/0/26995/coverorgin.jpg?v=b7d281774acb0c4517df1f715ccc2495&imageMogr2/format/webp)
PAGKABABA KO ng telepono ay itinaas ko ang kamay sa ere para mag-inat. Ilang minuto na lang matatapos na rin ang shift ko. Kating-kati na ang paa kong umalis dito para makapag-ikot-ikot naman sa bayan.
"Yuna!"
Nakasimangot ko siyang nilingon sa kanan. Nakangiti ko siyang pinasadahan ng tingin. Hindi maayos ang pagpla-plantsa niya sa suot niyang blazer, pati ang bestida niya ay may marka pa ng pagkakatupi. Inilingan ko siya sa ayos niya kaya iniharang nito ang dalawang braso sa kaniyang dibdib para hindi ko na mabusisi pa ang kasuotan. Inilipat ko ang paningin sa mukha niyang nakangiti nang malapad.
"Para kang nawawala, Danabebs. Nandito lang naman ako sa tabi mo," pabiro kong sambit.
Tumuwid ako sa pagtayo. Pagod siyang bumuga ng hininga. "May gagawin ka mamaya?"
Mabagal akong umiling, pinanliitan siya ng mga mata. "Wala naman. May party ba?" nakangisi kong sambit kahit may ideya na ako kung saan patutungo ang usapan naming ito.
"Ano'ng party ka diyan. Tig-hirap ang tao ngayon," pairap niyang sabi.
Bumagsak nang bahagya ang balikat ko at isinandal ang sarili sa dingding. Gusto ko na ang umalis para hindi marinig iyong sasabihin niya.
"May ipapakilala ako sa 'yo," nakangiting sambit niya, pati ang mga mata ay nagniningning.
Humalukipkip akong sinimangutan siya. "Ano na naman iyan?" kunwaring naiirita kong wika.
Kahit alam ko na kung saan matatapos ang usapan namin sa sandaling ito ay gusto ko pa ring marinig mula sa kaniya. Baka malay ko, nag-iba na ang sasabihin niya.
"Bagong ka-date. This time magiging jowa mo na, 'to." Kumindat siya dahilan para ngiwian ko siya at ibinaba ang mga braso.
"Siguradong-sigurado ka talagang magkaka-boyfriend pa ako?" taas-kilay kong sambit. Tinitigan ang mosaic tiles na kulay puti at may itim-itim na parang nabuhusan lang.
Sinukuan ko na ang isipang iyan. Nakakapagod maghanap ng single na hindi choosy. Ayaw ko namang makatuluyan ang lalaking gusgusin. Para saan pa't nabuhay ako kung hindi yummy—este guwapo ang makakatuluyan ko.
Kailangan guwapo para hindi ako magsasawa. Paggising ko pa lang, busog na ako. Iyong mga tipong ganoon ang gusto ko. Hindi iyong gigising ako, masisira agad mukha ko kapag nakita ko siya.
"Oo naman. Para hindi ka tumandang may lahi ng ampalaya," natatawa niyang sambit pero bakas doon ang kaseryosohan sa boses niya. "At may kasama ka na."
Mas lalo akong bumusangot. Mga ipinapakilala naman niya sa akin below sa standard ko. Maganda naman katawan kaso ayaw ko ng tall, dark and handsome. Gusto ko tall, white and jaw-dropping, plus rich na rin dapat para isang bagsakang yaman agad.
Malalim akong nagpakawala ng hininga. "Wala ako sa mood makipag-blind date, Danabebs."
Malungkot ang mga mata niya pero ang ngiti niya ay nanghihikayat na huwag kong tanggihan. Iwinagayway niya ang kaniyang phone. "Ica-cancel ko na?"
Walang pagdadalawang-isip akong tumango. "Cancel mo na. Ire-reject din ako niyan," sagot ko.
Kung gaano ako ka-choosy, mas choosy sila. Nag-effort akong mag-ayos, pero ayaw sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mali sa akin. Hindi naman ako sobrang mataba, sakto lang naman iyong XXL size, ah. Ayaw nila iyon, malusog ako at may uubos ng pagkaing hindi nila maubos.
"Sige, sabi mo, e. Sayang, guwapo pa naman." Ngumiti siya nang may pang-aakit. Inilapit niya sa akin ang phone nito.
"Patingin nga," panghahamon ko. Iba kasi ang definition niya sa guwapo.
Baka malay ko ulit naimpluwensiyahan ko na siya kung ano ang tunay na definition ng guwapo.
