|| Girl×Girl || "H-hindi mo naman siguro ipapaalam kay ate Syrene na siya 'yon diba kuya Kristoff?" "Syempre hindi noh" kaagad akong nakahinga ng maluwag. "Safe na safe sa'kin 'yang secret mo, pero Lera 'wag ka lang masyado magpakahulog d'yan kay Syrene ha sinasabi ko sa'yo" Bigla naman akong naguluhan sa mga sinabi ni kuya Kristoff pero tumango-tango pa rin ako. I heard him sighed at napansin siya yata na naguguluhan ako kaya muli siyang nagsalita. "Ayoko lang na masaktan ka sa malalaman mong sikreto ni Sy" "S-sikreto?" nauutal kong tanong na tinanguan ng katabi kong lalaki kaya napaisip ako. Bakit naman ako masasaktan? May kinalaman ba sa'kin 'yung isinisikreto sa'min ni ate Syrene?
Chapter One
"Good morning ate!"
Malakas kong hiyaw pagpasok ko sa pintuan ng kuwarto at kaagad na inalis ang kumot na nakabalot kay ate Shayra. Natawa naman ako dahil bigla siyang napamulat ng mga mata at kaagad na naupo sa kama, kinusot-kusot niya pa ang kaliwa niyang mata habang humihikab bago bumaling ng tingin sa'kin kaya mas lalo akong natawa.
"Lera naman! Ang lamig eh, akin na 'yung kumot ko" pagrereklamo ni ate pero umiling-iling ako bago itago ang kumot sa likuran ko.
"Ibibigay ko lang 'to sa'yo ate kapag tumayo ka na d'yan" sabi ko. Alam ko kasi na kapag ibinigay ko 'yung kumot sa kaniya habang nakaupo pa siya sa kama at halatang inaantok ay matutulog ulit 'yan.
"Okay, eto na tatayo na" inaantok na sabi ni ate Shayra at tsaka tumayo. Ako naman ay nagdadalawang-isip pa kung ibibigay ko ba talaga 'yung kumot sa kaniya o hindi.
"May usapan na kayo baby Lera---"
"Waaaahhhh!" hindi na naipagpatuloy pa ni ate Syrene ang sasabihin niya dahil sa biglaang pagsigaw ng ate Shayra ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nung babaeng nakatayo sa may pintuan nang makita ang reaksiyon ng ate ko bago nagbaling ng tingin sa'kin.
"Sige na, ibigay mo na 'yung kumot" nang marinig ang mga salitang 'yan ay dali-dali akong tumango at sinunod ang sinabi ni ate Syrene. Ibinigay ko kay ate Shayra ang kumot at napansin ko na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin siya sa nakikita.
"P-paano ka napunta d-dito?" nagtataka at naguguluhan niyang tanong bago itinuro si ate Sy.
"Mimiya ka na magtanong d'yan" saad naman ng magandang babae sa may pintuan. "Maligo ka na Shayra at magbihis ka na rin dahil kanina pa kami nila Shea naghihintay sa'yo don sa baba" pagpapatuloy ni ate Sy kaya mas lalong napaawang ang labi ng ate ko na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig.
"N-nandito rin si Shea?"
"Oo, tinulugan mo daw kasi siya kaninang 12 am eh monthsary niyo na diba? Kaya sobrang aga niyang nagpunta dito. Pftt mukhang susuyuin mo pa 'yon kasi mukha siyang nagtatampo kaya pakibilisan ang pag-aayos ha" iiling-iling na pagpapaliwanag ni ate Sy kaya natawa ako ng mahina.
"Ah ganun ba? Pasabi na lang kay Shea sorry hehe" nakangiwing sabi naman ni ate Shayra at uupo pa sana siya sa kama pero sinamaan na siya ng tingin ni ate Sy kaya kaagad na umayos ng tayo ang ate ko bago nagsalita.
