Iniwang Heiress: Balik sa High Life

Iniwang Heiress: Balik sa High Life

Bonito

5.0
Komento(s)
113.5K
Tingnan
148
Mga Kabanata

Si Corinne ay naglaan ng tatlong taon ng kanyang buhay sa kanyang kasintahan, para lamang masayang ang lahat. Itinuring niya siyang walang iba kundi isang bukol sa bansa at iniwan siya sa altar upang makasama ang kanyang tunay na pag-ibig. Matapos ma-jilt, ibinalik ni Corinne ang kanyang pagkakakilanlan bilang apo ng pinakamayamang tao sa bayan, nagmana ng isang bilyong dolyar na kapalaran, at sa huli ay tumaas sa tuktok. Ngunit ang kanyang tagumpay ay umaakit sa inggit ng iba, at patuloy na sinubukan ng mga tao na ibagsak siya. Habang isa-isa niyang hinarap ang mga manggugulo na ito, tumayo si Mr. Hopkins, na kilalang-kilala sa kanyang kalupitan, at pinasaya siya. "Tara na, honey!"

Bida

: Corrine Holland at Nate Hopkins

Chapter 1 Ang Pag-ibig Na Hindi Niya Matamo

Hindi maitago ni Corrine Holland ang kaniyang pananabik. Ilang sandali na lamang, siya'y ikakasal na kay Bruce Ashton. Sa wakas, maaabot na rin niya ang kaniyang pinakaaasam na pangarap.

Ang tugtog ng martsa ng kasal ay umaalingawngaw sa buong bulwagan habang marahan at grasyosong naglalakad siya sa pulang karpet, suot ang walang bahid-dungis na puting trahe de boda, patungo sa altar kung saan naghihintay ang matipuno at napakagwapong si Bruce sa suot na puting amerikana.

Habang nababalutan si Bruce ng ginintuang liwanag, ang kaniyang puting kasuotan ay tila kumikinang, na nagpapatingkad sa kaniyang maringal na anyong unang bumihag sa puso ni Corrine ilang taon na ang nakalilipas.

Sa loob ng tatlong taon, hindi na mabilang ang mga unos na dumaan sa kanilang relasyon. Ngunit ang lahat ng iyon ay magkasama nilang hinarap at matagumpay na nalampasan. At ngayon, sa kabila ng pagtutol ng pamilya ni Corrine na basbasan ang kanilang pagmamahalan, unti-unti nang nagkakatotoo ang kaniyang pinakaiingatang pangarap.

Nang humakbang si Bruce palapit upang iabot sa kaniya ang pumpon ng mga bulaklak, namuo ang mga luha ng kagalakan sa kaniyang mga mata at nagbabadyang pumatak.

Kahit ang mabait na pari ay naantig sa eksenang ito. Habang nagsasalita siya, hindi mapuknat-puknat ang kaniyang tingin sa magkasintahang alam niyang tunay na nagmamahalan.

"Bruce Ashton, tinatanggap mo bang maging asawa ang babaeng ito? Na mamahalin, igagalang, pararangalan, at makasama sa hirap at ginhawa, hangga't kayo'y nabubuhay?"

Kumakabog ang puso ni Corrine habang sabik na nagkatingin kay Bruce, hinihintay ang magiging tugon nito.

Sa halip na kagalakan, pag-aalinlangan ang nasa mga mata ni Bruce, at ang kaniyang mukha ay nababalot ng nakakaligalig na pag-aatubili.

Bago pa man siya makasagot sa tanong ng pari, biglang bumukas ang pinto ng bulwagan.

Iniluwa nito Rita Ashton, ang nakababatang kapatid ni Bruce, na naglakad papasok habang tigmak ng luha ang mga mata. "Bruce, may masamang nangyari," sigaw niya, nanginginig ang tinig at puno ng kawalang-pag-asa. "Si Leah... Siya ay..."

Isang malamig na alon ng pangamba ang agad na bumalot kay Corrine.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Bruce habang pakiramdam niya ay minamartilyo ang kaniyang dibdib.

Si Leah ay isang hindi maabot na bituin sa kalawakan ni Bruce. At ang pangalang ito ay pumukaw sa maraming masasakait na alaala sa kaniyang puso.

Nang bumagsak ang pamilya Ashton ilang taon na ang nakalilipas, mas pinili ni Leah ang pagkakataon sa ibang bansa kaysa sa pag-ibig. Ang desisyong iyon ang nag-udyok kay Bruce na putulin ang kanilang ugnayan at ituon ang atensyon kay Corrine.

Ngunit noong nakaraang buwan, misteryosong nagbalik si Leah sa kanilang buhay.

Biglang naglaho ang lahat ng kulay sa mukha ni Bruce.

"Anong nangyari kay Leah?" tarantang tanong niya, puno ng takot ang kaniyang boses.

"Hindi tumitigil ang kaniyang pagdurugo," sagot ni Rita sa pagitan ng mga hikbi. "Sabi ng doktor... baka... baka hindi na niya kayanin."

Walang pag-aalinlangang binawi ni Bruce ang kaniyang kamay mula kay Corrine at walang lingon-likod na tumakbo palabas ng pinto.

Sumunod si Corrine at hinablot ang kaniyang braso.

"Bruce, hindi ka maaaring umalis."

Nanginginig ang kaniyang katawan habang sinasalubong ang tingin ng lalaki, ang mga mata niya ay puno ng pagmamakaawa.

