My Boyfriend's Secret Lover

My Boyfriend's Secret Lover

BinibiningAttorney

5.0
Komento(s)
480
Tingnan
69
Mga Kabanata

     An uncommon love triangle story that involves two heartthrob men and one nobody girl.      Celine Santos is just a simple girl living her simple life. Until one day, her life started to change when she became the girl of the campus heartthrob, Marc Robert Lim. Because of that, Martha Diaz, a pretty, rich but wicked girl who loves Marc since then, hated her so much and ruined their romance. Charles Sevilla, the campus crush of his both old and new school came into the scene and brought a huge impact on their relationship.      Is it really possible that the person ruined your first romantic relationship would be the way for you to find the real love story that will unexpectedly last forever?

Chapter 1 First Impression

Chapter 1 : First Impressions

Celine's Point Of View

Yumuko o tumingin palayo. Mula kanina ay iyan ang ginagawa ko habang binabaybay ang daan patungo sa aming classroom. Ang dami na naman kasing mga matang nakasubaybay sa akin at mga bulungang hindi na 'ata talaga matatapos pa.

Hinayaan ko na lang at nagpatuloy ako sa paglalakad. Oo nga pala, ako si Celine Santos, 20 years old, fourth year student sa Doña Ariela Highschool, isang private school. Hindi kami mayaman at ang tanging dahilan lang kung bakit nakapasok ako rito ay ang scholarship ko. Valedictorian ako since elementary hanggang high school at na-maintain ko naman iyon hanggang ngayon kaya nandito pa rin ako.

Sabi nila kapag matalino ka sa school, tanga ka pagdating sa pag-ibig at mukhang napatunayan ko naman iyon. Kung may rankings lang sa pagiging engot sa pag-ibig, paniguradong mangunguna ako. Tulad ngayon!

"B-babe! Hi," nauutal na sabi ng boyfriend ko nang makita niya ako.

Alanganin akong ngumiti at nagsalita.

"Hi," tugon ko sabay iwas ng tingin.

"Loves- I mean, Marc. Alis na ako. See you later," sabi ng babaeng kahawak-kamay niya kanina at naglakad na.

Kumindat pa 'yong babae at ito namang si Marc, 'di mapigilan ang sarili na mapangiti.

Nang tuluyan ng makaalis iyong babae, humarap sa akin si Marc.

"Oh Celine, bakit nandito ka? Wala ka bang pasok?" tanong sa akin ni Marc Robert Lim, ang heartthrob kong boyfriend.

Parang walang nangyare, 'di ba?

"Mayroon. Sige pasok na ako," sabi ko sabay talikod sa kaniya.

Paalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Humarap ako sa kaniya.

"Babe, nagseselos ka ba?" tanong niya sabay halik sa kamay ko.

"No, I'm not. Kailangan ko lang talagang pumasok. Baka ma-late ako eh," sagot ko.

Ewan ko ba! Bakit hindi ko man lang makuhang magalit sa kanya? 'Tsaka seryoso? Nagtanong pa siya! Siyempre nagseselos ako! Girlfriend niya ako 'no! Naiiyak tuloy ako.

"Good. Hatid na kita sa room niyo," sabi niya pagkatapos ay binuhat 'yong mga gamit ko. Gentleman naman siya. Sa puso ko lang naman, doon lang siya hindi gentle.

Habang naglalakad kami, hawak niya 'yong kamay ko. Naalala ko tuloy iyong nakita ko kanina! 'Di ako maka-move on! Naiiyak na talaga ako.

"Marc, punta lang ako ng CR," paalam ko sa kaniya.

"Okay, sure. Dalhin ko na 'to sa room niyo then diretso na ako sa klase namin, okay? Bye babe, ingat ka," sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi at naglakad na.

Ako naman ay nagmamadaling pumunta ng CR habang pinagtitinginan na naman ng mga students. Well, sanay na ako. Marami akong kaibigan dito, pero mas maraming kaaway. Hindi naman talagang kaaway. Marami lang talaga sila na ayaw sa akin.