"Eto na nga eh, maliligo na" nagmamadali niyang sabi at pumasok dun sa isa pang pinto.
Nang mawala na nga sa paningin namin si ate Shayra ay kaagad na tumingin sa'kin si ate Syrene, ako naman ay medyo napayuko dahil naramdaman ko ang pamumula ng magkabilaan kong pisngi. Mas lalo pa nga akong pinamulahan ng mukha nang makita na hinawakan ng babaeng maganda ang kamay ko.
"Tara na baby Lera" nahihiya akong tumango-tango kaya hinila na'ko ng babaeng mas matanda sa'kin palabas ng kuwarto at magkasabay na nga kaming bumaba.
~
Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay bumaba na rin si ate Shayra, sila kuya Kristoff nga na kanina pa inip na inip ay nakahinga na ng maluwag dahil sa wakas ay nandito na rin ang taong kanina pa namin hinihintay.
Napatingin naman ako kay ate Shea at nakasimangot siya habang nakatingin kay ate Shayra kaya umalis ako sa tabi ni ate Sy at naupo naman sa tabi ni ate Shea.
"Paano ba 'yan teh? Hindi maalam manuyo ate Shayra ko eh" napapakamot sa batok kong sabi kaya napaharap sa'kin si ate Shea at natawa ng mahina kaya natawa na lang rin ako. Oh diba mabuti at nag smile na ulit ang girlfriend ni ate kaya tumayo na 'ko at muling bumalik sa kinauupuan ko kanina, sa tabi ni ate Syrene.
"Anong sinabi mo sa kaniya?" nagtatakang tanong niya.
"Gusto ko po kasing mag smile si ate Shea kaya biniro ko at sinabi na hindi maalam manuyo si ate Shayra" nang sabihin ko 'yan ay natawa rin ang katabi ko pero 'di na siya nagsalita kaya panandaliang katahimikan ang bumalot sa'min.
Ibinaling ko na lang ang tingin sa mga kasama namin, sila kuya Franco at kuya Kristoff ay may kung anong pinag-uusapan. Ewan ko kung ano 'yon pero masyado kasi silang seryoso kaya syempre hindi na 'ko makikichismis.
Si ate Shea naman ay kausap na rin si ate Shayra na ngayon nga ay nakaupo na sa kaniyang tabi, samantalang kami ng katabi ko ay hindi pa rin nagsasalita sa isa't-isa. Kahit naman ganon ay nakakahinga ako ng maluwag dahil una sa lahat, okay na ang ate ko at girlfriend niya, pangalawa ay komportable ako dahil wala namang tensyon sa'ming dalawa ng katabi ko at hindi naman awkward 'yung katahimikan kahit 'di kami nag-uusap noh.
Siguro nga sa ngayon ay maghihintay na lang kami ni ate Syrene ng ilang minuto hanggang sa matapos 'yung mga kasama namin sa pinag-uusapan nila para sabay-sabay na kaming makapasok sa school.
~
"Hindi pa ba kayo tapos?" naiinip na tanong ni ate Syrene sa mga kaibigan niya pati na rin kila ate Shea kaya napatawa ako ng mahina.
Sa totoo lang, okay lang naman sa'kin kahit mimiya pa sila matapos sa mga pinag-uusapan nilang bagay-bagay dahil ayaw ko rin kasing pumasok sa school ngayon dahil kay Astrid. Classmate ko siya at ewan ko ba pero palagi na lang kasi siyang nakikikopya sa gawa kong mga assignment, kasalanan ko rin talaga 'yon kasi palagi ko siyang pinapakopya. Alangan naman kasing hindi ko ibigay 'yung notebook ko sa kaniya edi nagalit pa siya sa'kin? At ang mahirap lang sa lahat ay baka ano naman 'yung pagtripan nila ng mga kaibigan niya kaya ano pa bang magagawa ko diba?
"Baby Lera" natigil ako sa pag-iisip at kaagad na tumingin kay ate Syrene.
