/0/26608/coverorgin.jpg?v=d5b649443651e1c7cf825062fa85b45b&imageMogr2/format/webp)
PROLOGUE
(SANDRA)
"Congratulations Alexandra!"
Bumeso ako kay Alice at ngumiti sa ilan naming nadadaanan.
"Thanks! Hindi ko talaga inaasahan, Alice."
Hinila niya ako sa couch dito sa isang exclusive bar. We're here to celebrate my first achievement as an aspiring model. Natanggap ang aking portfolio sa isang agency. At first, Im hesitant to pass it since wala akong tiwala sa sarili ko at ayaw kong ma-dissapoint ako sa sarili ko kung hindi ako matanggap.
After two months, worth it naman ang paghihintay ko. Alice smiled on me.
"Sobrang bilis mo kumpara sa iba. Iba talaga ang ganda mo!"
Sobrang thankful ako kay Alice dahil siya ang naging kasama ko at tumulong sa akin. Nakapagtapos na ako sa kursong Business and Management.
"Baliw ka talaga. Salamat sa'yo, ha? Makakatulong na ako kay nanay."
Lahat naman ng ginagawa ko ay para sa nanay ko. Nagtitinda kasi siya ng tinapa, daing at iba pa. Gusto ko siyang mabigyan ng sariling pwesto sa palengke. May tinitingnan na akong pwesto at tingin ko ay okay naman sa budget.
"Wala 'yon, mabuti nga at sa agency ng kaibigan ko ikaw napunta. Siguradong big catch ka sa kanila. Mamaya na tayo magdramahan , um-order ka na!"
"Baliw ka! Anyway, um-order ka na rin. Sagot ko na, minsan lang 'to."
Tumawag agad siya ng waiter at umorder ng tequila. Ang sa akin naman ay lady's drink lang. Hindi ko talaga kaya uminom ng tequila, margarita, o kung ano pang alak diyan. Iniisip ko pa lang ang hangover na dadanasin ko sa pag-inom ay ayoko na agad. Isa pa, ang sabi nila ay mapait daw ang alak at hindi ko maintindihan kung bakit nila gusto yon.
"Girl, kanina pa ako may napapansin."
Tiningnan ko siya gamit ang nagtatakang mata. Hindi ko kasi marinig masiyado dahil sa lakas ng tugtog. The party song is so loud that can make me dizzy and irritate. Idagdag pa ang malikot na mga ilaw, kaya ayoko sa bar.
"Sabi ko, may napapansin ako!"
"Anoooo?"
"May lalaking natingin sa'yo. Iba talaga ang karisma mo." Umiling na lang ako sa kanya. Imposible ang sinasabi niya. I don't have a big bosoms and a hour-glass body shape. Isa pa, hindi ako ganon kaganda.
Maybe, mali lang ang tingin niya o kaya nan-ti-trip lang.
"Ang gwapo o!" Umiling ako sa kanya.
"Tumigil ka nga, baka anong sabihin sa'yo no'n. Nakakahiya ka!" saway ko pero inirapan niya lang ako at hinila sa dance floor.
"Tara na lang sa dance floor. Dali!" Umiling ako sa kanya dahil hindi ko gusto ang pagsayaw sa mga ganitong lugar.
Alam kong maraming may masasamang loob dito. I'm not being judgemental, but I heard some feedback about clubs. I dont know who I can trust here. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon.
"Dali na! Ang KJ mo talaga, Sandra. Kaya wala kang boyfriend, e!"
Sumimangot ako dahil sa kanyang sinabi. Well, it’s true kasi I'm NBSB. I'm not that approachable, lalo na sa mga lalaki. Magiging komportable lang ako kung ramdam kong ligtas ako sa taong yon.
"I don't need that. Mas priority ko ang pamilya ko at career. At wala akong time sa kanila kaya tigilan mo ako."
"Okay! Ako na ang malandi! Grabe ka Sandra, best daughter award goes to you! Dyan ka na nga!"
Napailing na lang ako kay Alice. Medyo wild talaga siya, lalo na at mahigpit ang magulang niya noong teen niya kaya ngayon bumabawi. I cant stop her since its her happiness and the only things I can do is to guide her and give her a warning.
Pinanood ko lang siya sumayaw habang pinalilibutan ng mga lalaki. Alice is beautiful. She has morena skin, good chest, and big butt. That's why guys drool over her and she loves wearing a sexy clothes. Pinaghirapan nya rin naman ang katawan nya sa laging pag-e-exercise.
"Hi, are you alone?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Mukha namang disenteng tao base sa pananamit nito na mukhang mahal.
"I'm not," I said to him. Actually, he is cute but I'm not here to flirt or whatsoever.
"Do you want a drink? I'll treat you! Ano?"
Inirapan ko siya para mapakita na wala akong pake. Mukhang makulit ang isang to. I should ready my patience. Wala naman akong nararamdaman na masama sa kanya.
/0/26867/coverorgin.jpg?v=f58eb2b91204243c242bb2899c0458f2&imageMogr2/format/webp)
/0/26798/coverorgin.jpg?v=20220428140500&imageMogr2/format/webp)
/0/26685/coverorgin.jpg?v=20230306115500&imageMogr2/format/webp)
/0/26704/coverorgin.jpg?v=ac99a60819137f6bb8ca9a815b814fef&imageMogr2/format/webp)
/0/26618/coverorgin.jpg?v=20230306115509&imageMogr2/format/webp)
/0/27607/coverorgin.jpg?v=20230804133603&imageMogr2/format/webp)
/0/26775/coverorgin.jpg?v=20220415102740&imageMogr2/format/webp)
/0/27182/coverorgin.jpg?v=e5b9cc718ff70375270c8026b7e1a490&imageMogr2/format/webp)
/0/26782/coverorgin.jpg?v=69c4d34baead1a1ea6c8d44a8a0241e8&imageMogr2/format/webp)