Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Stay with me
5.0
Comment(s)
184
View
1
Chapters

Gusto kong ibigay ang lahat para sa kanya. Manatili lamang siya sa piling ko.. Ngunit sadyang may isang bagay na kahit gustuhin ko ay hindi ko maibigay sa babaeng pinakamamahal ko.

Chapter 1 Stay with me

Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin. Nang makita na ayos na ang porma ko, lumabas na ako ng kwarto ko.

Nakasuot ako ng pink shirts with Hello Kitty design at fitted jeans.

Napailing ako. Ayoko ng mga damit na ito sa totoo lang. Mukha akong bakla dahil sa suot ko. Pero dahil couple shirt namin 'to, wala akong magawa. Ang sabi niya bagay daw. So, I wore it.

Tatlong spray ng Creed Aventus ang ginawa ko at minaniobra na ang aking sasakyan.

Mapait akong ngumiti habang tinatahak ang daan patungo sa kanya.

It's been a long time, Babe.

"Sinuot ko ang couple shirt natin. Ginamit ko din ang pabango na binili mo."

Umaasa pa rin ako na maririnig niya ako.

Biglang kumirot ang puso ko kasabay ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Kaagad ko itong pinunasan nang maaalala kung gaano niya kaayaw ang mahina, na ayaw niyang umiiyak ako.

"I'm sorry, Liberty! Dahil hindi ako kagaya mo na malakas," sambit ko habang patuloy sa pagpupunas ng mukha.

Sandali nalang, Babe. Hintayin mo ako. Malapit na ako.

Pilit akong ngumiti. Ayokong makita niya akong umiiyak.

Naalala ko kung paano siya nagalit nang makita niya akong umiiyak dahil binully ako ng isa sa mga classmates ko. Fourth year college na kami noon.

Nakaupo ako at nakasandal sa pader habang nakayakap sa aking mga binti.

"Bakla ka ba?" bulyaw niya nang maabutan niya akong umiiyak sa rooftop.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatayo siya sa harapan ko at nakapameywang ang dalawang kamay. Nakatingin siya sa akin na may galit ang mga mata.

Umamba akong tatayo ngunit mabilis niya akong naitulak kaya napaupo muli ako. Muntik na akong mapahiga kung hindi ko lang naitukod ang dalawang kamay ko sa lupa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Handa na akong sigawan siya dahil sa kanyang ginawa kung hindi lang siya muling nagsalita.

"Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo hinayaan na api-apihin ka ng mga unggoy na 'yon? Bakit ba kasi napakaiyakin mo!? Ano ka ba, bakla!?" sunud-sunod niyang tanong sa'kin.

Medyo hiningal pa siya dahil sa mga sinabi. Bigla siyang umupo sa tabi ko at umakbay sa akin.

Bahagyang nagulat pa ako sa ginawa niya kahit na madalas naman niya itong gawin sa'kin.

Hindi pa rin ako nasasanay.

Napatingin ako sa kanya. Sa tagal naming magkakilala, ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang ganda niya. Singkit ang mga mata, katamtaman ang tangos ng ilong, manipis at may kaputlaan ang kanyang labi, bilugan ang hugis ng mukha na mas lalong nagpadepina sa mukha niya, at maikli at medyo kulot ang kanyang buhok. At mas lalo pa siyang gumaganda dahil sa skin color niya. Morena si Liberty.

"H'wag mo nga akong titigan ng gan'yan," nag-iwas siya ng tingin.

Medyo namula siya tila nahihiya o nailang kaya bahagya akong natawa dahil halata ang pamumula ng kanyang pisngi.

Bigla niyang ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya, "Ayan, ganyan ka dapat! Hindi yung umiiyak ka na parang bata." Marahang pinisil niya pa ang mukha ko bago sinserong ngitian.

Nagkatinginan kami nang mapatingin ako sa mga mata niya. Pinunasan niya pa ang pisngi ko dahil sa kaninang luhang lumandas dito.

"Ayoko nang umiiyak, Marco. Ayoko ng mahina."

