icon 0
icon MAG-TOP UP
rightIcon
icon Kasaysayan ng Pagbasa
rightIcon
icon Mag-log out
rightIcon
icon Kunin ang APP
rightIcon
closeIcon

I-claim ang Iyong Bonus sa APP

Bukas

Mga Libro ng Pag-ibig para sa Ladies

Mga Bestseller Ongoing Completed
Huli Na ang Pagsisisi: Ex-wife Ko, Napangasawa ang Matinik Kong Kaaway

Huli Na ang Pagsisisi: Ex-wife Ko, Napangasawa ang Matinik Kong Kaaway

Walong taon nang hinahabol ni Lynda Bennett si Charles Watson, nang sa wakas, nang lasing na lasing si Charles ay natulog siya kasama si Lynda. Nang siya'y nabuntis, saka lang pumayag si Charles na pakasalan siya, bagaman may pag-aatubili. Pakiramdam ni Lynda ay sa wakas ay nahawakan na niya ang puso ni Charles, ngunit noong araw ng kanilang kasal, trahedyang nasagasaan at napatay ang kanyang ina ng pamangkin ni Charles na si Eleanor Watson. Kinabukasan, tinakot ni Charles si Lynda gamit ang buhay ng kanyang ama upang bawiin ang demanda. Doon lang niya naunawaan na ang tunay na mahal ni Charles ay si Eleanor. Binugbog ni Eleanor si Lynda ng husto kaya't napunta siya sa ospital, at pinilit ni Charles si Lynda na pumirma sa kasunduan ng pag-aayos; hinila ni Eleanor ang oxygen tube ng ama ni Lynda, at pinilit ni Charles si Lynda na humingi ng tawad kay Eleanor. Kung hindi siya susunod, tatakutin siya ni Charles ng diborsiyo. Akala ni Charles na hindi siya iiwan ni Lynda dahil siya'y nagdadalang-tao. Ngunit nagkamali siya. Hindi lang umalis si Lynda kundi dinala pa ang kanilang anak na babae at nagpakasal sa kaaway ni Charles. Labis na nagsisi si Charles, ang dating malamig at kagalang-galang na lalaki ay ngayon ay mapagpakumbabang nakaluhod, "Lynda, patawarin mo ako, handa akong mamatay para mapatawad." Tumalikod si Lynda kasama ang kanilang anak na babae, hindi na muling lumingon. Habang papalayo, sinabi niya, "Sige, gawin mo kung ano ang gusto mo."
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ

Jose Victorino De Vera III, apo ng isa sa apat na founder ng pinakakilalang unibersidad sa bayan ng Mercedes. Gwapo, mayaman, playboy at sikat na actor ng SJU Theater Arts Guild na siyang gumanap sa role na Crisostomo Ibarra. Ang kaniyang leading man. Pero taliwas sa pagkakakilala ng iba sa binata na parang walang pakundangan kung magpalit ng nobya. Para sa kanya si JV ang pinaka-mabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at tatay niya. Gentleman, romantic at kapag kasama niya ang binata ramdam niyang safe siya. Ilan lamang ang mga iyon sa dahilan kung bakit ang batang puso niya ay unti-unting nahulog ng lihim dito. Nasaktan siya nang aminin sa kanya ni JV na may ibang babae na itong nagugustuhan. Ngunit sa kabilang banda ay nagawa parin niya itong tulungan sa hiningi nitong pabor. Ang mag-pretend silang siya ang nililigawan ng binata. Gusto niya ang feeling at sa bawat gawin ng binata ay ramdam niyang parang siya ang totoong nililigawan nito. Huwag nalang sumagi sa isip niya ang katotohanan at naglalahong bigla ang kilig na nararamdaman niya. Until isang pangyayari ang nagbigay linaw sa lahat. At iyon ay dahil sa kagagawan ni Irene, ang ex ng binata. Bawal siyang magboyfriend, iyon ang kasunduan nila ng kuya niyang si Lloyd. Pero dahil mahal siya ni JV ay ito mismo ang nagsuhestiyon na ilihim muna nila ang tungkol sa kanila hanggang makagraduate siya. Happily ever after na sana, pero biglang umuwi si Lloyd. At hindi ito tumigil hanggang sa nalaman nito ang totoo. Pero siya ang mas higit na nagulat, at natakot siya dahil bukod sa pinag-usapan nila ng kapatid niya ay may mas malalim pa pala itong dahilan para ayawan si JV. Ngayon ay kailangan tuloy niyang mamili sa dalawa. Si Lloyd na kapatid at kadugo niya. O si JV na hawak ang puso at buhay niya?