ang festival namin dito. " masayang tugon niya.

"Ayun o, may parating na flower float. " duro ko sa 'di kalayuan. Natanaw ko kasi ang mga float na sunod-sunod.

Parehas napunta ang tingin namin sa mga float na naggagandahan. Kasalukuyan kasing nagaganap ang parada at sari-saring bulaklak ang makikita. Namangha ako sa ganda ng mga 'yon. Pakiramdam ko pa nga ay ngayon lang ako nakanood ng ganoong parada sa tanang ng buhay ko.

"Ganda. Dali, pre, pikturan mo'ko. Baka lumampas na e. " Ani ko at kinuha ang selpon ko na nakatago sa bag ko. Mabilis ko 'yon kinuha at iniabot kay Frank.

"Oh, sige. Heto na. " ipinuwesto na niya ang kamera at umayos na rin ako para kunan niya ng litrato. Ngumiti ako ng malaki habang nakatingin sa kamera para naman maganda naman ang pagkakakuha ko roon.

"1... 2...3.." Pinindot na niya ang kamera at narinig kong tumunog iyon ng click. "Ayan, ayos na. Pumili ka nalang ng matino dyan. " saad niya habang inaabot pabalik ang selpon sa akin. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat sa kanya.

"Pareng Eljay, may artista pang nakasakay sa float oh. " Excited na tugon ni Frank habang kinakalabit pa ako na parang bata. Kaagad kong tinignan ang float na idinuro niya. At hindi nga siya nagbibiro, may artistang nakatayo roon at kumakaway habang nakasakay sa magandang flower float.

"Oy! Kahawig ko 'yun, ah. " Biro ko tsaka tumawa ng malakas.

Nadismaya naman siya sa sinabi ko kaya tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na animo'y hindi naniwala sa sinabi kong biro. "Sinong artista ang kahawig mo dyan?" Taas-kilay niyang tanong sa akin na puno pa rin ng pagkadismaya sa kanyang mukha. Halatang hindi siya natawa sa biro ko.

"'Di mo ba nakikita. Ayun oh, kumakaway si Coco Martin." Dinuro ko pa ang flower float kung saan nakasakay ang artistang tinutukoy ko. "Lamang lang sa'kin 'yan ng isang paligo e. "

Matagal na tinitigan ni Frank si Coco Martin na nakasakay sa flowet float. Nakahawak pa siya sa kanyang baba na animo'y sinusuri kung talaga bang magkamukha kami ni Coco. "Hmm. Teka ha. Mas may kahawig kang artista e. " usal niya habang nakahawak pa rin sa kanyang baba.

"Sino naman, " nagtatakang tanong ko sa kanya ng diretso.

"Si Coco, cocolangot. Hahahah. " narinig ko na lang ang sunod-sunod niyang pagtawa. Dahil sa inis ay inambangan ko siya ng suntok. Mabilis siyang umilag at nagpeacesign siya sa akin. "Sus, talaga oh. Alam mo, kung hindi lang ikaw nag-invite sa'kin dito sa Baguio, nasapok na kita kanina pa e. " singhal ko sa kanya.

Ibinalik namin parehas ang tingin namin sa mga float. Sa dami ng tao ay nahihirapang umusad ang parada. Dahil na rin siguro may guest silang artista. Ang ilan ay naghihiyawan sa kilig at kaliwa't kanan ang mga kamera na nakatutok upang kumuha ng litrato.

Patuloy pa rin sa pambubuyo sa akin ni Frank. Pinipilit niyang si Cocolangot ang kamukha ko at hindi si Coco. Ewan ko nga ba kung anong trip ng taong 'to. Sobrang ganda ng pinapanood ko, nanggugulo naman siya. Tsk!

"Hmm. Excuse me, " kaagad napunta ang tingin namin sa babaeng lumapit sa gawi namin ng kaibigan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit natulala ako sa ganda niya. Napako ang tingin ko sa napakagandang mukha niya. Bahala na kung tumulo ang laway ko.

Sinagot siya ni Frank dahil nawala ako sa katinuan. "Ano 'yun, Miss? " tanong sa kanya ng kaibigan ko.

"Pwede bang magpapicture ako dyan sa daraanan ng float?" Tanong ng babae habang may hawak na selpon sa kanyang mga kamay. Sasagot na sana muli si Frank nang unahan ko siya.

Mabilis kong tinapik si Frank para tumabi siya. Nakuha naman niya ang ibig-sabihin ng pagtapik ko sa braso niya. "Sure, sige, Miss. "

"Salamat, " masayang tugon ng babae at iniabot sa akin 'yong kamera niya upang may gamitin akong pangkuha sa kanya ng litrato. "Pindutin mo lang 'yun bottom sa taas nyan para makuha. " turo niya kung paano gamitin ang kanyang kamera.

"Okay, " nagthumbs-up pa ako upang ipahiwatig sa kanyang nakuha ko ang instructions niya. Pumwesto na siya sa harapan kung saan dadaan ang float. "Ready, 1...2....3..*click*. Isa pa. 1...2...3...*click*. Heto na 'yong camera mo, Miss. Check mo nalang kung maganda 'yung mga kuha ko. " nakangiting tugon ko sa babaeng habang nag-aayos ng kanyang sarili pagkatapos ko siyang kunan ng litrato.

Linapitan niya ako upang kunin ang kanyang kamera sa akin na inaabot ko sa kanya. Nakatanggap ako ng napakatamis na ngiti mula rito. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng kilig.

Nakangiti niyang kinuha ang kamera sa akin. "Yup. Salamat ulit. " aniya at isinuklib sa leeg ang strap ng kanyang kamera.

Sumagot naman ako dahil nawiwili ako ng sobra sa mga ngiti niya. Nababaliw na ako sa babaeng hindi ko naman kilala. "Walang anuman para sa tulad mong maganda. " banat ko sa kanya at kinindatan pa siya ng bahagya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Bahagya pa siyang napaiwas ng tingin dahil sa sinabi ko. "Ikaw talaga, nambola ka pa. Sige, una na'ko. Bye. " pagpapaalam ng babae sa amin. Tinugon namin ang pagkaway niya ng papalayo na ito sa gawi namin.

Continue Reading

Other books by yassieebells

More
Chapters
Read Now
Download Book