/0/38106/coverorgin.jpg?v=35e8fd008a527719204280a6641cf04d&imageMogr2/format/webp)
BITBIT ang sama ng loob at hinanakit ay buong tapang na binuksan ni Danica ang malaking pinto. Hindi siya makahinga dala nang paninikip ng kaniyang dibdib. At anumang oras ay maaari siyang himatayin.
“Teka sandali!” ubod lakas na sigaw ng dalaga dahilan upang matuon sa kaniya ang lahat ng atensyon maliban sa groom. Muli ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang mga iyon at halos wala na siyang makita dahil sa panlalabo ng mga mata. “Pangga bakit naman? Akala ko ba ako ang gusto mong makasama habang buhay? Pero bakit ganito? Bakit ka magpapakasal sa iba?”
Walang pakialam si Danica kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao na animo’y kontrabida. Kahit pa tila tawang-tawa ang mga ito sa hitsura niya. Ano naman kung mukha siyang taga bundok, eh sa doon siya nakatira. Si Andrie ang kaniyang ipinunta at hindi sila. Kaya bakit siya mahihiya? Ano naman kung sobrang ganda ng bride? Siya naman ang mahal ni Andrie. At siya dapat ang nasa puwesto nito.
“Pangga, please huwag mo nang ituloy. Umuwi na tayo ng probinsya at magsimula ulit. Hindi ba sabi mo bubuo tayo ng sarili nating pamilya?” humagulhol na dagdag pa ng dalaga. “Sumama ka na sa akin, pakiusap.” hindi na niya mapigilang takpan ang mukha upang pigilan ang emosyon. Tila hindi niya na kakayanin ang sakit sa iisiping hindi man lang siya kayang lingonin ni Andrie.
“What is going on, Dylan? Who is that woman?!”
Sandaling natigilan si Danica sa galit na boses ng matanda, at mabilis na tumingin sa unahan.
“D-Dylan?” ulit pa niya sa pangalang narinig. Agad siyang nahimasmasan.
“I am sorry, Lolo..”
Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang sa wakas ay masilayan ang mukha ng groom. Awang ang kaniyang bibig na isipin ang eksaktong address, araw, at oras ng kasal ni Andrie ayon na rin kay Lily. Tama naman. Pero bakit mukha yata siyang naliligaw?
Nanginginig ang mga kamay ay naipanalangin ni Danica na lumubog na lamang pailalim at lamunin ng lupa. Hindi niya kayang salubungin ang galit na mga mata ng bride.
“Ah, eh, k-kuwan, paumanhin!” abot-abot ang kaniyang kabang sabi. Sa isang iglap ay napalitan ng hiya ang kanina ay nagdadalamhati niyang damdamin.
Mabilis siyang nag-isip ng pwedeng gawin subalit sa huli ay pinili niya ring tumalikod na lamang na parang walang nangyari.
Malalaki ang mga hakbang na tinungo ni Danica ang pinto. Kailangan niyang makalabas ng simbahan bago siya mapatay sa loob. Ang laki ng iskandalong nagawa niya.
Subalit ganoon na lamang ang gulat niya at muntik pa siyang mapatalon nang biglang may humatak sa kaniya. Napatakbo na rin siya.
Pero bakit? Ano’ng kailangan sa kaniya ng groom?!
“MAAWA na po kayo huwag ni’yo po akong saktan..!” panay ang yuko ng ulo ni Danica habang humihingi ng paumanhin. Takot at hiya ang kaniyang naramdaman nang mapag-isa sila ng lalaki.
“And why on earth would I do that? Pasasalamatan pa nga kita, eh.”
Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ng mukha si Danica. Noon niya lang napagmasdan ang mukha ng groom sa malapitan. Proporsyonado at perpekto ang hugis ng mukha nito; katamtaman ang kapal ng mga kilay, mala-pili ang kurba ng mata na ‘di gaanong kalakihan ngunit hindi rin naman singkit, ang bilugang umbok sa maliit at matangos nitong ilong ay mas nagpag’wapo sa hitsura nito, idagdag pa ang hugis puso at mamula-mula nitong mga labi. Bigla tuloy siyang na-conscious sa kaniyang hitsura.
Noon niya lang din napansin kung nasaan sila, isang bus station.
“S-sorry po talaga.”
