'Ang lahat ng koreano ay manloloko!' 'Kahit kailan ay hindi ako magmamahal ng koreano!' April Santiago, ang babaeng may malaking galit sa mga koreano dahil sa kaniyang ama at dahil sa pagkamuhi ay dinamay niya ang iba at nilait niya ito. Paano kung turuan siya ng leksyon dahil sa kaniyang ginawa. Paano kung magpabalik-balik siya sa panahon ngayon at sa panahon noon hanggang sa nanatili na siya roon dahil nawala na sa kaniya ang kontrol at ang tanging magagawa niya ay ang gawin ang misyon niya. Paano kung labagin niya ang pinakamahalaga sa tatlong C's rule? Mapagtatagumpayan pa kaya niya ang misyon kung iibig siya? Makakabalik ba siyang masaya sa 21st century or mananatili na siya sa panahon noon.
April's POV
NAKATINGIN lamang ako sa kapatid ko na parang tanga habang sumasayaw sa harap ko.Sa palagay ko ay kung mayroon lamang dito na basurahan ay nasuka na ako sa pagiging baduy niya sa pananamit at pati na rin ang kantang pinili niya para sa gagawin niyang audition.
"Maya pwede bang tumigil ka na tsaka pwede ba pakipalitan mo ang kanta mo. Ang pangit naman,eh."
Pinatay niya ang speaker ng padabog. Aba nga naman. Itong spoiled brat na 'to.
Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang bewang bago humarap sa akin na may kunot noo sa mukha.
I raised my eyebrows at her.Did she think that she can win against me.
"Alam mo ate ang oa mo.Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na mag-audition ako doon sa k-pop dance cover contest. Alam mo ang pangit mong kabonding.Hmp,mamaya na nga ako magpa-practice."
"Kahit mag-audition ka,hindi ka pa rin pwede dahil papasok ka sa military."
"I know. Masama bang mag-imagine na mag-audition ako." My eyes widened while she laughed really hard.
"Ibig mo bang sabihin na hindi ka talaga mag-audition?" Kunot-noo ko habang tinatanong ang mga kataga na iyon.
"Oo,masama ba mag-imagine at masama rin bang asarin ka."
"Asarin?For what?" Kahit kailan talaga ang babaeng ito ay napakasarap sabunutan ng buhok. I have an idea in my mind why she did this but I want to hear it from her.
Itatapon ko talaga ito doon sa mga koreanong hilaw na iyon na siyang kinababaliwan niya.
"Masama bang asarin ka sa mga k-pop na lihim mong pinapakinggan haha.." I glared at her but she laugh really hard. Sa inis ko ay kinuha ko ang unan na nasa kama ko tsaka ko ibinato sa kanya.
Natigilan siya bago kinusot ang mata. Napuwing ang bruha haha..
"Buti nga sa'yo haha.."
Pareho kaming napatingin ni Maya ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa ni 'yon si Mama.
"Ano na namang ginagawa ninyong dalawa?" Ngumisi ako kay Maya bago tumingin kay Mama. Nagpabalik-balik ang tingin ni Mama sa aming dalawa ng bruha kong kapatid.
"Ma,alam mo bang si Maya ay nanonood ng-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin iyon ni Maya.
"Mama, may assignment pa nga pala ako. Uuna na po ako." Umatras si Maya ng isa bago tumalikod.Pipihitin na sana niya ang door knob ng mabilis akong magsalita.
"Si Maya ay nanonood ng mga koreano!" Sinabi ko iyon ng madalian bago pa makalabas si Maya ng pinto dahil nabuksan na niya iyon.
Kita kong natigilan si Maya sa pwesto niya kaya naman ay napangisi ako.Husay kang bruha ka kay Mama dahil alam kong galit si Mama sa mga koreano. Hindi ako sigurado pero may kutob ako na iyon ay dahil sa tatay ko.
Kaya galit na galit din ako sa mga koreano dahil lahat sila ay mga manloloko.Siguro kung hindi nakilala ni Mama ang stepfather ko na siyang ama ni Maya ay baka kawawa pa rin hanggang ngayon si Mama.
"April." Napatingin ako kay Mama ng tawagin ako nito.
"Ma,"
"Para kang bata sa mga pinaggagawa mo sa kapatid mo." I sneered because of what I heard and then I looked up to Maya and I could see her laughing quietly.
"Ma,bakit ako?" She raised a brow. "Si Maya kaya itong nanonood ng mga koreanong hilaw na 'yan."
"'Di ba ate sinabunutan mo ako kanina."
"Anong sinabunutan?Hindi 'no. Sa isip lang kita sinasaktan."
"Tingnan mo na Mama,"
"Tumigil na nga kayong dalawa para kayong mga bata.Sige na Maya lumakad ka na at may pag-uusapan kami ng ate mo."
"Bye sister." I rolled my eyes at her. She was ready to go when Mama stopped her.
"Maya sandali."
"Bakit,ma?"
