I was happy with my life until my dad dropped the bomb. I will get married! I don't like it because I don't know the man I'm going to marry. I still enjoy my life. But when I found out my father's reason, I agreed. And I asked myself... Will I be happy if I marry a man I don't love? Will I be happy if I marry him but, I can still do what I want to do even if he is my husband? Will I be happy? In the few years we have been together, I still have unanswered questions. What if that answer was why he hated me? What should I do?
"Caleigh." Inangat ko ang tingin ko kay daddy na tinawag ang pangalan ko. We're were eating our breakfast.
"Yes, dad?"
"Get ready for your wedding next month." Nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko kaya nakagawa ito ng ingay sa apat na sulok ng hapag kainan.
"What? Can you repeat what you said? Maybe I was just mistaken by what I heard."
"You heard it clearly. Your wedding is on next month."
"But, dad... Kanino naman?"
"Sa anak ni Mr. Monague."
"What the hell, dad? Bakit kayo pumayag na sa anak nya ako magpakasal? Ang liit lang naman ng business nila. Wala tayong mapapala!"
"They are just beginners but his son is good. If he will helps to manage our company there is a chance to grow it even more."
"But-"
"No buts, Caleigh. You will marry him and he will marry you. End of discussion."
I stood up in my seat. "I've lost my appetite," I said and left dad at the dining room.
"And tomorrow morning they will come here to talk about your marriage to his son," I heard him say before I could get away.
I know Mr. Monague but, his son. I don't know him. I haven't seen what his looked like yet. All I knew was that he was a few years older than me.
I don't want to marry a man who older than me. All I want is my age. Naiinis akong bumalik sa kwarto ko at tinawagan ang kaibigan ko.
"What is it?" she asked.
"Ipapakasal ako ni dad sa anak ni Mr. Monague! Alam mo namang ayoko sa mga mas matatanda sa akin! At hindi ko pa rin naman nakikita 'yon. Baka pangit pa!" sunod-sunod kong sabi.
"Ikalma mo puso mo." Natatawa nyang sabi.
"Naiinis ako! 20 years old palang ako. Ayoko pang matali sa isang lalaki lalo na at hindi ko naman mahal!"
"Kailan mo raw ba sya makikita?"
"Bukas daw sabi ni dad. Pupunta sila rito para pag-usapan ang kasal namin!"
"Oh, edi kapag nakita mo tapos ay pangit, sabihin mo agad na hindi ka magpapakasal. Kung pinilit ka, ihanda mo na ang mga gamit mo at tutulungan kitang umalis para magtago," seryoso nyang sabi
"Talaga?"
"Oo nga, ako ang bahala basta sabihin mo lang kung tutuloy ka sa pag-alis ng bansa."
"Sige, sige. Thank you talaga! I love you!"
"I love you too! Call me again tomorrow at mag kwento ka."
"Sige, sige. Bye!" Pinatay ko na ang tawag.
Nakahinga ako nang maluwag. At least may tutulong sa akin kung ayaw kong magpakasal.
Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. Tamad na tamad akong bumangon at binuksan ang pinto.
"Tsk, nasa baba na ang mapapangasawa mo pero hindi ka pa rin nag-aayos."
"What? Ang aga-aga naman!"
"Anong ang aga-aga? Alas otso na kaya, my dearest daughter." He smirked.
"Oo na. Mag-aayos na ako!"
"Huwag mong tatagalan. Kilala kita, Caleigh." Pinanliitan nya ako ng mata.
I chuckled. "Kilala rin kita, Camden," sabi ko at tumawa.
"Oo na lang. Bilisan mo. Maganda ang piliin mong suotin."
"Yes, dad. Pwede ka nang bumaba." Sinaraduhan ko sya ng pinto.
Dali-dali akong naligo. Blinower ko ang aking buhok para matuyo agad. Sinuklayan ko ang may kaikliang itim na itim na buhok at naglagay ako ng kaunting make up.
I was wearing a dress. Maikli ang dress dahil hanggang legs ko lang. Kitang-kita ang maputi at mahaba kong hita.
