Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi

Queen Series 1: Amira Zaine Legazpi

Your_BraveQuin

5.0
Comment(s)
70
View
29
Chapters

Amira Zaine Legazpi never expects that she will fall in love. Amira thinks that she is bitter about the word "Love" as she witnessed her older brother and sister's miserable relationships with their loved one's not knowing that the reason behind why she is afraid to that feeling was really deep and painful to the point that she forgot the reason behind her bitterness, and when she finally remembered the real cause,. how can she trust her Loved one's, when she can't even trust the word "LOVE" itself.

Chapter 1 Sue

Umaga na pero hindi parin nagigising si Amira, kaya naman napilitan na si Jane na puntahan ang kaibigan sa silid nito.

Nakita niya ang dalaga na mahimbing pa ang tulog, kahit naaawa siyang gisingin ito ay kailangan.

Agad niya itong nilapitan at niyogyog.

"Amira, ano ka ba gumising ka nga dyan, gusto mo bang malate ka sa first day ng OJT mo?" malakas na sabi niya habang patuloy na ginigising ang kaibigan, nakita naman niyang dumilat ito ng paunti-unti.

"Heto na nga bes, babangon na." tamad na tamad na sagot sa kanya ng kaibigan habang pumipikit-pikit pa ang mga mata.

Habang si Amira naman na kagigising lang ay napangiti nang makita ang napaka cute niyang inaanak.

Four years old na ito pero napaka cute parin niya. Agad siyang bumangon at binuhat ang anak ni Jane.

"Gusto ko narin magka anak haha, ayoko lang ng asawa." bulong nang kanyang isipan.

"Napaka cute talaga ng baby ko. Kamusta ang sleep mo?" pagka usap niya sa bata at niyakap ito nang mahigpit at hinahalik-halikan sa pisngi. "Naku kakagigil." bulong nanaman nang isip niya habang pinipisil ang pisngi ng bata.

Agad naman siyang hinampas ng kaibigan sa braso.

"Tigilan mo nga ang anak ko. Maligo kana" kunwaring pagalit na sabi ni Jane, siya naman ay natawa at muling pinang gigilan ang bata pero saglit lang iyon dahil malalate na siya sa kanyang pupuntahan.

"Heto na heto na. Mas excited ka pa saakin eh." sarkastikong sagot niya at dumiretso na sa banyo.

Matapos maligo at magbihis madaling-madali na si Mira papunta sa office na pag o-ojt-han niya.

Mag aapat na taon na rin simula nang manirahan sila sa bulacan, dun rin nila pinag patuloy ang pag-aaral nilang magkaibigan.

Nag-aaral rin si Jane at kasalukuyan siyang nasa second year college dahil sa pagbubuntis niya at panganganak ay tumigil siya sa pag-aaral. Samantalang si Mira naman ay pinagpatuloy ang pag-aaral at makaka graduate na sa kursong BS in Accountancy.

Nang nasa tapat na nang building agad siyang binati nung guard.

"Good morning, ma'am" masayang pagbati nang mga guard.

"Good morning po!" sagot naman niya habang nakangiti at pinakita sa kanila ang school ID niya. Pinapasok naman siya nito agad dahil alam naman nila anong gagawin ng dalaga rito.

Tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng building at agad na nakita ang mga kaklase na naka hilera sa harap nang isang babae.

"Siguro ito ang magtuturo saamin ng mga gagawin." bulong niya sa sarili.

"Good morning, ma'am! Sorry I'm late." agad niyang sabi nang siya ay makalapit sa mga ito.

"It's okay, Miss Legazpi. But don't be late again." sagot naman sa kaniya nito.

"Yes, ma'am." muli niyang sagot at tumayo ng tuwid.

"By the way, my name is Ara Buenaobra. I'm your boss here, bukod sa pinaka boss talaga ng lahat... May mga i-a-assign akong magtuturo sainyo. Maging mabait kayo, okay!" pagpapakilala nito sa kanila.

"Yes, ma'am!" sabay-sabay naman nilang sagot na magkakaklase.

Nagdatingan naman ang mga magtuturo daw sa kanila kaya sumama na sila sa mga iyon at nagsimulang mag trabaho.

"Unang araw ko palang ay parang pagod na pagod na ako huhuhu."

Mahinang pagrereklamo ni mira dahil sa pagod na nararamdaman niya nang matapos ang kanyang trabaho sa araw na iyon.

"Gusto ko nalang talagang gumala ng gumala." dagdag pa niya.

Lupaypay siyang naglalakad palabas nang building, "sa wakas ay makakauwi narin ako." tuwang-tuwang bulong niya sa kanyang isip.

Habang naglalakad na parang ewan at gumegewang pa sa sobrang katamaran ay nakabangga tuloy ito nang kung sino mang tao.

"Sorry po." medyo tamad niyang pag hingi ng tawad sabay may pa yuko pa siyang nalalaman para hindi naman siya pagkamalang napipilitan.

"Come on, Woman. Tumingin ka naman sa dadaanan mo, look at me! Look at my suit." pagalit na sagot naman sa kanya nang nabangga niya.

"Sorry na nga eh! Babayaran ko nalang yung kape at lalabhan ang suit mo." naiinis na sagot ni Amira.

"Wow! Ano namang magagawa ng pag bayad mo sa kape ko? At anong gusto mo mag hubad ako dito sa daan so you can wash my suit? At bakit parang ikaw pa ang galit?" nagpupuyod sa galit na sagot ng binata at pulang-pula na ang leeg nito hanggang mukha.

"Hindi ako galit! Nag so-sorry lang. Tsaka bakit kasi hindi ka nalang umiwas? Tengenge ka din eh, kung may makikita ka bang kotse papunta sayo talagang sasalubungin mo lang?" mataray niyang sagot sa binata na hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya.

"Kung hindi ka kasi pagewang-gewang at kung saan-saan napupunta kanina pa sana ako naka alis! Para ka kasing uod na pahara hara sa dinadaan ko!" Tuluyan ng sumigaw ang binata kaya napatalon sa gulat si Amira at namula ang mukha niya dahil sa kahihiyan na naramdaman.

"Sorry na po." mahinang bulong ni Amira at kumakamot pa sa kanyang buhok. Onti-onti siyang yumuko dahil sa kahihiyan at dahil narin sa nararamdaman niya ang masamang titig sa kanya ng binata. Narinig niya ang malakas na buntong hininga nito kaya mas diniinan pa ni Amira ang pag pikit.

"What's your name?" tanong nito.

"Bakit? Bakit kailangan mo ng pangalan ko." nagtatakang tanong niya.

"I said what is your name." parang nagtitimping ulit ng binata.

"Ayoko nga, bakit ba tinatanong mo pangalan ko ipapakulong mo ako noh? Hoy wala naman atang kaso para sa mga nakabuhos lang ng kape. Nag sorry naman ako eh." sagot ni Amira at tinitigan ng masama ang binata.

"Ang kailangan ko pangalan mo hindi yang mahaba mong lintanya!"

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" tanong niya sa binata.

"Okay, I'm sorry I didn't mean to shout. I just want to know your name that's it." kalmadong sagot naman nito.

Dahil hindi naman alam ni Amira kung bakit kailangan niyang ibigay ang pangalan sa binata ay napag pasyahan niyang huwag itong sabihin at tumakbo nalang.

"AYOKO." malakas niyang sigaw sabay karipas ng takbo palayo sa binata.

"What the! I'll sue you when I see you again, Woman!" malakas na sigaw ng binnata ngunit tuloy-tuloy lang si Amira hanggang sa makahanap siya ng taxi na sasakyan pauwi.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book