Isa... Dalawa... Tatlo... Nakahanda ka bang ipagtanggol ang sarili mo? Nakahanda ka bang lumaban kung si Kamatayan ang tumutugis sa 'yo? Kayanin mo kayang hamakin ang lahat para sa buhay na ipinagkakait sa iyo? Handa ka bang lunukin ang dignidad at dangal para sa kalayaang inaasam? Ito ang buhay sa bahay ni Kamatayan. Matuto kang tanggapin ang mga imposibleng bagay na ngayon mo lang natuklasan.
Prologo
Ang lahat ng hakbang ay may kaukulang kabayaran. Bawat patak ng dugo ay may misteryong nakalaan.
Ang mabuhay ang tanging hinahangad subalit sino ba ang karapat-dapat?
Sino ba ang nararapat na makaligtas sa laro na sariling buhay ang nakataya? Sino ang nakahandang pumatay para makakuha ng simpatya?
Ito ang mundong kinatatakutan ng lahat, mundong punong-puno ng hinanakit at sakit sa pusong winawasak.
Nakahanda ka bang makipagsabayan sa patayan para makaligtas sa laro ni Kamatayan? Nakahanda ka bang isuko ang iyong dignidad para sa kakarampot na lakas na posible mong makapitan?
Walang ibang sasaklolo kung hindi ang sarili mo, tatagan ang loob para hindi madehado.
Ang laro ni Kamatayan ay nagsimula na, binasa mo ito kaya kasali ka na.
"Wala nang atrasan, kinakailangan mong lumaban"
Kabanata 1
Nakahandusay sa semento ang isang lalaki at wala pa rin itong malay hanggang ngayon. Bugbog ang katawan niya at punong-puno ito ng mga sugat at pasa.
Sa isang madilim na eskenita ito kasalukuyang naroroon at wala ni isa sa mga dumaraan na tao ang pumapansin dito. Para lang itong basura, hindi binibigyang-halaga.
Dahan-dahan niyang iminumulat ang talukap ng kanyang mga mata at unti-unting inaaninag ang paligid. Hindi siya pamilyar sa lugar, hindi niya pa ito nararating sa buong buhay niya.
"N-Nasaan ako?" nanghihina niyang bulong sa sarili at pilit na kinakapa ang kanyang ulo.
Mahirap man ngunit sinusubukan niyang inangat ang kamay hanggang sa magtagumpay siyang mahawakan ang ulo. May nakapa siyang malapot na likido at hindi niya alam pero bigla siyang binalot ng mantinding kaba. Kaagad niyang tinignan ang kamay at halos mamutla sa nakita niya.
Tila binuhusan siya nang malamig na tubig at animo'y panandaliang tumigil ang kanyang paghinga. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Naguguluhan siya. Natatakot.
"T-Tang ina! Imposible!" hindi makapaniwalang sambit niya.
Agad siyang sinalakay ng matinding kaba at sinubukan niyang tumayo subalit nabigo siya. Wala siyang ideya kung ano ba ang eksaktong nangyari sa kanya subalit ayaw man niyang isipin ay tiyak na hindi ito maganda.
Nagtataka niyang tinignan ang kanyang binti subalit hindi niya pa rin ito maramdaman. Muli niya itong sinubukang galawin pero bigo pa rin siya. Naguguluhan na siya sa kung anong nangyayari.
"Tang ina!" muling bulalas niya at halos magulantang sa nakita.
Hindi siya lubos makapaniwala. Namumutla siya ngayon at pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa.
Halos hindi na siya makapaniwala sa nakikita niya. Gusto niya itong iwaksi sa isipan pero ito ang totoong sitwasyon niya ngayon. Kahit na pagbali-baliktarin ang mundo ay hindi na ito mababago pa.
"T-Tang ina, A-Ano bang nangyari sa akin?" mahinang tanong niya sa sarili bago magbagsakan ang mga luha.
Putol ang dalawa niyang binti at nakahiwalay na ito sa katawan niya. Hindi siya makapaniwala. Kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na sasapitin ang kalunos-lunos na trahedya na ito.
"A-Anong nangyari? Ang katawan ko! Paano na? B-Bakit?" sunod-sunod niyang pagtangis.