Umikot ako sa harap ng salamin. Perfect!
Huminga ako nang malalim at lumabas sa aking kwarto.
Binagalan ko ang bawat hakbang ko pababa sa hagdan.
Dumiretso ako sa hapag kainan kung saan ko narinig ang boses ni dad.
Walang emosyon akong tumingin kay Mr. Monague na nakatingin sa akin.
Nakatalikod sa akin ang anak nya kaya hindi ko makita ang itsura nya.
Tumabi ako kay dad kaya nakita ko na ang itsura no'ng lalaki.
He had no expression on his face. He's wearing a white V-neck t-shirt. Hapit na hapit sa magkabilang braso nya ang T-shirt dahil sa kisig ng katawan nya.
Hindi ko maitatanggi na gwapo sya. Nakaupo lang sya pero mahahalata ang katangkaran nya. Ang kanyang madilim na mata ay nakatingin sa akin.
Agad akong nag-iwas ng tingin.
"So, dad. Sya ba 'yung magiging sugar daddy ko?" pagbibiro kong tanong.
Hindi ako lumingon kay daddy. Napaawang ang bibig ni Mr. Monague sa tanong ko.
'Yung nasa harap ko naman ay nanatiling blangko ang tingin sa akin.
Narinig kong tumawa si daddy.
"I'm too young to be a sugar daddy," he said coldly.
I chuckled playfully. "So, sugar brother na lang? Tutal naman ay halatang kuya lang kita..." sabi ko at pinasadahan ang buo nyang katawan ng tingin. I raised a brow.
Sa totoo lang ay hindi ko sya gustong pakasalan kahit gwapo sya. Hmm. But...
Tumikhim si Mr. Monague kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan din sya ng kilay.
"Nasabi na naman sayo ng daddy mo na ipapakasal ka nya sa anak ko. He's my son, Karsyn Jeiroh."
Tumingin ako kay Karsyn.
"Nice name. By the way, I'm Caleigh," sabi ko at tumingin sa pinggan na walang laman.
Hindi sya umimik.
"Pwedeng kumain muna tayo? Gutom na ako."
Hindi sila sumagot pero pinagsilbihan na kami ng mga katulong namin para kumain.
Tahimik lang akong kumakain at hindi gustong makisali sa pag-uusap nila.
"So, the wedding is on June 4. Dahil sa June 7 ay pasukan na ulit nila Caleigh," sabi ni Mr. Monague.
Tumango si dad. "Yes, and it's only civil wedding. The wedding will be held only in the municipality," sabi ni daddy.
Nakikinig lang ako. May ilang linggo pa naman para paghandaan ko. May ilang linggo pa para pag-isipan ko kung gusto ko bang makasal sa kanya o hindi.
Tumayo ako nang matapos akong kumain.
"Aakyat na po ako, dad," sabi ko.
"Isama mo si Karsyn. May pag-uusapan lang kami ni Darrel." Tumingin sya kay Mr. Monague at tinanguhan.
Napairap na lang ako ng palihim.
"Sumunod ka sa akin," sabi ko at tumalikod na.
Sa garden na lang ako pumunta para magpahangin.
Umupo ako sa bench at nag cellphone. Balak ko sanang tawagan si Harleyanne para magkwento pero nakita kong pumasok sa garden si Karsyn.
Ang laking lalaki nya talaga. Kung pagtatabihin kami ay mahahalatang magkapatid lang kami dahil manliliit ako.
Siguro ay nasa 25 o 26 years old na sya. Sobrang tanda nya talaga sa akin. But he's hot... I wonder if he has a girlfriend... Pero wala siguro dahil hindi naman sya papayag kung mayroon...
Nakapamulsa syang naglalakad papalapit sa isang bench at umupo.
Nakatingin lang ako sa kanya. Gan'yan kaya sya sa lahat ng tao? Parang hindi na pag-iisipan kung kakausapin ba sya dahil pangungunahan agad ng takot.
"Stop staring at me." Hindi ako sumunod sa sinabi nya.
May something sa akin na gustong gusto syang titigan.