Tinandaan ko iyon. Simula nang sabihin niya ang mga katagang 'yon, hindi na ako umiyak o naging mahina pang muli.

Bumagal ang takbo ng sasakyan ko nang mahagip ng mata ko ang isang flowershop. Kabubukas lang din nito. It's still 7:30 in the morning.

Huminto ako sa tabi nang mapagdesisyunan na bumili muna ng paborito niya. Hindi pa ako nakakapasok ng shop, sinalubong na ako ng babae. Staff, I think.

"Good morning, sir." bati nito

Nginitian ko lang siya bilang tugon at ibinaling ang tingin sa mga bulaklak para maghanap. Ilang minuto kong inikot ang mga mata ko at nang matagpuan ang hinahanap kaagad ko itong itinuro sa babae.

"Ang swerte naman ng girlfriend mo, sir," biglang sambit ng babae habang nagbabayad na ako sa counter. "Punung-puno po ng pagmamahal ang mga mata mo, sir," dagdag pa nito.

No. Ako ang swerte dahil naging parte ako ng buhay niya. Gusto ko sana isatinig ngunit hindi ko na ginawa. Ngumiti na lamang ako at nagpasalamat dito bago lumabas ng shop.

Nilapag ko sa katabing upuan ang sunflower na binili ko. Tinignan ko muna ito bago muling nagdrive.

My Liberty loves sunflower.

"Dalian mo Marco baka mahuli tayo!!!" mahina pero pasigaw niyang tawag sa'kin sa takot na may makakita sa amin.

Dali-dali kong pinitas ang sunflower. Hindi ko na tinignan ang paligid ko kung may tao ba o wala. Tumakbo ako ng mabilis at walang kahirap-hirap na umakyat sa bakod at tumalon. Hinihingal kong inabot sa kanya ang bulaklak.

"Thank you," maligaya niyang tinanggap ito bago ako hinila palayo doon.

Anything for my Liberty.

Sabay kaming tumawa ng makalayo na kami.

Ilang taon ko na rin siyang gusto pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi sa kanya. Wala pa akong lakas ng loob para umamin. Masyado siyang perfect para sa akin.

Para siyang bituin na hindi ko pwedeng abutin at hindi ko pwedeng hawakan. Dahil oras na subukan ko baka bigla siyang lumayo at tuluyan ko nang hindi maabot.

Seven days nalang at malapit na kaming grumaduate ng college. Gusto kong pabagalin ang oras o pahintuin nalang ang orasan kung maaari at kung makakaya ko lang.

Lalo na nang sabihin niya ang mga hindi ko inaasahan na mga salita.

"Marco, gusto kita." Isang araw habang naghahanda kami para sa pictorial ng graduation.

Napanganga ako sa narinig. Matagal ko na siyang gusto. It's almost four fucking years!!! Ni wala akong ideya kung kailan niya ako nagustuhan! Ni hindi ko manlang naramadaman, at hindi siya kailan man nagpakita nang pagkainteresante sa'kin.

"Date with me," walang kahirap-hirap niyang sinabi. Bigla niya akong iniwan nang tawagin na ang pangalan niya para sa pictorial.

Pilit kong pinapasok sa utak ko ang sinabi niya.

Gusto niya ako? Tama naman ang dinig ko, hindi ba?

Date with me? For real!? Matagal ko na siyang gustong yayain pero takot akong tanggihan niya at baka ito pa ang ikasira ng relasyon namin bilang magkaibigan kung sakali.

Nang marealize ko na ang lahat nang mga sinabi niya, hindi ko mapigilan ang galak.

"Yes!!!" sigaw ko habang tumatalon na parang bata.

Kuryosong napatingin ang ibang mga estudyante sa akin. Nilingon ko si Liberty na malaki ang ngiti habang kinukuhanan siya ng camera.

I'll make sure na hindi mo makakalimutan ang date natin.

"I love you, Liberty, " bulong ko sa kanya.

