/0/26566/coverorgin.jpg?v=dad878dbb1542be83f9bf58b0385d41a&imageMogr2/format/webp)
HANGGANG saan ba ang kaya mong gawin para sa mga taong mahal mo? Hanggang saan ba ang kaya mong ipaglaban para ipagpatuloy ang buhay mo? Hanggang saan ka ba dadalhin ng galit at paghihiganti? Hanggang saan aabot ang luha mong walang tigil sa pagpatak dahil sa labis na galit at sakit? Hanggang saan ba?
Kung yan ang tanong na ibabato mo sa isang labing-apat na taong gulang na babae na napupuno ng galit ay isang salita lang ang sagot nito. WALA. Walang hangganan ang lahat para sa kanya. Kaya niyang gawin ang lahat para sa mga taong mahalaga at mahal niya. Kaya niyang manlinlang, magsinungaling at... pumatay para sa kanila. At lahat nang yon ay walang hangganan... hangga't makuha niya ang pinakaasam niya.
Nanginginig ang mga kamay niya. Sa bawat paghakbang niya ay ramdam niya ang panghihina ng mga tuhod niya. Hindi ito ang gusto niyang maabutan. She's expecting her mother lovely smile and a happy laughter of her father. Not this....
Ang mansiong napupuno ng ngiti at tawa noon ay nababalot ngayon ng nakakakilabot na katahimikan. Sa kabila ng mga mamahaling gamit na bumabalot at pumupuno sa mansion ay ramdam na ramdam pa rin ang pagdadalamhati at paninibugho. Parang biglang nawalan ng buhay ang malawak na lugar.
Ramdam niya ang lamig ng sahig sa bawat paglapat ng walang sapin niyang mga paa. Ang kulay puting bestidang lagpas sa tuhod ang haba ay halos kakulay na ng lupa dahil sa mga putik. Ang buhok niya na maayos na nakatirintas ay magulo na at natatakpan na ng ilang hibla ng buhok niya ang kanyang mukhang hilam na sa luha. Nanginginig siya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Hindi ito... hindi ito ang gusto niyang mabungaran. Na saan na ang mga tao rito? Ang mga katulong nila? Si aling Mara at si mang Isko? Si nanay Concia? Ang mga guards? Nasaan na sila?
"Mama! Papa!" Tawag niya sa malakas na boses sa kabila ng kaniyang nanginginig na boses.
Inilinga niya sa buong lugar ang kaniyang mga mata. Sa kabila ng masamang pakiramdam sa katahimikan ng lugar ay pilit niyang iniisip na baka nagtatago lang ang lahat at may hinahanda ang mga itong surpresa para sa kanya katulad ng dati. Na kaya siya pinadala ng mga magulang sa islang iyon dahil may hinahanda silang surpresa para sa kaarawan niya ngayon. Nagbubulag-bulagan siya sa nakikita at nagpapanggap na manhid sa nararamdaman niya.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Sinuyod niya ang buong first floor ng bahay. Hanggang sa nakarating siya sa ikalawang palapag. Binubuksan ang bawat silid at sinisilip habang tinatawag ang mga taong naiwan niya rito sa mansion. Bawat hakbang, bawat paghinga at bawat pagsuyod ng mga tingin niya ay ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"Mama!" Muling pagtawag niya habang umaakyat patungo sa ikatlong palapag. "Papa! Narito na po ako—"
"Señorita...."
Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng mahinang boses na tumatawag sa pangalan niya. She surveyed the wide corridor that only the dim glint from the lamp hanging beside the wall served as the light.
"Señorita! Señorita!" Muling tawag sa kanya na may kalakasan ng boses sa pabulong na paraan.
Napabaling siya sa isang silid na bahagyang nakaawang ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang bahagyang pagsilip ron ng isang pamilyar na mukhang pinagkakatiwalaan niya. Tila may pinagtataguan ito sa uri ng mapanuri at takot nitong mga mata sa paligid.
"Nanay Con—." Bago niya pa matapos ang bulalas niya ay may kamay ng tumakip sa bibig niya na siyang ikinaestatwa niya.
Mabilis siya nitong hinila papasok sa silid na kinaroroonan ng matanda. Nang magsara ang pinto ay don lang siya nito binitawan. Marahas na nilingon niya ang nanghila sa kanya at napasinghap siya nang makilala ito. Ito ang kanilang driver na si mang Isko. Nang sinuyod niya ang silid ay nakita niya pa ang isa nilang katiwala na si aling Mara. Pareho ang ekspresyon ng mga ito. Tensyonado at nag-aalala.
/0/26685/coverorgin.jpg?v=20230306115500&imageMogr2/format/webp)
/0/27239/coverorgin.jpg?v=acfc285d81c092abe01053e81b54265c&imageMogr2/format/webp)
/0/26660/coverorgin.jpg?v=0203a1030c7141672c0d20bed2775210&imageMogr2/format/webp)
/0/26612/coverorgin.jpg?v=20220517072226&imageMogr2/format/webp)
/0/26570/coverorgin.jpg?v=e118cffe9a2e581e908004498626e86b&imageMogr2/format/webp)
/0/26589/coverorgin.jpg?v=20220524230758&imageMogr2/format/webp)
/0/36431/coverorgin.jpg?v=55f752f5fff0b0f129584c0da681d378&imageMogr2/format/webp)
/0/27072/coverorgin.jpg?v=39f5ba17985046e42a5614007d32c0c8&imageMogr2/format/webp)
/0/27443/coverorgin.jpg?v=20220525135834&imageMogr2/format/webp)
/0/27206/coverorgin.jpg?v=20230310112237&imageMogr2/format/webp)
/0/27697/coverorgin.jpg?v=20230705180239&imageMogr2/format/webp)
/0/26576/coverorgin.jpg?v=f78d3312881984f435dc3c14218aa8fb&imageMogr2/format/webp)
/0/27870/coverorgin.jpg?v=20220526000755&imageMogr2/format/webp)
/0/34482/coverorgin.jpg?v=20221124220722&imageMogr2/format/webp)
/0/56193/coverorgin.jpg?v=3a543b9d23ebd51e050209b08e7bbc3c&imageMogr2/format/webp)
/0/26719/coverorgin.jpg?v=20220516113737&imageMogr2/format/webp)