/0/73843/coverorgin.jpg?v=cd0a1d17d42b10cccf382937492074a2&imageMogr2/format/webp)
Sa isang tahimik na gabi ng tag-init sa Wragos, nakaupo si Rosalynn Fuller sa sofa sa bahay niya habang nagbabasa ng balita sa kanyang cellphone.
"Si Brian Hughes, CEO ng Hughes Group, ay dumalo sa isang event kasama ang sikat na aktres na si Eleanor Hilton. Pagkatapos, nagtungo sila sa isang hotel at magkasama buong gabi. May mga intimate na larawan ng dalawa..."
Trending agad ang balitang ito at kumalat sa internet na parang nagbabagang balita.
Inayos ni Rosalynn ang salamin niya, titig na titig sa malabong litrato na kasama sa artikulo, walang kahit anong reaksyon ang mukha niya.
Kahit medyo malabo, malinaw pa rin ang hugis ng lalaking nakikipaghalikan sa babae sa may bintana.
Walang iba ang lalaking ito kundi si Brian Hughes, asawa niya at tagapagmana ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa siyudad.
Kontrolado ni Brian ang ekonomiya ng buong lungsod, kaya hindi basta-basta ang impluwensya niya.
Katawa-tawa mang isipin, ni minsan ay hindi pa tumapak si Brian sa bahay nila mula noong ikinasal sila dalawang taon na ang nakalipas.
Sa katunayan, hindi man lang ito sumipot nang irehistro ang kasal nila, at abogado lamang nito ang humarap para sa kanya.
Alam ni Rosalynn mula't mula pa lang na ayaw ni Brian sa kasal nila.
Ang nag-iisang dahilan kaya pumayag si Brian ay ang lola nitong si Debora Hughes.
Noon kasi, nailigtas ng lolo ni Rosalynn si Debora, at nang magtanong ito kung paano niya masusuklian ang kabutihan, hiniling nitong ipakasal ang apo niyang si Brian sa apo nitong si Rosalynn.
Sa umpisa, umasa rin si Rosalynn na magiging maayos ang buhay may-asawa niya.
Pero nitong huling dalawang taon, puro mga artista lang ang ka-date ni Brian, sapat para basagin ang anumang ilusyon niya tungkol sa kanilang relasyon.
Napakagat-labi si Rosalynn matapos basahin ang balita, at agad niyang tinawagan si Brian mula sa kanyang contacts.
Unang beses pa lang niyang tatawagan si Brian.
Agad namang sinagot ang tawag.
"Hello, si Rosalynn ito."
"Rosalynn? Sinong Rosalynn?" Malalim at malamig ang boses ni Brian. pero kahit ganoon ang kaniyang tono, masarap itong pakinggan.
Ngunit ang kanyang mga sinasabi ay ibang usapan na talaga. Napangisi siya habang mahigpit na hawak ang cellphone niya.
Hindi man lang naalala ni Brian ang pangalan ng asawa niya.
"Ako ang asawa mo— sa papel nga lang."
"Ah. Anong kailangan mo?"
Lalong naging malamig ang tono ni Brian.
"Gusto kong makipag-divorce," diretsong sabi ni Rosalynn habang mariing inaayos ang salamin niya.
Sandaling nanahimik si Brian bago sumagot.
/0/26604/coverorgin.jpg?v=20220524132219&imageMogr2/format/webp)
/0/26976/coverorgin.jpg?v=20220505114819&imageMogr2/format/webp)
/0/31130/coverorgin.jpg?v=20220908185905&imageMogr2/format/webp)
/0/26820/coverorgin.jpg?v=b3c3345644376af1643e5d13936c9b2c&imageMogr2/format/webp)
/0/26977/coverorgin.jpg?v=24acb062b15f2cb0c460710fb45190b2&imageMogr2/format/webp)
/0/26753/coverorgin.jpg?v=20220415102723&imageMogr2/format/webp)
/0/26602/coverorgin.jpg?v=a63bcf3ec209cb18a2d3c3558dc85666&imageMogr2/format/webp)
/0/30911/coverorgin.jpg?v=8cf0ac92d92eb918ae0fe08a159f11a2&imageMogr2/format/webp)
/0/26755/coverorgin.jpg?v=20230915175136&imageMogr2/format/webp)