"Magsaing ka na nga pala at malapit na tayong mananghalian." Napakagat naman ako sa aking labi para pigilan ang aking tawa dahil kita ko ang pagbagsak ng balikat ni Maya.
"Pero ma,'di ba ako na kagabi?"
Mama look at her, "kailangan bang may oras at araw kung kailan kayo magsasaing.Hala,sige at magsaing ka na."
"Uwi at magsaing ka haha.."I stop when Mama glare at me. Napadaing ako ng kurutin ako nito sa tagiliran.
"Kaya nasasanay maging tamad 'yang kapatid mo dahil sa'yo."
"Ma,naman."
Dahil daw sa akin. Asa naman na mangyari 'yon 'no.Ang sipag sipag ko nga.Sinusunod ko ang mga gusto ni Mama sa tuwing tatawagin niya ako para utusan.
"Anong inaangal mo?Tama naman ako 'di ba.Uutusan ka lang ng isang beses magdadabog ka na kesyo may ginagawa ka pa.Bilang lang sa kamay kung ilang beses ka magwalis."
"Si mama talaga.Oo na po,ako na ang tamad at ikaw ang masipag.Ano ba ang sasabihin niyo sa akin."
"Dapat ikaw ay pumasok na sa military para matuto ka maging responsable."
"Ma,ayoko nga po roon."
"Bahala ka na nga.O, siya nga pala pupunta tayo sa bahay ng lolo mo sa isang araw."
"Si Lolo Henero po ba?" Ag sungit kaya no'n. Ang sungit ng Papa ni Mama. Palibhasa kasi ay sundalo kaya akala mo laging may red alert dahil laging nakakunot ang noo.
Nako!Kung papasok ako sa sundalo ay panigurado ng mabilis akong tatanda.Bakit ba kasi kailangan pang laging kung ano ang kinuha ng pamilya noon na kurso ayon din dapat ang kunin ng ibang henerasyon.
Haler makabago na kayang panahon.Hindi na uso ang kastila at amerikano.Bakit laging kailangan sundin ang tradisyon noon.Maski pangalan namin nakapadepende sa isa't-isa. Mayro'ng henero na enero na rin kung bibigkasin sa salitang espanyol since silent ang h sa wikang espanyol.
Halos lahat 'ata ng sa pamilya namin ay kinuha ang pangalan sa mga buwan ng taon.Kulang na lang ay kunin pati ang day of the week.
Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ni Mama.
"Sa Lolo Augustus mo tayo pupunta."
My eyes widened. "What?!"
"Sa Lolo Augustus mo tayo pupunta." Hindi ako makapaniwala na kay Lolo pogi kami pupunta. Binabawi ko na ang aking sinabi dahil si Lolo pogi lang 'ata ang sundalo na nakita ko na hindi strikto kaya nga siya ang paborito ko e.
"What?!"
"Binge ka ba?"
"Hindi po."
Grabe naman 'to si Mama. Porke tinanong lang ng paulit-ulit,binge na agad. Hindi ba pwedeng nagulat lang.
"Ma,seryoso ka ba talaga na kina Lolo pogi tayo pupunta?" Tiningnan ako ni Mama mula ulo hanggang paa.Nagagandahan na naman ang aking mudra sa aking sarili.
Well,hindi ko masisisi si Mama dahil maganda naman talaga ako. Hindi ako naniniwala na nagmamana ang mga anak sa kanilang magulang dahil ako at si Mama ang malaking patunay.
Maganda si Mama habang ako ay magandang-maganda.
"Binge ka,'nak." Nagpantig ang aking tainga dahil sa sinabi ni Mama. Kung hindi ko lang ito ina ay baka tinapon ko na siya sa mars.
"Po?"
"Maglinis ka kasi ng tainga,'nak."
"Mama naman,e!" Tumawa lang ito,akala mo naman may nakakatawa sa sinabi niya. Kailan pa ba natuto itong si Mama na magbiro. Mapapasabi na lang ako ng 'sus ginoo' dahil sa kahibangan ng aking Ina.
"Basta pupunta tayo sa bahay nila sa isang araw." Kumunot noo naman ang noo ni Mama kaya bigla akong napangiti. Syempre alam ko naman kung bakit pero minsan ay ayaw ko punta roon dahil wala namang ginawa si Lolo pogi kundi magkwento ng magkwento at pilitin ako na pumasok sa military.
"Wala na bang atrasan 'yan,ma?"
"Wala na,April." Nababuntong hininga ako." Sumunod ka na sa baba at para makakain na tayo baka malapit ng maluto ang sinaing ni Maiya. Sigurado akong kaunti lang ang sinaing no'n."
"Opo,"
Pagkalabas ni Mama ay inis akong humiga sa aking kama.Hindi naman sa ayaw ko doon pero nakakaboring naman ang mga sinasabi ni Lolo sa akin.Lagi na lang 'yong kanyang first love ang tinutukoy niya.