"Bruce, ngayon ang araw ng ating kasal. Talaga bang iiwan mo ako sa gitna ng seremonya?"

Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid, ang kanilang nangungutyang tingin ay parang matatalim na kutsilyong tumutusok sa dibdib ni Corrine.

Nagbabantang pumatak ang kaniyang mga luha habang nagmamakaawa sa nanginginig na boses, "Bruce, pakiusap. Maaari bang tapusin muna natin ang seremonya?"

"Nabundol si Leah ng sasakyan habang inililigtas ako. Utang ko sa kaniya ang aking buhay, kaya hindi ko siya maaaring pabayaan ngayon."

Nagpumiglas si Bruce upang makawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Corrine, naging matigas at malamig ang kaniyang anyo.

Corrine, alam mong mula sa simula ay transaksiyon lamang ang kasal na ito. Ang papel mo lang ay maging Mrs. Ashton sa pangalan, wala nang iba pa. Kaya huwag mong pakialaman ang mga personal na bagay sa aking buhay."

Isang transaksiyon lamang.

Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa hungkag na silid ng puso ni Corrine habang nakatitig siya sa matigas na mukha ni Bruce na wala man lang bakas ng awa.

Unti-unti, ang pagkabiglang nararamdaman niya ay napalitan ng mapait na pagkaunawa. Isang mapanuyang ngiti ang sumilay sa kaniyang mapupulang labi.

"Hanggang ngayon, ganyan pa rin ba talaga ang tingin mo sa kasal na ito? Pagkatapos ng tatlong taong pinagsamahan natin?" tanong niya, puno ng kirot at bigat ng mapait na realisasyon.

"Isang simpleng kasunduan sa negosyo lang ba talaga ito?"

Magpatuloy sa Pagbasa
Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat
Iniwang Heiress: Balik sa High Life
1

Chapter 1 Ang Pag-ibig Na Hindi Niya Matamo

21/05/2025

2

Chapter 2 Alamin Mo Ang Iyong Lugar At Umalis Ka Na

23/05/2025

3

Chapter 3 Ang Mga Matang Iyon

23/05/2025

4

Chapter 4 Tapos Na Tayo, Bruce

23/05/2025

5

Chapter 5 Mga Plano

23/05/2025

6

Chapter 6 Hindi Kanais-nais Na Anino

23/05/2025

7

Chapter 7 Siguro'y Kailangan Kong Paghusayin Ang Pag-arte Ko

23/05/2025

8

Chapter 8 Napalampas ang Tibok ng Puso

23/05/2025

9

Chapter 9 Nakilala Ang Kaniyang Lola

23/05/2025

10

Chapter 10 Isang Gabi Ng Kahihiyan

23/05/2025

11

Chapter 11 Gawin Mo ang Dapat

23/05/2025

12

Chapter 12 Tapat Na Pag-amin

23/05/2025

13

Chapter 13 Ang Paghabol sa'yo ay Sarili Kong Pasya

23/05/2025

14

Chapter 14 Pag-urong ng Pondo

23/05/2025

15

Chapter 15 Hindi Ka Malugod na Tinatanggap Dito

23/05/2025

16

Chapter 16 Walang Utang Sa Iyo Ang Pamilya Ashton

23/05/2025

17

Chapter 17 Pagsusumamo sa Awa

23/05/2025

18

Chapter 18 Itabi Mo ang Talino Mo sa Mas Mahalagang Bagay

23/05/2025

19

Chapter 19 Hindi Kayang Mamuhay sa Anino ng Isang Babae

23/05/2025

20

Chapter 20 Pumunta Ka Ba Dito Para Sisihin Lang Ako

23/05/2025

21

Chapter 21 Sino Ka Ba Talaga

23/05/2025

22

Chapter 22 Ano'ng Relasyon Niyo

23/05/2025

23

Chapter 23 Isang Hindi Maipaliwanag Na Pakiramdam Ng Pagkadismaya

23/05/2025

24

Chapter 24 Ang Katapatan ay Isang Pasya

23/05/2025

25

Chapter 25 Abutin ang Tuktok

23/05/2025

26

Chapter 26 Dumaang Dampi sa Kanyang mga Labi

23/05/2025

27

Chapter 27 Magpalipas ng Gabi

23/05/2025

28

Chapter 28 Isang Babaeng Natatangi

23/05/2025

29

Chapter 29 Nakatadhana Akong Iingatan Ka Habang Buhay

23/05/2025

30

Chapter 30 Ang Aking Pag-ibig Ay Hindi Kailangan Ng Dahilan

23/05/2025

31

Chapter 31 Ipadama ang Aking Lambing sa Iyo

23/05/2025

32

Chapter 32 Sa Huli, Akin Ka Rin

23/05/2025

33

Chapter 33 Protektahan Ang Tunay Na Damdamin

23/05/2025

34

Chapter 34 Magbigay ng Makatuwirang Paliwanag

23/05/2025

35

Chapter 35 Pagbibitiw

23/05/2025

36

Chapter 36 Huwag Mong Talikuran

23/05/2025

37

Chapter 37 Maraming Lalaki Sa Mundo

23/05/2025

38

Chapter 38 Walang Maiiwanang Bakas

23/05/2025

39

Chapter 39 Ang Pamilyang Ford

23/05/2025

40

Chapter 40 Walang Aalis Ngayon

23/05/2025