Two main reasons why. Una, dahil mahirap lang ako at 'di ako kasing-yaman ng mga students dito. Pangalawa, dahil sa hot, rich, heartthrob and famous kong boyfriend. Bakit? Obviously, ayaw nila ako para sa kaniya dahil hindi raw kami magka-level at hindi kami bagay.

Dahil doon, halos lahat ng tao dito kilala ako at kilala ko. Kilala ko, pati mga babae ni Marc.

Ano ba iyan! Naalala ko na naman!

"Tanga-tanga mo, Celine!" Nagtakip ako ng mukha dahil tutulo na talaga 'yong luha ko.

"A-aray!" Napasigaw na lang ko nang bumagsak ako. May nakabangga ata ako.

Naramdaman ko na tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan kahit pa nakahandusay pa rin ako sa sahig.

"Miss, I'm sorry. Hindi ko sinasadya," sabi sa akin ng lalaki na nakabangga ko na wow! Sobrang guwapo!

"Are you okay?" tanong niya.

Nakatulala lang ako sa kaniya.

"Miss?" Kumaway siya sa akin.

"Ha?" nasabi ko. Medyo tulala pa rin ako eh. Natawa siya at OMG! Ang cute ng dimples niya!

"Sabi ko, 'are you okay?'" ulit niya pagkatapos niyang matawa nang kaunti.

"Ahhh, yeah! I'm okay," sabi ko sabay kamot ng ulo. Kahiya-hiya ka, Celine!

"Sure ka ba? Umiiyak ka eh," panigurado niya.

Oo nga pala! Nagpunas ako ng luha pagkatapos ay ngumiti sa kaniya.

"Oo ayos lang ako. Wala 'to. Hindi 'to dahil sa bangga," natatawang sabi ko.

"Ahhh, gano'n ba. Sorry nga pala, 'di ko sinasadya," paumanhin niya.

"Okay lang talaga," nakangiti kong tugon.

He smiled then helped me get up. Oo, nakipagkuwentuhan ako sa kaniya habang nakasubsob pa rin ako.

So, tinulungan niya akong tumayo. Hinawakan niya iyong kamay ko! Ang lambot at laki ng kamay niya!

Ano ka ba Celine? May boyfriend ka! Mali iyan! Kahit hindi loyal sa'yo 'yong boyfriend mo, dapat maging loyal ka sa kaniya!

"Sorry talaga," pag-uulit niya at ngumiti na parang nahihiya.

"Asus, ayos lang iyon. Anyway, bago ka ba rito?" tanong ko para naman mawala na iyong nararamdaman niyang guilt.

"Yup. I'm from Doña Aparacion High before. I'm Charles Sevilla," sabi niya sabay lahad ng kamay niya. We shook hands.

"Oh I see. Kaya pala you're not familiar. I'm Celine Santos," pagpapakilala ko.

"Wait... What? Celine Santos?" dahan-dahan niyang inilayo ang kamay niya habang kunot-noong nakatingin sa akin.

"Yup. Why? What's wrong?" tanong ko.

"Oh... N-nothing. It just sounds familiar," alanganin siyang ngumiti.

"Ahhh, baka nabasa mo sa mga papers sa labas or narinig mo sa mga tsismis ng ilang students," natatawa kong sabi at ngumiti sa kaniya.

"Well, I think so." Tumango-tango siya pero seryoso pa rin ang mukha niya, "By the way, I need to go. It's nice meeting you, Celine."

"Yeah, sure. Aalis na rin ako, bye!" Ngumiti ako sa kanya. Tipid din naman siyang ngumiti pabalik at naglakad na palayo.

Sinulyapan ko siya. Ang tangkad!

