/0/26306/coverorgin.jpg?v=b084f529be27fcd4a094f03ec010499b&imageMogr2/format/webp)
Flashback...
Bilang asawa ng lalaking pinakamamahal niya ng lubos hanggang saan nga ba ang kaya nitong gawin at tiisin? Palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili ang bagay na 'yon at pilit na hinahanap ang tamang sagot, ngunit sa huli ay pikit matang iiling at isasantabi ang katotohanan at patuloy na uunahin ang kanyang pagmamahal sa asawa.
Para sa lalaking kailan man ay hindi niya nakitaan ng pagmamahal sa kanya.
Naalala ko pa noong mga unang linggo naming magkasama sa iisang bahay. Habang nakaupo ako sa sofa ay nakita ko siyang pababa ng hagdan at base sa ayos niya ay aalis ito. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa pwesto ko.
"Wala kang karapatan na tanungin ako kung saan ako pupunta! Wala kang pakialam," sigaw nito sa akin.
"Nagtanong lang naman ako para malaman ko kung anong oras ka uuwi." nakayukong saad ko.
Mabilis naman itong naglakad palapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang panga ko. "Gusto mo talagang malaman kung saan ang punta ko? Maghahanap ng babae na hindi katulad mong desperada!"
Ramdam ko ang pagsakit ng panga ko dahil sa diin ng pagkakahawak nito. Inaamin kung nasasaktan ako sa mga sinasabi niya sa akin pero wala akong magawa kung hindi tanggapin ang lahat ng ito dahil mahal ko siya.
Maya maya pa ay napasalampak na lang ako sa sofa ng marahas niya akong binitawan at itinulak. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaiyak dahil sa ginawa niya.
"Oh ano magdadrama kana naman? Pwes, hindi bebenta sa akin 'yang kaartehan mo." sabi nito
"Ganito na lang ba tayo palagi? Hindi ka ba nagsasawa sa ganitong nangyayari araw araw? Kailan ka magbabago?" tanong ko habang humihikbi.
Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya dahil sa galit. Mabilis niya akong nilapitan at hinila ako patayo habang hawak hawak ang buhok ko. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan! Hindi mo hawak ang buhay ko."
"Kasal kana Thunder!" sigaw ko na mas lalong ikinagalit niya.
"Shut up bitch!" sigaw nito sa akin at bigla akong sinampal. "Ano ngayon kung kasal tayo? Walang magbabago do'n, kasal lang tayp sa papel pero kahit na kailan ay hindi kita mamahalin."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binitawan niya ako at umalis na.
Napahagulgol na lang ako dahil sa nangyari. Sobrang sakit marinig ang mga katagang 'yon mismo sa bibig ng asawa mo. Simula ng maikasal kami ay ganyan na siya makitungo sa akin. Laging galit at walang pakialam sa kung ano ang nararamdaman ko. Madalas niya din akong pagbuhatan ng kamay lalo na kapag sobrang galit siya o kaya ay lasing.
I love him.
He doesn't love me.
He despise me.
Pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin siya kayang iwan dahil mahal ko siya. Kaya kung tiisin lahat ng mga ginagawa niya sa akin na pambabae, panloloko at panananakit dahil naniniwala ako na darating ang araw na magbabago siya at matututunan niya na akong mahalin.
End of flashback.
Jewel POV
Nagising na lang ako ng bigla kung maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko, agad akong tumayo at tiningnan ang orasan at nakita kung alas diyes na pala ng gabi at mukhang napahaba ang tulog ko.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa labas para tingnan kung nasa garahena ang kotse ng asawa ko ngunit nadismaya lang ako ng wala akong makita.
Anong oras na pero wala pa rin siya' isip ko
Siguro nga ay wala siyang planong umuwi ngayong gabi dahil kasama niya na naman ang kung sinong babae niya.
Nang maisip ko 'yon ay bigla na namang nagsisimulangmamasa ang mga mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang pakinggan niya ako. Bakit kasi ang hirap niyang makaintindi, sinisisi niya sa akin ang kasalanan na kahit kailan ay hindi ko naman ginawa.
Kasal nga kami pero parang hindi naman kami mag asawa kung magturingan. Nasa iisang bubong nga kami pero pakiramdam ko nag iisa lang ako. Kapag nandito naman siya ay parang hangin lang ako at kung mapapansin niya man ako o makakapag usap kami ay nahahantong lang sa away at sakitan.
Simula ng ikinasal kami ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ipakitang kinasusuklaman niya ako, na galit siya sakin na ayaw niya sa akin. Wala na siyang ibang inaatupag kung hindi puro pag iinom at pambababae.
Malinaw pa sa isip ko ang mga salitang binitawan niya no'ng maikasal kami. "Pagsisisihan mong nagpakasal ka sa akin," Pero sa isang taong pagsasama namin bilang mag asawa kahit na ganito ang pakikitungo niya sa akin, wala akong ni katiting na pagsisisi na nararamdaman siguro dahil mahal ko talaga siya.
/0/32609/coverorgin.jpg?v=20220924123145&imageMogr2/format/webp)
/0/28804/coverorgin.jpg?v=20220613103124&imageMogr2/format/webp)
/0/26285/coverorgin.jpg?v=20250124155831&imageMogr2/format/webp)
/0/70478/coverorgin.jpg?v=615f7d893feef5a0990e1e92a305f505&imageMogr2/format/webp)
/0/28714/coverorgin.jpg?v=20220803163319&imageMogr2/format/webp)
/0/65188/coverorgin.jpg?v=7350cbd1df0b816e4143a08ac4839a34&imageMogr2/format/webp)
/0/27197/coverorgin.jpg?v=6545592fd1a1932827103bcc3c8ad926&imageMogr2/format/webp)
/0/26596/coverorgin.jpg?v=20220520163548&imageMogr2/format/webp)
/0/73420/coverorgin.jpg?v=8211cc7a00b095c9f81892934b48b22f&imageMogr2/format/webp)
/0/70483/coverorgin.jpg?v=ffa2fb9711837bdcd94b758bc1bb7452&imageMogr2/format/webp)
/0/27206/coverorgin.jpg?v=20230310112237&imageMogr2/format/webp)
/0/95084/coverorgin.jpg?v=39aab295f0d3c05ae7660bc4eaedbffa&imageMogr2/format/webp)
/0/55988/coverorgin.jpg?v=20240424175842&imageMogr2/format/webp)
/0/26263/coverorgin.jpg?v=20220422143327&imageMogr2/format/webp)
/0/27870/coverorgin.jpg?v=20220526000755&imageMogr2/format/webp)
/0/70459/coverorgin.jpg?v=bc31784a38eec45f9323d65725a083d5&imageMogr2/format/webp)
/0/70466/coverorgin.jpg?v=8d18dc7cde298142a46453e6af6f700c&imageMogr2/format/webp)