/0/72998/coverorgin.jpg?v=5fb985ea4775ce8fd0bc241a944d48d8&imageMogr2/format/webp)
"Cia! Ready kana? Tabi tayo sa bus ha!" nakangiting sabi ni Lou habang inaayos ang gamit niyang nakakalat pa sa table namin.
"Saan na nga ulit tayo pupunta?"
"Sa Chen corporation, hindi ka ba nakikinig?"
"Hindi. Ba't ba tayo pupunta doon? Hindi pa tayo tapos sa expirement sa chemistry, wala pang explanation at report, andami pa nating dapat gawin. Tapos lulustayin natin tong oras para lang magpareserve ng tour sa isang kumpanya?"
Nakangiwi itong humarap sakin tsaka ako binatukan
"aray naman!" nakangusong singhal ko sabay kamot ng batok
"Ayos ka lang? Chen corporation 'yon! Hindi ka ba nanonood ng balita? Andaming school ang nakapila para lang sa tour na'to, tapos parang ayaw mo pa?"
"Alam ko namang sobrang kinikilala ang Chen corporate, di'ko lang alam kung ba't andaming gustong magpunta doon"
"Dahil sa greenfield top 3"
"Greenfield? Hindi ba't ang kasapi ng grupong 'yon ang mga tinalagang pinakamayaman sa buong bansa?"
"Oo! At ang nangunguna doon ay ang may-ari ng Chen corporate, ang pangalawa at pangatlo ay laging nakasunod sa pinakauna"
"Kaya pala andaming may gustong magpunta doon"
"Oo! Kaya tara na, malay mo swertehen tayo tas makita natin sila sa loob ng kumpanya" kinikilig pang sabi nito
Ano bang meron sa tatlong 'yon at pinapangarap ng napakaraming babae?
"Tara cia baka mawalan tayo ng upuan sa bus"
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya, napakasaya niyang nakuha ng school namin ang opportunity na'to. Ayoko din sanang pumunta pero since pangarap rin to ni Lou, hindi ako makakapalag sa kanya.
"Cia, sa ganda mong yan sigurado akong mahuhulog ang loob sayo ng CEO" biro ng isang kaklase ko pagkapasok namin sa bus
"Yiiieee" sundot pa ni lou sa tagiliran ko "Uso pa naman ngayon 'yang mga love at first sight na 'yan"
"Kaya nga! Malay natin kung makatyamba tung girls ng section natin" Banat na naman ng isa naming kaklase. Nagsitilian naman mga kaklase kong babae. Hulaan niyo sino pinakamalakas tili?
SI LOU.
Ngumiti nalang ako at naghanap ng uupuan, as if naman malolove at first sight 'yon sakin.
"Hah! As if. She's no match for Enlil" biglang sabat ni Aria.
"True, she can't even afford a designer clothes. How can she afford Enlil's heart" dagdag naman ni Vera
"Sa pagkakatanda ko doctor lang ang bumibili ng puso" biglang sabat ni Lou
Siniko ko nalang siya ng mahina para sabihing huwag ng palakihin ang gulo.
Tumahimik ang buong bus hanggang sa makarating kami sa Chen corporate. Dapat pala hindi nalang ako nagpunta.
Napakaelegante ng kumpanya, sa itsura ng mga gamit parang 1 million lahat ang halaga
"Hi! This must be skyland senior high students?" lapit ng isang babae
"Yes, ma'am" sagot ni sir macas
"It is very pleasant to meet all of you. I am sierra, I will be your tour guide for today" nakangiting sabi nito
"We are so honored to be here, please lead the way" -sir macas
"Before we proceed, I would like to tell you that this place is prohibited for taking pictures, you only must listen and do what I say. It will be very unpleasant for the CEO to disobey me"
Lahat kami ay tumango, ba't parang nakakatakot naman 'yong boss.
Nagsimula kami sa first floor syempre, second floor, third floor, fourth floor and so on. Sa bawat floor ay may cafeteria.
Isa lang naman ang masasabi naming lahat, WOW.
Nagpatuloy ang tour hanggang sa makapunta kami sa tinatawag nilang CEO floor, 7th floor. Ang CEO lang daw ang may-ari ng floor na'to, pero dahil may tour pinayagan daw niyang maaari kaming sumilip kahit konti, pero bawal humawak ng kahit na ano.
"Cia..." napatingin ako kay lou ng kalabitin niya ako
"Bakit?"
"N-naiihi ako" sabi niya habang hirap na hirap ng pinipigalan ang ihi
/0/28045/coverorgin.jpg?v=20220606161531&imageMogr2/format/webp)
/0/27434/coverorgin.jpg?v=20221125134526&imageMogr2/format/webp)
/0/27714/coverorgin.jpg?v=20220527140047&imageMogr2/format/webp)
/0/33900/coverorgin.jpg?v=20240305111641&imageMogr2/format/webp)
/0/52353/coverorgin.jpg?v=b6cd1470ee49c2aad2a212f60edd3c3a&imageMogr2/format/webp)
/0/26612/coverorgin.jpg?v=20220517072226&imageMogr2/format/webp)
/0/31039/coverorgin.jpg?v=20220829172233&imageMogr2/format/webp)
/0/27697/coverorgin.jpg?v=20230705180239&imageMogr2/format/webp)
/0/27337/coverorgin.jpg?v=20220426160723&imageMogr2/format/webp)
/0/26510/coverorgin.jpg?v=20220429160456&imageMogr2/format/webp)
/0/45739/coverorgin.jpg?v=20231012112238&imageMogr2/format/webp)
/0/26522/coverorgin.jpg?v=3da88ca6c056e0eace7f7ed9371d7a28&imageMogr2/format/webp)
/0/26682/coverorgin.jpg?v=20220415001109&imageMogr2/format/webp)
/0/27376/coverorgin.jpg?v=1b39ada38640b3ebb802e0e71afcc03f&imageMogr2/format/webp)
/0/26568/coverorgin.jpg?v=20220415001113&imageMogr2/format/webp)
/0/26617/coverorgin.jpg?v=12d709dd2ad992145f32784e3cb806e1&imageMogr2/format/webp)
/0/27725/coverorgin.jpg?v=20220520161143&imageMogr2/format/webp)
/0/27239/coverorgin.jpg?v=20220618211404&imageMogr2/format/webp)