Hindi na niya alintana ang kondisyon ng katawan ngayon. Nahihirapan na siya. Gusto niyang tumayo at tumakbo para makahingi ng tulong pero hindi niya magawa. Masyadong mahina ang katawan niya.
"Mahabaging Diyos, ano ang nangyayari sa akin? B-Bakit? Hindi ko na alam ang gagawin," naluluhang sabi niya sa pagitan ng pagtangis.
Hindi na niya alam ang gagawin at patuloy pa rin ang paglandas ng kanyang mga luha dahil sa masaklap na katotohanang sumasampal sa mukha niya. Nawawalan na siya ng pag-asa. Walang tao na malapit sa kanya na maaaring sumaklolo.
Impit na sigaw na lang ang lumalabas sa kanyang bibig tuwing magtatangka siyang sumigaw at kasabay nito ang pagragasa ng masaganang dugo sa lalamunan niya. Dahil sa mga natuklasan niya ngayon ay gusto na niyang sumuko at pumikit na lang muli. Wala na siyang maisip na ibang paraan.
Tanging hagulgol na lang ang nagagawa niya. Sira na ang katawan niya na iningatan sa loob ng mahabang panahon. May iilang dugo rin na lumalabas sa kaniyang lalamunan, may maliit na butas ito na siyang pumipigil at nagpapahirap sa kanyang paghinga.
Madilim at masukal ang eskenitang ito, tanging mga basura lang ang nakikita sa kanyang paligid. Mas lalong sumasangsang ang amoy dahil sa natuyong dugo niya. Naawa siya sa kanyang sarili.
May mga bangaw din na nagkalat sa paligid at dinadapuan nito ang kanyang katawan, lalo na ang dalawang binti niya. Bumubulusok din ang dugo mula rito at wala siyang ibang magawa kung hindi ikuyom ang kamao.
Pilit niya itong winawaksi subalit hindi nito magawang maiangat ang kanyang mga braso, masyadong mabigat ang pakiramdam niya. Masyadong nalamog ang buong katawan niya. Hinang-hina na siya.
Hindi na rin naman magtatagal ang paghihirap, anumang sandali ay posible na siyang lagutan ng hininga. Sa kalagayan niya ngayon, imposibleng mabuhay pa siya. Ilang minuto o baka segundo na lang ang natitira sa kanya.
Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at taimtim na nanalangin. Bakas na sa kanyang mukha ang labis na sakit na iniinda niya. Hirap na hirap na siya sa sitwasyon ngayon. Wala na siyang nakikitang dahilan para lumaban.
Nahihirapan na siyang huminga at namumutla na rin ang kanyang balat. Hindi na rin niya magagawa pang habulin ang sariling buhay niya. Wala na rin namang saysay kung mabubuhay pa siya. Wala na siyang magagamit na katawan. Sira na ito. Patapon.
Tuluyan na siyang binawian ng buhay at hindi man lang niya nakita ang taong gumawa sa kaniya ng karumal-dumal na krimen na sinapit niya.
Samantala, sa hindi kalayuan naman ay may isang taong nakakubli sa dilim at may ngisi ito sa kanyang mga labi habang hawak ang duguang itak sa kamay.
May suot itong itim na sumbrero at bahagyang natatakpan ang kaniyang mukha. Ang nakakaloko lang nitong ngisi ang siyang matatanaw. Halatang nasisiyahan siya sa nakikita.
Dahan-dahan itong lumalapit sa patay na katawan ng lalaki at hindi siya napapansin dahil tanging mga sasakyan na lang ang mga dumaraan sa kalsada iyon. Bibihira lamang ang tao na naglalakad dahil dineklarang delikado ang lugar, lalo na sa gabi.
May naglilibot ng mga pulis kaya nagsi-uwian na ang mga tao. Kahit na ipinagbabawal ang pagdaan dito ay marami pa rin sumusuway kaya palaging nag-iikot ang pulisya.
Nasa iisang eskenita lang naman ang lalaking may nakakalokong ngisi kaya hindi na siya nahihirapan pang lapitan ang bangkay. Abot-kamay niya.
