/0/70472/coverorgin.jpg?v=8ccb195cd71eb6790faa0cc495d3dcf9&imageMogr2/format/webp)
Gustohin mang manigarilyo ni Brent pero pinagbabawalan na siya ng kanyang mapapangasawa, at kung lalabagin niya ito baka mag-away lang naman sila.
"Brent!" tawag sa kanya ng kararating lang na babae at kaagad siyang tinutokan ng baril.
He jumped and drew up his hands to protect his chest. Nanlaki naman ang mga mata niyang nakatitig sa babae. "Baril ba yan? Ba't mo ko tinutokan, nababaliw ka na ba?"
She just glared steadily at him. "Nagtiwala ako sayo."
Pasalampak naman siyang umupo sa sofa ng kanyang hotel room. Pinagmasdan lang din niya ang mala-tigreng babae, carresing the gun barrel as if it were a pet.
"I'm pretty good with this thing. Marami ng nagbago sakin sa limang taon, Brent--"
"Kenny," he corrected. "Ang pangalan ko ay Kenny Andales. I told you, the Witness Protection Program insists that I stay in character all the time."
Napahinto naman ang babae sa gitna ng kwarto, gumagalaw ang mga balikat nito. It took him a few seconds to realize she was laughing. "Alam ko na mali itong ginagawa ko, baby. Hindi ko naman ito gagawin kung may pagpipilian lang ako, papatayin kasi nila ako pag tumiwalag ako sa grupo. Basta tandaan mo lang to, mahal na mahal kita higit na kanino man. If I could turn back the clock, I would."
"Liar!"
"Hindi kita masisisi kung hindi mo man ako paniwalaan. If you'd run on me, I'd have been--"
"Run out on you? Sinira mo na ako, Brent! Nawala na sakin ang shop, Nawala na rin sakin ang bahay ko. Nawala sakin ang lahat ng dahil sayo." She sighted down the barrel of the pistol, aiming it straight at his head. "Limang taon, baby. Five long years and the only thing I've done is hunt for you. Kung hindi mo maibabalik sakin ang pera ko, ako mismo ang papatay sayo."
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Kung itong babae pa ang pinakasalan niya noon, para lamang siyang nagpakasal kay Cruela Devil.
"Look, kapag kasal na kami ni Gwen, mababalik ko rin sayo ang pera mo."
"Sigurado ka?"
"Akala kasi niya na nagkautang ang pamilya nila sakin, at sumang-ayon naman siya na bayaran ako. One hundred fifty million lang naman. She promised to give it to me as soon as we're married, pero hindi niya iyon ibibigay sakin hangga't hindi kami legal na mag-asawa. Sampung araw lang naman ang hihingin ko sayong palugit, baby. After that magsasama na ulit tayo."
"Siguradohin mong hindi ka nga nagsisinungaling. Dahil hindi mo na ako matataguan kailanman. Kahit saan ka man magpunta, kahit ilang beses ka magsisinungaling, mahahanap at mahahanap pa rin kita." anang babae at ibinaba na nito ang hawak na baril.
"And if I have to find you again, you won't have time to open your mouth. Dahil pasasabugin ko talaga yang ulo mo."
"Then hindi mo na kailangan ang pera pag nasa priso ka na." he grumbled in response.
"I won't care, baby."
----
Wondering if she made the biggest mistake of her life, Gwen Lacsamana entered the hotel lobby.
She twisted her engagement ring around her finger and wished Kenny had agreed to join her for this pre-wedding vacation. She hoped once that she and Kenny were already married. Mahal kasi niya ang lalaki noon pa, pero mamahalin rin kaya siya nito pag kasal na sila?
"Ms. Gwen Lacsamana?"
Ang biglang pagtawag ng baritonong boses ay ang nagpagulat kay Gwen. Agad naman siyang napalingon, at nakatitigan niya ang pares ng nakakahipnotismong mga mata.
Kung ganon kaganda ang pares ng mga mata nito, ganon rin kaganda ang ngiting iginawad nito. Gwen forgot her nervousness about being in a strange place. She also forgot her loneliness.
"Ikaw ba si Ms. Gwen Lacsamana?" nag-aalinlangang tanong ulit nito.
Sinuri naman niya ang kabuuan ng lalaking kaharap. Mula ulo hanggang paa, at nakita niyang mukhang mamahalin ang kasuotan nito.
"Oo, ako nga si Ms. Lacsamana."
"Russel Del Valle." nakipagkamay ito sa kanya.
Oh my! Ito pala yong bestfriend ni Kenny at klasmet ng mapapangasawa niya simula pa nong high school. At ito rin ang may-ari ng hotel kung saan siya mamalagi ng ilang araw. Sabi ni Kenny libre daw ang accomodation niya dito dahil isa daw ito sa binigay na regalo ng kanyang bestfriend. Pero ang hindi lang niya inasahan na ganon pala ka attractive ang bestfriend ng mapapangasawa niya.
"Know what? Ken didn't describe you very well."
Ganern? Ang sabi lang naman ni Kenny sa kanya na mukha raw siyang anghel dahil sa maamo niyang mukha. Ano naman kaya ang nakita ng lalaking ito sa kanya?
Napansin niyang hindi pa pala siya binitawan ng lalaki mula sa pakikipagkamay nito at humirit pa itong halikan ang kamay niya.
Halos tumindig naman ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa ginawa ng lalaki. Gusto na sana niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit nagsalita ulit ito.
"Ken never said you were so pretty."