"Po?" takang-tanong ko.
"May problema ka ba? Anlalim kasi yata ng iniisip mo kani-kanina lang" nag-aalalang tanong naman ng katabi ko kaya napangiwi ako at napakamot sa batok.
"Ah eh wala naman ate Sy, pinoproblema ko lang si Astri---" kaagad kong tinakpan ng kamay ang labi ko nang marealize ang balak kong sabihin habang nanlalaki ang mga mata.
"Astri?" naguguluhang tanong ng katabi kong babae sa'kin habang nakataas ang isang kilay.
"W-w-wala po" nauutal-utal ko namang sagot matapos tanggalin ang pagkakatakip ng kamay ko sa'king labi.
"Lera" seryosong sabi na ngayon ni ate Syrene kaya napangiwi ako at wala nang ibang nagawa kundi ikuwento ang lahat-lahat sa kaniya. Matapos kong sabihin ang mga ginawa ni Astrid ay napansin kong 'di na maipinta ang mukha ng babaeng katabi ko.
"Astrid? Kilala ko 'yan baby Lera kaya sige, ako nang bahala mimiya" naguguluhan naman akong napatitig sa magandang babae bago nagsalita.
"K-kilala niyo talaga 'yung Astrid na tinutukoy ko?" nagtataka kong tanong at tumango-tango si ate Sy. "Eh a-ano 'yung sinasabi niyo na ikaw na ang bahala mimiya?" dagdag kong tanong na ikinatawa ng katabi ko.
"Sasamahan kita papunta sa room niyo at kakausapin ko 'yang pinsan ko, pagsasabihan ko lang na 'wag na mangopya sa'yo" nang marinig ang mga salitang 'yan ay kaagad na napaawang ang labi ko.
"P-pinsan niyo si A-astrid?" hindi ko pa rin makapaniwalang tanong kaya tinawanan ako ng crush ko. Sa ngayon nga ay medyo nahihiya na talaga ako kay ate Syrene dahil hindi ko man lang napansin ang pagkakapareho ng apelyido nila nung kaklase kong babae rin.
"Ang cute cute mo naman mahiya sa'kin" narinig kong mapanuksong sabi niya kaya nanlaki na naman ang mga mata ko. Ahm siguro nasabi ko ng malakas 'yung mga iniisip ko? Nang marealize 'yon ay kaagad na namula ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin kay ate Syrene na hanggang ngayon ay tawang-tawa pa rin sa itsura ng mukha ko.
"Huy anyare sa inyong dalawa?" biglang napatigil ang katabi ko sa pagtawa dahil biglang nagtanong si kuya Franco at ako naman ay napayuko dahil ayokong makita niya ang namumula kong mga pisngi.
"Oh Lera 'wag ka na yumuko d'yan at tayo'y aalis na. Tapos na kaming lahat mag-usap kaya tara na bago pa tayo maging late" tumango-tango ako at nag-angat na nga ng tingin pero kaagad ko ring pinagsisihan dahil nakatingin na pala sa'min sila kuya Kristoff, ate Shayra at ate Shea.
"Pfft. Lera namumula ka ah" mapanuksong sabi sa'kin ni ate Shayra kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nagpatuloy pa rin siya sa pang-aasar.
"Syrene, anong ginawa mo sa kapatid ko?" tanong ni ate at naramdaman ko naman ang pag-akbay sa'kin ng katabi ko kaya mas lalo akong namula.
"Oh tingnan mo mas lalong namumula 'yang baby Lera mo oh" sabi ulit ng kapatid ko at tsaka natawa kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Ate naman eh!" malakas kong hiyaw kaya nagsipagtawanan na ang lahat lalong-lalo na si ate Syrene na hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin sa'kin.