"Siya siguro iyong usap-usapan kanina na tinatawag nilang bagong heartthrob. Well cute siya, pero mas guwapo pa rin ang Marc ko!" sabi ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa orasan sa dingding. Wft! Ano ba 'to? Nakipagdaldalan pa ako oras na pala! 'Di na ako p'wedeng pumunta ng CR pero at least nakalimutan ko pansamantala iyong nakita ko between my boyfriend and that flirt, pretty, rich girl, Martha Diaz.

Nagmadali na lang akong pumasok ng room. Halos kauupo ko pa lang nang magsalita na ang aming guro.

"Good morning," pagbati ni Mr. Albert, our adviser and PE teacher.

Oo nga pala, all girls kami rito sa room. Separate buildings kase 'yong boys sa girls.

We greeted him back.

"Tutal first day pa lang naman, I'm giving you my time. Kayo na lang bahala kung ano ang gusto niyong gawin. Just keep quiet and don't break the rules. I need to attend an important meeting din kase. Si Miss Santos muna ang bahala sa inyo. Is that okay, Miss Santos?" tanong sa akin ni Mr. Albert.

"Yes, sir," I answered.

Tumango siya pagkatapos ay umalis na. 'Di naman ako mahihirapang i-handle 'tong mga classmates ko. Bukod sa all girls, disiplinado at matatalino sila so alam na nila kung ano 'yong tama at mali. Besides, lahat naman sila friends ko. No'ng una kasama sila sa mga nang-aaway sa akin pero nang tumagal na, peace na! Pero dito lang peace, kase sa ibang room palaging war! Lagi akong may death threat.

"Pst! Hoy Celine!" magandang bati sa akin ni Shaira. Shaira Morales, my chubby, madaldal but totoo kong best friend.

"Why?" tanong ko.

"Anong why-why? Bakit dineadma mo lang 'yong nakita mong 'holding hands scene' between your hot, heartthrob boyfriend and that flirt girl?" tanong niya.

"Kanino mo-" Pinutol niya ako sa pagsasalita.

"It doesn't matter. Answer me!" giit niya.

"Okay. Pero wait lang ha?" tugon ko pagkatapos ay tumayo sa harapan.

"Good morning! Libangin niyo muna 'yong mga sarili ninyo. But take note, no gadgets allowed. You can borrow those books on the table if you want, just make sure that you will take care of them and ibabalik ninyo sila nang maayos. You can talk to each other din but in a low voice only. Low voice, Shaira." I announced.

Tumango naman sila. Bumalik na ako sa upuan.

"Wow! Na-touch naman ako. Talagang special mention ako, 'no?" panunumbat ni Shaira.

"Low voice," sita ko sa kaniya.

"Okay! But going back to the topic, bakit dineadma mo lang?" tanong niya.

"What do you want me to do ba?"

"Slap Martha!" She winked.

"Wow! Nice idea! Para ano? Para lusubin ako ng 44 members niya? Plus, kaladkarin ako ng mga supporters ng group nila? Galing!" I told her sarcastically.

May group kase si Martha- ang HPR Power Girls short term for Hot, Pretty and Rich. Siya 'yong leader then may 44 members siya coming from different popular and rich families. Iyong mga supporters naman na sinasabi ko ay 'yong iba pang students dito. Halos 80% ng school, ayaw sa akin at kabilang sila sa mga supporters ng HPR Power Group.

"Oo nga 'no! Baka mawalan ako ng best friend kapag gano'n! Baka maaga kang mamatay!" OA na sabi niya.

I just rolled my eyes.

"Edi dapat inaway mo na lang si Marc! Girlfriend ka niya! You have the right para magalit sa kaniya lalo na kung niloloko ka niya! Kapag hindi ka nag-react, he will continue doing what he wanted to do kahit pa nasasaktan ka na," panenermon niya.

Naging seryoso 'yong reaksyon ko.

"You know I can't do that," I smiled sadly at yumuko.

"What? Why? Because you're afraid of losing him?" sabi niya sabay irap sa akin.

I sighed then looked at her eyes.

"Yes."