Binawi niya ang kaniyang phone at ngumisi nang nakaloloko. "Makikipagkita ka?"
Umiling akong ikinaway ang palad. "Hindi na. Hindi naman siya kawalan."
Mahina siyang tumawa. Siya na lang ang makipag-date dahil kailangan niyang makahanap ng rebound mula sa panloloko ng kaniyang ex-boyfriend na hindi naman kaguwapuhan.
Itong best friend ko, pumatol pa talaga sa lalaking Sudanese. Para silang cookies and cream kapag palagi silang magkasama. Salamat nga at wala na sila kasi hindi maatim ng mata ko.
"Bibili kasi ako ng bago kong alaga," sabi ko, paglihis ng usapan bago ko pa masabi sa kaniya kung gaano ako natutuwang single na siya ulit.
Alam kong fresh pa iyong sakit kasi last week lang nangyari. Tanging kuwento lang niya ay may iba na raw-ipinagpalit siya sa kalahi rin nitong Sudanese na na-meet niya. Sabi ko naman noong ikinuwento niya sa akin iyon nang umiiyak: "Ayos lang iyan. Parehas ang kulay nila kaya maghanap ka ng kasingkulay mo at mas guwapo pa diyan."
"Hamster na naman?"
Tumango ako. "Kamamatay lang ng dalawa kong alaga noong nakaraang linggo. Alam mo namang hamster lang ang kasama ko tuwing gabi."
"Bakit 'di na lang aso ang kunin mo? Mas makakapagkatiwalaan pa at hindi ka iiwan. Matagal pa ang buhay," suhestyon niyang inilingan ko kaagad.
"Mas maganda ang hamster. Ang cute kaya nila," sabi ko. Kasing-cute ko sila at saka ang fluffy pa ng balahibo nila. Masarap gawing keychain.
"Mukha kayang daga," walang kautal-utal niyang husga.
Umirap ako. Hindi niya alam kung gaano ka-cute ang hamster saka napakalayo. May deperensya talaga ang mata niya. Hindi alam kung ano ang cute at guwapo.
"Napakalayo ang hitsura sa daga, Danabebs."
"Nanganak pusa namin. Baka gusto mong iyon na lang alagaan mo?"
"Mahirap alagaan ang mga malalaki. Mas gusto ko talagang alagaan ang hamster kasi kahit iwan mo, nandoon pa rin sa kulungan at nakatulog lang."
/0/26588/coverorgin.jpg?v=ebc68973a5ead7f85f02ba55849919cd&imageMogr2/format/webp)
/0/65194/coverorgin.jpg?v=416146f8a4da53e13fd8d83b2859e0e4&imageMogr2/format/webp)
/0/26968/coverorgin.jpg?v=df067f42718ba55ec4d34a8473138d4c&imageMogr2/format/webp)
/0/27044/coverorgin.jpg?v=78ec43be4f346e2f30145b4f5682ca17&imageMogr2/format/webp)
/0/27132/coverorgin.jpg?v=279f90c7d85f170225cd26c0aecedf00&imageMogr2/format/webp)
/0/45102/coverorgin.jpg?v=b38e6d610cd25f1d0748611f57facea5&imageMogr2/format/webp)
/0/26992/coverorgin.jpg?v=20220415102741&imageMogr2/format/webp)
/0/26527/coverorgin.jpg?v=b010f9a50f4664e626e570d85a5eee10&imageMogr2/format/webp)
/0/27269/coverorgin.jpg?v=20220620092324&imageMogr2/format/webp)
/0/26827/coverorgin.jpg?v=20220518175510&imageMogr2/format/webp)
/0/32598/coverorgin.jpg?v=20230214140336&imageMogr2/format/webp)
/0/26752/coverorgin.jpg?v=20220507095910&imageMogr2/format/webp)
/0/28073/coverorgin.jpg?v=bf9caa65ac124d4f544f176a653236cd&imageMogr2/format/webp)
/0/26909/coverorgin.jpg?v=7111284f6e62cc911ed277ae65322485&imageMogr2/format/webp)
/0/26670/coverorgin.jpg?v=85ae602045e4a2f5e21248efd468e01f&imageMogr2/format/webp)
/0/27070/coverorgin.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd&imageMogr2/format/webp)
/0/26914/coverorgin.jpg?v=5569f7739fc2da67ca05f74fdada93af&imageMogr2/format/webp)
/0/27565/coverorgin.jpg?v=12c69cc07d46eb180004262cdf3a3d56&imageMogr2/format/webp)