Matangkad ang lalaking naglalakad ngayon papunta sa bangkay at may malaki itong pangangatawan na mababakas sa paraan ng paghawak nito sa itak. Halatang bihasa na ito na siya sa paggamit.
Kahit nakapikit ito ay siguradong kaya niyang pumatay ng tao at wala man lang mababakas na takot sa kanyang mukha.
Sinimulan na niyang iwasiwas ang hawak na itak at agad na pinutol ang kanang braso ng binata. Ilang ulit pa ang ginawa niyang pagtaga bago ito tuluyang matanggal. Sa kabila nito ay walang pagod na makikita sa mukha niya.
Agad niyang sinunod ang kaliwa nitong braso bago tuluyang tagain ang ulo ng binata. Rumagasa ang masaganang dugo sa katawan ng lalaki. Nakakasukang tignan però hindi ito alintana ng lalaki.
Kahit na may malapot na dugo ay hindi na nkya ito pinansin pa. Pinulot niya pa rin ang ulo nito at agad na isinilid sa kanyang dalang lagayan.
Napangiti na lang siya sa nakikita at hindi niya akalain na mapapadali ang trabaho niya. Hindi man lamang tumagal ng ilang minuto.
Sinimulan na niya ang pag-alis sa lugar habang dala pa rin ang ulo ng lalaki. Dinala na rin niya ang itak bago tuluyang sumakay sa kotse niya.
Bago pa man siya tuluyan makaalis ay may ibinulong siya sa lalagyan na dala. Iniisip niya pa lang ay natutuwa na siya.
"Kamusta? Masaya bang makipaglaro sa akin? Ako si Kamatayan, lahat ng tutugisin ko ay may paglalagyan," mariing giit niya bago itapon sa likurang bahagi ng kotse ang lalagyan na naglalaman ng ulo ng binata kasama ang duguang itak na ginamit niya.
"Ngayon, sino ang susunod na makikipaglaro sa akin?" nakangising tanong niya sa sarili.
Chapter 1 Kabanata 1
05/04/2022
Chapter 2 Kabanata 2
05/04/2022
Chapter 3 Kabanata 3
05/04/2022
Chapter 4 Kabanata 4
05/04/2022
Chapter 5 Kabanata 5
05/04/2022
Chapter 6 Kabanata 6
05/04/2022
Chapter 7 Kabanata 7
05/04/2022
Chapter 8 Kabanata 8
05/04/2022
Chapter 9 Kabanata 9
05/04/2022
Chapter 10 Kabanata 10
05/04/2022
Chapter 11 Kabanata 11
05/04/2022
Chapter 12 Kabanata 12
05/04/2022
Chapter 13 Kabanata 13
05/04/2022
Chapter 14 Kabanata 14
05/04/2022
Chapter 15 Kabanata 15
05/04/2022
Chapter 16 Kabanata 16
05/04/2022
Chapter 17 Kabanata 17
05/04/2022
Chapter 18 Kabanata 18
05/04/2022
Chapter 19 Kabanata 19
05/04/2022
Chapter 20 Kabanata 20
05/04/2022
Chapter 21 Kabanata 21
08/04/2022
Chapter 22 Kabanata 22
09/04/2022
Chapter 23 Kabanata 23
12/04/2022
Chapter 24 Kabanata 24
13/04/2022
Chapter 25 Kabanata 25
14/04/2022
Chapter 26 Kabanata 26
16/04/2022
Chapter 27 Kabanata 27
16/04/2022
Chapter 28 Kabanata 28
19/04/2022
Chapter 29 Kabanata 29
19/04/2022
Chapter 30 Kabanata 30
19/04/2022
Chapter 31 Kabanata 31
23/04/2022
Chapter 32 Kabanata 32
23/04/2022
Chapter 33 Kabanata 33
23/04/2022
Chapter 34 Kabanata 34
23/04/2022
Chapter 35 Kabanata 35
23/04/2022
Chapter 36 Kabanata 36
23/04/2022
Chapter 37 Kabanata 37
23/04/2022
Chapter 38 Kabanata 38
23/04/2022
Chapter 39 Kabanata 39
23/04/2022
Chapter 40 Kabanata 40
23/04/2022