How can you fight someone if he doesn't want to. How do you fight someone when one day when you wake up he is gone. Na hindi naman talaga siya nag i-exist. He was just a dream.
"Alam niyo na ba ang kwento sa mansion na iyan?" tanong ni Samantha. Isang araw habang naglalakad kami pauwi na sa aming mga bahay, itinuro niya ang mansion. Huminto kaming tatlo sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng malaking gate nito.
Mula rito, tiningnan ko ang kabuuan ng mansion. Malaki ito. Hindi pangkaraniwang bahay. Makikita sa labas kung gaano katibay ang paggawa nito. Puting-puti ang kulay nito, animo'y kababagong pintura lamang.
Marami na nga akong naririnig tungkol sa bahay na ito. Ang sabi ng mga matatanda sa amin ay pitong dekada ng walang nakatira sa malaking bahay na iyan, ngunit nanatili pa rin itong matatag. Ang sabi pa nga nila ay mayroong espiritu na nangangalaga sa mansion, ang haka haka naman ng iba ay bampira o di kaya naman engkanto ang mga nakatira sa mansion kung kaya't hindi ito natitibag, o di kahit kumukupas man lang ang kulay.
"Ang ganda," manghang komento ni Elly.
Oo. Ang ganda.
Nakakahalina ang ganda at disenyo. Madalas ko itong pinagmamasdan sa tuwing dumadaan ako dito kapag pauwi na ako ng bahay galing eskwela. Minsan ko na ring pinagtangkaan na pumasok sa loob nito, kung hindi ko lang nababasa ang malaking karatula na nakadikit sa gate "Do not enter. Tresspassing" sa baba ay may pahabol na mga salita, "It'll save your self fom pain". Nahihiwagaan ako sa tuwing nababasa ko 'yon. Pain from what?
"Ang sabi ng lolo ko, limang taong gulang lamang siya noon nang masilayan niya ito. Mababait daw ang mga nakatirang mag-anak diyan noon. Palaging nagkakaroon ng salu-salo sa bahay na iyan. Imbitado pa nga raw ang buong nayon... at palaging nariyan si lolo. Ika niya'y napakaganda raw talaga ng loob."
Nilingon ko si Samantha. That's also what my lolo said to me. Nasisiguro ko na iyon. Kung sa labas pa nga lang maganda na, paano pa kaya sa loob nito? Pero teka- ibig sabihin kilala niya ang may-ari ng mansion?
Bago pa ako makapagtanong, nagyaya na siyang umalis.
"Hindi ba patay na ang may-ari niyan? Nasawi raw ito sa pag-ibig kung kaya-" si Elly.
"Halina na kayo. Gumagabi na," pagputol ni Samantha sa sasabihin ni Elly.
Lalo akong naging kuryuso sa mansion. Paalis na kami ng mahagip ng mata ko ang terasa sa itaas. Hindi ko maigalaw ang aking paa. Tulala ako habang nakikipagtitigan sa lalaking nakatayo roon. Medyo malayo siya sa amin, ngunit kitang-kita ko at alam kong sa amin ito nakatingin.
May tao sa mansion!? Kailan pa!? Labinlimang taon na akong pabalik-balik sa lugar na ito pero ngayon lang ako nakakita ng tao rito. At ang sabi nila, 70 years na ang mansion na iyan at ni minsan ay hindi nila ito nakitaan ng tao.
Napatakip ako sa aking bibig. Hindi kaya'y totoo ang mga haka-haka? Kinusot ko ang mga mata ko sa pag-aakalang namamalikmata lamang ako ngunit hindi. Nakatayo pa rin ito at nakatingin sa amin- o sa akin na mismo. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil may kalayuan ito sa amin.
No. No... kinilabutan ako bigla.
Nilingon ko ang mga kaibigan ko na medyo nakakalayo na sa akin. Hindi nila napansin na hindi na ako nakasunod sa kanila. Sinubukan kong humakbang ngunit mistulang nakapako ang aking mga paa sa kinatatayuan ko. I can't move.