Lumingon sya sa akin kaya nagtama ang tingin naming dalawa. His cold stare send shivers down my spine.
Nang hindi ko kinaya ay iniwas ko ang aking tingin.
"Tsk."
"May tatanong lang ako," sabi ko at humarap ulit sa kanya. Diretso na ulit ang tingin nya.
Hindi sya umimik kaya tinuloy ko 'yung tanong ko.
"Bakit hindi nyo kasama ang mama mo or kahit kapatid mo lang?" I asked curiously.
Kanina ko pa rin tinatanong ang sarili ko kung bakit silang dalawa lang ni Mr. Monague ang pumunta. Iniisip ko rin na baka busy ang mama nya o wala syang kapatid. Kasi dapat buong pamilya ang kasama kapag pupunta ang anak na lalaki sa mapapangasawa. O mali lang ang pagkakaalam ko. Ano bang pakialam ko?
Humarap sya sa akin at nanlilisik akong tinignan. Kumunot ang noo ko. Bakit sya nagalit?
"Don't ask me again about my family and I won't ask you about your family either. Even if you become my wife, you still have no right to ask about my life," he said coldly and stood up. He went back inside and left me confused.
Masyado na ba agad ako nanghimasok? Gusto ko lang naman sya tanungin dahil kuryoso ako.
Nagkibikit balikat na lang ako at tumayo. Bumalik ako sa aking kwarto at tinawagan si Harleyanne.
"Kamusta? Gwapo ba o hindi?"
"Well, he's handsome. But, damn! He's so older to me!"
"Kailan ba raw ang kasal?"
"June 4 daw."
"So, nagpag-isipan mo na ba kung papakasalan mo sya?"
"Hindi pa. But, this wedding is not my dream wedding. I want church wedding not civil wedding," sabi ko at niyakap ko ang unan ko.
"Tell that to your dad. I know that he will do what you wish."
Natigilan ako sa sinabi nya.
"I want a church wedding. But, I will marry the man I don't love. Ayoko naman na ganoon. I promise to myself that I will only marry the man I love in the church. I don't know if it still possible to happen," I softly said.
"Mangyayari naman iyon kung hindi ka ikasal sa lalaking hindi mo mahal. Kausapin mo ulit si tito, sabihin mong tutol ka. Alam kong susundin ni tito lahat ng gusto mo."
"Pero meron sa loob loob ko na walang pagtutol..."
"You have to think about that. And I'm sure, you can file an annulment if you've found the one you really love and want to get married."
I thought about what she said. She's right, but how long will I wait? Will I be able to wait or will I allow myself for the rest of my life to be tied to the man I don't love? I don't want it...
"Pag-isipan mo nang mabuti, Caleigh."
"I will. Thank you."
"Don't mention it. Bye."
"Bye." I ended the call.
Sa bawat araw na lumilipas ay iniisip ko ang magiging desisyon ko. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko. Will I be happy if I marry him?
Nakausap ko na rin si dad. Sinubukan kong tumanggi pero ang sabi nya ay makakatulong si Mr. Monague sa hinahanap namin.
Lalong nagulo ang isipan ko. Alam kong mas magiging masaya si daddy kung mahanap na namin 'yung matagal nang hinahanap. Lahat gagawin nya para mahanap lang sya.
3 days before our marriage, I finally decided. I chose to marry him for my daddy. Gusto kong maging masaya si daddy. Kung makakatulong sila sa paghahanap, hahayaan kong maikasal ako kay Karsyn.
My father happiness is my happiness too. I know he's still not totally okay because of my mother who died years ago. Ilang taon pa ang nagdaan para makabangon sya sa sakit na naramdaman sa pagkawala ni mommy.
At dumating ang time na gusto nya na ulit mahanap ang isang tao na magbibigay din ng kasiyahan sa kanya. Hindi ako tumutol kahit na matagal na nyang pinapahanap 'yung taong 'yon.
I know I'm not enough to make him happy so even though I don't want to do what he asks me to do, I do it as long as I can. But, if I don't agree to do that, he won't force me. Ngayon nya lang ako pinilit gawin ang pinapagawa nya.
