Walang kaalam alam si Sabrina sa nakaraan nito. Ang alam lang nya ay kinuha silang magkapatid para ibenta ang laman loob sa mga sindekato sa hindi malamang halaga, sinagip ng mabubuting tao at pinaranas ang mga bagay na hindi nila inaasahang mararanasan. Nagdesisyon syang Ipinagsawalang bahala na nya iyon, hindi na din nya ito pinag-aksayahan pa ng oras at panahon. She became one of the greatest and strong agent of CMO or mostly known as CELESTIAL MUNDANE ORGANIZATION. She accpet a mission that will lead to discovery of the most notorious and viciously leader of a BLACK HAWKS. Mahihirapan sila mahanap ito, dahil walang ni isang nakakakilala sa totoong mukha, pagkatao at kung babae din ba ito o lalake. She's the one of their leader trusted to do it. Ayaw nyang madisappoint ang mga ito kaya walang utal nyang tinggap. She need to be one of the BLACK HAWK. Ayaw man nya, hindi man nya kaya but that's the only certain way para mas mapalapit sya sa leader nito. She needs to gain their trust lalong lalo na ang Leader nito. Tutulungan sya ng isa sa mga naging myembro din ng organisasyong iyon. He will give her a hint in everything and anything to be easily captured the leader. But one day, isang sitwasyon ang makakapagdala sa kanila ng katotohanan ng kanilang pagkatao. Sa pagalam ng katotohanan ng bawat isa ay sya ring pag litaw ng buo nyang pagkatao. How Is she going to face the truth? Or kagaya ng sinabi ng ilan, Is it going to repeat the history itself?
Lingo ng tanghali, masayang naliligo sa dagat ang magkapatid.
Sila Sabrina at Charlotte.
Ang mga kasama nila ay ang magulang nito na abala sa pagluluto ng kanilang kakainin.
"Rob, tawagin mo na ang mga bata kakain na tayo." Utos ni Freya sa asawang Rob.
"Finally, kanina pa ako nagugutom sa niluluto mo." Malambing na sabi ng asawa nitong si Roberto.
Napangiti si Freya sa sinabi ng asawa.
"Sige na tawagin mo na sila para makakain na." Ani nito tsaka hinango ang niluluto at nilagay sa pinggan.
Mabilis namang sinunod ito ni Roberto, at tinawag ang mga bata.
"Sabrina-Charlotte! Umahon muna kayong dalawa dyan at kakain na!" Tawag nito sa dalawa.
Mabilis naman lumingon ang magkapatid at lumangoy paahon sa dagat.
Nang makaahon, naghabulan pa ang dalawa.
"Paunahan ate?" Aya ni Charlotte sa kapatid.
"Game!" Magiliw na payag ni Sabrina.
Kumaripas sila ng takbo hangang sa maunang makarating si Sabrina sa kinatatayuan ni Robert.
"The Winner..is ate Sabrina!" Masayang ulat ni Roberto.
"Daya naman ni Daddy! Hahaha!" Kontra agad ni Charlotte.
"Hindi daya yun! Maliit lang talaga hakbang mo! Hahahaha!" Asar naman ni Sabrina sa kapatid.
Inawat na sila ni Rob, at inayang bumalik sa cottage.
Maya-maya, sabay kinarga ni Rob ang dalawa sa dalawang balikat nito.
"Ahhh-Daddy!! Hahah!" Impit na sigaw ni Charlotte.
"Hahahahaha!" Tawa naman ng tawa si Sabrina.
Nang makarating sa cottage, pumunta na sa kani-kanilang upuan sila Charlotte at Sabrina.
Pinagsandok na din sila ng kanilang Ina ng pagkain.
"Woah! B-B-Q! My favorite!" Tuwang sugaw ni Charlotte.
"I know, that's why i cooked it for you." Malambing na sambit ni Freya sa bunso.
"Thank you so much Mommy!" Magiliw na pasasalamat ni Charlotte tsaka mabilis nilapitan ang Ina at binigyan ng maraming halik sa pisnge.
Tumayo bigla si Sabrina para maglambing din sa Ina.
"Mommy! Ako din pakiss!" Bungad agad ni Sabrina sa Ina.