"O siya tama na 'yan" biglang sabi ni kuya Franco. "Tumayo na kayong lahat d'yan at tara na sa school dahil 6:18 na at 12 minutes na lang meron tayo para makarating don" tumango-tango naman kami at nang ready na ang lahat ay nagsimula na kaming sumakay sa sasakyan para maihatid kami sa school.
~
Mabilis kaming nakarating sa gate ng school at sabay-sabay kaming bumaba sa sasakyan. Naunang pumasok sila kuya Kristoff at kuya Franco dahil nandoon na daw sa room nila 'yung teacher, sumunod naman sila ate Shea at ate Shayra samantalang kami ni ate Syrene ay naiwan dito sa may labas. May kung sino siyang tinitingnan sa paligid kaya kinuhit ko na siya at tsaka nagsalita.
"Hindi pa po ba tayo papasok?" nahihiya kong tanong.
"Ayy sorry baby Lera, may tiningnan lang ako" nakangiwi niyang sabi sa'kin bago magpatuloy. "Tara pasok na tayo" tumango-tango naman ako kaya sabay na nga kaming naglakad papasok sa gate at nakakailang lakad pa lang kami ng muling mapatingin sa'kin si ate Syrene.
"Malapit na ba room niyo?" tanong niya.
"Opo" sagot ko naman at pagkatapos non ay natahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa pinto ng room ko. Napatingin ako sa'king katabi at naalala kong kakausapin niya nga pala si Astrid kaya hinawakan ko ang kamay niya bago nagsalita.
"Tara po sa loob" sabi ko na tinanguan niya at nang makapasok na nga kami sa loob ng room ay kaagad na nilapitan ni ate Syrene ang kaklase kong babae na ngayon ay nakaupo. Napaangat naman ng tingin si Astrid at biglang napangiti bago tumayo, yayakapin niya pa sana ang kasama ko pero binatukan na siya nito.
"Aray!" daing ng kaklase ko at maging ako nga ay napangiwi. Sabi ni ate Syrene pagsasabihan niya lang pero bakit may kasama pang pagbatok?
"Para san 'yon ate Sy?" nagtatakang tanong ng babaeng kaharap namin.
"Para 'yan sa pangongopya mo sa assignment ni Lera" nang masabi 'yan ni ate Syrene ay kaagad na napatingin sa'kin si Astrid, napalunok naman ako.
"Sinabi mo sa kaniya?" tanong niya samantalang ako ay hindi makasagot. Anong sasabihin ko eh si ate---
"Pinilit ko siyang sabihin sa'kin kaya 'wag kang magalit kay Lera" seryosong sabi ni ate Syrene kaya napakamot na lang sa batok si Astrid.
"Basta huwag mo nang uulitin ang pangongopya ha kung ayaw mong isumbong kita kay Tita Marlyn" pagpapatuloy ng katabi kong babae kaya napatango-tango ang kaharap namin bago muling bumalik sa kinauupuan niya ng tahimik. Ako naman ay ibinaling na ang atensyon kay ate Syrene at ngumiti sa kaniya.
"Thank you po" sabi ko kaya ngumiti pabalik ang magandang babae.
"Oh sige na ha? Aalis na 'ko, baka dumating pa teacher niyo at mapagkamalan na isa ako sa mga estudyante niya" natatawang sambit ni ate Sy. Natawa na rin ako at makalipas ang ilang segundo ay naglakad na siya paalis sa pinto ng room namin, ako naman ay naupo na sa tabi ni Gab at hinintay na dumating ang mga magiging teacher namin hanggang mimiyang 11:45.
~
Natapos na ang time ng subject namin na science at naglakad na nga paalis sa pinto ng room namin si sir Hernandez. Syempre nauna sa kaniya sila ma'am Josie, ma'am Mary at sir Lorenzo na mga teacher namin sa english, mapeh, at filipino. May mga natutunan naman ako sa mga nilesson nila kanina pero 'yung iba ay nakalimutan ko na at sa ngayon nga ay wala na 'ko masyadong paki sa mga subject na 'yan dahil iniisip ko ang bibilhin kong pagkain sa canteen namin. Lunch time na kasi pagkatapos ng subject namin kay sir kaya halos lahat sa'ming mga magkakaklase ay tuwang-tuwa dahil makakapunta na rin kami sa canteen kaya inilagay ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag at kinuha ang wallet.