"Are you sure?" Harleyanne asked.
"Yeah... for dad."
"Kung 'yan ang gusto mo, susuportahan kita. So, gusto mo bang pumunta sa bar bukas? Huling araw mo na sa pagiging dalaga dahil ikakasal ka na kinabukasan."
I sipped my coffee before I answer her question. "What time?"
"6 PM. Alas nuebe ka uuwi para hindi ka ma-late sa kasal mo. Sa inyo ako matutulog para matulungan ka rin sa pag-aayos."
"Sure. No problem." I smiled.
Nag-usap na kami para sa pasukan. Nakabili na kami ng gamit last month kaya wala ng po-problemahin. Handa na ang lahat.
Alam kong gagana na naman ang pagiging maldita ko pero may kaba pa rin akong nararamdaman. Bully ako noon pero ngayon ay medyo nagbago na rin ako.
"Nag-aayos na ako," sagot ko kay Harleyanne.
"Bilisan mo. Magkita na lang tayo roon."
"Sige," sabi ko at pinatay ang tawag.
Binilisan ko na ang pag-aayos. I was wearing a gardenwed casual dress and high heels.
Kinuha ko ang sling bag. Sinuot ko muna ang aking shades bago bumaba.
Tumama ang sa akin ang sinag ng araw. Magtatakip silim na rin.
Nag-drive ako papunta sa bar na sinabi ni Harleyanne.
Nang makababa sa kotse ay inalis ko ang shades at nilagay sa sling bag na dala ko.
Nakita ko agad si Harleyannes sa entrance ng bar.
Nagyakapan muna kami bago pumasok.
Maraming tao ngayon. May mga nagme-make out, nagsasayawan at kung ano-ano pa. Dumiretso kami sa table kung nasaan 'yung mga dati naming kaklase nung highschool.
Pitong lalaki at walong babae including me and Harleyanne.
"Iyan lang ang inumin mo. Dalawang baso lang para hindi ka malasing," sabi ni Harley at inabot sa akin baso na may lamang wine.
"Hindi naman ako madaling malasing, Harley," sabi ko, sabay inom ng wine.
"Tsk, basta dalawang baso lang. Babantayan kita."
I pouted. Nakatingin lang ako sa mga taong nagsasayaw habang unti-unti akong umiinom.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi. Nakita ko si Karsyn na may kasamang babae na halatang kaedad nya.
Inubos ko ang lamang wine bago sila sinundan. Hindi ko pinansin ang tawag ni Harley sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko ba sila sinundan.
Napahawak ako sa aking bibig dahil sa nakita. Naghalikan sila ng kasama nyang babae bago pumasok sa isang private room.
Nang makapasok sila ay nanatili pa rin akong nakatayo. Bumalik lamang ang diwa ko dahil sa mahinang sampal sa akin ni Harley.
"Anong ginagawa mo rito? Nakatulala ka pa."
"Ah... wala. May tinignan lang ako," sabi ko at nag-iwas ng tingin. "Uuwi na ba tayo?"
"Gusto mo na bang umuwi tayo? Isang oras palang tayo rito. Sulutin mo na ito, baka kapag nakasal ka na ay pagbawalan ka nya."
Naglakad na kami pabalik sa table namin.
"Hindi naman siguro," sagot ko na lang.
Hinila ako ni Harley patayo. "Sa dance floor tayo."
Nakisabay ako sa pagsayaw kay Harley. Tawa kami nang tawa kapag may nasasagi kami.
May naramdaman akong tao sa likod ko. Iginiling ko ang katawan ko pababa habang nakatalikod sa kanya. Susulitin ko na dahil hindi ko alam kung may susunod pa ito.
Nang humarap ako ay mukha ng lalaking nakangisi ang bumungad sa akin.
"Age?" I asked at humawak sa balikat nya. Hindi sya medyo matangkad.
"22," he replied at humawak sa magkabilang bewang ko.