"Hep-sali ako dyan!" Singit ng Ama nila na nakatayo na din sa galid ng magiina.
Pinaghahalikan nila sa Pisnge ang ina. Napuno ng tawanan at kilitian ang hapag kainan.
"Alright-hahaha! Sige na, kumain na tayo hahaha!" Awat ng nanay nito dito.
Tawa ng tawa nagsi-balik sa Upuan ang tatlo.
Hindi sadyang napalingon si Freya sa malapit na pintuan ng Cottage nila.
Napahinto ito sa pangungulit sa mga kasama at pasimpleng sinenyasan ang tauhan.
Napansin naman iyon ni Roberto at sinundan ng tingin ang tinitiganan ng asawa.
Nagkatinginan ang magasawa, nakaramdam agad silang may hindi magandang mangyayari.
Pansamantalang nag Excuse sya sa mga anak, at mabilis nilapitan ni Freya ang tauhan.
"What the hell are you doing here? Ano bang sabi ko sayo, stay 10 meters away on this cottage?" May halong inis na tanong nito sa tauhan.
Sumisimple pa itong lumilingon sa likod nya para tignan ang mga anak kung nakukuha ba ang atensyon ng mga kasama nya, laking pasalamat nya andoon ang asawa para kuhain ang atensyon ng mga ito.
"M-Ma'am pasensya na po, N-Nandito po kasi ngayon ang Se-Senior Juancho." Utal na paliwanag nito.
Tila natigagal sa kinatatayuan si Freya sa narinig.
"What?!!" Impit na tanong nito dito. Hindi nya mabilang kung ilan beses nagpalinga-linga pa sya sa pamilya baka marinig na sya.
Kitang kita sa itsura niya ang magkakahalong bigla, takot at pangamba.
Señor Juancho was the one who took in Freya. To his family and to his DIRTY BUSINESS.
Madaming may takot dito, kilala sya sa pamumuno ng iba't ibang ilegal na organisasyon sa bansa.
Isa na dito ang Blackhawks.
Mariin nyang naikuyom ang mga kamay at mabilis binalingan ang kausap.
"Pigilan nyo sila makalapit sa amin. Gagamitin ko yun para makaalis kami agad dito ng pamilya ko." Utos nito dito.
"Pero ma'am papunta na po sila dito mismo-"
"JUST DO WHAT I TOLD YOU!" Inis na sambit nito. mabilis nyang binalikan ang asawa at anak.
"We have to go." Mabilis nyang sambit sa mga kasama nito at kinuha si Charlotte, nagprotesta ito pero hindi nya pinansin.
"Wait-now?" Takang tanong ni Roberto. Tumango lang si Freya, pinigilan pa ito ng asawa pero mariing nakipag-titigan ang asawa. Nakuha naman nito ang ibig sabihin kaya wala din pasabing kinarga si Sabrina.
"Daddy ano pong nangyayari-"
"We will explain later, sa ngayon sumunod lang kayo sa amin ni mommy okay?" Ani ng Ama nito.
"Pero Daddy diba bukas pa po tayo uuwi–"
"--Sabrina! Stop asking questions! kailangan na natin umuwi!" Di makapigil na sigaw ni Freya sa anak.
Bigla nabahidan ng takot bata kaya napayakap nalang ito sa ama tsaka umiyak.
Mabilis nilang tinakbo at lakad lugar palabas at paikot sa likod ng kanilang cottage.
Parehas nilang yakap yakap ang mga anak. Puno sila ng takot at pangamba na baka sa isang iglap makuha nila ang mga anak niya at gamitin sa mga ilegal na gawain..
Freya chose a life far away from chaos, Far removed from the demonic embrace that once sheltered her and pretended to be safe.
So when she had the chance to escape from these and build a family, her father finally found out. Now, his pursuit is aimed at her children whom he plans to use in businesses like prostitution and selling flesh at cheap prices.
As a mother, she doesn't want her children to be harmed. She knows it's unlikely to avoid this, but she will risk everything, even her life, for the sake of her children.
Nang sa pag liko nila, patungong parking lot nakita ni Freya ang isa sa mga tao ng ama nito. Sinubukan nyang tumakbo sa kaliwa pero bigo din sya.