Nang makuha ko na nga ay kaagad naman akong napatingin sa cellphone ko na nasa loob rin ng bag at kinuha rin 'yon dahil nakareceive daw ako ng text galing sa isang number lang.
"Hala? Sino naman kaya 'tong nag message sa'kin?" nagtataka kong tanong at kaagad na binuksan 'yung message.
"Hi baby Lera, ako 'to si Syrene. Nakuha ko number mo kay Shayra, i text daw kasi kita na sumabay ka sa'min ngayon na mag lunch at magkita-kita na lang daw tayo dito sa canteen. Thank you!♡" pagbasa ko sa text na may kasamang heart sa dulo at saglit pa ngang napaawang ang labi ko dahil pinoproseso pa ng isip ko 'yung mga sinabi ni ate Sy bago ako tuluyang napangiti. Yay! Sana mimiya magkatabi ulit kami ng crush ko pero sa ngayon ay kailangan ko munang hanapin si Xander para masabi ko na hindi ko siya masasabayan ngayong lunch time.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ng classroom namin hanggang sa mapadako ang tingin ko sa lalaking matangkad. Nagmamadali naman akong tumakbo papalapit sa kaniya kaya napatingin siya sa'kin at hinintay akong magsalita.
"Ahm Xander, hindi muna kita masasabayan sa pagkain"
"Bakit?" nagtatakang tanong naman ng lalaking kaharap ko kaya ipinakita ko sa kaniya ang cellphone. Napataas ang isang kilay ni Alexander bago basahin ang message sa'kin ni ate Syrene at nang magawa niya 'yon ay kaagad siyang napasimangot bago magsalita.
"Sige, papasama na lang muna ako kila Jovert pero mimiya ba pagkatapos ng klase natin puwede ka?" tanong niya at nagmamakaawang tumingin sa'kin.
"Saan?" naguguluhan ko namang tanong pabalik.
"D'yan lang sa tabi-tabi" nang masabi niya 'yan ay kaagad ko siyang natampal sa braso at sinamaan ng tingin.
"Saan nga?"
"Ansakit non ah! Eto naman hindi mabiro" pagrereklamo ni Xander pero sinamaan ko lang ulit siya ng tingin kaya napangiwi siya at napakamot sa batok bago magsalita.
"Aayain sana kita d'yan lang sa may 7/11 tapos punta na rin tayo ng simbahan"
Bigla naman akong napaisip nang marinig ang pupuntahan naming dalawa, para sa'kin okay lang din kasi minsan na lang rin naman ako makapunta sa 7/11 at mas lalong okay naman sa'kin kung sa simbahan rin kami pupunta dahil makakapagdasal ako don at makakahingi ng tawad sa mga pagkakamali ko. Muli akong napatingin kay Xander na hanggang ngayon ay naghihintay ng sagot ko kaya napaisip na naman ako.
Hindi lang kasi ito 'yung first time na inaya niya 'ko. Nung una ay napapayag ako ni Xander na magpunta sa bahay nila dahil gusto daw akong makilala ng Mommy niya at syempre hindi ko talaga malilimutan 'yung araw na 'yon kasi ipinagluto talaga ako ni Tita ng favorite kong ulam, 'yung adobo. Bigla tuloy akong napangiti nang maalala na ipinagluto rin ako noon ni ate Syrene, kaagad rin naman akong napailing-iling dahil bigla na namang pumasok sa isip ko ang girl bestfriend ni ate Shayra.
"Lera?" napatingin ako sa lalaking kaharap at napangiwi dahil hindi ko pa nga pala nasasagot ang tanong niya.