Nakaupo kami sa park. Suot namin parehas ang couple shirt na binili niya kahapon. Gusto kong magprotesta sa shirt pero hindi ko ginawa.

Ito ang unang beses na magdidate kami at siya pa ang nagyaya. Ayokong masira ang araw na ito dahil lang sa tshirt na KULAY PINK AT HELLO KITTY.

"Kailan pa?" kunot-noo niyang tanong.

Buong akala ko ay ako lang ang manhid sa aming dalawa. "Simula noong una tayong nagkita, Liberty"

"Bakit hindi mo kaagad sinabi!?" Nahihimigan ko ang panghihinayang sa boses niya.

Ngumiti ako. Don't worry, babe. Hindi pa huli ang lahat. Madami pang oras at panahon para sa ating dalawa.

Marahan kong hinawakan ang kamay niya at iginiya sa aking labi upang mahalikan. Ang kaninang nakakunot niyang noo ay napalitan ng ngiti. Kahit namumutla siya halata pa rin ang pamumula ng kanyang pisngi.

Damn, my Liberty is blushing.

Gusto kong matuwa dahil sa epekto ko sa kanya.

"'Wag kang mag-alala, ngayon na parehas tayo ng nararamdaman wala tayong sasayangin na panahon." Ibinaba ko ang kamay niya sa kanyang hita. Nag-iwas siya ng tingin. "Magtatrabaho ako ng maigi para sa future natin at kapag nakaipon na ako pakakasalan kita, Liberty-" napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang kanyang paghikbi

Nataranta ako. Hindi alam ang gagawin. Ito ang unang beses na narinig ko siyang umiyak.

"Hushh. Babe, anong problema?" Hinawakan ko ang mukha niya at iginaya paharap sa akin.

Parang kinukurot ang puso ko nang makita ang malungkot niyang mukha at umiiyak.

"Sana noon mo pa sinabi. Wala sana tayong nasayang na oras. Sana marami tayong alaala na nagawa na magkasama," aniya sa pagitan ng kanyang pag-iyak. Pinunasan ko ang pisngi niya.

Ayaw niya nang nakikita akong umiiyak. Pero ang makita siyang umiiyak ngayon parang sinasaksak ang puso ko sa sakit.

Dinala ko siya sa flowershop na puno ng sunflower. Ito lang ang tanging nagpapapagaan ng loob niya. Mataman ko siyang pinagmamasdan habang tuwang-tuwa sa nakikita. Nakangiti siya ngunit pansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nababagabag tuloy ang aking isipan.

Days passed. Wala akong araw na pinalampas maipadama lang ang pagmamahal ko sa kanya. Maramdaman niya lang na walang masasayang na panahon gaya ng iniisip niya.

I date her everyday, gave her sunflower. Simula nang grumaduate kami at magkatrabaho ako palagi akong naglalaan ng oras para sa kanya.

I want her to be happy every single day. Gusto ko tumatatak sa isipan niya ang bawat araw na magkasama kami.

Pero kahit anong palang effort mo, useless pa rin. When I heard her saying those words, parang gumuho ang mundo ko.

"I'm sorry I can't be with you anymore. Let's break up," kalmado niyang sinabi.

Bakit ganito siya, bakit madali lang para sa kanya na magbitaw ng mga gan'tong salita. Bakit kaya niya akong titigan na parang hindi siya apektado habang sinasabi iyon!? Gaano ba talaga siya katapang?

Nilabanan ko ang paninitig niya. Hindi lang siya ang matapang dito.

"Bakit? May iba ka na ba?" may diin at nagdududa kong tanong.

Pitong taon na kaming magkasama. Bakit bigla- bigla nalang siyang nagsasabi ng ganito ngayon.

"Wala. Pagod na kasi ako."

Tired of what!?

"Nagiging pabigat lang ako sayo. I can't work."

Shit!!! 'Yan lang ba yung dahilan niya kaya siya nakikipaghiwalay!? Because she couldn't work!?

As if, I fucking care, babe!