"Oh c'mon, Celine! You're so pretty, kind, smart and talented! Maraming magkakagusto sa'yo!" usal niya.

"Mahirap lang ako," sagot ko.

"Sus, iyan ba talaga reason mo?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"He is... He's my first love. He saved me. Siya lang ang nakikita ko. I can't lose him."

Napansin niya 'ata na naiiyak na ako kaya she sighed then hugged me.

"Okay, I'm sorry. Let me change the topic..."

Tumango lang ako.

"OMG! Celine! May bagong student dito and he's sooo cute!" excited na sabi niya.

"Ahhh, yeah. Si Charles Sevilla," tugon ko.

"You know him?" gulat na tanong niya.

"Yeah, I met him a while ago," kuwento ko.

"When? Where? Why? How?" OA na tanong niya.

"Sa faculty, malapit doon sa may CR. Nagkabangga kasi kami," pagpapatuloy ko.

"OMG! Really?" bulalas niya.

"Shhh! Lower your voice. And yup, why?"

"Hey! That's what you call 'destiny'!" sabi niya sabay kiliti sa akin.

"Tsk, adik! Sa mga books at TV lang 'yon, not in real life. And FYI po, may boyfriend ako."

"Whatever, best friend! Kung ayaw mo sa kaniya, sa akin na lang siya!" nakangiti niyang sabi sabay kindat sa akin.

Baliw tsk.

Magpatuloy sa Pagbasa
Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat
My Boyfriend's Secret Lover
1

Chapter 1 First Impression

01/04/2022

2

Chapter 2 Stupidity Sucks

01/04/2022

3

Chapter 3 The Stealer

01/04/2022

4

Chapter 4 Hurt Then Heal

01/04/2022

5

Chapter 5 Being Heartthrobs' Girl

01/04/2022

6

Chapter 6 Ice Cream Feels

01/04/2022

7

Chapter 7 The Old Marc

01/04/2022

8

Chapter 8 Supportive Girlfriend

01/04/2022

9

Chapter 9 Marc Vs. Charles

01/04/2022

10

Chapter 10 Charles' Eyes

01/04/2022

11

Chapter 11 Marc Is Back

01/04/2022

12

Chapter 12 I'm Willing To Set You Free

01/04/2022

13

Chapter 13 Bipolar

01/04/2022

14

Chapter 14 Who's Mr. Right

01/04/2022

15

Chapter 15 Proving I'm The Right One

01/04/2022

16

Chapter 16 Happy Not Happy

01/04/2022

17

Chapter 17 Doubts

01/04/2022

18

Chapter 18 Best Friend

01/04/2022

19

Chapter 19 Surprise!

01/04/2022

20

Chapter 20 Birthday, Not Happy

01/04/2022

21

Chapter 21 Stupidity At Its Finest

02/04/2022

22

Chapter 22 Dedicated Sad Song

07/04/2022

23

Chapter 23 Can I Have This Dance

19/04/2022

24

Chapter 24 When I Was Your Man

19/04/2022

25

Chapter 25 Best Friend Over Boyfriend

19/04/2022

26

Chapter 26 I'll Take Care Of Her

19/04/2022

27

Chapter 27 You're My Everything

19/04/2022

28

Chapter 28 Me, Not Him

19/04/2022

29

Chapter 29 The Four Of Us

19/04/2022

30

Chapter 30 Who's Carla

19/04/2022

31

Chapter 31 Slap

19/04/2022

32

Chapter 32 It's Over

19/04/2022

33

Chapter 33 Marc's Reasons

19/04/2022

34

Chapter 34 It's My Turn

19/04/2022

35

Chapter 35 The Promise

19/04/2022

36

Chapter 36 Treat You Better

19/04/2022

37

Chapter 37 I'll Protect You

19/04/2022

38

Chapter 38 Getting To Know Him

19/04/2022

39

Chapter 39 He's My Hero

19/04/2022

40

Chapter 40 See You Again

19/04/2022