"Sige, payag na 'ko mimiya pero anong oras ba? Pagkatapos talaga ng klase? Puwede bang magbihis muna ako?" sunod-sunod kong tanong kaya si Xander naman ngayon ang napangiwi bago sagutin ang mga itinatanong ko.
"Mga 4:30 na lang at tsaka sige magbihis ka muna, dadaanan na lang kita sa inyo"
"Okay" nakangiti kong sabi at tumingin sa'king relo. "Sige Xander ha? Maiwan na muna kita, baka kasi hinahanap na 'ko nila ate Syrene" tumango-tango naman ang matangkad na lalaking kaharap ko kaya tumalikod na 'ko at nagsimulang maglakad paalis sa room para magpunta sa canteen.
~
Binilisan ko talaga ang paglalakad hanggang sa makarating ako dito sa canteen. Syempre sobrang daming estudyante ang nakapalibot sa'kin kaya paniguradong mahihirapan akong mahanap sila ate Shayra, sinimulan kong ilibot ang paningin sa may bandang gilid at doon ko nga nakita si Xander at sila Jovert na kaibigan niya.
"Hala naunahan niya pa 'kong makarating dito"
Hindi ko makapaniwalang saad at napailing-iling na lang bago ipagpatuloy ang paghahanap sa mga makakasama ko ngayon hanggang sa napadako ang tingin ko sa kabilang side ng canteen. Doon ko na nga nakita sila ate Shayra, nakatalikod sila ng upo sa'kin pero 'yung kaharap niya na maganda, may mahabang buhok, color brown na mga mata, medyo makapal na kilay at napakaputing balat ay kilalang-kilala kong si ate Syrene. Nasa tabi siya ni kuya Franco at katabi naman ni ate Shea sa may kaliwa si kuya Kristoff at sa kanan niya naman si ate Ashayra, napansin ko lang na may bakante pang upuan sa kanan ni kuya Tope kaya naglakad ako papalapit sa kanila at ngumiti bago naupo dun sa bakante.
"Oh naandito ka na pala Lera, pinag-order ka na namin ng ate Shea mo nung favorite mo..." bigla namang natigilan si ate Shayra at napatingin siya sa'min nung kaharap niyang babae. "Teka bakit ayaw mong umupo sa tabi ng ate Syrene mo?" pagpapatuloy niya samantalang ako ay biglang nahiya at hindi masagot ang tanong.
"Gusto mo ba dito Lera? Palit tayo?" tanong naman sa'kin ni kuya Franco kaya dali-dali akong umiling.
"Huwag na po, okay na 'ko dito sa tabi ni kuya Kristoff" sabi ko at ngumiti.
Gusto ko naman talagang makatabi si ate Syrene kaso---
"Pst! Lera 'yung crush mo oh"
Biglang sabi ni ate Ashayra at itinuro si Xander na nasa kabilang side nga namin. Kaagad naman akong napatingin sa direksiyon ng kaklase kong lalaki at napansin ko rin sila ate Shea, ate Syrene, kuya Kristoff at kuya Franco na napatitig dun kay Alexander kaya sinamaan ko ng tingin si Ate Shayra. Kasalukuyan kasi kaming nakain ngayon dito sa canteen at nakita ng ate ko na nakatingin sa'min si Xander.
"Hindi ko naman 'yon crush" sabi ko kaya napatawa na lang si ate. Alam niya naman kasing isang tao lang 'yung crush ko at hindi 'yon si Xander pero palagi nya pa rin akong inaasar dun sa lalaki.
Isa pa rin kasi 'tong si Alexander eh, palagi ba naman akong inaakbayan kapag magkatabi kami sa room, minsan pa nga ay inililibre niya 'ko ng mga pagkain dito sa canteen kaya sabi ng mga kaklase ko ay napaghahalataang may gusto daw sa'kin 'yung tao. Syempre ako naman ay hindi nakikinig sa kanila dahil alam kong sadyang sobrang bait lang ng taong 'yan kaya ayun, ibinabalik ko 'yung mga kabutihang nagawa niya sa'kin.