"That's it? Babe, I don't care. I have work. " Marahan kong hinawakan ang pisngi niya, "Hindi ka kailanman naging pabigat sa'kin. At hindi mo kailangan magtrabaho dahil kaya kong magtrabaho para sa ating dalawa, babe."

Nginitian ko siya at dahan-dahang lumuhod sa harap niya. Kinuha ko ang singsing na binili ko kahapon sa bulsa.

Napatakip siya sa kanyang bibig at hindi na mapigilang humikbi nang mapagtanto niya ang ginagawa ko.

Ganyan dapat, Liberty. Paiiyakin kita sa tuwa, at hindi sa sakit.

At hindi break up ang gusto kong marinig sayo. Gusto kong marinig ang matamis mong "Oo."

"Babe, please marry me, " nanginig ang boses ko.

Isang tango niya lang para na akong lumulutang sa ere.

"Yes" at isang yes niya lang. Para na akong nanalo sa lotto.

Paulit ulit kong naririnig ang matamis niyang "OO." Para bang musika ito sa tainga, ang sarap pakinggan.

Ang bilis. Ang bilis natapos ng araw na iyon.

Bitbit ko ang sunflower na binili ko kanina pagbaba ko ng sasakyan. Mabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa kinaroroonan niya. Parang sinasaksak ang puso ko ng paulitulit.

My liberty is my everything. Lahat ng pangarap ko ay para sa kanya. Lahat gusto kong ibigay sa kanya. Pero kahit gustuhin ko man na lahat ay may isang bagay pa rin na hindi ko kayang ibigay sa pinakamamahal kong si Liberty.

"I love you, babe," bulong ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Nakaupo kami at nakaharap sa dagat habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nasa unahan ko siya. Nakaupo. Nakasandal kalahati ng katawan sa akin.

Simula nang ikasal kami mas lalo kong pinaramdam ang pagmamahal ko sa kanya. Ayokong makalimutan niya ako kaya gusto kong maging memorable ang lahat habang magkasama kami. Pero tila ako ang dapat hindi makalimot. Tahimik akong umiiyak. Takot na marinig niya. Takot na maramdaman niya ang takot ko.

Kahit anong pilit mo pala na manatiling matatag sa relasyon niyo, may isang bagay pa rin na pilit na sisirain ito. Kahit pilitin mo pa siyang manatili sa tabi mo kung pagod na talaga siya wala ka nang magagawa pa.

Gusto kong manatili siya at pilitin lumaban para sa aming dalawa.

"Stay with me, babe. Please," pagmamakaawa ko. Yakap pa rin siya patalikod. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya ng umihip ang malamig na simoy ng hangin.

"I want it too," aniya sa mahinang boses.

"Wala na ba talagang laban?" Hindi ko na kaya.

Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan dahil lang gusto kong manatili siya sa tabi ko habang buhay.

Ang selfish ko na bang tao kung takot lang akong mawala siya sa piling ko?

"Pa'no kung mas pag-iigihan ko pa basta lumaban ka lang. Manatili ka lang sa tabi ko, mas lalo kitang mamahalin. Higit pa sa gusto mo, babe," basag ang boses ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Isang taon na kaming kasal. And I'm so stupid na hindi ko nalaman na may malalang sakit na pala siya.

Stupid. Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko. Naging pabaya ako kaya siya nagkasakit. Hindi ko siya inalagaan ng maayos kaya... I work hard for us. Pero ang kapalit pala nito ay siya. Hindi pa pala sapat ang nilalaan kong oras para sa kanya. Kinulang pa ko, sobrang kulang pa, hindi kailan man magiging sapat para sa'kin 'yong tagal ng pagsasama namin. Ang laki talaga nang pagkukulang ko, ni hindi ko man lang sinubukan itanong kung may nararamdaman ba siyang sakit.

I can't help it, but to cry.

"Babe, don't cry. Matapang kana 'di ba?" Nilingon niya ako. Nagkatitigan kami.

Her eyes is full of contentment.