Eh hindi rin naman sinabi ni Kenny sakin na makalaglag t-back pala ang bestfriend nito.
"Masaya akong nakilala ka, Gwen. Nasaan na ba ang luggage mo?"
Pretty huh? Eh ikaw nga itong mukhang artista sa hollywood.
Panandalian namang natulala si Gwen, na starstruck kasi siya sa lalaking kaharap. At doon pa lamang siya bumalik sa kanyang presensya nang ibigay sa kanya ng hotel staff ang luggage niya.
Of course Russel Del Valle must be good looking and charming. He had a hotel and resort to run and his job required flattering the guests. "Heto na pala ang luggage ko." aniya pa at saka binawi na niya ang kamay. "S-sige, mag che-check in na ako. Nice meeting you." Napalingon-lingon naman siya sa paligid. "Alam mo, ito pa ang unang pagkakataon na hindi ko kasama magbakasyon ang parents ko."
Russel cocked his head and gave her a curious look. She mentally replayed her words. What a silly thing to say.
"I prefer big pictures to details myself." sabi ni Russel saka hinawakan ang siko niya at iginiya siya sa front desk. "Siya si Ms. Gwen Lacsamana, sweetie, bigyan mo siya ng first-class na suite." anito sa front desk.
The young woman, whose name tag read Rosela, rolled here eyes and gave Russel an admonishing smile. May pagka hokage yata itong boss nila, may pa 'sweetie-sweetie' pa kasing nalalaman sa mga empleyado nito.
Matapos e-encode ng front desk ang pangalan ni Gwen, bumati rin ito sa kanya sa wakas. "Welcome to D Valle Hotel and Resort, Ms. Lacsamana. All of us are looking forward to your wedding." tas binigyan na siya nito ng keycard, brochure ng hotel at isang folder.
"Mom made the arrangement for your wedding. It's all in the folder. I'm sure she'll want to speak to you as soon as you're settled."
"Mom?" tanong ni Gwen kay Russel.
Nginisihan nito si Rosela at pa cute-cute naman na ngiti ang iginanti sa kanya ng dalagita. "Tsk, tsk, sweetie, you have to remember your professionalism." sabi nito sa babaeng front desk na parang kilig na kilig sa amo nito. "Pasensya na Gwen, trainee pa kasi namin siya."
"Tumabi ka nga diyan, Rosela." singit nong isang babaeng kararating lang. "Russ darling, get lost. Don't pay any attention to him, Ms. Lacsamana. Palakero kasi itong anak ko at isip bata naman itong anak ko na si Rosela."
"Mom!" saway ni Russel sa ina.
Ever since Kenny had insisted that they hold their wedding and honeymoon at D Valle Hotel and Resort, Gwen had spoken many times to his Mom Alicia Del Valle, na akala pa naman niya na asawa ni Russel. Ang bata kasi ng boses nito kung pakikinggan sa kabilang linya. Now she realized she had misinterpreted the relationships. Russel and Rosela were siblings and Alicia was their mother. Nahiya tuloy siya sa sarili niya sa mga ina-assume niya. Hindi rin kasi ito nabanggit man lang ni Kenny sa kanya.
Inabot na sa kanya ni Rosela ang isang card na pipirmahan niya. Bigla namang naalala niya ang payo sa kanya ng ama. "You deserve a pre-wedding vacation darling, para na rin makapag-isip ka. Ako at ang mom mo will be busy the entire week kaya hindi ka talaga namin masasamahan. Just have fun. Play your favorite sports. Soak in the hot spring. Because I want you to relaxed before your wedding."
"Is there something wrong, Ms. Lacsamana?" tanong sa kanya ni Rosela. "Maayos lang po ba ang pagka spell ng pangalan niyo?"
/0/31039/coverorgin.jpg?v=64654ff35deafa94cdd282bd5e56d7b7&imageMogr2/format/webp)
/0/26607/coverorgin.jpg?v=20220415102649&imageMogr2/format/webp)
/0/27594/coverorgin.jpg?v=20220516212354&imageMogr2/format/webp)
/0/26937/coverorgin.jpg?v=20230306115511&imageMogr2/format/webp)
/0/26566/coverorgin.jpg?v=20220623114834&imageMogr2/format/webp)
/0/27390/coverorgin.jpg?v=20220427180653&imageMogr2/format/webp)
/0/27239/coverorgin.jpg?v=acfc285d81c092abe01053e81b54265c&imageMogr2/format/webp)
/0/26260/coverorgin.jpg?v=20220415102744&imageMogr2/format/webp)
/0/26660/coverorgin.jpg?v=20220519144256&imageMogr2/format/webp)
/0/26612/coverorgin.jpg?v=20220517072226&imageMogr2/format/webp)
/0/26570/coverorgin.jpg?v=20230129094757&imageMogr2/format/webp)
/0/26589/coverorgin.jpg?v=20220524230758&imageMogr2/format/webp)
/0/26503/coverorgin.jpg?v=07e28ed74bd9a6000981412c1b56a4f1&imageMogr2/format/webp)
/0/36431/coverorgin.jpg?v=20230112170417&imageMogr2/format/webp)
/0/27443/coverorgin.jpg?v=20220525135834&imageMogr2/format/webp)
/0/27206/coverorgin.jpg?v=20230310112237&imageMogr2/format/webp)
/0/27072/coverorgin.jpg?v=20220415102750&imageMogr2/format/webp)
/0/27697/coverorgin.jpg?v=20230705180239&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=20220415102722&imageMogr2/format/webp)