Palagi ko siyang sinasamahan at pumapayag na rin ako na akbayan niya 'ko sa room, pero ang tingin ng mga kaklase namin ay nagkakagusto na rin ako kay Xander at dun na nga nagsimula ang panunukso nila kaya pati 'tong si ate Shayra ay nakiasar na rin kahit alam niya naman 'yung patungkol sa tunay kong crush.
Si ate Syrene naman ay napansin kong nakabaling na sa'kin ngayon ang tingin kaya 'di ko maiwasan ang paglunok.
Palagi talaga akong kinakabahan pagdating sa kaniya eh. Siguro kasi minsan ay naiisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga bagay na nangyayari sa'kin o sa ginagawa ko, katulad na lang ngayon. Hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isip ni ate Syrene nang sabihin ni ate Shayra na may crush daw ako kay Xander. Basta lang siyang nakatingin sa'kin, wala nga akong makitang kahit anong reaksiyon o emosyon sa mga mata niya kaya napalunok ulit ako.
"Huy!"
Isang kuhit ang nakapagpabalik sa'kin sa reyalidad at napatingin ako kay kuya Kristoff.
"Kanina ka pa nakatitig kay Syrene ah" mahina niyang bulong sa'kin kaya kaagad na nanlaki ang mga mata ko at nararamdaman ko na rin ang pamumula ng magkabilaan kong pisngi.
"Hala namumula ka Lera" mapanuksong sabi ulit ni kuya Kristoff kaya mas lalo akong pinamulahan ng mukha.
"Hmm alam ko na ngayon kung sino talaga 'yung crush mo" pagpapatuloy ng katabi kong lalaki kaya ngayon ay nakaramdam ulit ako ng kaba bago magsalita.
"H-hindi mo naman siguro ipapaalam kay ate Syrene na siya 'yon diba kuya Kristoff?"
"Syempre hindi noh" kaagad akong nakahinga ng maluwag. "Safe na safe sa'kin 'yang secret mo, pero Lera 'wag ka lang masyado magpakahulog d'yan kay Syrene ha sinasabi ko sa'yo"
Bigla naman akong naguluhan sa mga sinabi ni kuya Kristoff pero tumango-tango pa rin ako. I heard him sighed at napansin siya yata na naguguluhan ako kaya muli siyang nagsalita.
"Ayoko lang na masaktan ka sa malalaman mong sikreto ni Sy"
"S-sikreto?" nauutal kong tanong na tinanguan ng katabi kong lalaki kaya napaisip ako. Bakit naman ako masasaktan? May kinalaman ba sa'kin 'yung isinisikreto sa'min ni ate Syrene?
"Kailangan kong malaman 'yon"
Mahinang saad ko sa sarili kaya napatingin ulit sa'kin si kuya Kristoff. Nginitian ko na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain, makalipas nga lang ang ilang segundo ay napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko lang na nakain rin.
Pakiramdam ko ay lumalakas na naman ang tibok ng puso ko 'pag nakatitig ako kay ate Syrene. Palagi rin akong masaya at nahihiya na ewan pagdating sa babaeng mas matanda sa'kin pero 'di ko lang talaga maipaliwanag kung ano pa 'yung iba kong nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya at nakakasama doon sa bahay namin pati na rin dito sa school, kinikilig pa nga ako kapag tinatawag niya 'ko lagi na baby Lera dahil pakiramdam ko ay sobrang sasabog na sa tuwa ang puso ko.
Pero sa ngayon, kailangan ko sigurong sundin ang mga sinabi sa'kin ni kuya Kristoff na 'wag ako masyadong magpakahulog.
Other books by key_panda
More