“Drop that ‘po’. You look like older than me.” anang lalaki na tumingin sa suot na relo. “May pera ka diyan?” muli nitong wika na ibinalik ang tingin sa kaniya.
“Twenty Five pa lang ako.” usal ni Danica. Hindi naman siya tinanong subalit gusto niyang bigyan ng hustiya ang akusa nitong matanda na siya.
“Really? You are a year younger but why does it looks like you are ten years older than your age.”
Umirap si Danica dahil sa walang pakundangang pang-iinsulto ng kausap. Gusto niya itong sapakin para turuan ng leksyon ngunit nagpipigil lamang siya. Ayaw niyang madagdagan ang kasalanan niya.
“Hey..! Tinatanong ko kung may pera ka?”
“M-meron.. kaso..!” nag-aalangan niyang sagot. Ang totoo ibininta ng kaniyang Itay ang kaisa-isa nilang kalabaw para lang makaluwas siya ng Maynila. Halos mabaliw siya sa lungkot noong pumutok ang balitang ikakasal na si Andrie sa Anak ng boss nito. Kaya naman gumawa ng paraan ang magulang niya para lang kahit papaano ay mapigilan ang desisyon ni Andrie. Ipaglaban niya raw ito, na hindi siya uuwi nang mag-isa. At kailangan niyang ibalik ng Leyte ang kasintahan.
“Pahiram muna ako.”
“P-pero.. k-kasi..”
“Ibabalik ko rin bukas. Wala akong dala.”
Napakamot sa batok si Danica. Paano niya itong sisingilin kung hindi niya naman alam ang bahay nito. Ni hindi niya rin ito kilala.
“Ano hindi ka sasakay?”
“Uuwi ka na?” balik tanong niya sa lalaki na noon ay nakasampa na sa bus.
“I don’t wanna die yet.” umisnid na sagot ng lalaki bago tuluyang pumasok.
Bumuntong hininga si Danica. Tama ito. Malamang sa ngayon ay galit pa rin ang pamilya ng bride. Aminado siyang may kasalanan rin siya. Kung hindi siya umeksina ay hindi aabot sa ganito ang lahat. Subalit ang hindi niya maintindihan ay iyong pwede naman nitong ipaliwanang na isa lamang pagkakamali ang nangyari kanina ngunit hindi nito ginawa, bagkus ay nag-ala runaway groom pa ito.
Kusang humakbang ang mga paa ni Danica kasunod ng estranghero. Wala siyang mapupuntahan. Hindi niya rin alam ang pasikot-sikot sa Maynila.
“Dalawa ho, Sir?” tanong ng konduktor sa kasama niya.
“Yes please.”
“One hundred ho.”
Tumingin ang lalaki sa kaniya at ganoon din siya rito. Nang hindi siya tuminag ay ngumuso ito. Taranta siyang kumuha ng pera sa pitaka at inabot iyon sa konduktor.
Makalipas ang trenta minutos ay narating na nila ang bus station. Dahil nasa unahan sila pumwesto ay siya ang unang tumayo para buksan ang pinto. Subalit nakailang slide na siya ngunit hindi pa rin iyon mabuksan.
“Naka-locked yata.” aniya sa pasaherong nakasunod sa kaniya. Natatawa ito na hindi niya maintindihan. Ganoon din ang iba pang pasahero na noon ay nag-umpukan na sa kaniyang likoran.
“Automatic po kasi ‘yan, Ma’am.” anang mamang driver na may kung anong pinindot. Noon ay bumukas ang pinto.
“Ay ang galing..” ngisi ni Danica para pagtakpan ang nararamdamang hiya. Subalit tila hindi iyon umubra basi na rin sa naging reaksyon ng mga pasahero idagdag pa ang nang-aasar na tawa ng kasama niya. Nag-iinit ang mga pisnging bumaba siya ng bus.
KABADONG napatitig si Danica sa nagpatiunang kasama nang pumasok sila ng mall. Ito tuloy ang napala niya. Mukhang gagawin pa yata siya nitong ATM card.
/0/27393/coverorgin.jpg?v=20220505120818&imageMogr2/format/webp)
/0/27065/coverorgin.jpg?v=20220801110612&imageMogr2/format/webp)
/0/26266/coverorgin.jpg?v=20220423130223&imageMogr2/format/webp)