/0/70472/coverorgin.jpg?v=20251225000547&imageMogr2/format/webp)
CELY
"Cely hanggang kaylan mo balak na maging tambay ha? Bakit ayaw mo maghanap ng trabaho!" Bulyaw ng mabunganga kong ina nang bigla niya akong makitang nakahandusay sa sofa.
"Mama naman, paano ako makakahanap ng trabaho? Hindi nga ako nakapag-aral diba nakalimutan niyo na ba? Pahirapan maghanap ng trabaho ngayon karamihan kaylangan ng magrerekomda pag hindi ka nakapagtapos." Saad ko ngunit hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya, wala akong balak makita ang nanlilisik niyang mata.
"Aba bahala ka mag-hanap kahit ano dyan sa tabi-tabi wag kalang mag pokpok," sabi ni mama. Bahagya naman akong natawa doon bago bumangon. Si mama talaga, alam kong pabiro lang 'yong sabi niya, ganito kasi kami magbiruan
"What is your said ma?" Seryoso kong sabi ngunit maya-maya nakatanggap lang ako ng isang malakas sa sapak sa aking ulo.
"Anong pinagsasabi mong bata ka? What are you saying 'yon bruha," sabi niya. Agad naman akong napahaplos sa ulo ko.
"Parehas din 'yon pinakumplikado niyo pa, adjust nalang kayo ma," sabi ko. Medyo masakit ang ginawa niya kanina napaka brutal talaga ng ina ko walang kapantay. Noong meron pa si papa siya lagi nabubugbog ni mama ngayong wala na siya ako naman napagtritripan ng aking ina.
"Mag gayak kana at makapaghanap ka na ng trabaho mas maganda na may trabaho ka kaysa natatambay ka lang dito sa bahay," sabi niya. Ang sama naman sa pagkakasabi ng tambay, hello huminto po ako diba kaya ako tambay? Buti nalang talaga nanay kita at mahal kita kung hindi magpapalit na ako ng nanay oramismo.
Nagdabog akong naglakad. Ano ba 'yan agad-agad naman, hindi pa ako ready.
Bakit nga ba ako huminto, ganito kasi iyon napabarkada ako, yes, opo hindi talaga ako iyong tipo ng babae na hilig mag-aral kung baga mas napapasama ako sa tropa pero hindi iyon ang tunay na dahilan dahil sa wala akong interest sa pagaaral noon. Pero natanggal din si mama sa trabaho niya at hirap nga ako sa allowance ko at ayon nahinto ako, noong una talagang ayos lang dahil wala naman talaga akong hilig sa pag-aaral pero hanggang sa padagdag ng padagdag ang taon ko bigla ko nalang naiisip na sayang.
—
Matapos akong magbihis lumabas na ako galing sa kwarto at doon ako mismo sinalubong ni mama sa labas bago siya nagsalita.
"Oh nakabihis ka na pala," sabi niya.
Pansin ko ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi kaya nagtaka ako kung anong meron.
"Ma pwede bang bukas nalang ako maghanap ng trabaho mainit na po masyado sa labas, maglalakad pa ako," nagmamakaawang sabi ko. Nagbabakasakali lang naman baka bigla siyang maawa sa akin at payagan muna niya akong tumambay ngayon diba.
"Hindi mo na kailangan mag-lakad," hindi parin nagbabago ang expression ng mukha niya tila ba'y may maganda siyang nalaman, hay naku ano bang magandang nangyari at nakangiti siya? Nanalo ba kami sa loto?
"Mama naman ok lang kayo? Hindi niyo ako palalakarin? Anong gagawin ko? gagapang o lilipad ako?" dahil sa sinabi ko. Nakatanggap nanaman ako ng palo sa batok mula sa kaniya.
/0/45102/coverorgin.jpg?v=b38e6d610cd25f1d0748611f57facea5&imageMogr2/format/webp)
/0/27149/coverorgin.jpg?v=20230306115515&imageMogr2/format/webp)
/0/26520/coverorgin.jpg?v=20220415102734&imageMogr2/format/webp)
/0/26348/coverorgin.jpg?v=20220513173404&imageMogr2/format/webp)
/0/28238/coverorgin.jpg?v=20220606141217&imageMogr2/format/webp)
/0/26336/coverorgin.jpg?v=20220711133819&imageMogr2/format/webp)
/0/79698/coverorgin.jpg?v=20250728001544&imageMogr2/format/webp)
/0/26594/coverorgin.jpg?v=20221017195218&imageMogr2/format/webp)
/0/26614/coverorgin.jpg?v=20220415001111&imageMogr2/format/webp)
/0/26279/coverorgin.jpg?v=20220606105517&imageMogr2/format/webp)