Nagsimulang magsitaasan ang balahibo ko. Nang lingunin ko ulit ang terasa ay wala na roon ang lalaking nakatayo kanina.
What is that!? A ghost!?
Pakiramdam ko ay putlang-putla na ako sa kaba at takot.
"Marionne?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin ni Samantha ang pangalan ko. Sa sobrang takot at kaba ko, hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala sila.
"Anong tinitingnan mo?" tanong ni Elly. Napatingin silang dalawa sa kung saan ako nakatingin kanina. Hindi na ako nagtangkang tingnan muli ang terasa. Nanatili ang tingin ko sa harap.
Umiling ako.
"Tara na," aya ko at nauna nang naglakad sa dalawa.
Ayokong sabihin sa kanila ang nakita ko. Marahil ay namamalikmata lamang ako. Wala naman silang nakita.
"Ayos ka lang?" si Elly.
Medyo malayo na kami sa mansion.
Tumango lamang ako bilang sagot. Hindi na rin naman sila nagtanong ulit hanggang sa nakauwi kami.
Buong magdamag kong inisip ang nakita kong 'yon. 70 years na raw abandunado ang mansion na 'yon. Sa loob ng mahabang taon na 'yon, wala silang nakitang tao na tumira roon. Kahit ang mangalaga sa mansion ay wala silang nakikita.
Kahit ako. Kung may nakatira na ulit doon, malamang kakalat na kaagad sa buong nayon iyon. Pero wala.
"Ma, may tao na po ba na nakatira sa abandunadong mansion?" tanong ko kay mama isang umaga habang nasa hapag kami at nag-aalmusal.
"Wala ng nakatira roon, Marionne. Matagal na. Bakit mo naitanong? May nakita ka bang tao?"
Yumuko ako at sumubo ng pagkain. Hindi ko alam kung sasabihin ko rin ba kay mama ang nakita ko o hindi. Mukhang hindi rin naman kapani-paniwala.
Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto para maligo. Alas sais pa lang naman ng umaga at maaga pa para pumasok. Pero dahil sa kuryusidad ko sa nakita kahapon, maaga akong tumulak patungong eskwela. Araw-araw kaming magkakasabay na pumapasok sa eskwela ng mga kaibigan ko. Ngayon lang hindi. Magpapaliwanag na lang ako mamaya sa school.
Bumagal ang lakad ko nang medyo malapit na ako sa mansion. Tiningnan ko ang terasa kung saan ko siya nakita kahapon. Walang tao... Huminto ako sa paglalakad ng nasa tapat na ako ng gate... nakapako ang tingin ko sa itaas.
Sampung minuto na akong nakatayo roon nang biglang bumukas ang gate. Napaatras ako sa takot. Tatakbo na sana ako kung hindi lang lumitaw ang matandang lalaki.
Mataman niya akong tiningnan habang naglalakad palapit sa kinakatatayuan ko.. Noong akala ko ay multo siya. Ngunit nang tuluyan na siyang nakalapit at nagsalita, doon ko lamang napagtanto na hindi. Hindi duguan ang kanyang mukha o sa kahit saang parte ng kanyang katawan at mas lalong hindi nakakatakot ang hitsura ng matanda. Hindi kagaya ng mga napapanood ko sa tv.
Naibsan ang takot na naramdaman ko.
He's not a ghost. Pero... kumunot ang noo ko. Hindi imahe ng matanda ang nakita ko kahapon, na sisigurado ko iyon base sa kanyang imahe kahit malayo alam kong hindi ito ang taong nakita ko kahapon.
Chapter 1 Ghost
26/05/2022
Chapter 2 Curiosity
26/05/2022
Chapter 3 I'm sorry
26/05/2022
Chapter 4 Beautiful
26/05/2022
Chapter 5 PAIN
05/06/2022
Other books by Matitay
More