/0/26575/coverbig.jpg?v=eead408615afb795e7c2d9db3326fb56&imageMogr2/format/webp)
Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano kung sa pakikipagsapalaran ni Elizabeth sa Manila, makikilala niya ang isang maruming lalaki na di niya kilala at di aakalain mayroon itong amnesia. In short, wala siyang naaalala kahit ni isa? Kasamahang palad, wala na ngang naaalala, di pa ito marunong mag-tagalog. Tutulungan nya ba bumalik ang alaala nito kahit inglesherong estranghero ito?
Napatingin na lamang ako sa isang kainan. May pinagbubugbog na lalaki doon. Nakita kong nagso-sorry ang lalaking puno ng dumi ang damit halos di na makilala ang mukha nito sa lalaking nambubugbog sa kanya.
"Ouch! I'm not a thief! I'm just watching how you cook." Sabi ng lalaking pinagbubugbog at english ang kanyang salita.
"Tarantado ka! Gusto mong nakawin ang tinitinda ko!" Galit na sabi ng lalaki sabay pinagsisipa ito.
Dali-dali naman akong lumapit dito at inawat ito.
"Kuya! Child abuse ka!"
Nagtago naman ang maduming lalaki sa likuran ko.
"He wants to kill me." Sumbong naman nito sa akin.
"Balak niyang nakawin ang niluto kong pandesal!" Galit na sabi ng tindero.
"I'm hungry!" Sagot lang ng englisherong maduming lalaking ito.
"Kuya, bibili ako ng sampung pandesal. Wag mo na siya pag-initan. Maawa naman kayo sa kanya wala siyang pamilya saka sa kalye lang siya nakatira." Sabi ko dito.
"Tsk! Sige, basta umalis na yang maduming lalaking yan!" Payag ng lalaki.
"Oo. Ako na po bahala sa kanya." Sagot ko.
Nilagay nito sa plastic ang tinapay. Binigyan ko na nga siya ng pera bilang bayad at kinuha na ang binili kong pandesal. Hinila ko na yung englisherong maduming lalaki paalis sa lugar na iyon.
Nang malayo na kami, saka ko siya binitawan.
"Kainin mo yan." Sabi ko sa kanya sabay bigay ng pandesal.
"Thank you." Halatang hasa sa english na pasasalamat niya sakin. Kumain naman agad ito ng pandesal. Nagtatalon-talon ito sa sobrang sarap ng kinakain nito."Yummy!" Tuwang-tuwa na sabi pa niya.
"Ano pangalan mo?" Tanong ko dito habang nasa gitna ito ng pagkakain.
"What? What did you say?" Tanong nito.
"Letche! Di ba ito marunong magtagalog?" Sa loob-loob ko."I said, what is your name? You name?" Ulit ko. Takte! Napa-english na rin ako.
"I don't know? I don't know who I am and how I got here." Halatang walang naalala na sagot nito.
"What?!!"
May amnesia siya?
Chapter 1 Prologue:
06/04/2022
Chapter 2 The Heir
06/04/2022
Chapter 3 The Encounter
06/04/2022
Chapter 4 The Evil Plan
06/04/2022
Chapter 5 Ampon
06/04/2022
Chapter 6 The Beggar turn to a Handsome Guy
06/04/2022
Chapter 7 Hinala
06/04/2022
Chapter 8 Who's the Boss
06/04/2022
Chapter 9 King of ROS
06/04/2022
Chapter 10 The Meet up
06/04/2022
Chapter 11 Childish
06/04/2022
Chapter 12 Elevator
06/04/2022
Chapter 13 Sir Johnser
06/04/2022
Chapter 14 Payong
06/04/2022
Chapter 15 Pinky Promise
06/04/2022
Chapter 16 Sweet Words
06/04/2022
Chapter 17 UPhone and Sumex
06/04/2022
Chapter 18 Failed
06/04/2022
Chapter 19 The girl who never leave me
06/04/2022
Chapter 20 Speaking Tagalog
06/04/2022
Chapter 21 Shoes
06/04/2022
Chapter 22 Janitress
09/04/2022
Chapter 23 Work
09/04/2022
Chapter 24 The First Kiss
11/04/2022
Chapter 25 Mistake
11/04/2022
Iba pang mga aklat ni Lovely Adeline
Higit pa