/0/70485/coverorgin.jpg?v=c6b882d0e4497ee32ad49bd0db106684&imageMogr2/format/webp)
"Amira, magpapa-book ka na ba para sa Sochi Winter Olympics? Amira!"
Napapitlag siya nang biglang may humawak sa braso niya at gulat na nilingon ang inang si Himaya na nakatayo sa tabi niya. "Ano po iyon, Nanay?" tanong niya at ipinihit ang swivel chair paharap dito.
"Tinatanong ko kung okay lang sa iyo na pumunta ng Russia para sa protest rally bago magsimula ang Olympic event."
Nasa library siya na nagsisilbi din niyang sariling opisina sa maliit na bahay nilang mag-ina sa Quezon City. Pareho silang environmentalist sa ilalim ng Nature’s Keeper, isang non-govermental organization na ang layunin ay bigyan ng awareness ang mga tao kung paano pipigilan ang pagkasira ng kalikasan. Naniniwala sila sa kapangyarihan at boses ng mga tao. Na kung sinuman ang direktang maaapektuhan ng di tamang environmental practices ay sila ang dapat kumilos.
Sila ang responsable sa pag-o-organize ng mga environmental rallies sa iba't ibang bahagi ng mundo at nagsasagawa rin sila ng mga online petitions para manawagan sa gobyerno ukol para pumabor sa kalikasan ang mga batas at desisyon ng mga ito. Sila ang tumatalakay sa mga isyu na di aakalain ng ibang mga tao na maari palang makasira sa kalikasan.
Gaya na lang sa Sochi Winter Olympics na ginaganap sa Russia kung saan maraming mga tao sa buong mundo ang nag-aabang. Kahit sa Pilipinas ay nakaabang ang bayan sa paglahok ng unang Filipino sa Winter Olympics. Subalit walang alam ang mga tao kung anong nilikha na environmental damage ng naturang palaro sa natural landscape ng lugar, sa mga lawa at mga gubat na nasira, ang isyu ng pagdagsa ng tao at ang polusyon pati na rin ang dilemma na kinakaharap ng mga residenteng nakatira sa dating tahimik na bayan ng Sochi.
Pilit siyang ngumiti. "Opo. Siyempre naman po."
Kumunot ang noo ni Himaya. "Mukhang distracted ka kasi nitong nakakaraang araw. "
"Malamig po kasi ang panahon ngayon kaya medyo matamlay po ako."
"O! Masama pala pakiramdam mo tapos gusto mo pang pumunta ng Sochi. Malamig doon at makapal pa ang snow. Ako na lang ang pupunta."
Niyakap niya ang ina. Parang bata siya kung tratuhin nito samantalang twenty-three na siya. Sabagay, di naman sila nagkakalayo ng edad dahil nasa forty-one lang ang edad nito at minsan ay napagkakamalan pa silang magkapatid. "Nay, matanda ka na. Rarayumahin ka sa snow.”
"Lokong bata ito. Ang sa akin lang, pwede namang iba ang ipadala sa Russia."
"But I must. It is my job. Alam po ninyo na masaya ako kapag ginagawa ko ito. Huwag po kayong mag-alala, Nanay. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Ikaw ang bahala kung kaya mo naman. Ipaghahanda kita ng cosmic tea para mas bumuti ang pakiramdam mo."
/0/26495/coverorgin.jpg?v=20220415001108&imageMogr2/format/webp)