Ngumisi ako. He's only 22 years old pero hindi halata. Gwapo naman sya kaya pwede na rin.
Ginigiling-giling ko ang katawan ko. Ramdam ko na may tumitigas sa baba nya pero hindi ko pinansin.
Hindi ko na kailangan tumingkad dahil hinawakan ko ang batok nya para maibaba at hinalikan ko sya.
This is the last.
Habol ang hininga nang mag hiwalay ang labi namin.
"Magaling," he said. Lalo akong ngumisi.
Hinalikan ko ulit sya. "Thank you," sabi ko at tinalikuran sya.
Nakangiti akong bumalik sa table kung saan nakaupo na si Harley.
"Uwi na tayo," sabi ko at kinuha sa upuan ang sling bag ko.
Tumango sya at tumayo. "Una na kami, guys. Next time ulit," paalam nya.
Nakipag beso lang kami at lumabas na.
Hindi ko sila nakausap pero ayos lang na nakasama ko ulit sila.
"Hindi mo dala ang kotse mo?" I ask her.
"Hindi ko na dinala."
"I saw your fiance earlier."
"Hmm... Where?" I asked while driving.
"Inside the bar. Kanina habang may kasayaw ka. Hindi ko natingnan masyado pero parang nakatingin sya sayo at sa kahalikan mo." Na-preno ko bigla 'yung kotse dahil sa sinabi nya.
Nakatingin sa akin? May kasama syang ibang babae kanina at may ginawa sila paanong nakabalik sya agad?
"Sinong kasama?" tanong ko at hindi pinansin ang pagrereklamo nya na muntik na raw syang mamatay. OA.
"Kaibigan nya yata, 'yung gwapong lalaki..."
Nangunot ang noo ko. Wala naman syang kasamang lalaki no'ng makita ko sya. Sabagay, alangan namang kasama ang kaibigan nyang lalaki kapag makikipag ano sya sa babae. Ano kaibigan nya, audience?
Napailing na lang ako at nag-drive muli.
Natahimik na kami sa byahe.
"Caleigh, nasa kwarto mo na ang susuotin mo para bukas. Huwag mong susukatin," sabi ni dad nang makita kaming pumasok.
Humalik ako sa pisngi nya. "Okay," I replied.
"Good evening, tito!"
"Good evening, Harley. Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa po," sagot ni Harley.
"Kumain na kayo," sabi ni dad kaya nagpaalam na kami.
Nang matapos kumain ay dumiretso kami sa kwarto. Nag half bath muna kami pareho. May dala namang syang damit para pang tulog. Dala nya na rin ang susuotin nya para bukas.
"Kinakabahan ako para sayo," she said. Nakahiga na kami at nakatingin sa kisame.
Ramdam ko pa rin ang epekto ng alak na nainom ko kanina.
"Parang kailan lang noong nagkakilala tayo. Bully ka pa noon tapos bukas, ikakasal ka na."
Bumalik sa akin ang ala-ala noong nagkakilala kami.
"Sabi ko pa noon na ikaw ang dapat maunang ikasal kaysa sa akin." Tumawa ako.
"Yes, I still remember that. Dapat ay 30 years old ka at ako naman ay 28 years old pag ikakasal. Gusto mo kasing may tumawag sayo na tita." Tumawa ulit kami.
"Gusto ko talaga... pero ilang taon pa ang hihintayin..."
"Wala pa nga akong jowa tapos anak agad gusto mo?"
"Maghanap ka na kaya. NBSB ka tapos walang pang first kiss. Galaw galaw na, Harley. Nauunahan na kita."
"Gago ka talaga." Nagtawanan kami.
"Feeling ko... mas mauuna pa rin akong magkaanak kaysa sayo..."
"Wow, aminado, ha? Ayos lang."
"Ewan ko sayo. Feeling ko lang naman. Matulog na tayo."
Tumawa ako. "Sige. Good night."
"Good night din."
Nagising ako sa ingay ng alarm.
Wala na sa higaan si Harley nang bumangon ako.
Napatingin ako sa pinto na bumukas. "Buti at gising ka na. Kain ka muna bago ka maligo," she said.