Kaya niya ba ako sinanay na maging matapang. Kaya niya ba ako sinanay na h'wag maging iyakin. Dahil alam niyang mangyayari 'to.

Ang daya.

"Napakaswerte ko dahil ikaw yung lalaking nasa tabi ko. No words can explain, how much I love you. Kahit gustuhin ko na manatili sa tabi mo, hindi niya tayo papayagan." May luhang tumakas sa kanyang mga mata kaya pinunasan ko ito kaagad.

Hindi alintana ang sariling luha.

"No, babe. Ako ang swerte dahil binigay ka niya sa akin. Ang pinakamaganda, mabait, at matapang na babae na minahal ko ng sobra, nag-iisa ka lang para sa 'kin. Tandaan mo 'yan."

No words can explain how much, I love her too. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. At mas nadadagdagan pa ito lapag naiisip na ilang sandali ko na lamang siya makakasama.

"I love you so much. Sorry kung gusto kong nasa tabi kita kahit sa huling sandali ng buhay ko, pero ako..."

Nilagay ko ang isang daliri ko sa kanyang labi para patigilin siya pagsasalita.

Ramdam ko na pinipilit niya nalang panatilihin na maging maayos ang tinig niya. Nararamdaman ko ang panghihina niya sa bawat paghinga niya..

I'm not yet ready, Liberty. Sandali pa. Please. Hindi ko pa kaya.

Inalis niya ang daliri ko sa labi niya, "Marco, palayain mo na ako."

Ang mga salitang iyon ang tuluyang nagpaguho ng mundo ko.

Hindi ko mapigilan mapahagulhol.

Hindi ako makapagsalita.

Kitang-kita ko ang paghihirap niya nitong nagdaang araw at hanggang ngayon dahil sa pagiging makasrili ko, pinipilit niyang lumaban para sa akin.

Marahan niyang hinawakan ng pisngi ko. Ganoon parin ang posisyon namin. Tanging ang mukha niya lamang ang ibinaling saakin.

"Please," she begged.

Ang hirap. I couldn't speak. Parang may malaking bato na nakabara sa aking lalamunan.

Pinatakan ko siya ng isang halik sa labi at kahit na mahirap ay dahan-dahan akong tumango. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ang pagpikit ng kanyang mga mata.

"Happy 9th anniversary babe, I love you."

Ibinaba ko sa puntod niya ang sunflower na binili ko kanina sa tabi. Siyam na taon na rin ang nakalipas mula nang mamatay si Liberty. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na talaga siya. Para akong nanaginip.

Maybe, my love for her is not enough to make her stay?

"I miss you, Liberty. Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hindi kailan man magbabago 'yon."

Gusto kong umiyak. Pero ayaw kong makita niya akong umiiyak ngayon, kamumuhian niya ako if she saw it.

"Masaya ka ba diyan? Kasi ako hindi e. You are my happiness. Paano ako sasaya ulit kung nandiyan ka na?"

"Ang drama naman." Napalingon ako sa biglang nagsalita, "Ano ba naman 'yan dad, every year na lang ba iisang linya lang ang sasabihin mo. For sure rindi na si mommy sa nabubulok mong mga linya para sa kanya."

Bahagya akong natawa nang sermunan na naman ako ng napakabibo kong anak, my mini version of Liberty.

Ang anak namin ang naging sandalan ko para magpatuloy sa buhay. Naging masaya pa rin ako kahit papaano dahil binigyan ako ni Liberty ng isang anghel bago siya tumawid sa kabilang buhay.

Sinindihan ko ang kandila at nilinis ang lapida niya.

To my beloved, wife. I love you always and forever. Kahit ilang taon pa ang lumipas mananatili ka sa puso ko. Walang magbabago.

Ikaw pa rin ang Liberty na minahal ko at mamahalin ko bukas, at sa susunod na panahon.

Hintayin mo ako diyan. Magkakasama rin tayo at kapag dumating ang araw na yon ipapangako ko sa sarili ko na hindi na tayo magkakahiwalay pa.

Continue Reading

Other books by Matitay

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book