Bakit pa kasi sila umiibig sa mga koreano at koreana na iyan kung in the first place ay masasaktan din naman pala sila.
Aaminin ko na may naging kaibigan akong koreana before at siya ang nagturo sa akin ng ibang salita ng korean pero gano'n pa man ay hindi niya nabago ang pananaw ko sa mga kalahi niyang mga lalaki.
Lahat ng mga koreano ay manloloko.
Kaya pinapangako ko na hinding-hindi ako iibig sa mga koreano na iyan.
Ang isa pang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta doon ay dahil pipilitin na naman ako ni Lolo pogi na maging sundalo.Sa mga lolo ko ay siya ang pinakapaborito ko kaya kung maaari ay ayaw kong masaktan siya.
Pero kahit na gano'n ay ayaw ko pa ring magsundalo kahit request pa niya.Tumingin ako sa aking bed side table bago ko kinuha ang aking cellphone bago ko tinawagan ang aking kaibigan.
"Yeoboseyo?" I sneered because of what I heard. "Yeoboseyo?"
"Gaga nasa Pilipinas ka at wala ka sa Korea."
"Ikaw pala Miss Allergy to Koreans."
"Baliw!"
"Ka?" She asks.
"Tanga,ikaw."
"Ouch." Kahit kailan talaga ang babaeng ito ay hindi maganda kausap. "Ano ngang maipaglilingkod ko sa'yo Miss Altoko."
"Tanga,anong toko." I heard her laugh.
"Ikaw ang tanga este binge. Ang sabi ko Altoko hindi toko. Gaga!"
"Nakakainis ka. Napakawalang kwenta mong kausap,girl."
"Wow,nagsalita ang masarap kausap." Medyo sakastiko na saad niya. Alam ko naman na binibiro lang ako ng bruha. Iyan pa e ayaw niyan na mawala ako sa kaniya.
"Edi wow."
"Bakit ba kasi tumawag ka.Istorbo ka talaga."
"Pupunta ako riyan."
"Ano?!"
"Binge. Ang sabi ko pupunta ako riyan."
Pagkasabi ko no'n ay pinatay ko na ang tawag bago ako mabilis na tumayo tsaka nagpunta sa drawer. Kumuha ako ng damit tsaka nagpalit. 'Wag ng maligo wala namang pasok.
Yuck!
Hinampas ko ang aking ulo dahil sa kahibangan ko.Grabe naman iyon kung hindi ako maliligo kapag walang pasok. Ano kayang amoy kapag gano'n.Anyways,naligo naman na ako kaninang umaga kaya hindi na ako maliligo pa.Kung saan-saan na napupunta ang mga sinasabi ko kahit wala namang katuturan.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang aking shoulder bag tsaka cell phone bago ako bumama kung saan ko nakita si Mama at Maiya na naghahanda na ng mga pinggan.
"O,saan ka pupunta.Tanghaling tapat,ah."
"Mama pupunta lang ako kina Laila tsaka doon na po ako manananghalian.Bye!"
"Ate mahiya ka naman!" Pahabol ng kapatid kong baliw.
"Wala akong hiya!" Pagkalabas ko ng bahay namin ay nagtungo agad ako sa may kanto kung saan ang pilahan ng mga tricycle. Sumakay ako ng tricycle since isang sakayan lang naman para makapunta kina Laila.
Chapter 1 Ms. Allergy to Koreans
07/04/2022
Chapter 2 Who are you
07/04/2022
Chapter 3 Park Jimmy
07/04/2022
Chapter 4 Diary
07/04/2022
Chapter 5 Where am I
07/04/2022
Chapter 6 What's your name
07/04/2022
Chapter 7 I'm sorry, April
07/04/2022
Chapter 8 A kiss
07/04/2022
Chapter 9 The reason
07/04/2022
Chapter 10 Trespasser
07/04/2022
Chapter 11 The 3's Rules
07/04/2022
Chapter 12 Going back to the past
07/04/2022
Chapter 13 Staying on the past with him
07/04/2022
Chapter 14 My frutos
07/04/2022
Chapter 15 I saw the first love of my great grandfather
07/04/2022
Chapter 16 Mahal kita
07/04/2022
Chapter 17 The count down starts
07/04/2022
Chapter 18 Jealous
07/04/2022
Chapter 19 Am I lucky or unlucky
07/04/2022
Chapter 20 You better watch her
07/04/2022
Chapter 21 Don't worry, he loves you too
12/04/2022
Chapter 22 I am fine
14/04/2022
Chapter 23 A lie can always be the truth
16/04/2022
Chapter 24 Can we
17/04/2022
Chapter 25 Stop the countdown, April
20/04/2022
Chapter 26 Let's broke up
22/04/2022
Chapter 27 Her diary is missing
22/04/2022
Chapter 28 Gone
22/04/2022
Chapter 29 His side
22/04/2022
Chapter 30 I finally found you
22/04/2022
Chapter 31 Epilogue
22/04/2022