Tumango ako at tumayo. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos.
Bumaba na ako at si Harley naman ay maliligo na. Busy'ng busy ang mga kasambahay para sa kasal ko.
"Good morning!" I kissed his cheek.
"Good morning, Caleigh!" Nakangiting sabi ni dad.
Umupo na ako at kumain.
"Marunong ka na naman sa mga gawaing bahay, Caleigh. Hindi na kayo mahihirapan ni Karsyn pag sa isang bubong na kayo tumira."
"Yeah..." alam kong dadating sa punto na sa isang bahay na kami tumira.
Isang oras ako sa loob ng banyo. Nang makalabas ay may dalawang bakla na bumungad sa akin at kasama si Harley.
Inayusan nila ako.
"Ang ganda mo talaga!" sabi nung isang bakla na may bangs at hinawakan ang buhok ko na kinulot ang baba.
"Salamat." Ngumiti ako.
Hanggang ibaba ng tuhod ko ang haba ng white dress na suot ko. Simple lang ang ayos ko pero mahahalata pa rin ang kagandahan ko.
Kinakabahan ako habang pababa sa hagdan. Pilit ang ngiti kong sinalubomg sila. Nakangiti sila sa akin at halatang masaya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung masaya ba ako.
Kahit papaano ay may naramdaman akong saya. Siguro masaya ako dahil masaya sila, hanggang doon lang siguro.
"Masaya ako para sayo, Caleigh," sabi ni nanang Alice at niyakap ako.
I force a smile. "Thank you po," I whispered.
Si nanang Alice ay matagal nang naninilbihan sa amin. Simula raw noong nagdalaga si mommy ay nanilbihan na sya.
Isa si nanang sa nakakita sa paghihirap ni mommy at daddy noon.
Niyakap ko isa-isa sila dad bago kami lumabas. Naghihintay na sa labas ng munisipyo sina Mr. Monague nang makarating kami.
Tumingin ako kay Karsyn na seryoso lang na nakatingin sa akin.
Pumasok na kami sa loob kung saan nag hihintay ang ibang mga ka-close ko na-invited. Hindi ko kilala ang mga inimbitahan nina Mr. Monague.
Hindi kami gaano karami. May mga co-business man din ni dad at Mr. Monague.
Tahimik lang kaming dalawa ni Karsyn sa harap ng taong magkakasal sa amin. Nakangiti man ako ay pilit lamang para hindi nila makita na napipilitan lang kami sa kasal na ito.
"Karsyn Jeiroh Monague, do you take Caleigh Andriette Vasper as your lawfully wedded wife to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish."
"I, Karsyn Jeiroh Monague, take thee, Caleigh Andriette Vasper to be my wedded wife to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish."
Parang pinipiga ang puso ko sa bawat salitang mga lumabas sa bibig nya. He has to pretend, I have to pretend. We have to pretend.
I'm crying not because I'm happy, I'm crying because I didn't expect this to happen to me... marrying the man I don't love.
"Caleigh Andriette Vasper, do you take Karsyn Jeiroh Monague as your lawfully wedded husband to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish?"
Ilang segundo akong tumingin sa kanya habang lumuluha bago sumagot.
"I, Caleigh Andriette Vasper take thee, Karsyn Jeiroh Monague to be my wedded husband to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part."
"You may now kiss each other."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Napalingon lang ako ulit ako sa kanya dahil sa paghawak nya sa mukha ko.
I felt his lips on mine. Ilang segundo lang nagkalapat ang labi namin. Narinig ko ang palakpakan nila.
Pilit ang ngiti kong humarap. Malalaki ang ngiti nila at halatang masasaya.
Pagod na pagod akong humiga sa kama. Katatapos lang ng kainan sa isang kilalang hotel at ngayon lang kami nakauwi.
Dito ulit matutulog si Harley dahil tutulungan nya raw ako bukas sa pag-aayos ng mga gamit ko sa bahay na titirahan namin ni Karsyn.
Chapter 1 Prologue
07/04/2022