"Freya, this way!" Untag ng asawa nito at tinuro ang isang abadonadong bahay.
Pumasok sila sa loob. Umakyat sila sa taas ng biglang pumasok ang isa sa mga tauhan ni Senyor Juancho, tsaka sila pinaputukan.
Umalingaw-ngaw ang putok ng baril sa bawat sulok ng abandonadong bahay.
Mabilis umilag sila Freya at Roberto habang yakap yakap maiigi sila Sabrina at Charlotte.
Sinundan sila ng mga ito paakyat, mabilis naman pinagtutumba ni Roberto ang mga ilang bakal na pwedeng iharang sa dadaraanan ng mga humahabol sa kanila.
Tumakbo lang sila ng tumakbo hangang sa umabot sila ng rooftop.
"Dead end!" Sambit ni Freya ng makitang wala na silang matatakbuhan pa.
"No! Tumawid kayo dyan ng mga bata! Sa kabilang building!" Sambit ni Roberto.
Mabilis syang binalingan ng asawa at hindi makapaniwala sa sinabi.
"Ano! Hindi! Ayoko-"
"Freya we don't have time! Kung magtatalo tayo dito, mapapagamak ang mga bata!" Sambit nito.
Naguumpisa ng uminit ang sulok ng mga mata ni Freya. Paulit ulit din nagtaas baba ang dibdib nito sa magkakahalong emosyon.
Binalingan nito ang panganay na akay akay parin ng asawa.
Natatakot sya na baka mapahamak pati mga anak niya dito pero natatakot din sya na baka mas mapahamak sila pag maabutan sila ni Senyor Juancho. Ayaw nyang mangyari yun.
She took a deep breath and made a decision without knowing what the outcome would be in the end.
Maingat nyang binaba si Charlotte at ibinigay sandali sa asawa.
"M-Mommy!!" Iyak nito.
"Matapang ka Charlotte diba?" Tanong sa anak.
Nalilito syang tinignan nito pero mabilis naman itong tumango. Hinaplos nya ang pisnge nito na basang basa na mag-kakahalong luha at pawis..
Nakarinig sila ng isang lagabog. Pinipilit na nilang makapasok sa mismong rooftop. Kaya hindi na nag-aksaya pa ng oras sila Freya.
"Sundan mo si Mommy okay? when Daddy said jump, you jump?" Ani nito tsaka tinuro ang tatalunan nila.
Kita ang takot at pangamba sa mukha ni Charlotte, pero pinilit nyang patatagin ang sarili tsaka Marahan itong tumango.
Ipinahawak muna ni Freya ang anak sa asawa tsaka bumwelo patalon sa kabilang building.
Bumilang sa isip si Freya tsaka tumakbo ng mabilis.
Natawid nya ang pagitan ng mga building, malakas na bumagsak si Freya narinig nyang may lumagutong sa kanyang kanang paa dahil sa pagkakatalon, nagtamo sya ng sprain sa paa.
"AHHHH!!" impit na sigaw nito habang hawak hawak ang paa.
Sinulyapan naman siya ng mag-ama nito. umiiyak na ang dalawang bata ng makita ang kanilang Ina.
"Freya?!!" sigaw ni Roberto.
"Mommy!!!" iyak ng dalawang anak nito.
Pigil na pigil nila ang hininga at nanalangin na sana ayos lang ang kanilang ina.
"I-Im alright–aahh! Ayos lang ako!!" ani nito tsaka pinilit bumangon at kahit paika-ika ay sinunbukan nyang tumayo ng normal.
Ibinuka nya ang dalawang braso nito para saluhin ang mga anak.
"Now Roberto!!!" sigaw ni Freya sa asawa. mabilis naman itong tumango at sabay nyang inakay ang bunsong anak nito na si Charlotte.
Nahirapan pa ito dahil nagpupumiglas sya at ayaw sumunod sa ama.
"Baby, i need your cooperation! Please be brave for Mommy and Daddy!" Ani ng ama sa anak.
"D-Daddy, I-I don't think i can do it-"
"Yes you will! Please! We don't have time anak!"